Chapter 41

Chapter 41: Secret

Napansin ko sa aking peripheral vision na nakatuon sa akin si Kent at Sam, sila lang naman ang nakakaalam at nasabihan ko tungkol doon, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Chesca sa tapat ko. Hindi ko iyon pinansin.

“’Wag na tayo pumasok sa eskwelahan! Lolo naman nating lahat ang may-ari noon, e! ’Di ba, Zian? Ikaw, Manong, pumasok ka, outsider ka lang sa eskwelahan namin!” si Archie na bumasag sa katahimikan.

Natawa ang iilan, pero gaya ni Sam, Kent at Chesca, nanatili kaming tahimik at nagpalipat-lipat ng tingin.

I even heard my Kuya’s complain when our friends tried to babysit him. “Hindi naman ako natanggalan ng baga! OA niyo!”

“Victoriane.”

Napaangat ako ng tingin kay Jace. Hindi pa man ako nakakapag-react ay lumapit na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

Napapikit ako nang naamoy ang kaniyang pabango. If only I could forget that photo...

“I-I missed you,” bulong ko.

Nakagat ko ang aking labi. Mukhang hindi mapigilan, ah? Ganoon ba karupok? Calm down, Ariane.

Kalimutan ko na lang kaya ang litratong iyon? Wala rin namang rason para magalit ako sa kaniya maliban doon. Paano kung sinisiraan lang siya sa akin, hindi ba? Pero...

“I missed you too. I love you so much,” bulong niya.

Tipid akong ngumiti nang halikan niya ang aking noo. Bakit ganoon? Nakakalimutan ko lahat ng sakit sa isang 'I love you' at halik niya lang?

Ano ba talaga, Jace? Why are you acting like you didn’t do anything wrong behind my back? Or baka... magaling ka lang talagang magtago? Do I really know you?

Hinila niya ako papunta kanila Kuya, at nagsimula na rin siyang makipag-usap nang may tumawag sa akin sa gilid.

“Ariane...” tawag ni Chesca.

“Hmm?” Napapatitig ako sa kaniya at nang maalala na hindi ko siya kapatid ay nagpasaya sa akin. Dahil isa lang ang dahilan noon... Papa didn’t cheat on us.

Lumabas si Chesca at sinenyasan akong pumasok kaya sinundan ko siya.

“Alam ko na alam mo na, hindi ba?” bungad sa akin ni Chesca pagkalabas ko, nakataas ang kilay.

I knew what she meant. “Yup.”

Her features softened. “All those years, naniwala akong ama ko si Mr. Reistre at kapatid ko naman kayo dahil iyon ang pinaintindi sa ’kin ni Mommy, but I realized everything I did because my dad made me. Siya ang ama ko, pero noon ay may parte pa rin sa akin na hindi siya tinuturing bilang isa dahil sa pang-b-brainwash ni Mommy sa akin. As per my dad, he told me everything and I understood afterwards. I even hated my mom because of that. For weeks, nag-isip isip ako sa lahat ng kasalanan na nagawa ko lalong lalo na sa Daddy ko, and it’s all because of my Mommy’s selfishness.

“I’m saying this because... I want to beg for forgiveness... I hope you can forgive me. I really am sorry, this time... I’m sincere, Ariane.” Her voice broke. “I want us to build a friendship, please? I want you to be my friend —”

I smiled and cut her off. “Oo naman, ’no. Willing ako, at waiting na rin,” pagbibiro ko.

A small smile crept on her lips and she widened her arms. “Friends?”

My smile grew wider and accepted her hug. “Friends,” I replied.

“I’m sorry for the wrong things I did...”

“I understood, you’re forgiven now.”

“An enemy that turns out to be my friend, huh?” dagdag niya pa. I chuckled.

We stayed silent for a moment when she spoke up again.

“I have something to say pa nga pala...”

I tilted my head. “Go ahead.”

Huminga muna siya nang malalim. “The photo that was sent to you last night... sa akin galing iyon.”

“Huh?” I tried to recall last night when I remembered something. Oh, my... the photo where in Jace was kissing someone?

Si Chesca ang nag-send noon?

My lips parted. “I-Ikaw iyon... paano?”

She sighed again. “I don’t wanna meddle between you two, but... I don’t wanna see you hurt or something being stupid? Ayaw kong gawin kang tanga kung sa likod mo lumalandi na iyong boyfriend mo sa iba...”

Yet, I remained shocked.

“Mas maganda nga namang masaktan ka sa katotohanan kaysa sa wala kang kaalam-alam na niloloko ka na pala?”

“Kailan iyon?” mahinang tanong ko, pinangingiliran na ng luha.

“Yesterday. I was with Daddy when I saw him with the girl, mukhang hinatid niya ang babae sa harap ng tower ng condo nito. Mukhang doon nakatira ang babae, e, umulan noon kaya lumabas si Jace tapos iyon lang naman sana ang kukuhanan ko ng picture nang bigla na lang siyang hinalikan noong haliparot kaya iyon ang ni-send ko...” paliwanag niya.

I don’t know if I should feel relieved? Dahil hindi siya ang humalik, but what about the ‘hatid’ thingy? Bakit niya hinahatid ang babae?

“Naiinis ako sa babaeng iyon, pakulam kaya natin?” Chesca tried to lighten up my mood.

True enough, hindi naman pala talaga siya masamang tao, nabulag lang talaga siya sa mga salita ng Mommy niya, pero masaya ako dahil wala ng gulo sa pagitan namin, kahit papaano ay nababawasan ang problema ko kahit na minsan ay nadadagdagan din.

Ganiyan naman talaga ang buhay, ’di ba? Hindi sa lahat ng oras ay kasiyahan, talagang hindi mo mai-de-describe ang buhay kung walang problema at kalungkutan, minsan nga ay mas marami pa ang problema mo kaysa sa mga magagandang bagay na nangyayari sa iyo.

“Nagseselos ka ba, Chesca? Tandaan mo, ako ang girlfriend. Ex-fling ka lang.” Sinubukan kong sumakay sa kaniya.

Napaawang ang kaniyang labi bago ako inirapan. “Woah, hey, miss. Masyado na yatang matabas ang dila mo para sabihing fling niya ako?”

Mahina akong natawa, pero ang isip ay lumilipad doon sa picture na iyon. “Isang beses mo lang ba nakita si Jace na ganoon?”

Umiling siya. “Actually, I saw them before sa university ni Jace. Noong nakaraan lang iyon kasi may ginawa lang ako sa school na iyon tapos iyon nga pansin kong dikit na dikit iyong girl sa kaniya. I was giving you hint before but you seemed unbothered, so I didn’t go further na. Bahala na kayo.”

Pumasok na kami ni Chesca sa loob at nang isinarado ko na ang pinto ay napabaling silang lahat sa amin.

Nagtaas ng kilay si Kuya, nanliit naman ang mata ni Jace, ganoon rin si Kent.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at drinks bago umupo sa bakanteng sofa malapit kay Jace. Wala masyadong upuan sa loob kaya si Kent at Archie ay sa kama ni Kuya umupo.

Si Sam naman ay nakatayo lang at nakasandal sa pader at nahuli ko siyang nakatingin kay Trisha na nakikipagtawanan na kanila Sandra.

“Hey, you good?”

Napatalon ako sa gulat nang tumabi si Jace sa sofa. Shemay. “Of course,” simpleng sagot ko.

“You seemed cold, Victoriane. I don’t like it.”

Napalingon ako sa kaniya.

Do I have to tell him? No... ang gusto ko sa kaniya mismo manggaling, but whaf if wala lang sa kaniya iyon kaya binalewala niya na lang at hindi sinabi sa akin?

O baka naman... sinisekreto niya talaga?

“I was just tired,” I responded.

“I’m sorry... but you know yoy can lean on me, right?” malambing niyang sinabi at sinubukan akong yakapin pero umatras ako. Kumunot ang noo niya dahil doon.

Hilaw akong ngumiti. “Uh, oo naman...”

“Victoriane...” This time, may halong takot na ang boses niya.

I cleared my throat. “Ano?” paiwas kong tanong.

“Do we have a problem?” he whispered, almost pleading.

I pursed my lips. Buti na lang iyong mga atensyon ng kaibigan namin ay naroon kay Kuya kaya malaya kaming gawin anuman ang gustuhin namin.

“Wala naman...” Bakit ’di mo itanong iyan sa sarili mo?

“Victoriane...” pagtawag niya ulit.

Nairita ako kaya pinanlisikan ko na siya ng mata. “Puwede ba, Jace, huwag ka makulit? Pumasok ka na, hindi ka na dapat nag-abala na pumunta rito!” mariing sambit ko, natigil lang nang makitang dumaan saglit ang sakit sa mga mata niya.

“I... I have something —”

“Manong, may tumatawag sa cell phone mo!” pagsingit ni Archie.

Napabaling tuloy kami roon at nakitang tinataas niya na ang cell phone ni Jace na umiilaw dahil sa isang tawag.

Nagtaas ako ng kilay. “Might be your blockmate, sagutin mo na,” utos ko nang hindi siya tinitingnan sa gilid.

He sighed. Before he left me there, he planted a soft kiss on top of my head and went to get his phone.

“Ari, I guess, you have to tell me a lot of things,” si Kuya nang umalis na ang mga bisita namin.

I gave him a smug look before going near him. Umupo ako sa upuan na katapat niya, sinundan niya naman ako ng tingin.

“Chesca apologized earlier... and uhm, ako muna magtatanong sa iyo. Sinundan mo ako kahapon... bakit?”

Nagtiim labi siya bago pumikit nang mariin. “I’ve followed you... because I was worried, Ari, na baka may mangyari sa ’yo at hindi na naman kita matutulungan.”

The sorrow and sadness are evident in his eyes. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. “I’m sorry, Kuya... I promised kasi na I’ll make it okay and I just wanted you to be surprised, but seemed like ako ang nasurpresa. Sorry talaga dahil kung hindi ako nag-text sa ’yo hindi iyon mangyayari.”

He caressed my back. “It’s not your fault, okay? Stop blaming yourself, Ari. Ako ang may gusto na sundan ka. I even heard what you and the old man talked about. Una, inakala ko pa na niloloko mo si Jace... at nakikipagkita ka sa matanda. Akala ko sugar daddy mo, e, kukutusan talaga kita.” He chuckled a bit.

Sumimangot ako. “Wow naman! Ganiyan na ba tingin mo sa akin, sira ka!”

He chuckled.

I sighed. “So, narinig mo iyong pinag-usapan namin?”

“Yes, malinaw na malinaw. Hindi na rin ako nagtaka nang kausapin ako ni Chesca kanina. She apologized to me... and I knew she’s not our sibling...”

Tumango ako. “Sorry for keeping it, Kuya. Hindi ka sana naksidente. I love you so much po.”

“All good. Please, huwag ka na mag-sorry as what I’ve said, wala kang kasalanan. I love you, baby.” He kissed my forehead.

Weeks passed. Maayos na si Kuya at dalawang beses ko rin siyang sinamahan para magpa-check up sa ulo niya. The incident was not settled.

Ilang buwan na lang at graduated na kami ng isang taon sa senior, this felt so surreal. Nawala na rin ang galit ko kay Jace, hindi pa rin niya iyon pinapaalam sa akin at aminin ko man o hindi nagtatampo ako sa kaniya at sumasakit pa rin ang dibdib ko dahil doon.

Nang isang araw ay napaiyak ulit ako, hindi ko alam kung nagiging unreasonable lang ba ako, pero binalak ko talagang pumunta sa condo niya nang namataan ko ulit ang kotse na gaya ng kaniya o sa kaniya talaga.

Sinundan ko iyon at huminto iyon sa condo tower sa kabilang street. Hindi ako sigurado kung siya ba iyon dahil nang may lumabas kasi na babae ay hindi na bumaba ang nag-drive, nakumpirma ko lang iyon nang nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa dumating sa basement parking kung saan ang condo niya.

Natulala ako.

Hindi ko talaga alam kung kukumpruntahin ko ba siya o ano. Ayaw kong pag-awayan namin iyon pero hanggang kailan naman ako iiyak sa gilid at mananahimik habang siya walang alam at walang balak magsalita.

Nagbago na siya...

May sasakyan na ako pero nasanay rin naman akong sinusundo niya ako, pero nang nakaraang araw ay tinatanong niya na lang ako kung susunduin ba, dati naman ay nagkukusa siya. Kung hindi ako nagkakamali ay naihatid niya na siguro ng ilang beses ang babaeng iyon, siguro ay tama talaga ako noong una, hindi ako nagkamali ng sasakyan na sinundan, siya talaga iyon at sa ibang daan lang dahil may inihahatid.

Iyan na ba ang trabaho niya ngayon? Taga-hatid sa babae? Baka nga sundo rin? Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata dahil doon.

Nananahimik lang ako habang kaya ko pa, naghihintay ako na magpaliwanag siya. May rason naman siguro kung bakit hindi niya sinasabi sa akin, hindi ba?

Bakit pakiramdam ko ay nagsimula kaming magkalayong dalawa na kahit ang lapit lang naman namin? Bakit parang nararamdaman ko na unti-unti siyang nawawala sa akin?

Nagtitimpi lang ako, pero oras na masaktan pa ako dahil sa pagtatago niya ng sekreto sa akin...  I don’t know.

I love him, but is it really worth it? I mean hahayaan ko bang masaktan ang sarili ko dahil lang sa mahal ko siya? Paano naman ang nararamdaman ko?

Magpapaka-martyr ba ako rito? Busy na rin ako sa studies dahil graduating ng senior high at kung babagabagin ako nito... makakapasa kaya ako? Baka naman ibagsak ko itong mga subjects ko... na ayaw ko namang mangyari.  

Hindi ako mapanatag, naiisip ko pa lang na may kahalikan siyang iba, may hinahatid siyang iba, paano na lang kung... magmahal siya ng iba? Paano ako?

“Ari, your phone is beeping!”

Nasa bathroom ako at nagto-toothbrush nang sumigaw si Kuya galing sa kuwarto.

Simula nang aksidente na nangyari ay mas gusto ko siyang kasama kaya ngayon nanonood kami ng movies. Namiss ko talaga si Kuya, madalang na lang kaming mag-bonding dahil busy rin kami ni Jace, ngayon na may mali ay hindi ko alam, mukhang wala namang nahahalata si Kuya mas mabuti iyon dahil ayaw ko na siyang mag-alala pa.

“Patingnan Kuya, please!” sigaw ko galing sa bathroom at nagmumog muna.

“It’s Sam!” aniya at inilahad sa akin ang cell phone pagkalabas ko.

Nakatingin pa rin si Kuya sa akin, nakataas ang kilay.

Binasa ko ang text.

Samiel: Ella, can I talk to you? I just want to ask a favor.

Nangunot ang aking noo.

Ako: Okay! Kailan ba?

Samiel: Bukas sana. Is it okay sa coffee shop or... sa inyo na lang?

Ako: Kahit saan, basta ’wag mo lang ako kidnapin wala akong pang-ransom lol

Samiel: Hahaha, traumatized, sorry. I’ll text you tomorrow, then. : p

“Okay lang ba kayo ni Jace? Mukhang hindi na kayo nag-uusap these days, ah?”

Tumabi ako kay Kuya at niyakap ang unan habang nakatingin sa TV.

“Busy lang, Kuya,” sagot ko, hindi siya binabalingan.

“Siguraduhin mo lang. May napapansin ako sa iyo nitong mga nakaraang araw at namumugto ang mga mata mo. I’m worried, Ari...”

“Ayaw ko nang nakikita kang nahihirapan, at kung siya man ang dahilan... sorry, but I think you need to rest, if something’s bothering you, kausapin mo ako.

“Narito lang ako, and I’ll never get tired listening to your sentiments.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top