Chapter 40

Chapter 40: Accident

Nang makarating ako sa bahay ay ngiting-ngiti ako. Kaagad akong dumiretso sa dining room dahil doon ko lang naman sila makikita.

“Hello, everyone!”

Pero napasimangot ako nang nakitang walang katao-tao ang dining room. Lumabas ulit ako at nakita silang tatlo, si Mama, Papa, at Lolo na papalabas na kung hindi ko lang tinawag.

“Saan po kayo?” tanong ko.

“May gagawin lang kami —”

“Tungkol saan po ’yan?” pagputol ko.

“About Chesca,” sagot ni Lolo.

Kaagad namang lumawak ang aking ngisi0 excitement filled my entire system. “I have something to tell you po, it’s important.”

Nagdadalawang-isip pa sila, pero kaagad ring tumango. Dumiretso ako sa dining room at umupo sa kabisera. Masyado uata akong masaya ngayon at pati puwesto ni Lolo ay inagaw ko.

“Saan nga po pala si Kuya?”

“Hindi ba kayo nagsabay?”

Naalala kong umalis nga pala ako kanina, at ibinilin kong sumabay na siya kay Kent, siguro mamaya ko na lang sabihin sa kaniya pagkarating niya. Nag-text na rin naman ako kanina sa kaniya pero wala nga lang akong natanggap na reply.

Kinuha ko ang brown envelope sa aking bag at inilipag sa gitna ng lamesa. Nangunot ang kanilang noo bago nag-angat ng tingin sa akin, inginuso ko naman ang envelope.

“Mr. Arthur gave me that envelope.”

“Who’s Arthur?” tanong ni Lolo bago kinuha ang envelope.

Nagkatinginan naman sina Papa at Mama.

“Arthur? Sounds familiar...”

“I knew him, asawa ni Chelsea.”

“Is this legit, apo?”

Tumango ako kay Lolo, ibinigay niya iyon kay Mama at Papa para tingnan nang natapos nila itong tingnan ay napatakip ng bibig si Mama.

“What’s the meaning of this?”

Sinimulan kong magkuwento, noong natanggap ko ang DNA test hanggang sa pag-uusap namin kanina, hindi ko sinabi lahat tungkol sa naranasang sakit ni Mr. Allen. Nasaktan na nga siya ipangangalandakan ko pa ba?

“Hindi mo anak si Chesca, Papa,” ngiti ko.

“You didn’t fail me, apo. This is great, I’m proud.”

“Ano ba, Lo. Maliit na bagay.” Ni kaya ko nang magyabang.

Napalingon na lang ako kay Mama nang lumapit siya at mainit akong niyakap. “T-Thank you, anak.”

Nag-usap-usap pa kami tungkol doon. At dahil sa sobrang saya at malaya ang aking pakiramdam ay hindi mapawi-pawi ang ngising iyon. Even Papa teared up and apologized for being useless he was. But I refused to agree with him. Biktima lang din siya.

Sa sobrang tuwa namin nina Mama ay niyaya niya akong magluto ng hapunan, sa pagiging ligalig ay natabig niya ang vase sa gilid dahilan kung bakit ito lumikha ng tunog at nabasag.

Kaagad akong kinabahan for no reason.

Nagpatawag naman kaagad si Lolo nang maglilinis. Nakangiti pa rin kami sa isa’t isa nang tumunog ang cell phone ni Papa at lumayo-layo muna para sa privacy. 

“What’s wrong, Roen?” tanong ni Lolo sa hindi kalayuan.

Nagkatinginan kami ni Mama.

“Kent j-just called... Zirdy is in the hospital,” he broke the news.

Katahimikan ang bumalot sa aking paligid, pakiramdam ko ay nabingi ako. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib at kaagad na patakbong sumunod sa kanila.

Sumakay kaming lahat sa SUV patungong hospital, hindi ko alam pero nanginginig ako na parang binuhusan ng malamig na tubig.

Nagsimula nang mag-unahan ang aking luha sa pagtulo, tumingin ako sa labas ng bintana at lalong naiyak nang bumagsak ang malakas na ulan.

Kuya, ano’ng nangyari? 

Kaagad kaming nagtungo sa reception desk para magtanong. Nang sagutin kami ng nurse ay dumiretso na kami sa emergency room.

Nang nakarating kami sa labas ng ER ay kaagad kong nakita si Kent na nakayuko at nakapatong sa tuhod ang dalawang siko, natatakpan ng kaniyang kamay ang mukha.

Nang napansin niya kaming palapit ay kaagad siyang tumayo.

“What happened, Kent?!” pahisteryang ni Mama. Kaagad naman siyang hinawakan ni Papa sa balikat.

“I-I don’t know, Tita. N-Nakita ko na lang siya sa labas ng Starbucks malapit sa mall, pagkarating ko roon ay nakahilata na siya.” Bahagyang nanginig ang boses ni Kent.

Something popped in my mind. No...

Huminga ako nang malalim at tiningnan si Kent kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luha. “A-Ano ang ginawa ni Kuya roon?”

“I don’t know, Ari... nagpasundo lang siya sa ’kin doon...”

Hindi kaya... sinundan niya ako?

Nanghina ang aking tuhod at kung hindi lang ako naalalayan ni Kent ay baka tuluyan na akong natumba.

Tuluyan na namamg tumulo ang aking luha, tinakasan ako ng kulay sa mukha. “M-My fault...”

Niyakap ako nang mahigpit ni Kent at sinabing aksidente ang nangyari.

Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya at paulit na sinisisi ang sarili. Siguro kung nagpaalam lang ako nang maayos ay hindi niya ako susundan, hindi kaya nag-aalala siya sa akin dahil kung ano na naman ang mangyari? Tapos ako... nang dahil sa akin naaksidente siya.

“Apo, take care of Ariane, okay? May aasikasuhin lang kami...” Narinig kong sambit ni Lolo. “Auren, you need to rest —”

“No, Papa. I’ll stay here.”

“Okay... I need to call Von to help me with the incident. Roen stay with your wife.”

Nag-angat ako ng tingin at kaagad nagtama ang mata namin ni Lolo. Hinaplos niya ang aking buhok habang yakap pa rin ako ni Kent.

“It’s not your fault, apo. Aksidente ang nangyari at ipagdasal na lang natin na hindi napuruhan ang kuya mo, ayos ba iyon? Aasikasuhin ko lang ang nangyari,” aniya.

Dahan-dahan akong tumango.

Umalis na si Lolo at inalalayan naman ako ni Kent na umupo. “Are you feeling better now?” maingat niyang tanong.

Umiling ako.

He sighed and flashed a small smile. “I’ll just buy you water, okay?”

“Sama ako,” sabi ko.

Tumango siya at hinawakan ang aking braso.

“Kung hindi lang siguro niya ako sinundan, hindi mangyayari ito...” bulong ko sa sarili.

“Ano ba ang ginawa mo? Galing ka ba roon?”

Tumango ako. “I met up with someone. Chesca's father, he told me everything at napatunayan na hindi anak ni Papa si Chesca.” Tipid akong ngumiti. Gone all the happiness and excitement I’ve felt earlier.

“Come again?”

Inulit ko.

“So, it means... hindi talaga anak ni Tito si Chesca? Is there a test?”

Tumango ako at hindi na rin siya nagtanong pa. Pagkatapos naming bumili ay umupo kami sa waiting area. Kent tried to lift my mood by telling me his corny jokes.

Naalala ko naman tuloy si Jace. He hasn’t texted me yet... baka busy.

Ilang oras kaming nanatili roon hanggang sa may lumabas na doctor galing sa loob ng ER. Nagkumahog akong lumapit doon para makibalita.

“How’s my son, Doc?"

“Sa awa ng Diyos, hindi naman siya napuruhan. Stable na ang lagay ng pasyente.”

Nakahinga ako nang maluwag, pero hindi pa rin ipagkakait ang kabang nararamdaman.

“The accident caused him a closed head injury and some minor injuries dahil impact ng pagkakabangga sa kaniya. We can’t say when he will wake up. Pero maaari na rin siyang ilipat sa private room. May God heal him fast,” sabi ng doktor.

“Thank you, Doc.”

“Salamat po.”

Tumango ang doktor at umalis na.

“Thank God!”

Gabi na at nailipat na rin si Kuya sa isang pribadong kuwarto habang si Lolo, Tito Von, at si Papa ay umalis para tumulong sa imbestigasyon.

Tumunog ang aking cell phone dahil sa mensahe ni Jace.

Babe: Hi, babe. I’m sorry I wasn’t able to text you earlier. How are you?

Nagtiim labi ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang sitwasyon ni Kuya at kung saan ko. I don’t wanna burden him dahil siguradong busy siya.

Ako: Hi, okay lang. ikaw? Text u later, may ginagawa pa kasi ako. Ingat ka, love you!

Nasa loob ako ng kuwarto si Mama naman ay nasa gilid ni Kuya, si Kent naman ay lumabas saglit para bumili ng pagkain.

Umupo ako sa sofa na nasa kabilang gilid ng hospital bed ni Kuya. Hindi ko mapigilang maluha sa sitwasyon at sa itsura ni Kuya ngayon.

May benda siya sa ulo at may sugat rin sa mukha, buti na lang at walang nabali na buto sa kaniya, may ilang galos lamang siya sa katawan, pero hindi ako mapapanatag hangga’t hindi pa siya gumigising.

Pinagmasdan ko si Kuya na mahimbing na natutulog which is mas maganda sana siyang pagmasdan kung hindi lang sa hospital.

“Ma, you should rest after we eat. Umuwi ka muna po at ako na lang ang magbabantay kay Kuya.”

“No, dito lang ako.”

“Ma... babalik ka rin kapag nakapagpahinga ka na po nang sapat...” giit ko.

Huminga nang malalim si Mama at tumango. “Okay, tapos ikaw na naman ang magpapahinga, okay? Your kuya will get mad.”

Ngumiti ako at tumango.

Dumating si Kent kaya nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos ay hinatid ni Kent si Mama pauwi ng bahay.

Hating-gabi na at hindi pa rin ako inaantok, nakaupo lang ako sa sofa habang hawak-hawak ang isang kamay ni Kuya na may dextrose na nakakabit.

My phone beeped. Akala ko si Jace iyon, pero hindi pala.

Unknown number sent a photo.

Inihiga ko ang ulo sa gilid ng kama ni Kuya bago binuksan ang message.

Namilog ang mata ko pagkatapos makita ang litrato. My face paled as my heart immediately shattered into pieces.

Napalunok ako.

What the hell... is this?

It’s Jace with a girl, and they looked like... kissing. No, they were kissing! Sure ako dahil ni-zoom ko ang picture!

Tila nawala ang antok sa sistema ko at nagsimula akong manginig.

Nasa parking lot iyon at medyo malayo ang pagkakakuha pero makikita mo pa rin.

Nanginginig ang aking kamay na inilapag ang cell phone sa gilid at nagsimulang umiyak. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Kuya at humagulgol nang tuluyan.

How could... Jace do that to me?!

Fear consumed my entire system. Is he cheating on me?

Hindi kaya... mas lalo siyang nagiging busy o nag-bi-busy-busy-han lang dahil may iba na siya?

Niloloko niya lang ba ako?

Kanina ang saya-saya ko pa dahil wala na kaming poproblemahin tapos nangyari ang aksidente kay Kuya, tapos ngayon si Jace na naman... he’s kissing someone who’s not me!

Nakagat ko ang aking labi. Okay pa naman kami, ah? Kaya ba hindi niya akong nagawang tawagan o i-text ngayong araw man lang? Ganoon ba kahirap pindutin ang call button? Ganoon ba siya ka-busy sa pag-aaral o busy na sa... iba?

“Bakit ngayon pa?” I whispered and watched Kuya sleeping peacefully, like nothing happened.

Puwedeng bukas o sa susunod na araw ko na lang sana nalaman na may iba siya, hindi ngayong lugmok ako dahil sa nangyari kay Kuya!

Pero bakit nga ba niya iyon nagawa? I’m his girlfriend, but... why was he kissing another girl?

“Don’t I deserve a permanent happiness?” tanong ko sa kawalan.

“Everyone can have the happiness, but I’m afraid to say it’s not always permanent.”

I stiffened. Umayos ako ng upo, pinalis ang luha saka umikot para makita kung sino iyong nagsalita.

“Sam?” nagtataka kong tanong, hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto.

Sam lent me a handkerchief. Tinitigan ko pa iyon bago napagdesisyunang tanggapin.

“Thanks.”

Lumapit ako sa kaniya at yumakap. “How did you know, Sam?”

“I just heard it, sinabihan din ako ni Kent sa nangyari kaya pumunta kaagad ako rito...”

Bumaling siya sa kay Kuya at lumapit; tumabi naman ako para makaraan siya.

“Zian, gumising ka na. May klase pa tayo bukas, ilang oras ka nang tulog,” pagbibiro niya pero bakas ang lungkot sa boses.

Tumingala siya at doon ko napansing nangingilid ang kaniyang luha. “Sorry, iyakan. I just didn’t expect this to happen, it shocked me.”

Malungkot akong ngumiti. “Yeah...”

“Did you call Jace?” tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang pinisil ang daliri.

“Ella... may mali ba?”

Napalingon ulit ako sa kaniya at tumulo na naman ang aking luha. Nakakainis!

“Wala...”

“Is there a problem between you two?”

Umiling ako nang umiling. “I don’t know. I d-don’t know what to do right now, Sam...” Naguguluhan pa ako.

Lumapit siya sa akin at mabilis na kinulong sa kaniyang bisig.

“I think... he’s cheating on me, Sam,” I confessed on his chest.

Napasinghap siya at saglit na napahinto ngunit nagpatuloy ulit  sa paghaplos sa aking likod. “Hush... don’t think about it first, Zian needs you more.”

Nang kumalma na ako ay bumitaw na ako, pinunasan niya naman ang aking pisngi gamit ang hinlalaki niya.

“’Wag mo muna siyang problemahin... try to divert your attention, kailangan mo munang magpahinga.”

Tumango ako. He’s right. I shouldn’t have thought about him.

Nagulat ako nang pumasok si Archie at Trisha na hinihingal pa. Nang nakita nila kami ay kaagad yumakap sa akin si Trisha at nagtanong naman si Archie.

“Oh, my! Ano’ng nangyari kay Zian?”

“Okay na ba siya, Anella?”nag-aalalang tanong ni Archie at lumapit kay Kuya, kuryuso itong pinagmamasdan.

“Naaksidente siya,” ani ko.

“Zian, hindi bagay sa ’yo ang matulog dito sa hospital! Ang pangit mo, bumangon ka na riyan!”

Lihim akong ngumiti sa pahayag ni Archie kahit pumiyok ito saglit. I could sense that they’re affected like me.

“Gaya gaya ’tong si Archie,” si Sam.

Nang dumating si Kent ay nagpaalam na rin sina Archie, Trisha, at Sam na uuwi na. Ayaw pa nga nilang umuwi at ayos lang daw, pero nakakahiya naman at nag-abala pa sila. Kent even suggested na umuwi na ako para roon matulog at siya na lang ang magbantay, of course, hindi ako pumayag.

Ini-offer ko kay Kent ang sofa dahil alam kong pagod na pagod siya, pero ayaw niyang tanggapin at matulog na lang daw ako, hindi na ako nakipag-away at pumayag na lang.

Para akong tanga na paulit-ulit na bumubuntonghininga. Hindi kasi ako makatulog dahil sa daming iniisip kahit na dalawang problema lang naman ang mayroon ako ngayon.

Nahuli na ang driver ng motor na nakabangga kay Kuya at kaagad naman iyong kinasuhan, sunod si Kuya na hanggang ngayon hindi pa gumigising kahit na alam ko na hindi naman siya agad-agad gigising, talagang gusto ko lang na makita siyang gising.

Si... Jace naman. Wala pa rin akong natanggap na kung anong text o tawag man lang simula kanina. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya?

“What are you thinking, Ari?” biglaang tanong ni Kent, nakapangalumbaba siya at ang siko ay nakapatong sa kama ni Kuya.

Tipid akong ngumiti. “Wala naman...” Saka bumangon.

He smirked. “Talaga ba? Kaya pala kunot na kunot iyang noo mo at mukhang pati ang problema sa politiko ay dinadala mo. What’s wrong?”

“Ewan ko, Kent. Parang... ewan, ang gulo.”

Hindi na siya nagtanong pa ng kung ano at hinayaan lang akong mag-rant.

“Surrender it to God, Ari. Ipagdasal mo ang mga problema mo, it helps. Good night, matulog ka na,” ani Kent.

Tumango ako sa kaniya at itinulog na lang ang problema.

Nagising ako nang maramdaman ang sakit sa aking leeg. Nag-stretch ako at inilibot ang tingin sa paligid at naalala kong nasa hospital nga pala ako!

Kaagad kong nilingon si Kuya nagbabakasakaling gising na ito ngunit lumaylay ang aking balikat. Hindi pa rin siya nagigising at mukhang hindi rij gumalaw. Malungkot akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.

“Wake up, Kuya. I already missed you...”

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kent na may dalang paper bag. Mukhang inaantok pa siya at pinilit lang na bumaba para bumili ng pagkain.

“Morning, Ari,” pahikab niyang bati at inihanda ang folding table.

“Hindi nagising si Kuya kahit saglit?” tanong ko habang tinutulungan siyang maghanda ng breakfast.

Umiling siya kaya hindi na ako nagtanong pa.

“By the way, Ari...”

“Hmm?” I hummed and drank on my milk.

“Pumunta rito si Jace kagabi. Tulog ka na at hindi ka na rin ginising.”

Halos maibuga ko ang gatas dahil sa sinabi niua. Nangunot ang aking noo. “Ano’ng ginagawa niya rito?”

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang litratong iyon. Ngayon ay nangangalaiti na ako sa galit.

“Binisita niya si Zian at... ikaw. Ayaw mo ba? May nangyari ba?” nagtataka niyang tanong.

“Wala naman, ayaw ko lang siyang makita kaya ayos na rin na hindi niya ako ginising baka bugahan ko siya ng apoy...”

Natawa siya. “Dragon ’yan?”

Iniirap ko na lang iyon.

“Pero seryoso, LQ?” usisa niya.

Bumuntonghininga ako. “Naranasan mo na bang ma-in love?”

Natigilan siya sa tanong ko. Don’t tell me hindi pa? Well, hindi naman kaso iyon.

“W-Why?” He seemed uneasy now.

“Just answer me.”

“Hmm, I guess? Ah, oo pala...”

“In love rin ba sa ’yo?”

Nanlaki ang mata niya. “Namemersonal ka na niyan, Ari!”

“What’s wrong with my question?” inosente kong tanong. “Siguro hindi, ’no? Affected much?”

“Nah!” pag-deny niya at nag-iwas ng tingin.

“Sige, i-deny mo. ’Di ba masakit kapag nakikita mo ang taong gusto mo na may kahalikang iba?”

“H-Hindi ko alam, Ari,” paiwas na sagot niya.

Tumango lang ako.

Mukhang natauhan siya at nilingon ako, nanlaki ang mga mata. “Don’t tell me...” Umawang ang labi niya at gulantang pa rin na hinawakan ang dalawa kong kamay. “Ari... si Jace ba...”

Tumango lamang ako.

“Seryoso?! He c-cheated... Jace was kissing another girl?! Ganoon ba?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Umirap ako sa ere, pinangingiliran na naman ako ng luha. Bakit kasi ang sakit isiping may kahalikan siyang iba?

“Sure ka ba? Hindi ako naniniwala, e... pero kung totoo nga...” Umayos siya ng upo at tumingala, malalim na ang iniisip.

“I don’t know, Kent. Maybe, nagkakamali lang ako, hayaan mo na lang —”

“What the hell are you thinking , Ariane?! Hayaan? Tanga ka ba?!” medyo padabog na aniya.

Namilog ang mata ko sa paratang niya. I glared at him. “Sapakin kaya kita? Maka-tanga ’to!”

Ngumuso naman siya saka ngumiti. “Sorry na, gulat lang.” Sabay taas ng dalawang kamay na animo’y sumusuko.

“Kuwento mo sa pagong,” pagtataray ko.

“Sorry na. Hindi kasi puwedeng hayaan, kung gising lang si Zian ngayon paniguradong susugurin niya si Jace... kakausapin ko siya mamaya,” pinal na saad niya.

Nanlaki ang mata ko. “No! ’Wag na, ako na ang bahala, okay? Kaya ko na Kent! Huwag ka lang maingay, please! Hindi pa ako sigurado, okay? At ’pag gumising si Kuya, ’wag na ’wag mo munang babanggitin... please?” I begged with my puppy eyes.

Namungay ang kaniyang mata at maayos na umupo ulit sa harap bumuga ng hangin. “Okay, fine, but please, Ari... tell me if there’s something wrong. I’m here, your kuya’s here for you. Kung totoo man iyang sinasabi mo, kailangan ng isang Jace ng suntok galing sa akin at sa kuya mo.”

Ngumuso ako. “Huwag naman kayong ganiyan! Huwag niyong sasaktan si Jace kahit ano ang mangyari!” paalala ko na hindi naman pinakinggan ng pinsan.

Hinagisan ko ng orange si Kent maya-maya. Nagpabili kasi si Lolo ng mga pagkain at prutas para sa amin.

“Pumasok ka ng klase ngayon, Kent. Ako na bahala kay Kuya darating din naman sina Papa mamaya,” utos ko habang busy rin sa pagbabalat ng orange.

Napabaling ako sa kaniya nang tumawa siya.

“Really, Ari? Nasa hospital ang pinsan ko tapos papapasukin mo ako sa eskwelahan?” sarkastikong tugon niya.

“Ha! E, bakit, saan ka ba papasok? Sa sementeryo?”

He made a face. “Corny. At saka baka nakakalimutan mo ring tayo ang may-ari ng eskwelahan, huh?”

Napangiwi ako nang natantong may punto siya. “Tss! Hindi tayo ang may-ari, si Lolo!”

“’Sus, parehas na rin iyon!”

“Pumasok na kayong dalawa at ayos na rin naman ako.”

Parehas kaming nanigas ni Kent sa kinauupuan. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na nilingon kay Kuya na ngayon ay nakataas na ang kilay at nakahalukipkip na nakasandal sa kama.

Oh, my... Bumilis ang tibok ng aking puso at parang tinakasan ng kulay sa mukha.

“Kuya!”

“Zian?!”

Dali-dali kaming lumapit kay Kuya at dinamba siya nang sobrang higpit na yakap.

“Aww! You guys are hurting me!” Dumaing siya kaya kaagad kaming lumayo, pero gusto pa rin siyang yakapin tipong mapipiga siya.

“How are you feeling, Kuya? May masakit ba sa ’yo? May kumikirot? Feel mo ba nabalian ka ng buto? Should we call the doctor? Tell me, please!” sunod-sunod na desperadang tanong ko.

I frowned when I noticed the both of them shared looks and glanced at me again with their amused face.

“Para naman akong nasagasaan ng eroplano kung makatanong ka, Ari,” hagikhik ni Kuya.

I frowned even more. Si Kent ay hindi na rin napigilan at nakitawa na rin.

Napangiti na lang din ako kahit halatang inaasar nila akong dalawa.

Pinagkatitigan ko pa si Kuya na pinagmamasdan lang kami ni Kent. I couldn’t help but to tear up and hugged him tighter. “Sobrang miss na miss kita, Kuya. I love you, alam mo ’yon, ’di ba?” bulong ko.

He weakly chuckled and equalled my embrace. He planted a soft kiss on my head. “I’m sorry for making you worry, baby. Kuya loves you too.”

“Aww, so sweet. Sana lahat.”

Kumalas kami ni Kuya at hinarap si Kent.

“Ikutin mo ang mundo at hanapin si Allison, sa kaniya ka magpayakap!” Kuya exclaimed.

Nangunot ang noo ko.

Kent clenched his jaw and raised his middle finger.

Woah. I didn’t see it coming!

“Kairita ’tong tarantadong ’to! Pagkatapos kitang sagipin, iyan igaganti mo sa ’kin? Gusto mo bang ma-operahan?” Kent said, annoyed.

Natawa na lang ako kahit hindi maintindihan ang pinag-awayan nila.

Kuya pouted a bit. “C’mon, dude. Your dearest cousin will give you a comfort hug,” panunukso ni Kuya kay Kent at nilahad ang kamay.

Sa iritasyon ni Kent ay lumapit siya kay Kuya at sinapak ito sa tiyan.

Namilog ang mata ko at inabot si Kent para hampasin sa braso. “Siraulo, baka mapaano si Kuya, Keiro Blint!” sigaw ko.

Kuya cleared his throat. “Keiro Blint pa nga... does it ring a bell to you, Kent? Sino nga ulit iyong tumatawag sa iyo ng buong pangalan —”

“Tatahimik ka o ihahampas ko ’to sa ’yong dextrose?”

Humagalpak si Kuya sa tawa pero maya-maya rin ay tumigil at dumaing.

“Ayan, karma agad! Ang tanga kasi! Bakit nga ba hindi ka tumitingin sa daan bago ka naaksidente? Ni hindi mo inilagan iyong sasakyan, bobo.”

Umangat naman ang gilid ng labi ni Kuya, napawi lang iyon nang lumingon siya sa akin nang nanliliit ang mata.

Kinabahan ako dahil sa paraan ng kaniyang pagtingin.

“I received your text yesterday kaya huminto ako para tingnan.”

Nagsitaasan ang aking balahibo. So it really was my fault?!

“At kasalanan pa ni Ari na tatanga-tanga ka sa daan, Zian?” singit ni Kent na inignora ni Kuya.

Pinisil ko ang aking kamay at nangingilid na naman ang luha. “I’m really sorry, Kuya... it was my fault, sorry —”

“No, it’s fine. It was an accident, Ari. Don’t blame yourself, I’m still alive. Saka tama si Kent na dahil sa katangahan ko iyon, hush,” pang-aalo niya.

Pumalakpak naman ang isa. “Inamin din!”

Hinawakan ni Kuya ang aking isang kamay at pinisil ito. “Stop blaming yourself, I don’t like it. Nobody’s at fault, it was all an accident and purely stupidity of mine. Okay?”

Bumukas ang pinto kaya napabaling ang atensyon namin doon. Pumasok si Papa, Mama, Lolo, at Tito Von.

“Zirdy!” Dumiretso kaagad si Mama kay Kuya at yumakap.

“Zirdy, how are you feeling?” tanong ni Tito Von.

Nag-usap naman si Lolo at Kent, lumapit ako kay Papa at hinawakan ang kaniyang braso. “Kuya’s okay, Papa. Nakapagpahinga po ba kayo nang maayos?”

Ngumiti sa akin si Papa at inakbayan ako. “Yes, how about you, anak?”

Tumango lamang ako. I noticed my father’s glance every now and then at Kuya’s direction na pinaulanan pa ng mga tanong ng tatlo.

I sighed and hugged Papa. “Maiintindihan ni Kuya, Papa. Sana po maging maayos na ulit kayo.”

Ngumiti siya. “Salamat, ’nak...”

“Papa...”

Napabaling ako kay Kuya nang tawagin niya ito. Natigil pa si Papa pero kumalas din sa akin at lumapit kay Kuya.

Nang nagtanghali ay bumisita sina Sam, Archie, Trisha, Sandra, Gio, at Chesca. Sa dami pa naman namin sa loob ay kailangang lumabas ng iba.

“Ay, babalik na lang po kami,” sabi ni Trisha kanila Lolo.

“No, it’s okay. Aalis muna kami para bumili ng lunch ninyo. Nag-abala pa kayong pumunta rito, may mga klase pa kayo.”

“Okay lang po! Kayo naman po ang may-ari ng eskwelahan!” si Archie.

Nagsitawanan kami.

“Hay naku, mga bata kayo! Sige na, ako na ang bahala. Tara na Roen, Auren... Von!”

“Bumalik na lang tayo mamaya, hayaan muna natin sila,” ani mama. Sinundan ko sila ng tingin nang huminto sila saglit sa pintuan.

“Oh, hijo, wala ka bang klase?”

“Good afternoon, vacant time po namin ngayon, Tita.”

My heart took a leap. That voice.

Parang nagpanting ang aking tainga at nang makita siyang tuluyan nang pumasok ay nagsimulang pumilipit sa sakit ang aking puso.

Nagtama ang aming paningin at dahan-dahang napawi ang kaniyang ngiti.

Nakasuot siya puting long sleeve at dark blue na vest si Jace. Ang gwapo niya sa uniform niya, kung hindi lang ako galit sa kaniya ay baka tuluyan na akong tumakbo at yumakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top