Chapter 48

Chapter 48: Love

“Tabi tayo,” bulong ni Jace nang lumabas na kami para mag-dinner.

Inirapan ko siya. “Ayaw ko. Umupo ka sa dulo, ’wag malapit sa akin,” pagtataray ko.

Humalakhak siya at mapanuyang hinawakan ang baywang ko. “Why?”

Hinampas ko siya sa braso. “Nahahalata ka, ano ba!”

Napataas siya ng kilay. “Ano naman? I like it that way.”

Umiling na lang ako sa kalokohan niya.

“Let’s eat, guys!”

Hindi tumabi si Jace sa akin dahil iyon ang utos ko. Ayaw kong kantiyawan kami dahil magkatabi kami kaya ang nasa tabi ko ay si Trisha at Chesca.

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Puno ng tawanan at biruan ang hapag. Kaliwa’t kanan din ang ‘congratulations’ nila para kay Jace.

“Paniguradong inspired ka talaga, hijo...” Nagsimula nang humirit si Lolo.

Magkatapat lang kami ni Jace at nang sumulyap ako sa kaniya ay ngumisi siya sa akin. “Oo nga po, e.” He smirked at me.

Napansin iyon ng mga tao sa hapag kaya halos masamid ako.

Nanunuya naman ang tingin ng mga kaibigan sa akin kaya mas lalo akong nahiya.

“May girlfriend ka na ba, Jace?”

Napalingon ako kay Mama nang tanungin niya iyon. Sumulyap siya sa akin bago kay Jace, naghihintay ng sagot.

“No, Tita. May hinihintay po ako,” tugon naman ni Jace.

Naghiyawan ang mga kaibigan namin.

“Sino naman ’yang hinihintay mo, anak?” si Tita naman, nang-aasar ang boses.

Siniko ako nang bahagya ni Trisha. “Yie.”

Bumuntonghininga ako saka palihim na sinamaan ng tingin si Jace.

Nang matapos ang dinner ay kinuha ko kay Kuya ang itim na paperbag na regalo ko para sa kaniya at ipinagbilin na lang kay Tita dahil nahihiya akong ibigay iyon sa kaniya. Gladly, she agreed.

Naligo na kami sa pool pagkatapos ng isang oras. Naka-swim suit ang mga babae habang topless naman ang mga lalaki. Nagbatuhan ng bola, at nagpaunahan lumangoy. Halos sumakit iyong tiyan ko sa kakatawa sa mga pinaggagawa namin.

“Mahuli pangit!” sigaw ni Archie.

Nagpaunahan silang lumangoy papunta sa dulo samantalang ako ay nagpahinga muna sa sidepool at pinanood na lamang sila.

“Kahit mauna ka, pangit ka pa rin!” sigaw pabalik ni Kent.

“Mga baliw!” tawa ni Trisha.

“Baliw sa ’yo!" tugon ni Sam.

Humagalpak ako sa tawa. Walang hiya, ang cringe. Nagpatuloy pa sila pag-aasaran.

Umihip ang hangin kaya nilamig ako nang husto. Habang pinanonood sila ay hindi ko namalayang nasa malapit na pala si Jace.

Bahagya pa akong napatili nang hawakan niya ako sa binti. He frowned. “You’re cold, get dressed.”

Umiling ako. “Mamaya na, KJ mo naman,” sabi ko at bumaba para magbabad na ulit sa pool.

Isinandal ko ang dalawang siko sa sidepool habang pinagmamasdan sa harap si Jace na nakahalukipkip.

“Ang lamig, but you made it hot,” sabi niya, natatawa.

“Sira ulo ka!”

Lumapit siya nang kaunti kaya napakurap ako. “Uy, layo ka nga...” I don’t like the feeling when he’s near me. Masyadong affected iyong sistema ko.

He twisted his lips and looked at me in amusement. “Damn it... nakakabaliw ka talaga, Victoriane.” Umiling-iling pa siya na tila aliw na aliw sa tanawin— ako iyong tanawin.

Umusli ang ngiti sa aking labi. “Ewan ko sa ’yo para kang naaaning.”

Tumawa siya at tuluyan na ngang lumapit at niyakap ako. Namilog ang mata ko. Hindi ko makita ang paligid para tingnan kong nakatingin ba sila sa amin, pero hindi ko magawa dahil natabunan ako ng katawan niya. It somehow gave me warmth.

His breathing went stable. He planted a kiss on my head. “I miss us,” aniya.

Napalunok ako. Thinking of the past, it felt like there’s nothing happened. We broke up, yes, but it was more like a break... I mean, just a rest for us. Huminto lang saglit kasi iyon iyong gusto kong mangyari noong mga oras na iyon. And now, I could see that he’s doing great without me. Maganda iyon kasi ayaw kong maging dependent siya o masanay na may someone na nariyan para sa kaniya kasi what if dumating iyong oras na nawala iyong person na you always lean on to? E, ’di paano ka na ulit kikilos? Kaya mas better na we grow apart.

By then, wala man ang isa’t isa, we can live.

Nakarinig ako ng mga hiyawan, tili at sipol kaya akma akong kakalas na sa yakap nang mas higpitan niya pa ito.

“I’ll make sure that we end up together because you made me believe that there’s forever.”

Kumalas na siya at nginisihan ako. “And... there’s one more thing.” He smirked. “You’re mine to begin with.”

“MANGANGANAK NA AKO!”

Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ang sigaw na iyon galing sa labas ng aking kuwarto. Wala pa sa sarili ay nagmadali akong tumayo at pupungas pungas na lumabas ng kuwarto.

Kakabukas lang din ng pintuan ni Kuya sa tapat at gaya niya, halatang nabulabog din siya sa ingay na iyon. Antok na antok pa ang itsura niya, dagdagan mo pa ang buhok na magulo.

“Kuya! Manganganak na ako!” sigaw ko na lang sa pagkataranta dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang unang iisipin, gagawin o ano. Bigla akong nablanko.

Naalarma si Kuya sa pagsigaw ko at tila natauhan na nang tuluyan. “What?!”

Naguluhan din ako sa sinabi ko hanggang sa mag-sink in kung bakit nga ba nasa ganito kaming sitwasyon. “Este si Mama!”

Iba talaga kapag bagong gising at wala pa sa sarili. Talagang pati utak mo ay tulog pa.

Tumakbo ako papunta sa kuwarto nila at saktong bumukas iyon, karga na ni Papa si Mama.

“Ready the car, Zirdy!”

Nakarating na kami sa hospital at dinala na si Mama sa labor room. Hindi ko alam kung kakabahan o ngingiti ako saya dahil manganganak na si Mama. This was my first time, siyempre dahil ako naman ang huling ipinanganak at ngayong may bago... sobrang saya.

Nang tuluyan nang sumikat ang araw ay dumating si Lolo. “Ano’ng balita?”

“Nasa loob pa po,” si Kuya.

Mayamaya ay umuwi muna si Kuya dahil inutusan para kumuha ng mga kakailanganin hanggang sa makabalik na ulit siya. Tumawag si Papa na maayos na raw si Mama at nailipat na sa private room.

Dumating din si Kent kaya ang nangyari ay sabay kaming pumasok sa kuwarto at ang natutulog nang mahimbing na si Mama ang una naming napansin. Sumunod ay ang kung anong lalagyan sa gilid niya kung saan naroon ang sanggol.

Hindi ko mapigilang pangiliran ng luha sa sobrang saya lalo na nang tuluyan ko na siyang napagmasdan. She’s so cute kahit hindi pa ganoon kadepina, at mamula-mula pa.

Napasinghap si Kuya sa gilid ko nang dungawin niya ang baby. “God... thank you for bringing me another princess to take care of,” he murmured.

Nakagat ko ang labi para pigilan ang sariling maging emosyonal. Nakakainis naman si Kuya masyadong sweet.

“Welcome to world, our baby!” I exclaimed.

“What’s her name, Tito?”tanong ni Kent, nangingiti habang tinitingnan ang baby.

“We named her Zairen Arianndy.”

***

“Oh, my gosh! Hindi ko talaga akalain na ga-graduate na tayo! Ang bilis ng panahon!” naghihisteryang ani Trisha.

"Akalain mo ’yon parang kahapon lang magkaaway pa tayo tapos bukas sabay-sabay tayong nakangiting ga-graduate!” si Chesca naman.

Ngumiti ako. “Totoo!”

No one can explain how happy I am with my life right now. We have Andy, at bukas graduate na kami ng high school. Nakakapagod minsan, pero worth it sobra.

Masasabi ko talaga na suwerte ako. May mga oras na parang gusto ko nang sumuko dahil sa sunud-sunod na problema. Na tipong pakiramdam ko ay sobra akong nagkasala kaya ganoon na lang akong parusahan ng mundo.

Ang hindi natin alam ay hindi naman talaga tungkol lang sa kasiyahan ang buhay. Makakaranas ka talaga ng lungkot, lumbay, at sakit. Kailangan mo lang talaga maging malakas para malagpasan lahat ng problema na nararanasan. May pamilya, mga kaibigan tayo na nariyan kung pakiramdam natin na hindi natin kaya, nariyan sila para tulungan at pagaanin ang ating loob, sa lahat ng laban ay nariyan sila para ipagdiriwang ang pagkapanalo at damayan ka kung ikaw ay talo.

Hindi ko rin akalain na ang dati mong kaaway ay puwede mong maging matalik na kaibigan. Kailangan mong matutong magpatawad ng kapwa para mawala rin ang bigat sa puso natin, hindi tayo mabubuhay nang masaya kung may hinanakit tayo sa tao.

Laging magpakumbaba hangga’t kaya, hindi mo kailangang patulan lahat dahil minsan ikaw ang nagiging masama sa harap ng iba. Kaya dapat stay unbothered and care less.

“Mag-stargazing kaya tayo after graduation!” Pumalakpak si Trisha sa ideyang iyon.

“Sure!”

“May alam ako sa Tanay, Rizal! Paalam muna tayo!” sabi Chesca.

Nang nag gabi ay pinag-usapan namin sa hapag ang graduation na magaganap kinabukasan.

“It will be a big celebration for them, Roen,” ani Lolo.

Pinag-uusapan kasi nila ang mangyayari after graduation. Dahil tatlo kaming ga-graduate ay naghahanda sila sa handaang magaganap, since si Lolo ang may-ari ng eskwelahan ay maraming bagay ang inihahanda.

“Yes, Pa. Talagang big celebration ito, mga bigatin.” Humalakhak si Papa sabay sulyap sa aming tatlo.

Si Kent at Kuya ay nasa magkabilang gilid ko. Ngumisi si Kent, madalas kasing wala si Tito kaya rito siya namamalagi. Mukhang bisi-bisita na nga lang ang ginagawa niya kapag pupunta sa bahay nila. Mag-isa lang siya roon kaya lagi siyang narito.

Tumikhim si Kuya. He clicked his neck and looked at us confidently.

Ang yabang talaga nito! Talagang inaasahan niya nang siya ang makakakuha ng highest kumpara kay Kent.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok ako sa kitchen para kumuha ng gatas dahil kailangan kong makatulog agad ngayon dahil importanteng araw ang magaganap kinabukasan.

Nga lang, naabutan ko si Kuya at Kent na nakaupo sa high chair at napansin ko ang mga lalagyan ng Yakult sa countertop.

“Ano ’yan?!” asik ko, kumuha ng baso sa cupboard at sinalinan iyon ng gatas.

Napansin ko ang itsura ng dalawa, mukhang hindi sila nakikipagbiruan at mukhang seryoso.

“What’s with the atmosphere?” maingat ko na na tanong.

“We’re just talking about something,” sagot ni Kent.

Ngumisi si Kuya. “Long-time crush niya na si Allison.” Napawi lang iyon nang sinamaan siya ng tingin ni Kent.

Namilog ang mata ko, and they knew it got my attention lalo na nang tuluyan na akong maupo sa tapat nila, anticipating for more details. “Seryoso ba? Sino? Aba, kayong dalawa, ah! Secretive!”

Si Kuya, tinatago o palihim na nakikipagkita kay Audrey tapos ngayon malalaman ko na mukhang problematic yata si Kent kay Allison. Napangisi ako, nakakakilig naman.

Na-curious tuloy ako kung anong klaseng boyfriend si Kent, ideal naman siya, at masasabi kong swerte ang babae dahil gwapo, matalino na nga mabait pa ang pinsan ko. Ganoon din si Kuya. Seryoso, matured, mabait, matalino, guwapo— lahat na yata nasa kanilang dalawa. I just hope they would treat their girls the way they deserve it. Sana hindi nila saktan.

Akmang aalis si Kent nang pinigilan ko siya gamit ang kamay. “Teka lang! Nag-uusap pa tayo, ah!”

Ngumuso naman siya at bumalik sa kinauupuan.

“So, ano nga ba ang problema?” usisa ko.

Madrama siyang bumuntong hininga. Mukhang malaki ang pinagdadaanan nitong pinsan ko.

“I saw her...”

Tumango ako. Normal talagang magkita kayo, e, nasa iisang lugar na lang kayo ngayon.

“And?”

“That’s all... nevermind. Let’s sleep, graduation na bukas.” Iniligpit niya ang mga kalat at dumiretso sa trash can.

Napanguso ako, gusto pa sana ng story-telling pero ayaw ko namang mamilit.

“Good night!”

Kaming dalawa na lang ni Kuya ang natitira, nagkatinginan kami.

Napangisi ako sa kaniya. Puwes, ikaw naman ang gigisahin ko ngayon.

“Kumusta na kayo ni Audrey?”

Halos mabuwal siya sa puwesto niya dahil sa tanong ko. Humalakhak ako, knowing na ganoon ang epekto ng pangalan ni Audrey sa kaniya.

“Pumapag-ibig,” tukso ko.

Sumimangot siya kaagad. “Dami mong alam, matulog ka na nga,” supladong aniya, halatang binabago ang usapan.

Umirap ako. “Hindi ko na siya nakikita, sana okay lang siya, ’no?” Ngumuso ako. Noong bakasyon, dito nanatili si Audrey sa Rizal—pinsan niya kasi si Archie— ngunit simula noon ay hindi ko na siya nakikita. Baka nga umuwi na sa Makati, kung saan talaga siya nakatira.

Bago ako makatulog ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Jace. Maayos na kami, label na lang ulit ang kulang.

Jace: Congratulations in advance, Victoriane. You did great with or without me. I’m afraid you can go on with your life without me—I mean, it’s good but it tells me I’m useless because you won’t need me for you can be independent. :'( I love you still, I hope we’re meant to each other. I badly wanna be your soulmate.

Napangiti ako at niyakap nang mahigpit ang unan ko. Kainis naman ’to, matutulog na nga ako ay pinapakilig pa ako.

Ako: Gusto ko rin ahahaha. Thank you, Jace. Let’s normalize not being dependent on each other. I mean, we can love each other and sometimes be dependent. We can lean on each other’s shoulders. Basta, I love you rin, hihi.

Jace: :'( I love you even more, miss. Sleep tight, mamahalin pa kita bukas hahaha #smitten

Ako: Ako mamahalin kita sa araw-araw, ’di naman nagbago ikaw pa rin! hahaha #ikawlangsapatna :P

Jace: Hahahaha! Stop it or I’ll call now, you’re awaking my senses. :(

Ako: Tse, ’di pa kaya tayo! Bawal mag-call! Love you, bye! Night, Jace! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top