Chapter 46

Chapter 46: Pull

“Ariane, can you give this to your Tita Angelyn?” ani Mama sabay lahad ng isang kahon sa akin.

“Ano ’to, Ma?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ko alam basta gamit niya ’yan. Nagkita kami noong isang araw tapos naiwan niya at sinabing ipahatid ko na lang daw sa ’yo.” Saka siya nag-iwas ng tingin.

Tiningnan ko ulit ang box at inalog iyon saglit. Magaan lang at tila walang laman, gusto ko man buksan ay naka-tape na.

“Bakit ako, Ma? Si Kuya?” Siyempre, sino ang hindi tatanggi, e, mama iyon ni Jace tapos... paano kapag nagkita kami? Nakakahiya pa naman noong last naming pagkikita!

“Busy ang kuya mo. Bakit hindi na lang ikaw, tutal wala ka namang gagawin, ah?” Nangapa siya ng sasabihin pero kalaunan ay humawak sa tiyan at uminda. “Saka... sumasakit ang tiyan ko!”

Kaagad akong nataranta na lumapit at hinawakan ang tiyan niya.

“Okay ka lang, Ma? Papa-check-up ba tayo?”

“No, okay lang ako. Basta ihatid mo ’yan kay Angelyn, Ariane!” Pinikit niya pa ang isang mata.

“Opo, opo! Sure ka ba na okay ka lang?”

“Magbihis ka na at baka hindi mo siya maabutan doon sa bahay nila aalis pa naman ’yon!” aniya, ignoring my question.

“Aalis naman pala siya... e, ’di bukas na lang po?”

Nagkasalubong ang kilay niya nang binalingan ako. “What?! Hindi puwede, anak! Dalian mo na dahil importante iyan!”

Bumuntonghininga ako. “Fine.”

Naligo ako at nagbihis ng itim na chiffon dress, medyo humaba na ang aking buhok kaya itinali ko ng pa-bun bago lumabas.

Dala-dala ko ang kahon na kasing laki ng sa sapatos na ang gaan-gaan talaga na tila walang laman.

Napaismid ako.

“Ma! Alis na ako —saan ka pupunta?”

Naabutan ko si Mama na pasayaw-sayaw sa baba at ngayon ay naka-dress na. Huminto siya at kinawayan ako.

“Dito lang. Bakit bawal na ba akong magbihis nang maganda?”

Umiling ako. “Hindi naman. Aalis na ako, Ma. Take care.” Hinalikan ko ang kaniyang pisngi bago lumisan.

“Good luck!” Dinig kong pahabol niya.

Huminto ako sa harap ng malaking gate nang makarating ako sa subdivision kung saan nakatira sina Sam. Bababa na sana ako nang may lumapit na matanda sa akin. Ibinaba ko ang bintana ng driver’s seat para makausap ito nang maayos.

“Hija, ang bilin ni Angelyn ay kapag nakarating kayo ay pumasok kayo sa loob ng bahay.”

Nangunot ang aking noo. “Ah, Manang, saglit lang po kasi ako —”

“Pasensiya na ngunit iyon ang bilin,” sabi niya at umalis na.

Bumuga ako ng hangin. “Fine.”

Hawak ang kahon ay iginiya niya ako sa bukana, at nang nakapasok na ako ay kaagad akong sinalubong ni Tita Lyn ng yakap.

“Oh, my goodness! You’re here, finally! Akala ko ay hindi ka na bibisita rito, Ariane!” pahisteryang saad niya.

Kinain tuloy ako ng guilt, noong mga nakaraang linggo kasi ay ilang beses akong inimbitahan ni Tita Lyn kaso ay nahihiya ako at iniiwasan ko rin na makita si Jace ulit.

“Sorry po talaga, Tita. Alam mo namang...” Nahihiya ako sa anak ninyong magpakita.

“’Sus! Matagal na ’yon! Bakit... hindi ka pa ba nakapag-move on?” Humina ang boses niya sa pangalawang sinabi ngunit may ngiti sa labi.

“Ah, eh, hindi ko po alam...” Tumikhin ako at inilahad na lang sa kaniya ang kahon na ipinabibigay ni Mama.

Tinanggap niya iyon nang may pagtataka. “Hmm, what’s this, hija?”

“Ah! Pinabibigay po ’yan ni Mama, ang sabi ay inyo raw iyan kaya ipinahatid sa akin —”

“Sa akin?” Her brows furrowed in confusion. Tumingin siya sa akin na tila nag-iisip. Mayamaya ay nasapo niya ang noo at hilaw na ngumiti. “Ay, oo pala! Ito t-talagang si Auren! Ang sabi ko naman ay kukunin ko lang sa inyo, ipinahatid pa talaga s-sayo!”

“Huh? Eh, ang sabi... gusto mo raw po ako ang maghatid...” nalilito kong sabi.

Nakagat ni Tita ang labi. “Nakalimutan ko, pero salamat. Kumain muna tayo, hija.” Hinawakan niya ang aking braso para sana hilain ngunit nanatili ako kinatatayuan.

“Okay lang po, Tita. Inihatid ko lang naman po iyan...”

“Sige na, hija. Ang tagal na nating hindi nag-uusap, I missed you! Ako bahala sa kay Auren pinagpaalam naman kita roon!”

Tumango na lang ako.

6 PM na ng gabi kaya medyo madilim na rin sa labas nang nakarating ako, umupo ako sa upuan sa dining table nila.

Marami ang pagkain at iba-iba ang putahe, pakiramdam ko tuloy ay nagutom na naman ako.

“Tita, saan po sina Tito?”

Nagtataka kasi ako dahil ako lang ang tao rito at si Tita tapos maraming pagkain.

“Busy ang tito mo sa trabaho ngayon, hintayin na lang natin silang bumaba,” makahulugang aniya habang inaayos ang kubyertos.

Sila?

Bumilis ang pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Magsasalita pa sana ako para magtanong ngunit may nauna na sa akin.

“Oh! Ella, long time no see! Ganda pa rin natin, ah?”

Lumawak ang ngiti ko nang makita siya pero unti-unti ring napawi iyon nang makitang may kasunod pa siyang pumasok ng dining.

Jace.

Namilog ang mata ko at tila nag-ugat sa puwesto, ganoon din siya... halatang gulat na makita ako rito. Nang makabawi ay sabay pa kaming nag-iwas ng tingin.

Hindi nakatakas sa akin ang nakikiusyusong tingin ng mama niya nang maupo ulit ako nang maayos.

May nagbago sa kaniya. Hindi na masyadong mahaba ang kaniyang buhok dahil halatang nagpagupit siya, which is... mas lalo siyang attractive tingnan!

Umupo si Sam sa aking tabi at hindi ko alam kung sinadya niya bang umupo sa harap ko mismo!

Pumalakpak si Tita at tumabi kay Jace. “Kainan na!”

Ang awkward ng atmosphere dahil tahimik lang kami. Napatingin ako sa kaniya at nang napansing nakatingin din pala siya ay kaagad kong ibinaling ang tingin sa pagkain.

“You like this?” si Sam sabay pakita noong chicken curry.

Tumango ako at akmang kukuha noon ngunit inunahan niya na ako at nilagyan ang plato ko. Saglit siyang sumulyap sa harap bago ngumisi sa akin.

“Nakabulagta na siguro ako ngayon kung nakamamatay lang ang tingin,” bulong niya sabay baling ng atensyon sa pagkain.

Tumikhim ako at hindi na sinubukang mag-angat ng tingin lalo na’t pakiramdam ko ay natutusok ako sa talim ng tingin niya.

“Thank you, Victoriane for coming. Na-miss talaga kita, hija!” basag ni Tita sa katahimikan, pinagdiinan ang aking pangalan.

Nag-angat tuloy ako ng tingin at magsasalita sana kaso nahagip ng tingin ko si Jace na nagsalita.

“Don’t call her that, Ma,” ani Jace.

Nag-iwas ulit ako ng tingin dahil sa anong naramdaman.

“Saan ka ba nang mga nakaraang araw, Ella? Magkasama ba kayo ni Shawn?” si Sam naman ngayon.

Kumunot ang aking noo nang napabaling kay Sam. “Noong nakaraan...” mahinang tugon ko.

“Something going on between you two?” usisa pa niya, patukoy kay Shawn.

“Wala, ah!”

“Will you shut up, Samiel?” singit ni Jace.

Mayamaya pa ay nakarinig kami ng malakas na bagsak ng ulan sa labas.

“Umuulan!” Tila gusto pang sumayaw ni Tita sa saya ngayong umulan. “Oh 7#0 my! Paano na ’yan, hija? Dito ka muna hanggang sa tumila ang ulan, ’wag ka munang umuwi dahil delikado sa daan!”

Ano pa bang magagawa ko? “Sige po...”

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Sam na aakyat kaya mabilis akong pumrotesta.

“Dito ka muna, Sam!” mariin kong wika.

Napabaling naman siya sa akin bago kay Jace. Napatingin din tuloy ako na tamad lang kaming pinanonood.

Hindi ba siya nahihiyang nanonood?

“Hindi pwede, Ella. Baka nag-online na si Tri — I mean, a-ano...” Napakamot siya ng ulo.

Natigilan ako.

“Trisha?” Natutop ko ang bibig bago siya hinampas nang mahina sa braso, not minding my ex watching us. “Grabe, level up! Oh, sige! Umakyat ka na roon! Send my regards to her!” Ako pa mismo ang tumulak sa kaniya papalabas.

I smirked when I succeeded, pero nang maalalang kami na lang pala ang naiwan sa area na ito dahil umalis saglit ang mama nila ay napanis ang ngiti ko lalo na nang marinig ko siyang magsalita.

“You really like pushing people away, huh?”

Para akong robot na dahan-dahang pumihit para maharap siya. Uminom muna siya ng tubig sa baso bago ulit itinuon sa akin ang atensyon, taas ang kilay.

“What do you... mean?” mahinang tanong ko, napalunok.

Napalunok ulit ako lalo na nang tumayo siya! Gusto kong umatras kaso baka mahalata niya kaya nanatili ako sa kinatatayuan hanggang sa nasa harap ko na siya.

The side of his lips rose. “Ang ganda mo,” sabi niya sabay pasada sa suot ko.

Pinamulahan ako ng pisngi saka nag-iwas ng tingin. “Alam ko.”

He chuckled. “I missed you.”

Natahimik naman ako, gustong sumagot ngunit pinipigilan ang sarili.

“Are you doing fine, Victoriane?” pag-iiba niya ng usapan. Ngayon ay sumandal siya sa lamesa, nakahalukipkip at tagilid ang ulong hinihintay akong sumagot.

Suminghap ako at matapang siyang tinitigan sa mata. “Oo naman... ikaw?”

He licked his lower lip. “Never been this fine.” Nilabanan niya rin ang titig ko.

Dahil hindi ko na alam ang sasabihin ay nakita ko ang isang katulong na may bitbit kaya nilagpasan ko na si Jace.

“Uhm! Tulungan ko na po kayo!”

“Ay, ’wag na po okay lang!”

Hindi ko siya pinakinggan at niligpit na lang din ang ibang putahe sa lalagyan. Hindi ko na ulit sinulyapan si Jace at sumunod na lang sa babae sa kitchen.

Inilagay ko muna sa countertop ang dala-dala nang nagsalita iyon. “Ma’am, sino kanila Sam at Sir Jace ang boyfriend mo?”

Natawa ako. “Ate, wala po —”

“Weh? Pero bagay kayo ni Sir Sam! E, ’di ba classmate mo rin siya —”

“Ate, ’wag mo na siyang ipares sa iba dahil sa akin lang iyan babagay,” putol ni Jace, inilapag niya ang basong dala sa sink at humarap sa akin.

He smirked. “Let’s go,” sabi niya at hinapit ako sa baywang para hilain.

Namilog ang mata ko at kaagad lumayo sa kaniya dahil sa elektrisidad na naramdaman sa katawan.

Pasimple namang umalis ang babae sa kusina kaya kami na ulit ang naiwan. Ano ba ’yan!

“Ano ba...” Imbes na iritado iyon ay naging malumanay pa.

Lalo siyang ngumisi sa aking reaksiyon kaya lumapit pa siya sa akin na kinaatras ko naman.Tumaas ang kaniyang kilay. Iniangat niya ang aking mukha at iniharap sa kaniya para magkasalubong ang aming tingin.

Sa sobrang lapit na ng mukha namin ay isang maling galaw lang ay magdidikit ang aming labi.

Natigil ako sa paghinga nang paulit-ulit niyang hinaplos ang aking pang-ibabang labi, nakatingin siya roon habang hinahaplos ito bago binalik sa akin ang tingin.

“I really wanna kiss your lips... I’m longing for the sweetness it gives.”

I cleared my throat.

I thought he would kiss my lips lalo na noong unti unti pa siyang lumapit kaso lang lumayo rin kaagad, instead he kissed my forehead and let go.

I don’t know pero para tuloy akong nanghinayang!

“You pushed me once, but I will pull you closer to me as much as I can... so you won’t leave and get lost in my arms again. Remember that.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top