Chapter 47
Chapter 47: Miss
Ilang buwan na ulit ang nakalipas, last year na namin ng high school at college na kami next year.
Kami-kami pa rin naman ang magka-kaklase, walang pinagbago maliban lang sa nag-transfer na si Gio at Sandra. Hindi ko alam ang rason dahil mukhang personal kaya nanahimik na lang din kami.
“Uy, si Kent...” Napalingon ako kay Chesca, inaasar niya na naman si Kent.
Iritado naman siyang inirapan ni Kent saka nagpatiunang maglakad.
Iniangkla ni Chesca ang braso sa akin. “Pero seryoso ba? May something sila noong babae?” usisa niya habang pinanonood si Kent na maglakad.
Natawa ako. “Parang ganoon. Pinakilala pa naman akong girlfriend, malamang pinagseselos or baka may gustong itago.” Nagkibit balikat ako.
Galing kasi kaming mall, at habang nag-iikot kami ay sinama ko si Kent sa Watsons. Nagulat na lang ako kasi bigla niya akong pinakilala bilang girlfriend doon sa babaeng may pangalang Allison.
At doon ko naalala na nabanggit na iyon ni Kuya! Gusto ko pang mang-usisa kaso baka magalit si Kent kaya hindi ko na lang ginawa, nga lang naikalat ko kay Chesca.
Gabi nang nakatanggap ako ng mensahe galing kay Sam.
Samiel: Punta raw kayo rito bukas to celebrate Kuya’s achievement. Btw, won’t you congratulate him for being a Dean’s lister? LOL.
Ako: Oh! Send my congratulations to him : )
Hindi ako nagpahalata na natuwa ako. Malaki ang ngisi ko sa nabasa, and I’m so proud of him of course!
Ni-delete ko ang number niya kaya hindi ko siya mai-text, binuksan ko na lang ang aking Instagram to congratulate him online.
Hindi pa ako nakaka-scroll ay bumungad na kaagad ang post niya. Sa kanilang magkakaibigan si Jace talaga ang pinaka-active sa social media.
Nag-post siya ng picture niya na may hawak na certificate kasama ang isang lalaki, mukhang iyon ang dean nila.
@jacebryan: Thank you for this achievement, G!
Napangiti ako.
I commented.
@anellavic: Congratulations <3
Ini-stalk ko ang kaniyang account at napaawang ang labi nang napansing nandoon pa rin ang mga pictures ko at kaniya sa highlights.
Pinindot ko ang highlight na may nakalagay na ‘love’. Hindi ko mapigilang pangiliran ng luha nang nakita ang mga pictures namin doon simula pa lang.
May mga stolen shots pa ako roon na ngayon ko lang nakita, so he really pays attention to me, huh? Hindi ko alam na kinukunan niya pala ako ng mga picture. Isa pa, hindi ko naman madalas bisitahin ang socmed accounts niya kaya nagulat ako na naroon pa rin sa highlights ang photos namin.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto, bumukas iyon at pumasok si Mama.
Napabangon ako. “Ma?”
Ngumiti siya at may dala-dalang baso ng gatas. Noong nakaraan ay sinamahan namin siyang magpa-ultra sound at ani ng doktor ay babae raw ang baby.
Nag-aasaran pa kami ni Kuya noon dahil nag-aaway kami sa pangalan, ang sabi ko ako ang masusunod dahil ako ang kapatid niya, walang nanalo sa amin dahil si Mama at Papa ang magbibigay ng pangalan.
“I have a news for you, but I assume you already knew it?” bungad niya at ibinigay sa akin ang gatas, ininuman ko muna iyon bago inilapag sa sidetable.
Umurong ako para makaupo siya.
“Ano po?”
“Your boyfriend is the first rank on Dean’s list—”
“Ma! He’s not my boyfriend!” iritado kong putol.
Ngumiwi si Mama.
Nang sinabi kong wala na kami ni Jace ay ayaw maniwala ni Mama at lagi pa akong inaasar, pero nang si Tita Lyn mismo ang nagsabi ay naniwala siya at hindi na ako inaasar. Hindi na rin naman siya nagtanong kung bakit, sinabi niya lang sa akin na iyon ang sabi ni Tita, pero ngayon bumabalik na naman ang pagiging mapang-asar niya.
“Oh, e, ’di future boyfriend!”
Sumimangot ako.
“Whatever! Opo, alam ko! Eh, ano naman?” pagmamaang-maangan ko, pero sobra talaga akong proud sa kaniya.
“Hindi mo ba alam na gusto niyang ma-proud ka sa kaniya? You should give him a reward! Give your another yes to him!”
“And what would be the question?”
“Will you be my girlfriend, malamang! ’Wag muna kayo magpakasal at mag-aral muna kayo, ’no?”
“Mama naman, iyan lang ba pinunta mo rito? Magpahinga ka na po! At saka hindi ko alam ang ibibigay —”
“I have an idea! Give him a congratulatory gift! Alam ko magugustuhan niya ang bigay mo kahit ruler pa ’yan!”
Napaisip ako sa sinabi niya.
Kinabukasan ay Sabado at gabi gaganapin ang celebration na isasabay na lang sa dinner dahil busy sina Tita kapag umaga. Ayaw ko ngang pumunta dahil magiging awkward, pero ang selfish naman kung hindi ako pupunta lalo na’t celebration iyon sa achievement niya.
“So, pupunta ka ba sa bahay ni ex?”
Sinamaan ko ng tingin si Kuya nang banggitin niya iyon sa hapag kinabukasan.
“Zirdy, manahimik ka nga! Ex ex ka riyan, magbabalikan pa sila!” saway ni Mama sa kaniya, naiirita kay Kuya.
“Sorry na nga.”
“Pero biruin mo, ah? First rank, sobrang nakakamangha iyon,” si Lolo.
“For sure inspired ’yon, Pa,” sambit naman ni Papa.
Sinulyapan ako ni Lolo. “Siguro nga...”
Nang naghapon pumunta ako mag-isa sa mall dahil nakinig ako sa sinabi ni Mama kagabi, wala akong ideya kung ano talaga ibibigay ko kaya maghahanap na lang ako.
Napadaan ako sa Starbucks kaya bumili muna ako ng frappe habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko ay may napamilyaran ako sa bandang gilid na table.
“Ariane!” pagtawag sa pangalan ko noong nasa counter.
Walang gana ko iyong kinuha. Sumulyap ulit ako sa puwesto kanina at nakita kong tumayo na si Jace at mukhang papaalis na kaya dali-dali akong lumabas para sana hindi niya makita pero ang malas lang talaga dahil may nakabunggo pa ako paglabas.
Ganoon rin ang paghinga ko nang maluwag nang hindi naman siya natapunan.
“Sorry —” Natigil ako nang pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Shawn!
“Hey, Angelic face. What’s up?”
Hindi ko pa siya nasasagot ay napansin kong papalapit na sa exit si Jace kaya hinila ko na lang si Shawn sa hindi ko alam na dahilan papalabas.
Hindi ko pa kayang magpakita! Mamaya na lang!
Naguguluhan siya pero nagpatianod pa rin. Nang medyo nasa malayo-layo na kami ay hinarap ko siya, hinihingal.
“Sorry, may tinataguan kasi —”
“Ah, si Jace? Sakto ring magkikita kami ngayon —” pinutol ko siya.
“Magkikita kayo?” nalilito kong tanong.
“Yes, ikaw ano ginagawa mo rito? E, ’di ba wala na pala kayo...” Nagtaas siya ng kilay.
Nag-iwas ako ng tingin.
“Angelic face... stalker ka, ’no?”
Nanlaki ang mata ko at hinampas siya nang pabiro. “Sira! Hindi ’no, may bibilhin lang ako. Mauna na ako, bye!” Siniko ko siya nang mahina bago naglakad papalayo.
Pumasok ako sa book store baka sakaling may makita ako na puwedeng ibigay sa kaniya. Napadpad ako sa station ng mga ballpen at may nakakuha ng atensyon ko.
Tiningnan ko ang parihabang kahon na gawa sa kawayan nang binuksan ko iyon ay may itim na ballpen akong nakita, hindi lang ordinaryong ballpen, mukhang pangmayaman.
Pinagmamasdan ko ang itsura noon, una akala mo talaga parehas lang gaya ng iba, pero ito mukhang mas maganda ang pansulat, at nakitang may nakaukit sa ballpen! Engineer. At ang sunod no’n ay blangko at mukhang lalagyan pa ng pangalan!
Tumingin pa ako at iba’t ibang profession ang mga nakita ko. May doctor, attorney, professor, architect at ano-ano pa. Nasa 500 lang ang price kaya kinuha ko na at papalagyan ko na lang ng pangalan.
Nagtanong ako sa salesman pagkatapos binayaran ay siya mismo ang kumuha sa binili ko, sinabi ko rin ang pangalan na ilalagay.
“Bali, Engineer Prama po ang ilalagay rito, Ma’am?”
“Opo,” sagot ko. Tumango siya at umalis muna.
Umupo ako sa waiting area sa gilid, nangingiti tuloy ako kapag narinig ko ang Engineer Prama. I want him to be one, and I know he will become.
Isang oras yata akong naghintay at naubos na lang ang frappe ko nang dumating ang salesman.
“Okay na, Ma’am. Thank you.” Binigay niya sa akin at nakalagay na iyon sa maliit at itim na bag.
“Kuya, hawakan mo muna ’to...” Kinalabit ko si Kuya para ipahawak iyong regalong binili ko kanina habang papalapit na kami sa bahay nila.
“Ibigay mo na kaagad kay Jace, hiya-hiya ka pa para namang hindi naging kayo.”
“Kuya naman! Dali na kasi,” pagmamaktol ko, kinuha naman niya iyon at hindi na nakipag-away.
Nang nakarating kami roon ay iginiya kami ni Manang sa loob at kaagad kaming binati ni Tita Lyn.
“Good evening po!” bati namin ni Kuya. Nang makapasok na kami sa main door ay dumiretso naman kami papalabas; doon sa pool area nila.
Namangha tuloy ako dahil sa gilid ng pool ang handaan nilagay, maganda ang lights nila, at iisipin ko rin na pool party ito dahil maraming bola ang lumulutang sa tubig at mga salbabida.
Nandoon sa kabilang lamesa sina Chesca, Trisha, Kent, at Kuya. Hindi ko pa nakikita si Sam at Jace.
“May dala kang damit, hija?” tanong ni Tita sa gilid ko.
“Hindi ko po alam na pool party ito, Tita! Sana pala ay nagdala ako ng damit,” nanghihinayang tugon ko.
“Biglaan din kasi ang pag-suggest ni Samiel, ’wag ka mag-alala may mga extra akong swimsuit doon sa taas, ikaw lang pala ang hindi na-ready, ang mga kaibigan mo may mga dala! Oh, yan na pala sina Auren, hija. Manang! Pakisamahan mo nga itong si Ariane sa guest room...” Tinawag niya si Manang bago lumingon sa akin.
“Pumili ka roon, kahit ano. Asikasuhin ko muna ang magulang mo, sige na.” Ngumiti si Tita at bahagya akong itinulak papalapit kay Manang.
“Favorite ka talaga ni Ma’am, hija. Minsan naririnig ko siya na bukambibig ka sa panganay na anak!” pagkukuwento niya habang paakyat kami sa hagdan.
Ngumiti na lang ako, nahihiya.
“Maganda ka at tingin ko’y...” Pinagmasdan niya ako. “Mabait!”
Natawa ako, pero kaagad akong napaaray nang natapilok. Katangahan nga naman nakasapatos na, natapilok pa.
“Hala, hija! Ba’t ka natapilok?”
Katangahan po kasi.
Sumandal na lang muna ako sa barandilya para i-check ang paa.
“Hala, gamutin natin kaagad baka mapaano!”
“Okay lang po.”
Magsasalita ulit sana si Manang nang may narinig kaming pamilyar na boses.
“What happened to her, Manang?”
“Naku, hijo! Natapilok ang nobya mo!”
I cleared my throat.
Nagpapalit-palit ng tingin si Manang sa amin bago ngumisi nang nakakaloko. “Hiwalay na nga pala kayo,” bulong-bulungan niya at hinarap si Jace na nasa bandang itaas pa. “Pakitulungan, hijo. Mukhang na-damage ang paa.”
Nangunot ang aking noo. Natapilok lang, damage agad? Natawa ako nang bahagya, pero napawi iyon nang matantong ipinapaubaya niya ako kay Jace.
“Sige, Manang ako na bahala sa kaniya,” si Jace na nasa malapit agad. Aapila sana ako pero hinawakan niya na ang aking braso.
“Ang bilin ng mama mo ay dalhin siya sa guest room para makapili ng susuotin dahil walang dala...”
Tumango lang si Jace at iginiya ako paakyat. Lumayo ako sa kaniya nang naramdamang wala nang sakit. “Okay lang ako.”
“I don’t think so,” matamang aniya at halos akbayan na ako para suportahan sa paglalakad kuno.
“I said, I’m fine!” singhal ko at lumayo sa kaniya. Nagpatiuna ako sa paglalakad, ngunit napahinto rin nang hindi alam kung saang direksyon papunta.
I heard him chuckle at my back.
“This way, Miss...”
Iminuwestra niya ang daan pakaliwa at huminto sa pintuan ng isang kuwarto, binuksan niya iyon at nauna na akong pumasok.
Nagtaas naman ako ng kilay nang nakita ang loob.
Guestroom ba ’to? Plain white, black, at dark blue ang mga gamit at walls sa loob may malaking kama sa gitna na may puting unan at kumot, sa gilid ay may pinto na siguro ay walk-in closet, sa kabila ay glass door na mukhang bathroom yata?
“Ganda naman ng guest room ninyo,” puri ko. Lumapit ako sa sidetable nang may nakitang picture frame. My heart almost jumped when I recognized who it was.
It’s me and Jace! “What...”
“You’re in my room,” aniya sa likod ko kaya hinarap ko siya.
“Ba’t dito mo ako dinala?”
Nagmartsa ako papunta sa pintuan para sana makalabas nang hinigit niya ako sa baywang at inilapit sa kaniya. Kaagad ko namang nalayo nang bahagya ang mukha dahil sa sobrang lapit namin.
“Let’s talk before we head downstairs,” he said coldly.
Umirap ako.
“Ang taray mo talaga, sarap mong halikan,” malambing niyang wika, at hinila ako para paupuin sa gilid ng kama.
“Won’t you congratulate me?” Tumabi siya sa akin at dumikit pa. Umurong ako para mapalayo sa kaniya.
Ngumuso ako. “I congratulated you last night!”
“Well, online iyon. I want it personal. Like, right now.”
“E, ’di, congratulations,” sabi ko naman sabay iwas ng tingin.
“Look at me,” utos niya at hindi na nag-antay nang iniangat niya ang aking baba para magkasalubong ang aming tingin.
He tilted his head, waiting for me to speak.
“Congrats, Jace... I am proud of you,” mahinang wika ko.
I’m really proud, achievement pa lang iyan paano na lang kung naging successful na siya? I think I would be the proudest when it happens.
“Did I make you proud?” masuyong kibot ng labi niya.
“Yes... sobra.”
“Good. I just want to make you proud in every achievement I get. You are always my inspiration and motivation to succeed.” Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti. He leaned closer and brushed his nose on my cheek. I breathed.
“Did you miss me?” bulong niya.
Tumango ako.
“Say it.”
“I missed you.”
His eyes twinkled. Kumunot pa ang noo niya tila tinatantiya ang reaksyon ko. Natawa ako at mahina siyang hinampas sa balikat. “Totoo nga.”
“Hmm, am I allowed to kiss you then?”
“Kiss? Bakit? Sabi ko lang naman na na-miss kita, ano’ng connect...”
“I miss kissing you, that’s why.”
Nagkatitigan kami.
I looked at his lips and sighed. “Saglitan lang, ah?” Ako na mismo ang lumapit sa kaniya at dinampian siya nang mababaw na halik sa labi. Pagkatapos ay lumayo na ako at tiningnan siya.
He licked his lower lip. “Isa pa, nakakabitin naman iyon,” mahinang aniya.
E, siyempre parang gusto ko rin kaya sinunod ko na siya. Dinampian ko ulit siya ng mababaw na halik sa labi, but this time medyo nagtagal ang paglapat ng mga labi namin. My stomach churned.
We looked at each other again. He then cupped my face and initiated the kiss. Naestatwa ako dahil sa ginawa niya ngunit nang mag-sink in sa akin ay sumabay na ako sa agos.
“I wonder if you kissed other guy in the past months...” he whispered in between our kisses.
Napahawakan ako sa balikat niya. “No,” I murmured as I felt the buzzing sensation in me.
Bago pa kami mahuli ay bumaba na kami. Sabay kaming bumaba ng hagdan at pilit akong umiiwas sa kaniya dahil baka ma-weird-uhan ang mga kasama namin.
“Why? Don’t you want us to be together?” bulong niya nang halos sikuhin ko siya nang may dumaang katulong.
“It’s not like that, okay? Let’s take this slow,” ganti ko.
He sighed and nodded. “Okay.”
Magsasalita pa sana ako kaso hinalikan niya na naman ako sa labi. Muntikan ko pa siyang masampal nang makita si Archie na kapapasok lang.
Namilog ang mata niya habang ako’y gusto na lang lamunin ng lupa.
“Yuck, live porn!” pahayag niya at halos mamula ako sa kahihiyan.
I glared at Jace. “Will you please control yourself?”
He smirked. “Roger that, babe.”
Kung si Jace napagsabihan ko na, si Archie naman ay hindi. Gusto ko siyang pagsasapak-sapakin nang magparinig siya nang nasa labas na kami kung saan ang mga kasama.
“Mga ’tol, may tanong ako,” si Archie sabay kuha ng atensyon ng mga kaibigan namin.
Nagkatinginan kami ni Jace na nasa tabi ni Kent. He smirked while I frowned.
“Kapag ba mag-ex, puwede pa maghalikan?”
Halos masamid ako sa sariling laway dahil sa tanong na iyon lalo na nang sulyapan ako ni Archie.
“Puwede naman,” komento ni Jace sabay sulyap din sa akin.
Buwisit. Nabasa yata ng mga kasamahan namin iyong pahayag ni Jace lalo na noong tingnan ako nila ng may suspicious at amusement sa mukha.
“Ah... nga pala, Manong.” Ngumisi si Archie. “Pula ng labi natin, ah? Gumagamit ka ba ng lipstick o liptint?”
Jace shrugged and leaned on the chair. “Natural lang ito,” natatawang sabi niya.
Tumawa si Trisha. “Ah, made by Ariane.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top