Chapter 45

Chapter 45: Bake

We all finished our school year and we’ll turn grade twelve this year.

Ang nakakuha ng pinakamataas na grado noong final exam sa aming tatlo ni Kent at kuya ay si Kuya, sobrang tuwa niya no’n, he also deserves it, though. Ikaw ba naman buong araw nakatutok sa libro. Gusto niya talaga kasing makakuha ng mataas na grado at mas lalo siyang ginanahan dahil sa BMW at iyon na nga ipoproseso na para maibigay na sa kaniya ang sasakyan.

Ang kigwa balak pa yatang magpa-party dahil sa tuwa.

“Kuya! Gala tayo,” nababagot kong sabi kay Kuya.

Naiinis ako sa kaniya dahil narito na naman siya sa garahe at nagka-carwash ng sasakyan niya, sa isang araw ay dalawang beses na nalilinisan iyon, parang shunga.

Kung hindi ko lang alam na sasakyan ang BMW na ito ay iisipin ko talagang mas itinuturing niya na iyong kapatid kaysa sa akin.

“Next time na, Ari. May ginagawa pa ako,” sagot niya nang hindi ako tinitingnan. Busy siya sa pagkalikot ng kung ano sa loob ng sasakyan niya.

Maarte akong humawak sa aking dibdib at umaktong nasasaktan. “Siya na ba ang bago mong mahal?” patukoy ko sa sasakyan.

Tumayo naman siya nang maayos at nag-stretch ng katawan habang papalapit sa akin. Tumawa siya. “Pangit ng acting skills mo.”

Sumimangot ako.

“Ari... I love you, okay? I’m just checking something. Saan ba tayo gagala?” malambing niyang sambit.

“Kahit saan basta gala tayo. As in tayo nina Trisha!”

Bumuntonghininga siya at tumango. “Sige, I’ll tell them tomorrow, okay?”

Pumalakpak ako dahil sa saya.

“Zirdy, Ariane! Pumasok kayo rito! I have an important announcement!” sigaw ni mama galing sa balcony.

Tumingala ako at sumigaw pabalik. “Wait lang po!” Sabay baling ko sa kapatid. “Kuya, tara na!” hinila ko siya sa damit, nagpatianod naman siya.

Nakarating kami sa kuwarto ni Mama at Papa. Nang pumasok kami ay pareho silang nakaupo sa kama at may kung anong hawak sila.

“What is it, Ma?” si Kuya, nagpupunas pa siya ng pawis gamit ang damit niya.

Itinulak ko siya nang bahagya. “Yuck, pawisan ka!”

“Grabe, hindi naman mabaho pawis ko!”

Hinampas ko siya.

“May bago kayong kapatid.”

Parehas kaming natigil dahil sa sinabing iyon ni Mama.

Tama ba ang narinig ko?

Sino? Nag-ampon?

“Seryoso?” si Kuya.

“Oh, my gosh!” I went hysterical.

Dali-dali kaming lumapit sa kanilang dalawa. “Sino po? Ilang taon na siya? Lalaki o babae? Ano name?” sunod-sunod kong tanong na ikinakunot ng mga noo nila.

“What are you talking about, Ari?”

“Like, may inampon kayo?”

Napa-face palm si Papa. Si Mama naman ay natawa at may inabot sa akin. It was a cellophane with a pregnancy kit inside. It was positive based on the two red lines.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang malaki.

Sa sobrang tuwa ko ay nag-volunteer akong magluto ng lunch namin. Hindi na tuloy ako makapaghintay ng ilang buwan para sa bunso namin.

Nagluto ako ng adobong manok, bago ko lang iyon natutuhan at first time ko rin na lutuin iyon ngayon hindi naman ako masyadong nahirapan pero sana masarap nga ang resulta.

“It’s lunch time!” pahayag ko galing sa dining room.

Nilanghap ni Mama ang amoy ng adobo. “Bango!”

“I’ll judge your cooking skills, Ari, ” si kuya, nang-aasar na naman.

Nagdasal muna kami bago kumain, pinagmasdan ko lang ang mga reaksyon nila, napangiti naman ako nang wala silang sinabi at seryoso lang na kumain.

Nagulat pa nga ako dahil ubos na ang ulam at si Kuya pa ang nakailang manok!

Kinabukasan ay kinatok ako ni Kuya at Kent na aalis daw kami.

“Saan tayo? Gagala?”

Tamad naman na tumango si Kuya. “Kanila Archie tayo.”

“Huh, bakit?”

“Hindi puwedeng umalis si Archie kasi binabantayan niya iyong pinsan niya na nagbakasyon sa kanila,” si Kent ang sumagot.

“Oh? Wow, sige!”

Nang makarating kami roon, hindi ko mapigilang sumaya at matawa lalo na noong nakasalamuha namin si Audrey— pinsan ni Archie. Ang sarcastic kasi niya, mukhang suplada pero pakiramdam ko ay mabait naman kapag nakilala mo na.

Nga lang, unang pagkikita pa lang nila ni Kuya ay may namumuo na agad na atensyon sa pagitan nila. Paano naman kasi medyo hindi gusto ni Kuya ang ugali ni Audrey na may pagka-rude at bossy, pero I can’t help to tease Kuya kasi mukhang may katapat na siya.

“Kumusta na kayo ni Jace?” tanong ni Sam iyon nang dumating ang araw na gumala na naman kami.

I sighed. “Wala na kami, ano ba.”

“Ah... still communicating each other?”

Umiling ako. “We haven’t contacted each other since then.” And I’m starting to miss him. Pero kailangang ganoon.

Simula nang naghiwalay kami ay mas ramdam ko ang gaan sa loob ko. Pangit man pakinggan, pero naging mas maayos ako nang maghiwalay kami kahit pa... miss ko na siya.

Gusto ko siya, but it may be infatuation. Kasi kung mahal ko... bakit ko itutulak papalayo? So, right now... I’m just buying a time to make up my mind... and I hope by then, he’s still free for a relationship.

Ako lang kasi iyong magulo sa aming dalawa.

Weeks passed by, habang nasa mall ako ay nagkatagpo kami ni Shawn.

“Hey, angelic face!” ngisi-ngising bati niya sa akin habang hawak ang isang whisk.

I frowned. “Weird ng tawag mo sa akin. Anyway, hi, namimili ka rin? I see,” ani ko.

He nodded. “I’ll bake some cookies, and I am here to buy some needs for baking,” he said cooly.

Namangha ako. “Wow, you bake?!”

Tumango ulit siya.

“That’s cool! Same pala tayo ng sadya rito, though, cake ang gusto kong i-bake!”

Napangiti siya. “Nice! So, magiging busy ka ngayong araw?”

“Wala naman akong gagawin other than magbe-bake, bakit?”

“Okay. You wanna taste my cookies after ma-bake?”

I smiled. “Nakakahiya... pero siyempre gusto ko tikman!”

“Sure. I’ll bring you dozen, ihatid ko sa bahay ninyo?”

Umiling kaagad ako. “If it’s okay with you, puwede sumama? Gusto ko rin sana panoorin ka mag-bake...”

Humalukipkip na siya. He looked entertained. “Good idea. Oh! Should we bake together?”

“Puwede?”

We ended up buying ingredients and some materials for baking. Since hindi ko dala ang sasakyan ko ay sumabay na ako sa kaniya papunta sa bahay nila.

“Nandoon parents mo?” tanong ko.

“Business trip. Ako lang mag-isa sa bahay kaya nga out of boredom balak ko na lang mag-bake. Busy kasi si Raze kaya.” He shrugged.

“How about Jace?” Pagkatapos kong itanong iyon ay natutop ko kaagad ang bibig. Hindi ko napigilan!

He chuckled. “We met each other yesterday, and I think busy rin siya ngayon since hindi pa siya nagre-reply sa invitation ko na pumunta siya ng bahay ngayon.”

Oh, alam niya ba na wala na kami o hindi?

Tumango na lang ako hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Dumiretso kami sa kusina at ako ang naghanda ng mga gagamitin namin para sa gagawin namin.

I was beating the egg in a bowl when his phone beeped on the counter. Inayos na muna ni Shawn ang apron na suot bago iyon kinuha at tiningnan ako saglit bago umalis para sagutin iyon.

“Oh? You’re outside? Nariyan din si Darlene? Woah, chill, lalabas na ako.”

I just shrugged hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa.

“Saan ba iyong butter...” I uttered, kinalkal ko iyong ref niya hanggang sa nakita ko. Pagkaharap ko ulit sa counter ay sakto namang narinig ko ang mga yapak na papapasok. May bisita siya!

Pag-angat ko ng tingin sa bagong dating na lalaki at babae ay namilog ang mata ko. Sa gulat ko ay muntikan pang mahulog ang hawak ko kaso masyadong exaggerated kapag ganoon kaya kumilos lamang ako nang normal.

Damn, I didn’t expect this one!

At may kasama pa siyang babae!

Shawn cleared his throat. “Angelic face, I just had an unexpected visitors akala ko kasi busy kaya hindi ko inaasahang pupunta sila rito. Are you okay with them being here while we do our thing?”

Umismid agad si Jace. “Our thing? What the fuck is that thing, Shawn? And seriously...” Tumigil siya saglit kaya napalingon ulit sa kaniya.

Ngayon ay madilim na ang tingin niya sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay at pinasadahan ako ng tingin. “Since when did you two become close, huh, Victoriane?”

Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ako nakapagsalita lalo na’t napansin ko ang babae sa gilid niya. Sino ka naman?

“Dude, kaibigan ko rin naman si angelic face—”

Iritado siyang binalingan ni Jace. “Will you stop calling her that? You’re giving me goosebumps,” he said.

Natawa si Shawn. Hinila niya iyong babae sabay baling sa akin. “She’s Darlene, my friend... at iwan ko muna kayong dalawa, okay? I’ll just deal with her.”

Poprotesta na sana ako na ayaw kong maiwan kasama ni Jace sa isang lugar kaso mabilis silang umalis. And now, I’m doomed.

Tamad na naghila ng stool si Jace at umupo sa tapat ko. It’s been a month and so since we last saw each other. Lalo lang siyang naging guwapo, maybe our break up did him good, then?

Hinagod niya ng tingin ang mga bagay sa counter top saka ulit iyon dumapo sa akin. He smirked. “So, why are you here?” he mocked.

Nairita ako. “Ano naman?” Pilit kong pinatatag ang boses at magtaray nang nagpatuloy sa ginagawa para naman hindi awkward ngayong narito siya at casual na nakikipag-usap sa akin.

“I see... so, this is the thing you two are doing? Baking... hmm, I can bake too,” he said smoothly.

Sarkastiko ko siyang tiningnan. “I don’t remember asking.”

He sighed. “Sabagay... is something going on between you two? That’s... kinda offensive on my part...”

Nangunot ang noo ko. “What?”

“My ex and my best friend... being together? I’m offended and feel betrayed,” aniya sa iritadong boses.

I scoffed. Nandiri sa sinabi niya. Shawn is fine as boyfriend, at bukod doon wala naman akong gusto sa best friend niya! At nakakailang nga rin naman na maging kami ni Shawn tapos ex at best friend niya kami!

“You’ve lost your mind. You jump into conclusions like that, Jace. Bakit, ganiyan ba ang tingin mo sa akin kung sakaling kami nga?”

He tilted his head as a smirk flashed on his lips. “Kung sakaling kayo, huh? Great... that explains you two aren’t together? Such a relief.”

Hindi ko na ulit siya pinansin.

Bumuntonghininga siya at mukhang may sasabihin pa.

“Because you’re mine alone, Victoriane. I’ve let you go, but that doesn’t mean I will let you be in other guy’s arms. Take your time being single there because once I can’t resist myself anymore... I’ll go and make you mine again.”

Natigil ako sa ginawa at naramdaman ang nag-aalburutong pintig ng puso. Our eyes locked together.

He leaned forward and caressed my cheek. Sa sobrang hindi ko alam ang gagawin ay nanatili akong walang ginagawa.

“I won’t have a girlfriend unless it’s you,” he whispered.

Dahil doon ay napabuga ako ng hangin malapit sa mukha niya. Namula agad ako sa ginawa samantalang siya ay natawa.

He chuckled and put his hand down. “You’ll die holding your breath that long, baby.”

“Shut up... and please, puntahan mo na iyong babae roon.” Sabay iwas ko ng tingin.

“Right. I just wanna clarify it to you... baka mamaya maghanap ka ng lalaki dahil sa tingin mo ay nakahanap na rin ako. Darlene is Shawn’s friend not mine, nagkasabay lang kami kanina sa labas,” paliwanag niya.

“Maybe you are destined together kaya nagkasabay kayo sa labas,” saad ko nang wala sa sarili.

He then bursted into laughter. “Goodness, Victoriane! Don’t see it like that. Isipin mong pumunta si Darlene rito para nakawin si Shawn, so we can have our time alone. Hmm, right?”

Whatever.

“Right, magtatagal ako rito. I should be the first one to taste the cake you’ll make, and of course... even we’re not together, I won’t let Shawn have you alone. At ihahatid kita sa pag-uwi—”

“An ex shouldn’t send me home,” reklamo ko.

He wrinkled his nose. “I’ll send you home as a friend, baby. Puwede na ba iyon?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top