Chapter 4

Chapter 4: Class

“Where’s Kuya?” tanong ko nang nakapasok sa dining room para sa agahan.

“He’s preparing for school upstairs, bababa rin iyon.”

Nagsimula na akong kumain ng agahan, at hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Kuya umupo sa tabi ko.

Pinitik ko muna ang kaniyang tainga bago ngumiti. “Good morning, Kuya!”

“Ouch, ang ganda naman ng ‘good morning’ mo.”

Nginisihan ko lang siya.

Umalis muna si Mama pagkatapos niyang kumain dahil magdidilig daw siya ng halaman namin sa front yard.

Natapos na akong kumain kaya inayos ko muna ang gamit ko nang may maalala ako. “Kuya, saan ‘yong schedule na ibinigay sa ‘kin kahapon?”

“Yup, wait lang.” Kinalkal niya ang bag niya atsaka inabot sa ‘kin ang papel at isang ID. “ID mo rin pala kinalimutan mong kunin kahapon.”

Sinunod ko namang tingnan ang schedule na ibinigay ni Miss Florencia kahapon.

Class Schedule
Section: 11-A

Mr. Payne
A.M Session Adviser

Ms. Florencia
P.M Session Adviser

Class President: Mr. Samiel Prama
Vice President: Mr. Zirdy Ivan Reistre

8:00-11:00 Class Hours
11:00-12:00 Lunch Time
12:00-3:00 Class Hours
4:00-5:00 Extra Curriculum


Nanlaki ang mata ko sa nakitang pangalan ng Classroom President at Vice President. Kaya siguro kinuha niya sa akin ang papel kahapon dahil masira ang plano niya at baka makumpirma ko na siya nga ang kuya ko.

Bumaling ako kay Kuya na umiinom ng juice, sinamaan ko siya ng tingin. “Kaya pala kinuha mo ‘to sa akin kahapon!” 

Nagpatiuna akong lumabas ng bahay para puntahan si Mama at para na rin magpaalam.

“Saan na iyong kuya mo?”

Nilingon ko ang pintuan at iniluwa noon si Kuya na papunta na rin sa direksyon namin. “Ayan na ang engkanto na niluwa ng pintuan,” hagikhik ko at bumaling ulit kay Mama.

“Bye, Ma. We’ll go now.” Humalik siya sa pisngi ni Mama kaya kinakailangan niyang tumingkayad nang kaunti para maabot si Kuya.

“Let’s go, Pareng Jul!” Inayos pa ni Kuya ang pagkakakabit ng seatbelt sa ‘kin.

“Pare?” takang tanong ko.

“Oo, pare. Hindi mo ba alam iyon?” sarkastikong aniya bago ako inirapan.

“Alam ko malamang, at p’wede ba, Kuya, tigil-tigilan mo iyang pag-irap mo baka tusukin ko iyang mata mo!”

Tumawa siya bago kurutin ang pisngi ko, halos sakmalin ko siya sa pagka-inis.

Nakarating naman agad kami sa parking ng Clark High kaya lumabas na kami.

“Hi, Kuya guard! Look, I already have my ID now!” Ipinakita ko ang ID sa guard.

“Tapos? Mayroon din akong ID kaya hindi ako maiinggit! Hala, sige pasok na!”

Bakit siya galit? E, pinapakita ko lang naman!

Bumaling siya sa harap ko atsaka sumaludo. “Good morning, Pareng Zian!”

“Same, pare. Huwag kang ganiyan sa kapatid ko, ha? Makakatikim ka sa ‘kin,” si Kuya naman na may pagbibirong banta sa boses.

“Tropa mo lahat?”

Kuya shrugged. “Friendly lang.”

Inismiran ko siya.

“Kapatid mo pala, ‘to? Patingin nga ulit ng ID, Miss.”

“Tse! Ayaw ko nga!”

Nagsimula nang maglakad si Kuya papasok habang ako ay nasa harap pa ng puwesto ni Kuya guard.

“Suplada, tropa na rin tayo, ha?”

Aambang makikipag-apir siya nang tinaas ko ang kamay. “You’re not going to ask me to be your friend if it wasn’t because of my kuya! Fine, bahala ka.”

Tuluyan na akong pumasok at dumiretso patungo sa Astro Building. Hinanap ng mata ko si Kuya ngunit tingin ko ay nauna na siya. Tiningnan ko ang aking relo at nanlaki ang mata ko nang nakitang 8:05 AM na. Lakad at takbo ang ginawa ko paakyat sa hagdan patungo sa aming room.

Hinihingal pa ako nang nakarating at hindi na nag-isip pa ng kung ano nang kumatok sa nakasaradong pinto.

Nang bumukas ito ay awtomatiko akong umayos ng tayo at sumilip sa loob, para akong tinakasan ng kulay sa katawan nang napansin ang mga mata nila ay nasa akin lahat.

When I heard Sir Payne clear his throat, ngumiti rin kaagad ako sa kaniya.

“Good morning, Sir. Sorry na-late po.”

“Second day,  but you’re late. Now, come in and take your seat.”

“Sorry again, Sir,” paumanhin ko, at isinarado ulit ang pinto bago dumiretso patungo sa aking upuan.

Umupo na ako nang hindi nilulubayan ng tingin si Kuya. “Bwisit ka! Ba’t mo ako iniwan?” Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.

“Mukhang nag-i-enjoy ka pa roon kaya iniwan na kita,” bulong niya.

Kinurot ko muna siya bago bumaling sa kabila nang naramdaman kong kinakalabit ako ni Sam.

“Musta?”

“Do I look like okay? Tsaka ba’t ka nandito —” naputol ako nang magsalita ulit siya.

“Estudyante ako rito, upuan ko ‘to. Ba’t parang ayaw mo yata ako rito?”

“What I mean is... ‘di ba busy ka sa Student Council?” paglilinaw ko.

“Hindi matutuloy ‘yong event na pinaghahandaan namin dahil—” Hindi natapos ni Sam ang sasabihin nang biglang sumigaw si Mr. Payne.

“Miss Reistre and Mr. Prama, ano’ng chika niyo riyan? Mind to share it in our class?”

Uh-oh.

“Sorry, Sir,” sabay naming sagot ni Sam.

“Last warning! Let’s continue...”

Umayos ako ng upo at hindi na binalingan ang dalawang katabi at itinuon na lang ang atensyon sa harap.

“As what I‘ve said, the upcoming so-called event was delayed because Mr. Clarkson was still busy. Para sa hindi makaintindi, si Mr. Clarkson ang may-ari ng Clark High matagal na rin ang naging huling bisita niya rito sa eskwelahan sa pagkaka-alam ko sapagkat marami siyang ginagawa. Sapat lamang na impormasyon ang naibanggit ng Dean sa amin noong nagmeeting kami...”

“Ang sabi ay bibisita dapat siya sa susunod na araw kaya nabusy ang Student Council at SSG ng eskwelahan including you, Mr. Prama.” Sabay turo niya kay Sam. “Kaya naman ang Vice President muna ang nagbabantay at bahala rito sa classroom habang wala ang President. Right, Mr. Reistre?” Bumaling naman siya kay Kuya na nasa kanan ko.

Tumango lamang si Kuya.

“Hindi natin alam kung kailan talaga matutuloy ang event natin para sa malugod na pagsalubong sa may-ari ng natatanging eskwelahan na ito.”

Nagpatuloy pa sa pagpapaliwanag si Sir Payne tungkol sa pagbisita ni Mr. Clarkson. Tiningnan ko si Kuya ngunit seryoso pa rin siyang nakikinig sa harapan gano’n din si Archie na nasa tabi niya.

Natapos na sa announcement si Sir Payne kaya nagsimula na siyang magdiscuss.

“We are gonna discuss about Greek Mythology...” panimula niya. “But before we proceed to our main activity, let’s have a review regarding to our topic.

“Which Greek God was the Roman God Bacchus’ equivalent?” tanong nito.

Nagsimula nang mag bulong-bulungan ang aking mga kaklase. May iilang nagtaas ng kanilang kamay habang ako ay pinagmamasdan lang sila.

“How about, Miss Reistre, can you tell me what’s the answer?”

Marami namang nagtaas ng kamay, bakit ako pa ang tinawag?

“Greek God Dionysus,” pagsagot ko na lang.

“Correct!” Gumuhit siya ng malaking tsek sa ere.

“Who was the goddess of harvest?” sunod niyang tanong.

Napabaling kami nang tumayo si Chesca sa ikatlong upuan niya sa unang hilera.

“I will answer that question, Sir,” confident niyang sabi.

“That’s new, Miss Allen—”

“Nang-iinsulto ka ba, Sir?”

“Rude specie, what’s the answer?”

Nagulat ako nang bumaling ang nakangising si Chesca sa akin. “Can you repeat the question, Miss Reistre?”

“Bakit ako?" tanong ko sa kaniya.

“At bakit hindi?”

“Lakas ng trip sa buhay,” bulong ko.

Narinig yata ni Kuya at Sam ‘yon kaya natawa sila.

“What, Miss Reistre?” tanong ni Chesca.

Inignora ko ang tanong niya ay tumayo na lang. “The question is... who was the goddess of harvest?”

“Easy! Hera was the goddess of harvest,” sagot niya at umupo.

“Si Hera ba ‘yon?” isa sa mga kaklase ko.

“I am sorry, Miss Allen, but you got it wrong.”

“What? Why?”

“Because Hera was the goddess of marriage and the Queen of Olympus while Demeter was the goddess of harvest.”

Natahimik kaming lahat nang may kumatok sa pintuan hanggang sa binuksan naman kaagad ito ng kaklase na malapit sa pintuan.

“Sorry for interrupting your class, Mr. Payne, but we’ll be having an urgent meeting at the teacher’s hall,” anunsyo ni Miss Florencia.

“Yes!” hiyawan ng iba.

“Susunod ako, Ms. Florencia. Give me a minute, thank you!”

Tumango naman si Miss atsaka isinarado ulit ang pinto.

“Quiet! Gan’yan ba ang itinuturo ko? May kausap ako tapos kani-kaniya rin kayong satsat! Itigil n’yo iyang mga bibig niyo, mga walang modo!”

“‘Sus, kunwari ka pa, e, namumula ka kanina!” kantiyaw pa ng isa.

“Oo nga naman, Sir!” pakikisabay ni Archie sa gilid.

Hindi ko maintindihan, pero mukhang sasabog na si Sir sa kinatatayuan niya. “Isa pang ingay, ibabato ko ‘to sa inyo,” banta niya sabay pakita noong marker.

“Ayos lang ‘yan, Sir! Hindi lang internet love ang totoo, school love rin—”

Hindi pa man natatapos si Archie sa sasabihin ay lumipad na ang marker sa direksyon niya, pero nasalo niya ito kaya mayabang siyang ngumisi. “Salamat, Sir! Mahal kita, mabuhay!”

Tumayo siya at maglalakad na sana nang duruin siya ni Sir. “At sa’n ka pupunta?”

“Break na Sir, nagugutom na ako.”

“Hindi ka p’wedeng magbreak, Valderama! Mamatay ka r’yan sa gutom. Goodbye, class maliban kay Valderama!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top