Chapter 42
Chapter 42: Auction
Samiel: I'll fetch you, Ella ; )
Ako: Okay!
It's almost lunch time, pero kakain na lang siguro kami sa labas ni Sam. Sa tingin ko kasi ay mahala ang favor na hihingin niya.
I'm wearing a long sleeve croptop and a fitted jeans. I just let my short hair down, hindi ko na nilagyan ng clip o ano.
Bumaba na ako at naabutan silang nasa sala at nag-uusap. Nang nakita nila ako ay hinagod nila ng tingin ang aking kabuuan.
"Where are you going?" tanong ni Papa.
"I'll just meet Sam, Papa. He has a favor and I don't know what it is so..." Nagkibit balikat ko.
"Hayaan mo na si Ari, Pa. Nagpaalam na 'yan kagabi, susunduin naman siya," si Kuya na nakapandekuwatro sa sofa.
"May gagawin ka pa ba mamaya pagkatapos mong makipagkita, apo?"
"Uhm, I don't know pa po. Why?"
"May lakad sana tayo... but don't worry it's not that important."
Tumango na lamang ako.
Nakarating kami ni Sam sa VG Mall, instead na sa coffee shop kami ay sa isang Filipino restaurant na lang kami para tanghalian na rin. It's my first time to go out with Sam, so far it isn't awkward the way I expected it to be.
Nag-order na kami ng chicken buffet at rice. Nasa pinakagilid at pinakadulo kami naupo ni Sam.
"There will be a party in Venice Palace. Not just an ordinary party, but it will include an auction," panimula niya.
"Tapos?"
"Uhm, I want you to be my partner to represent my family's construction company kung pauunlakan mo nga lang... actually, my parents will be there kasama rin ako and I'm thinking of inviting you."
Tumango ako. "Pwede ba 'yan?" Nakakahiya naman kung sumama ako tapos puro mayayaman ang naroon, nakaka-OP lalo na at hindi naman ako invited, nasama lang kasi partner ni Sam.
"Yes, hindi naman talaga kailangan ng may partner, pero ayaw ko namang mag-isa lang sa table," nakangising aniya.
Nanliit ang mata ko. At naalala ko naman si Trisha kung siya ang sasama kay Sam magkakalapit pa sila, 'di ba?
"Bakit ako?"
"Wala nang iba."
"How about Trisha?"
Tumikhim siya. "Busy raw siya at hindi talaga niya ako masasamahan, iyon ang sabi."
Napangiwi ako. Ano'ng problema ng babaeng iyon? Pagkakataon niya na 'to tinanggihan pa. Baka naman talaga may importante ring gagawin?
"Sige, but... how about Jace? Hindi ba siya sasama?" maingat kong tanong.
Napaismid siya. "My parents asked him earlier if he's free tonight kaso ang sagot niya busy siya kaya 'yon hindi na namin ni-discuss ang tungkol sa party at ako na lang ang isasama."
Napasinghap ako. "Busy saan?"
Ngumisi naman siya at nagkibit balikat.
Nag-usap pa kami ni Sam tungkol sa party na dadaluhan, wala namang dress code kaya hindi ko na rin kailangang mamroblema. Hindi ko tuloy matanggal sa isip kung bakit hindi sasama si Jace, e, wala naman na yata siyang gagawin mamaya.
Mamayang gabi gaganapin ang party kaya siguro ako na lang ang mag-adjust at pumunta kay Jace mamaya sa university nila mamayang hapon. I just wanna check on him, alright?
"Sam, wala ka bang ibang gagawin?"
"Wala naman, bakit?"
Naisip ko kasi na magpasama na lang kaya ako sa kaniya para puntahan si Jace?
"Pwede mo ba akong samahan? Sa university nila Jace..."
Napalingon siya sa akin. "Why? Well, nevermind. Sure."
"Thank you!"
Hapon na kaya umalis na kami sa mall, nasa sasakyan na kami ngayon ni Sam papunta sa university nila ni Jace. Hindi ko alam kung tapos na ba ang klase nila ngayong araw, pero sa tingin ko naman ay oo dahil maaga naman ang schedule nila ngayong Sabado.
Nasa gate na kami ng university nang hinarangan kami ng guard. Napalingon tuloy ako sa taong iyon at unti-unting pinamilugan ng mata.
"Kuya Shan?" gulat kong sambit.
Yes! It's Kuya Shan, ang guard noon sa Clark High!
"Good afternoon, Reistre and Prama. Anong ginagawa niyo rito?" Too formal. May nagbago sa kaniya, mukhang naiilang siya sa akin at hindi mapakali. Naalala ko naman ang kasalanan niya kaya siya natanggal kaya naman ay dapat talagang maramdaman niya iyon, but I don't mind now, I just wanna see Jace. Kinda miss him despite of what he makes me feel.
"Kuya Shan, would you mind if we come inside? Puntahan lang namin si Jace," si Sam.
Nag-aalinlangan pa si Kuya Shan pero kalaunan ay tumango siya, sumulyap pa siya sa akin at nag-iwas ng tingin.
I just shrugged it off and continued to walk in the premises.
"Angelic face?"
Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. When I looked over my shoulder I saw Shawn's confused face.
"Ariane... Sam? You're here," he stated, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Sam.
"Have you seen Jace?" diretsong tanong ni Sam.
"Ah, yeah? Nakita ko iyon sa park kanina kasama iyong - ay hindi ko pala alam..." Nakagat niya ang labi saka nag-iwas ng tingin.
Nangunot ang aking noo.
"Shawn?" tawag ko, may halo nang pagbabanta.
I don't wanna be rude, but he seemed like keeping something.
"Sorry, hindi ko siya nakita kanina -"
"Kakasabi mo lang na may kasama, ah!" iritadong singhal ni Sam.
"Sam, outsider lang tayo! Ano ka ba?" saway ko.
Napabuntonghininga si Sam at hindi na muling nagsalita. I turned to Shawn who looked tense.
"Sorry... but I don't wanna meddle in this one, Angelic Face... it's just... uhm, I don't know what to say - okay... fine!" He shook his head and looked at us guiltily. "Nasa bench siya sa park. Samahan ko na kayo, I'm really sorry, I just think there's something wrong."
Kaagad kumalabog sa kaba ang aking dibdib.
Bakit naman?
Tensyonado man ay sumunod kami ni Sam kay Shawn hanggang sa nakarating kami sa area na walang katao-tao. Sa park mismo ng university nila.
Dumapo ang tingin ko sa natatanging taong naroroon. Something clenched my heart at the scene I saw.
It's Jace hugging another girl.
Nanginig ang labi ko kasabay nang panlalamig ng buong sistema na halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan.
Hindi ko napigilan ang pag-uunahan ng aking mga luha, sabayan pa ng hangin na nakapagpadagdag lang sa lamig.
Why?
Nanlabo ang mata ko dahil sa mga luha. Nakatalikod sa direksyon namin si Jace kaya hindi niya kami agad mapapansin samantalang ang babaeng kayakap niya at nagtatago sa dibdib nito.
What a heartbreaking scene.
"Let's go, Ella.
"Confront them."
Hindi ko alam kung sino ang susundin ko sa kanilang dalawa lalo na nang sabay pa nilang hawakan ang kamay ko. Itinanggal ko ang dalawang kamay nila sa akin at pinunasan ang aking luha bago tumakbo papalabas.
Pinagtitinginan ako ng iba pero wala na akong pake basta makalabas lang ako rito.
Nakarating ako sa labas nang walang hinto-hinto, pumunta sa parking kung saan pinarada ni Sam ang sasakyan niya kanina. Umupo ako sa semento sa gilid ng sasakyan niya at doon nagpatuloy sa iyak.
I just couldn't understand why?! Humagulhol na ako sa iyak. How could he comfort other girl while his girlfriend... crying in pain because of what he did!
Pinalagpas ko iyong una, pero nang masaksihan harap-harapan ay hindi ko na alam. Nakakabaliw siya.
Huminga ako nang malalim at paulit-ulit na pinunasan ang aking mukha na sobrang hapdi na. Narinig ko na rin ang yapak ng dalawa na sinundan pala ako hanggang sa labas.
I'm wearing a seductive red bandage dress and a stilleto. I never wear this kind of dress ever since, ngayon pa lang. It hugged my body perfectly.
I'm tired, pero ayaw ko namang i-talk shit si Sam, hindi ko alam pero kahit papaano ay na-i-excite ako sa party, gusto ko lang makalimutan ang sakit.
Tinitigan ko nang matagal ang mukha sa salamin. I smirked. Hindi ko alam na magmumukha akong maldita at kontrabida ngayon but I like this new look. Kinuha ko ang purse at cell phone ko bago lumabas ng kuwarto.
Umalis silang lahat, pagbalik ko kasi rito ay wala na ang mga tao. Ani pa ng taga-bantay ay sinubukan din akong i-contact kaso hindi nila ako matawagan kaya hindi ako naisama. Okay lang dahil hindi rin naman ako makakasama kung sakali dahil may party akong pupuntahan.
Ako: Sam, I'm done.
"Are you sure gusto mo pang sumama? I just feel like you need to rest," aniya nang sunduin ako.
"I wanna have fun, Sam."
"Okay, let's go, beautiful. He'll regret what he did for sure." He smirked.
Hindi ko alam kung saan ang Venice Palace but I kind of heard that place, mukhang isang oras yata kami sa biyahe nang pinasok ni Sam sa madilim at mukhang gubat na parte ang sasakyan.
"Where are your parents?" tanong ko.
Sumulyap siya sa akin bago binalik ang tingin sa daan.
"Sa bahay, pero pupunta iyon. Nauna lang talaga ako."
Tumango ako.
Habang tumatagal ay naaaninag ko ang mga ilaw. Lumiko ang sasakyan kaya nakita ko na nang maayos.
It was really an indeed palace, sobrang laki na kahit gabi na ay makikita mo ang kabuuan ng palasyo. At magagarang ilaw at dekorasyon sa paligid.
Sam touched my back, iginiya niya ako papasok. Nagpalinga-linga ako at hindi ko mapagkailang hindi lang pala pagkain ang nakakamouth-watering ito rin palang lugar na mismo.
There were big chandeliers above, mga mamahaling muwebles sa gilid, even the tables were made of glass. And in the middle of the crowd there's an amazing fountain and it surrounded by something shining.
"It's a diamond," bulong ni Sam, siguro ay nabasa niya ang nasa isip ko.
"Good evening! You are the youngest Prama, right? I'm Mr. Dela Cruz of DC Resorts, how about this beautiful lady beside you?" bati ng matanda at nakipag-kamay kay Sam.
"She's my date, Sir."
"Oh, lovely! Great, then. See you later." He smiled before walking away.
Dumaan kami sa isang registration yata iyon, e, may kinausap pa si Sam kaya lumapit ako roon at nag-fill up gaya noong iba. Napansin ko rin na sa mismong looban pa noon ay may iilang tao na nagkukumpulan tila may kaaya-ayang pinanonood. I peeked and saw a glass in the center, sa loob noon ay ang magandang alahas.
"Ella!"
Umayos ako ng tindig at umalis na nang marinig ang pangalang tinatawag ng kasama.
Maingay sa loob dahil sa music, malaki ang stage at magaganda ang dekorasyon nila. Naglakad kami patungo sa VIP area. Pinaghila ako ng upuan ni Sam at pinaupo, malapit na kami sa stage at kaharap lang. Kaya mas nakikita ko nang maayos ang kabuuan.
Sam was just beside me, wondering.
"Good evening ladies and gentlemen!"
Naghiyawan ang mga tao dahil sa bati ng emcee? Hindi ko alam kung ordinaryong emcee ba siya o isa ring business tycoon dahil sa aura nito.
"Exciting!" bulong ko.
Sam chuckled.
"Ang pinaka nakaka-entertain kasi rito ay ang auction, nang una mukhang hindi natuloy dahil hindi nakarating ang presidente, ayon sa narinig ko," si Sam.
"Sino?"
He shrugged."Hindi ko alam, e."
"Sasali ka sa bidding?" tanong ko na naman.
"No, Ella." Tumawa siya na parang may sinabi akong joke.
Napasimangot na lang ako.
Mga ilang oras pa at nagsasalita ang emcee tungkol sa mga business at ang iba pa.
"Here in VIP table are Mr. Valencia of Graphic Designs Company, and... the youngest son and nephew of Prama Construction Company..." The spotlight was pointed on us. The speech and introduction were a bit boring and finally it's finished.
"For tonight's event, the dazzling necklace will go on auction here in Venice Palace!"
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao.
"So, before the royal family passed away, Princess Christina, daughter of Queen Constancia sent the expensive jewelry she had before to her daughter Valerie and when Valerie died she gave it to her daughter Ariana until Ariana died; she passed it to her daughter Alessandria. Alessandria was the last owner of the jewelry, but when she died, she left her jewelry to his husband and the necklace was the one she wanted her husband to sell in an auction, as you can see it was a generation to generation.
"It's very rare to see important necklace coming from the daughter of the former Queen of the country coming up at auction..."
Nagulat ako dahil kapangalan pa ng Lola ko ang may-ari ng kuwintas, pero ang mas ikinagulat ko nang ilabas at ipakita nila sa mga tao ang necklace na nasa loob ng babasaging lalagyan sobrang ganda.
"We couldn't have the necklace last time because Alessandria's necklace got lost, but now we have it again and it's the same elegant necklace. It was called Constancia's pearl necklace was custom designed for Queen Constancia. The pearl, ruby, and diamond necklace, there is an emotional and historic value behind it. So who doesn't want the necklace, right?"
Masyadong nakakamangha ang alahas, hindi ako makapaniwala na galing pa iyon sa royal family so it must be expensive, huh?
Nagsimula na silang mag-bid, nakakalibang panoorin.
"200,000!"
"500, 000!"
"Oh, look who we have here! The governor's grand daughter and she's with... the older son of Prama Construction Company!" sambit noong tao sa likuran namin.
Napabaling tuloy ang iilan doon kasama ako.
Wearing a black off shoulder irregular dress with twisted ruffles, revealing her cleavage... she's hot, alright. And beside her... my boyfriend, wearing a tuxedo.
A faint smile etched on my lips.
Hindi na rin ako nagulat na kasama niya ang babae, mukhang pinagpalit niya na talaga ako, huh? Sa mas maganda at sexy...
Ito pala iyong kinabi-busy-han niya, huh? Buong magdamag yata silang magkasama. Napaismid na lang ako, trying to keep my cool.
"Ella..."
Napalingon ako kay Sam at ngumiti, wala nang luha ang tumulo. I'm already tired and broken.
That jerk hurt me big time.
"The girl joined the bidding, maybe you should beat her, huh?" He arched a brow.
Napaawang ang aking labi.
I know what he's saying!
"Pero Sam -" This auction isn't a joke! Mag-bi-bid kami, e, wala nga akong thousand sa wallet ko!
"Don't worry, I got your back. Let's beat them."
Mukhang wala akong magagawa, kung gagawin ko iyon ay siyempre kailangan ko ng pera, pero wala naman ako at siya ang bahala sa akin? Tss. Kakasabi niya lang kanina na hindi siya sasali.
"Sige, bahala ka."
He winked at me.
"600, 000," the girl said.
Nasa kabilang table lamang sila at kung lilingon sila sa banda namin ay talagang makikita niya ako, hindi naman ganoon kalayo ang lamesa.
Huminga ako nang malalim. "800,000." Sabay sulyap sa kanilang table.
Nang lingunin ako ng direksyon nila, nanlaki ang kaniyang mata at halos malaglag ang panga nang makilala ako.
Right, you asshole. Girlfriend mo ako.
I smiled sweetly at him before looking away. "Sure ka ba talaga rito? Hindi 'to biro, ah!" paalala ko sa katabi, pilit iwinawaksi sa isipan si Jace.
"Papatigilin na lang kita kapag wala na talagang budget," tugon naman nito.
Umirap ako. Kinakabahan ako at pinagpapawisan kahit naman malamig sa loob. Paano kasi kung ako iyong highest bidder? Wala pa naman akong gaanong alam tungkol dito!
"900,000!" sabi ulit ng babae, ngayon ay nakatingin na siya sa akin.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "1 million," mahinahong ani ko.
Naramdaman ko na lang bigla ang paghawak ni Sam sa braso ko. Iritado ko siyang tiningnan. "Bakit, wala na ba tayong budget? Nabubuwisit kasi ako sa babae kaya nataasan ko, sorry."
"Ella, naman. Kumalma ka wala akong pake sa pera kasi wala naman ako niyan!"
"Sira ulo ka! Paano kapag tayo ang pinakamataas anong ibabayad natin?" mariing bulong ko, bahagya nang kinabahan.
"1.2 million!" sabi ng matanda roon sa kabilang side.
Kita ko ang iritasyon sa mukha ng babae na kasama ni Jace. "1.5 million!"
Matapang talaga ang babae na 'to. Sinusubukan niyo talaga ako, huh? Kahit wala ako ni 1000 sa wallet ay kaya kong kalabanin ka sa auction na 'to.
"Bid now or lose out!"
"2 million!" May isang sumali, kasama iyon ni Mr. Valencia sa kabilang table.
"2.1 million!" ang babae.
Nauubusan na ba siya ng pera? Ako kasi wala talagang pera. Hayaan ko na lang kaya silang magpataasan diyan?
Nahagip ng paningin ko si Jace na mukhang wala na yatang ibang nakikita kung hindi ako lang. Kanina ko pa napapansin ang tingin niyang nakapako sa akin.
Ha, ano ngayon ang tinitingin-tingin mo riyan? Na-realize mo na ba agad na mas attractive ako kaysa sa kasama mo?
"Ella, ano, gusto mo ba matalo?"
"Wala tayong pera rito, baliw!"
"Hayaan mo na basta matalo natin, dali!" Tinapik niya ang balikat ko kaya napilitin ako.
"3 million!"
Tahimik ang mga tao ang iba naman ay nagbubulong-bulungan.
"Bid now or lose out?"
"Hala ka, Sam! Mukhang wala na yatang sasagot, takte ka!"
Paulit-ulit kong hinampas nang mahina si Sam, tumawa naman siya.
"Chill, I got your back nga, 'di ba? Patuloy mo lang 'yan may super hero tayong darating."
Seriously? Napalingon ulit ako sa table nina Jace. He's gazing at me intensely, nagawa ko pang ngumiti at kumaway sa kaniya, nang-aasar.
"4 million!" isa sa mga business prodigy.
Wow. 4 million para sa necklace? Grabe na talaga! May ganito palang mga tao, ano? Magwawaldas ng malaking pera para sa iisang bagay? OMG, bakit?!
Nanginig ang labi noong babae. "4.1 million..."
Tss. I won't let you win, 'no! Kahit sino na lang, basta huwag lang ikaw!
"Wait! The important people of this auction have arrived! Let us welcome them!" putol ng emcee sa namumuong tensyon.
May mga media na nagsi-ayos saka tinapat ang mga camera sa bukana.
Unti-unti itong bumukas...
"They can finally join is here! Alessandria's husband, a business tycoon, and his family! Let us rise and give respect!" masiglang anunsyo nito.
Bumukas ang pinto, wala ni isang nagsalita lahat ay naghihintay at tutok.
Nagsitindigan ang aking balahibo nang unang tumambad sa aking paningin si Lolo na sinundan ni Tito Von at Papa. Sa bandang likod naman nila ay si Kuya, sa gitna si Mama, at Kent.
Shit!
What's happening?!
Am I missing something?!
Lumakas ang kalabog ng aking dibdib, kaunti na lang siguro ay lalabas na ito.
Nanginginig ang aking kamay at sobra akong nanlamig.
What the heck!
I don't know what's happening! I was in awe watching them with that powerful aura.
"Sam, what's happening?" Nanginig ang boses ko.
Siya rin ay gulat na gulat, pero nang siniko ko siya ay nabalik siya sa ulirat.
"Ella, I don't know... ang alam ko lang ay pupunta sila, nag-text kuya mo kanina, e."
Nangunot ang aking noo.
"Thank you for coming, Mr. Reistre..."
Alessandria is my Lola?!
"Let us sit down and continue our auction."
Sinundan ko sila ng tingin, lahat sila ay maaayos ang tindig at pormal na pormal.
Si Lolo, Papa, Kuya, at Kent ay naka-formal attire, at si Mama naman ay nakapulang gown.
Napaawang ang labi ko. Bakit hindi ako na-inform?! Masyado akong na out of place dahil sa tindig nilang lahat! Am I really belong? Kung wala lang sigurong maraming tao ay paniguradong nagdabog na ako! Who wouldn't throw a fit in this kind of situation? Parang sinadya na ayaw ako isali.
Kung hindi ko lang sila pamilya ay sobra rin talaga akong mamamangha, nakakagulat. Hindi ko in-expect lahat nang ito!
Lahat sila ay umupo sa hilerang nasa harap namin, hindi ko alam kung nakita ba nila ako o hindi.
Gusto ko silang tanungin kung pinagkaisahan ba nila ako?! Lord, ampon lang ba ako?
"Bid now or lose out?"
Nag-angat ako ng tingin sa stage kung saan ang nagsasalita, napalunok ako.
Paano na 'to? Nakakahiya!
"Ella, ituloy mo, nandiyan na sila." Sam encouraged me still.
Kaya isa rin iyon sa naging dahilan para mapalingon ang pamilya ko sa direksyon namin. At base sa mga reaksyon nila ay halatang hindi rin nila inaasahang narito ako.
I then shifted my gaze to Lolo. Napalunok ako.
Something popped in my mind. Naalala ko iyong letter na nakaipit sa libro noong nasa probinsya kami nang nag-birthday ako.
Dear Owen Clarkson,
Focus on your path. Your children and I will always support you. Especially in serving the people. We may had frequently received threats from them, but don't let it stop your will. Your will to serve and be part of the country's change.
You're a good leader in everything. And I am rooting for you.
Good leader... country's change...
Is this something related to politics?
And does it mean the letter was written a decades ago? Was it kept there for too long?
I'm confused.
"You're here," he pointed out.
"Nakikisali nga po sa bidding, e," singit ni Sam nang tulala pa rin ako.
"Gusto ko ring sumali."
"Tumigil ka, Kent. Hayaan mo siya mag-bid diyan, may milyones yata iyan sa bulsa," si Kuya sabay lingon sa akin.
Ako lang ba ang kinakabahan sa kanila?! Oh, my gosh! Kaunti na lang ay iisipin ko talagang ampon ako!
Ang mga nakakatanda ay halatang gulat sa pahayag ni Sam. I cleared my throat. "Si Sam po kasi... ano... pinilit ako," sisi ko sa katabi.
Sam choked. "Traydor 'to, samahang kaibigan tayo, ' di ba?"
I supressed a laugh when I noticed his uncomfortable move.
"Ituloy mo na 'yan, palo ka mamaya kay Mama," si Kuya ulit na ngayon ay tatawa-tawa nang inakbayan si Kent.
Ngumuso ako.
"Good luck, lucky charm namin," pang-aasar naman ng isa.
"The governor!"
Napasinghap ako dahil sa lito. Hindi ko alam kung saan ako dapat mag-focus.
Kasabay nang paglingon ng pamilya ko sa bagong panauhin na dumating ay ang pagbaling ko rin doon.
"5 million," anito.
I heard Lolo's curse in front of us, he then signaled me to speak.
Hindi ko pa iyo agad nakuha, pero nang sikuhin ako ni Sam ay nakuha ko na rin.
"5.5 million po," kalmadong sabi ko.
Natawa naman ang ibang tao na nagpapula ng aking pisngi. Aba, bawal ba maging magalang?
Napatingin sa akin ang gobyerno at nagtaas ng kilay, nakatayo siya at unti-unting naglakad palapit sa direksyon ko, huminto naman siya hindi kalayuan.
"Who are you? Ang lakas ng loob mo."
I pursed my lips and smiled a bit. "I'm Ariane, and thank you po..."
Napasinghap ito. Narinig ko naman ang halakhak ng ibang kasama.
Bumaling naman ako sa kabilang lamesa kung saan sina Jace. Makatingin ang babae sa gobernador at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang governor's grand daughter na sinabi kanina.
Napasulyap naman ako kay Jace na nangunot ang noo sa gobernador bago inilipat ang tingin sa akin. I saw worry in his eyes, but it can't fool me anymore. An asshole who's giving me a beseeching gaze.
"6 million," aniya, hindi tinatanggal ang masama na ngayong tingin sa akin.
"10 million," walang alinlangang sambit ko naman.
"Hija, I want the necklace, give it up," he pleaded but his tone almost commanding.
Binalingan ko ang aking pamilya at nakitaan ang mga nakakatanda ng hindi pagpayag sa mga mukha nito kaya lumingon ako sa governor. "E, 'di lamangan mo po ako," pabalang na medyo may respetong tugon ko.
"May I know who's this girl?" tanong niya sa crowd.
"She's Ariane Reistre, Governor."
Humalakhak ang governor. "Oh, A Reistre? Kaya naman pala ang lakas ng loob..." He turned serious. "Sige, 10.2 million."
"11 million," sabi ko.
Dinamba ng kaba ang dibdib ko nang tuloy-tuloy siyang humakbang sa akin at aambang ihahampas sa akin ang tungkod kung wala lang nagsalita at mabilis na kumilos.
"100 million, I'll take it by myself," sabi ng matandang babae sa 'di kalayuan.
We all fell in silence.
Napatakip pa ako sa ulo gamit ang dalawang kamay dahil doon sa agarang kilos ng gobernador.
"You scumbag! Mukhang may gana ka pa yatang saktan ang apo ko!"
Kaagad may humawak sa braso ng gobernador para ilayo siya sa akin.
Napakagat naman ako ng labi nang maramdaman ang tensyon. Lumihis ang tingin ko sa likod niya at nakitang handa na rin si Jace na lapitan ako rito.
Inirapan ko siya.
The security moved and settled us again, nagpatuloy ang auction at huminto roon sa 100 million ng matanda.
As what I've heard, she's my lola's friend before. Billionaire ang babae, galing ibang bansa at umuwi lamang dito sa Pilipinas para makilahok.
Halos malaglag ang panga ko sa mga revelation na nalaman ko ngayong gabi.
"Oh, our supposedly then senator... who happened to withdraw his certificate of candidacy. Hmm, I wonder why," bakas ang panunuya roon.
Tapos na ang auction, ngayon ay nasa isang private area kaming pamilya nang sundan kami noong gobernador at apo niya.
Senator...
Did Lolo run for senate before? And what? Withdrew his certificate of candidacy? Bakit?
"Hindi ko maintindihan kung bakit ibinabalik mo pa ang nakaraan, Governor. Nasa pagtitipon tayo ngayon kaya hindi ko maintindihan ang iyong pinupunto," si Lolo.
"Gusto ko ang alahas na iyon, Mr. Reistre."
"Sa sobrang pagkahumaling mo sa alahas ay nagawa mong nakawin ito, tama ba?"
Napasinghap kami.
"What do you mean, Lo?" usyuso ni Kent na sinaway ng ama.
Tsismoso.
Napataas ang kilay ko roon sa apo niya na balisa sa likuran ng lolo. Tss, dapat sinundan ka na rin ni Jace rito sa loob. Tutal, para naman kayong magnet.
"Since everyone is here, I wanna tell a story and this one is dedicated to you, my old friend, Sanchez."
Old friend... so, this old man in front of us was his friend before!
"Before, the auction was delayed because the governor stole it..." panimula ni Lolo.
Nalaglag ang aking panga. Kaya hindi natuloy ang auction noon dahil ninakaw ng gobernador ang kuwintas at paano naman iyon nakita ulit? Tapos ngayon gustong makuha ng gobernador ulit, sa anong rason? Naguguluhan ako!
"I didn't steal it!"
"Okay, you just took it without our consent, then."
Napatikhim ako.
"Alessandria gave it to me!"
Lolo scoffed. "Binigay? Bumangon ba siya sa hukay at inabot sa 'yo, huh?"
I don't know if this situation should be taken seriously or not.
"When she was still alive! Magkalaban tayo sa politika noon nang ipangako niyang ibibigay niya 'yon!"
"You impotent old man! You threatened and killed her! Inutusan mo ang tauhan mo!"
This is a heck of a puzzle. The letter's now making sense!
Humakbang ng isang beses si Lolo patungo sa kausap. "What was it again? You're threatened I might win against you? Kasi kalaban kita sa pag-ibig pati rin sa politika? You're that shallow, huh? And now, since you didn't get my wife from me... you're obsessing over her necklace? Oh, tama mga naman, isa kang asong baliw na baliw sa kaniya..."
The argument went on until I finally gathered the missing piece on my puzzle.
Kaibigan niya si Governor Sanchez noon ngunit pinutol nito ang koneksyon sa kaniya nang magpakasal sila ni Lola dahil, base sa narinig ko, ay mukhang may gusto ito kay Lola noon pa man! At kung hindi ako nagkakamali, ginamit niya si Lola para pigilan si Lolo sa pagtakbo! But why had it gone far?
Lola was killed by the governor's men.
So, Lolo's reasons were certainly valid.
Pinili nitong manirahan sa probinsya kung saan tahimik at simple lamang pagkatapos ng trahedyang iyon. The main reason why he chose to be lowkey and kept his identity instead of being known. Ayon pa sa karagdagang narinig ko ay hindi pa man pumapasok si Lolo sa politika ay hilig niya na talagang tumulong sa bayan.
Ugh! This is too much to analyze!
***
"Hey, Ariane. You're stunning, hija. Kaya pala ikaw ang sinama ni Sam na," halakhak ni Tito sabay lipat ng tingin sa panganay niyang anak.
Hindi ko na siya nilingon at nginitian si Tito. "Thank you po."
"Umuwi na tayo, Kuya," bulong ko nang lubayan ako ng mga nakakatanda dahil may pag-uusapan.
Jace was just there, nakatitig lang sa akin at halatang gusto na akong lapitan.
O, bakit, ha? Iniwan ka na noong babae mo? Kaya ngayon ganito ka na parang lalapit ako nang kusa sa 'yo, tingnan mo lang nang ganiyan.
"Victoriane," he finally spoke even before I could step.
Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang hinila ang dalawang lalaking kasama ko.
Manigas muna siya. Wala akong naramdaman ngayon sa kaniya kung hindi galit at inis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top