Chapter 43

Chapter 43: Condo

“Please, kausapin mo naman ako, Victoriane.”

Huminga ako nang malalim. Nang lumabas kami sa palasyo ay dumiretso kaagad kami sa sasakyan sa hindi kalayuan. Aalis na sana kami nang napansin kong sumunod sa amin si Jace.

Nang makita ng dalawa si Jace ay unti-unti silang umatras para bigyan kami ng privacy na sana ay hindi nila ginawa dahil wala akong balak makipag-usap sa lalaking nasa harap ko na ngayon.

“Ang kulit mo! Ang sabi ko, ayaw ko. Wala akong balak makipag-usap sa iyo ngayon kaya puwede ba?” magaspang kong sabi.

I saw how bloodshot his eyes were. Perhaps, he’s hurt? Ha! No way! Sa aming dalawa, ako dapat ang ganiyan. Pa-victim.

Nag-iwas ako ng tingin.

Magpapaliwanag na ba siya sa akin ngayon? Kung kailan nakapagdesisyon na ako? Marami siyang oras para magpaliwanag sa akin, nang nagkita lang kami rito kasama ang babae na iyon saka siya maglalakas loob na kausapin ako?

“Look at me, please,” he begged.

Hahawakan niya na sana ang aking kamay nang kaagad kong hinawi iyon. I feel nothing right now.

Gusto ko na lang maglaho ng parang bula ngayon, parang sasabog ang utak ko sa kaiisip sa mga nangyari ngayong araw. This was so tiring and a painful day!

Tumulo ang aking luha na kanina pa pala kinikimkim. Akala ko ay ubos na ang luha ko, pero ito ako ngayon lumuluha na naman! Naalala ko ang pagyakap niya sa babae, paghatid, tapos iyong halik! Lahat-lahat! Nanahimik ako, pero ano? Wala akong narinig galing sa kaniya! At ngayong sarado na ako sa mga paliwanag saka siya kikilos?!

Kaagad niyang pinaglapit ang aming distansya at walang pasubaling pinunasan ang aking luha sa pisngi. Umiwas ako kahit na imposible dahil sa tatag ng pagkakahawak niya sa akin.

“Please, give me a chance to explain. You mistook any of it, babe. Let me clarify things —”

“Hindi ko alam, Jace! Pagod na ako... kaya please pabayaan mo muna ako!” Tinulak ko siya na pinaunlakan niya naman. Saglit pa akong tumitig sa kaniya bago nagmartsa papaalis.

“Tara na, Kuya!” utos ko nang isalampak ko ang sarili sa backseat. Nasa driver’s seat na ito samantalang si Kent naman ay nasa shotgun seat. They both examined me from the rearview mirror.

Pinalis ko ang tuyong luha para hindi halatang problemado ako ngayon.

“You good?” tanong ni Kent sabay lahad sa akin ng bote ng tubig.

Hindi ko siya sinagot at tinanggap na lamang ang inalok niya. “Thanks.”

While on our way home, tahimik lang kami hanggang sa nagpatugtog si Kuya. Nasa kalagitnaan ng kanta nang sinabayan niya ito.

“Where did we go wrong? I know we started it out alright,” pagkanta niya.

Napairap ako sa lyrics ng kanta bago ibaling ang atensyon sa labas ng bintana.

“Dude, respeto naman! Nasaktan si Ari!”

Kumunot ang noo ko sa pahayag ni Kent. Anong nasaktan? Tss.

“Nasaktan ka ba, Ari? Naapektuhan?” tanong naman ni Kuya kaya tiningnan ko siya sa rearview mirror.

Umirap ako nang sulyapan niya ako roon. “Duh, ba’t naman ako maapektuhan? Losers,” wika ko.

I heard a boo from Kuya afterwards. Maya-maya ay humagikhik na siya. “Aha, loser daw! Hindi naman apektado si Ari, Kent... hmm?” he trailed and glanced at Kent. “O baka naman ikaw ang naapektuhan?” makahulugang sambit nito.

Narinig ko na lamang ang malutong na mura ni Kent kay Kuya na sinabayan pa ng pagbatok.

“Tumigil nga kayo baka maaksidente pa tayo sa kaligaligan ninyo!” Kalaunan ay nanahimik naman na sila hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi rin nagtagal ay may bumusina sa labas hudyat na nakauwi na rin ang mga magulang namin.

Sumasakit man ang ulo at gusto na lamang magpahinga ay mas pinili ko pa rin manalo ang kuryosidad na sinasakop ang buong sistema ko. “Paano pong nangyari ang lahat ng iyon?” tanong ko. Alam ko na rin naman ang sagot, pero mas gusto kong paintindihin nila ako nang mas maayos pa.

“Pasensya na, apo.”

Naalala ko tuloy iyong mala-makapangyarihang grand entrance kuno nila kanina.

“Lo, wala po kayong kasalanan sa ’kin, I was just shocked and I want to know what you all hiding... ampon lang ba ako?”

Hindi ko napigilang tanungin iyon, alam kong para akong tanga, seryoso silang lahat at nagawa kong itanong ang imposibleng iyon. Hindi ko lang talaga makalimutan ang kaba at pagkamangha sa nakita kanina, at hindi pa ako kasama roon para bang itinakwil ako.

Tinawanan nila akong lahat na ikinagulat ko.

“Is that the reason why you were crying, anak?” inosenteng tanong ni Papa.

Nakagat ko ang aking labi hindi dahil sa totoo iyon kun’ ’di dahil sa totoong rason kung bakit ako umiyak.

“How could you ask that question, Ariane? Of course anak ka namin!” si Mama, nag-aalala pa rin.

“Wala ka kasi kanina, apo. Tinawagan lang kami ni Sam na kasama ka niya sa party, hindi ka namin nasabihan dahil kasama mo na rin pala siya.” He shrugged. “And we thought you were busy, so we didn’t bother to inform you. Hindi naman iyon mahalaga.”

Hindi mahalaga? Oh, my! E, para ngang nasa isang patimpalak kami na buhay namin ang nakaalalay tapos hindi mahalaga? I can’t believe this! At saka all secrets were told back there!

“Mala-mafia boss ba dating ko kanina, Ari?” pagsingit ni Kent.

Tumawa ako at saka sumeryoso ulit. “Sobra po talaga akong nagulat. I mean, kinabahan ako at hindi ko talaga in-expect ang lahat lalo na tungkol kay... Lolo.” Ngumuso ako.

“Hmm, nga pala. Bakit ka nakikisali sa bidding kanina, huh?” tanong ni Kuya na nasa aking gilid.

Bumuntonghininga ako.

“Trip lang namin ni Sam, Kuya,” I lied. Lolo sensed how my mood changed so he interrupted.

“Let’s now rest. It was a tiring night after all. Bukas na natin ipagpatuloy ang pagpupulong na ito, you can go inside your rooms,” utos ni Lolo.

Nagsitanguan kami at sinunod na si Lolo. Halatang nag-aalala rin ang mukha ng mga magulang ko ngunit hindi na nila pinahaba pa ang usapan para makapagpahinga na.

Jace...

Umakyat na ako sa taas para sana magpahinga na nang maabutan ko si Kuya at Kent na nakatayo sa tapat ng aking kuwarto.

“Ano problema ninyo?” nagtataka kong tanong.

“Ikaw, ano’ng problema mo?” taas kilay na ani Kuya.

Kumalas naman sa pagkakasandal si Kent sa pader at bumaling sa akin. “Pag-usapan natin iyan.”

Inismiran ko silang dalawa. “’Sus, gusto niyo lang makasagap ng tsismis, e,” I tried to lighten up the mood. “Saka puwede bukas na lang? I’m already tired.” Humikab pa ako.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napabuntonghininga bago tumango.

Pinagmasdan ko na silang pumunta sa kani-kaniyang kuwarto; huminto pareho sa tapat ng pinto at nilingon ulit ako.

“Good night,” sabay nilang sabi.

How adorable. “Good night!” sambit ko at pumasok na rin sa loob ng kuwarto.

Naligo ako at nakapagbihis na ng pantulog pagkatapos ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at napatitig sa kisame.

Pagod ako, pero bakit hindi ako makatulog?

Nang maalala ko kung gaano kalungkot ang mukha niya kanina ay parang gusto ko nalang siyang patawarin at kalimutan nalang lahat nang iyon, pero hindi ako tanga at karupok para gawin iyon.

I love him but it doesn't mean na papatawarin ko kaagad siya.

Napabaling ako sa orasan at napansing 11 p.m na pala. Gising pa kaya siya? Puntahan ko ba? Hindi naging maganda ang pag-uusap namin kanina at baka kung sakaling puntahan ko siya ngayon ay magkaayos kami.

At baka magbago ang isip ko at patawarin siya kung sakali? Despite of him keeping secrets...

I heaved a sigh. Mababaliw yata ako kapag pinalagpas ko ang gabing ito nang hindi siya kinakausap. After all, ako ang tumulak sa kaniya kanina palayo, hindi ba? Hindi ako mapakali. Akala ko pa naman pagkatapos malaman ang lahat tungkol sa nangyari ay matatahimik na ako at makakatulog nang maayos, pero ito ako ngayon at dilat na dilat.

Bumuga ako ng hangin saka napagpasyahang  tumayo. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at hoodie; nilagay ko sa bulsa ng aking jeans ang cell phone at susi ng sasakyan.

Tama ba na puntahan ko siya ganitong oras? Gamitin ko ba ang sasakyan? Paano kung magising sina Mama at tanungin kung saan ako papunta dis oras ng gabi?

“Bahala na nga. For my peace of mind.”

Bumaba ako at napansing dimmed na ang ilaw namin sa sala. Nagpalinga-linga ako para masigurong walang nagmamasid sa akin. Nang wala naman akong napansin ay dahan-dahan kong binuksan ang front door at lumabas. The cold breeze in the midnight sent shivers down my spine.

Dumiretso sa sasakyan ko na nasa garahe at maingat na pinaandar ang makina nang makapasok sa driver’s seat. Nagsipang-abot ang kaba sa aking dibdib habang nagda-drive papunta sa kaniyang condo. Paano kung sa bahay nila siya tumuloy ngayong gabi?

Malamang, Ariane, uuwi ka!

Nang nakarating na ako sa harap ng building ay ipinarada ko ang sasakyan sa basement parking at lumabas na ng sasakyan. Ipinasok ko ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking hoodie dahil sa lamig.

Natakot ako sa scenario na naisip nang malingunan ko ang kabuuan ng basement parking. Paano kung may biglang humila sa akin dito at dukutin ang puso ko? That thought made me gasp. Kaya dali-dali kong pinindot ang elevator, nang nagbukas ito ay kaagad kong pinindot ang button papunta sa floor ng kaniyang unit.

Dulot ng pagmamadali ay natapilok pa ako sa harap ng unit niya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang kirot ng paa ko at hindi na kumatok sa halip ay ginamit ko ang spare key para makapasok sa loob. Nang nagtagumpay sa pagpasok ay katahimikan ang bumalot sa akin na lalong nagpakaba dahil sa takot.

Paano kung dito talaga ako patayin? Pupugutan ako ng ulo tapos ihuhulog ang katawan ko sa bintana at darating si Jace kaso nga lang ay huli na ang lahat.

Ridiculous!

Sa takot ko ay halos liparin ko ang kitchen island niya at tila nasa isang horror movie akong kumuha ng kutsilyo at sumandal sa ref niya habang itinututok ang hawak sa bukana, sakaling lusubin ako.

Nang lumipas ang minuto ay ibinaba ko ang kamay dahil sa ngalay. Bukod sa tahimik ay kuliglig lamang ang naririnig ko kaya napasapo na lamang ako sa noo. Paranoid. Crazy Ariane.

Napaayos ako ng tayo nang may narinig na kalabog galing sa living area.

Hala, hindi kaya narito na sila para tanggalan ako ng mga organs? Mama! Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan at nakikiramdam na lang muna.

Kalma! Pero lalo akong naestwa nang may narinig akong boses.

“Dito na ba? Gosh!”

“Leave me alone... Victoriane...”

Jace!

Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Ngayon pa lang ay nasisiguro ko nang may kasama siyang babae!

“Sino ba ’yan? Ako ang narito, Jace, kaya ’wag kang magbanggit—”

“She hates me now... this is all your fault.”

“Sorry naman, ah? Wala kasi akong mga kaibigan natutulong sa akin at ikaw lang ang malapit na kilala ko!” Bakas sa tinig ng babae ang sarkasmo.

“Hell. It was fine with me helping you, but when you started doing inappropriate things... fuck you, Trinity. Kay Raze ka na magpatulong at hindi naman ako Sagip Kapamilya,” si Jace.

Halos magpigil ako ng hininga dahil sa narinig. I never heard him curse. And what he said left me confused!

“Break na kami ni Raze kaya bakit sa kaniya ako manghihingi ng tulong, huh? Fuck you ka rin,” sagot naman ng babae.

“So, sa akin na kaibigan niya, ayos lang?”

“Shut up! Tumayo ka na nga at papatulugin na kita!”

“Umalis ka na. I don’t need you here. I already gave the favor you needed kaya bakit ka pa narito?”

“Talak ka nang talak, halikan kita riyan!”

Namilog ang mata ko.

I heard Jace’s groan. “I never hit a girl before, ngayon pa lang kung sakali.”

Gusto ko silang sugurin pero kinalma ko ang sarili. Huminga ako nang malalim. Nang wala na akong marinig na boses ay nagsimula na akong maglakad papalabas ng kitchen. Which is wrong move.

Akala ko ay wala na sila sa sala ngunit nang maabutan ko sila roon ay nagkamali ako.

Galing sa kinatatayuan ko ay kita ko kung paano mangilid ang luha ng babae habang tinitingala si Jace.

Umawang ang labi ko nang makita ang ayos nila. Mariing nakasandal si Trinity sa pader dahil sa pagharang ni Jace sa kaniya na mahigpit ang pagkakahawak sa braso nito. “Don’t test me, Trinity.”

Kaya siguro ay hindi ko na sila narinig dahil halos magbulungan na lang sila. I swallowed the lump in my throat.

Natakasan ako ng kulay sa mukha nang aksidenteng dumapo ang tingin ng babae sa akin. Base sa reaksyon niya ay nagulat din siya sa presensiya kong nasa bandang likod lamang ni Jace.

As if a cue to ruin a relationship, she tiptoed to plant a kiss on his lips.

What the...

Bago pa ako makakilos ay kita ko na kung paano sakupin ng palad ni Jace ang mukha ni Trinity. Nilakumos niya!

“What the hell, arsehole!” sigaw niya kay Jace.

Hindi na ako nakapagpigil at lumapit na ako sa kanila. “Gandang eksena naman noon...” I glared at her.

Napalingon sa akin si Jace. Namutla siya nang makita ako. Inignora ko siya pansamantala at muling humarap kay Trinity na kasama niya kanina sa party. All day magkasama, ah?

“Victoriane....”

Natawa ako at bumaling sa babaeng mangiyak-ngiyak na. Ano ka ngayon? Panglalakumos lang pala sa mukha ang katapat mo!

At ano nga ulit? Ex ni Raze ito? Okay.

“Victoriane... you, leave!”

Napawi ang aking ngiti sa sunod niyang sinabi. Nilingon ko siya ngayon ng may nanlilisik na na mga mata. Tatalak na sana ako nang mapansing hindi na siya sa akin nakatingin ngayon.

“Trinity... I said leave!”

Mariin siyang tumitig sa akin bago kay Jace. “Thank you sa labag sa kaloobang tulong mo, ah? At least ay makakalaya na ako sa matandang ugugod-ugod na iyon,” aniya sa lalaki at saka bumaling sa akin para umirap.

Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay.

“Sa panahon ngayon wala nang nagtatagal. Sooner or later, magbe-break din kayo,” pahabol niya saka dinampot ang heels at padabog na lumabas ng unit.

“Kuwento mo sa pagong,” ani ko pa at tuluyan nang hinarap si Jace.

He gulped at the sight of me.

“Mag-usap tayo,” sabi ko. Masuyo siyang tumango at sinubukan akong hawakan ngunit iniwas  ko iyon.

“Sabi ko usap, hindi maghawak-kamay.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top