Chapter 39
Chapter 39: Reason
“Nakapag-review naman ba lahat?” tanong ni Sir Payne sa amin.
“Yes, Sir!”
Ngayong araw ay ang examination namin, sinimulan nang i-distribute sa amin ang mga test papers.
Napasimangot pa ako nang naalalang wala akong na-receive na good luck galing kay Jace. Baka naman nakalimutan niya dahil busy siya o hindi niya lang talaga alam na exam namin ngayon? Pero imposible naman pinag-usapan namin iyon nang nag-dinner kami sa bahay nila.
“Uy, tulala ka, magsimula ka nang magsagot!”
Nabalik ako sa ulirat nang bahagya akong kalabitin ni Kent sa aking tabi, magkatabi kami ngayon ni Kent at ang sa gilid ko naman ay ang kaklase kong si Jerome.
Una naming sinagutan ang History bago ang Mathematics, as usual dalawang araw lagi ang exam kaya bukas naman ang iba pa naming subjects.
May problem solving sa test paper ng Mathematics, at napangiti naman ako nang naalalang ito ang itinuro ni Jace nang nag-review ako sa condo niya.
“Okay! Break time! Pass all your papers!” anunsyo ni Sir Payne.
Huh?
Hindi pa nga ako tapos mag-solve!
“Sir, puwede palugit —”
“Minus 10 —”
“Joke lang po, ipapasa ko na...” Napapikit ako at ipinasa na lang ang test paper. Sure ako na mababa ang score ko roon!
“Kuya! Oh, nasagutan mo naman ba?” Iniangkla ko ang aking braso sa kay Kuya at tuluyan nang lumabas para magtungo ng cafeteria.
Nakasunod naman sina Kent, Sam, Archie, Gio, Sandra, at Trisha sa amin. Hinanap ng aking mata si Chesca pero hindi ko nakita.
Napabuntonghininga ako.
Napapansin ko na hindi na nanggugulo si Chesca at wala na rin akong naririnig tungkol sa kaniy. Nagtataka na talaga ako sa iniasta niya.
“Basic, akala mo sa ’kin?”
Umismid ako. “Buti ka pa!”
Nakarating na kami sa table namin, at naglapag ng pera. Ganito ang lagi naming ginagawa kapag walang manlilibre sa araw na ito ay ilalapag namin ang pera sa lamesa at kukunin naman kung sino ang naka-assign na umorder. Mga tamad! Parang ako.
“Wait! Si Sam saka Trisha naman ang umorder parati na lang si Kuya naaawa na ako!” palusot ko at lihim na nag-thumbs up kay Trisha. Just as what I promised to her.
“Ba’t ako, Ella? ’Di ka ba naaawa sa ’kin?”
“Hindi ka rin ba naaawa kay Trisha, Sam? Wala siyang kasama! Sige, samahan ko na kayo, mukhang marami-rami oorderin niyo, e!” Akma akong tatayo nang pigilan ako ni Trisha.
“’Wag na sis, tara na, Sam!” Hinila niya si Sam sa braso para patayuin.
Phew!
“Is it just me or... but I smell something,” bulong sa akin ni Kuya.
“You mean Sam and Trisha?” bulong ko pabalik.
“What are you talking about, Ari? It’s not what I meant... it’s Chesca.”
Napakamot ako ng ulo at tumingin kay Kuya na nakabaling ang paningin sa ibang direksyon. Napatingin naman ako roon, si Chesca, mag-isa sa table ’di kalayuan at para bang ang lalim ng iniisip.
“What do you think, Kuya?”
Nagkibit balikat lang siya. “I don’t know, though, bahala siya.”
“You’re so mean!” singhal ko.
“Excuse me, are you Anella Victoriane Reistre?” Nasa locker ako ngayon nang napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa aking likod.
“Uh, yes, why?” tanong ko sa babae, she’s wearing a senior uniform.
“Someone askes me to give this to you, I don’t know him...”
Iniabot niya sa akin ang brown envelope, tinanggap ko naman ito at pinagmasdan. I was about to ask her something, nang napansin kong wala na ang babae.
Napalunok naman ako nang ibinuksan ko ito at kinuha ang papel doon.
Binasa ko ang nakasulat at pakiramdam ko huminto ang aking mundo, wala akong naririnig na miski ingay o kung ano.
Nanlaki ang aking mata at hindi kaagad alam ang gagawin. Is this freaking real?
Fuck!
Oh, my. Sorry po sa mura, Lord.
It's a DNA test of Chesca and someone who named Arthur Allen! And it turns out a positive!
What could it possibly mean?! I don’t know if I should feel relieved or what? I’m not even sure about this at kung kanino ito galing!
I contacted Lolo to help me, pero wala pa akong response na natatanggap sa kaniya kaya imposibleng kay Lolo ito galing!
Arthur Allen is her father, so kung positive... iisa lang ang ibig sabihin... and that is Arthur is his real father and not Papa! Pero, bakit naman ito ibibigay sa akin ng kung sino?
Ibabalik ko na sana ang papel sa loob para ipaalam kay Lolo ang natanggap ko nang may bahagya akong nahawakan sa loob, kinuha ko iyon sa brown envelope at nakita na isa itong calling card!
May naka-attach na maliit na note doon.
Call this number for clarification. -Arthur Allen
Is this serious? Should I call him? But what if... kidnap-in ulit ako? Wala rin naman siyang sinabi na hindi ito puwedeng sabihin sa iba, of course! Bakit niya ibibigay ’to sa akin tapos i-si-secret lang?! Err.
Kailangan ko munang mag-isip-isip bago ko ito tawagan. Ibinalik ko lahat sa brown envelope at inilagay iyon sa aking bag.
Nakahinga ako nang maluwag. Kung sakaling totoo man ang nakalagay rito wala na akong ibang poproblemahin. Magkakabati na si Papa at Kuya, hindi na rin mag-aaway si Mama at Papa, at magiging maayos na ang aming pamilya, dahil mapapatunayang walang ibang anak si Papa maliban sa aming dalawa ni Kuya.
Nakangiti ako nang lumabas nang tumunog ang aking cell phone.
Babe: Hi, baby. I’m sorry na-busy ako. How are you? Did it go well?
Napangiti ako at huminto para mag-reply.
Ako: It’s okay. Fine, yeah, how ’bout u? I miss you : (
Babe: Miss you too, I love you. I’ll call you later, okay?
Ako: sure.
Nang nasa parking lot na kami ay hindi pa rin matanggal ang ngisi sa aking labi, kahit si Kuya ay na-wi-weird-uhan na sa akin. Sa amin maghahapunan si Kent kaya sabay kami pauwi, sumakay na siya sa sarili niyang sasakyan, dala-dala ko naman ang aking sasakyan, pero si Kuya ang magmamaneho.
“I love you very much, Kuya!” biglang sambit ko nang nasa loob na kami ng sasakyan. Kumindat pa ako sa kaniya at nag-finger heart.
“What’s with your mood today, princess?” natatawa niyang tanong. "I love you too, Ari...” Ikinalas niya pa ang isang kamay na nakahawak sa manibela saka nag-finger heart din sa akin.
Humagalpak kami ng tawang dalawa.
Nang nakarating kami sa bahay ay nasa dining room silang lahat, umakyat muna kami patungong kuwarto para makapagbihis. At nang aakmang papasok na si Kuya sa kaniyang kuwarto ay tinawag ko siya.
“Kuya...”
Tinaasan niya ako ng kilay, naghihintay.
“Can I talk to you?”
“Sumasayaw ba tayo ngayon, Ari?”
Tinaliman ko siya ng tingin. Pilosopo!
“Naguguluhan kasi ako, can you talk to Papa about what happened that night?”
Nangunot ang noo niya. “What night?”
Nalaglag ang aking balikat. “You know...” Iniikot ikot ko pa ang kamay sa ere.
Tumango-tango siya. “Uh, okay. I got it, but why?”
“Just please, Kuya?”
“No, I won’t unless you tell me...”
“But Kuya —”
“No buts, Ari.”
Inirapan ko siya. “Fine, bahala ka. Magsisisi ka talaga!” pananakot ko sa kaniya na effective naman.
“What? Why? Geez. Fine! I’ll ask him, okay?!”
Lihim akong ngumiti. “Thank you, Kuya.”
Nagbihis na ako at nang natapos ay bumaba na para mag-dinner. Naabutan ko silang lahat doon kahit si Tito Von.
Umupo ako sa gitna nina Kent at Kuya. Si Tito Von, Papa, at Mama naman sa kabila, samantalang si Lolo ang nasa kabisera.
Nagdasal muna kami bago kumain.
Naiilang pa ako dahil sobrang tahimik, ni wala isang nagsasalita, tunog lang ng mga kubyertos ang maingay, hindi ako sanay.
“Uhm...” Tumikhim ako, napatingin naman silang lahat sa akin.
Kaagad naman akong kinabahan at napahiya, siniko ako ni Kent.
“Kumain ka muna,” bulong niya.
Tumango na lang ako.
“How’s the examination?”
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nagsalita si Lolo.
“Apo...”
“Sorry, Lolo.” Geez! Kailangan nga pala talaga ang table manners dito.
“Okay lang naman po,” sagot ni Kuya.
“Me too,” si Kent.
“Uh, yeah,” sagot ko. Hindi! Hindi ko nasagutan lahat kanina!
“Is there something wrong, hija?” tanong ni Mama.
Marahan akong umiling. “Wala naman po.”
Natapos ang hapunan nang matiwasay. Hindi ko na rin naipaalam kay Lolo ang tungkol sa DNA test kaya dumiretso na lang ako sa kuwarto.
Humiga na ako sa aking kama at panay ang tingin sa aking cell phone.
Sabi niya tatawag siya, e, gabi na, ah...
May narinig akong katok sa aking pinto kaya sumigaw ako. “Bukas ’yan!”
Pumasok si Kuya na walang ka-emo-emosyon ang mukha at naalala ko kaagad ang utos ko sa kaniya kanina.
“Ano ang nangyari, Kuya?”
Bahagyang umuga ang kama ng umupo siya sa gilid nito.
“I already did, thank me later. He told me, he didn’t know a lot because he’s freaking drunk that time... basta nalaman niya na lang na may nangyari, something like that...” He sighed. “It’s awkward talking about it with Papa, Ari! Pasalamat ka’t mas mahal kita kaysa sa pride ko.”
Tumango ako, ngumiti na.
Paa probably drugged by that bitch.
“That bitch...” bulong ko.
Ilang taon nasira ang pamilya namin dahil sa kaniya tapos hindi pa siya nakuntento at bumalik pa talaga para manggulo sa ’min. What’s wrong with her?
“Why? What’s wrong?” tanong ni Kuya.
“Nothing... are you still mad at him?”
Bahagya siyang natigilan. “N-No, we’re fine.”
Nanliit ang mata ko. “Liar!” Sinasabi niya lang iyon para hindi ako magtampo.
Bumuntong hininga siya at tumingala. “Fine. I’m still mad at him.”
Tumango ako. “I understand, Kuya...” Lumapit ako sa kaniya para yumakap.
Ipinatong niya naman ang kaniyang baba sa aking ulo at bahagyang hinalikan.
“Just wait a little, Kuya... I’ll make it straight,” I whispered.
“Paano?”
“Basta!”
I want it to be a surprise.
Natapos na ang exam namin nang umaga kaya naman ay uwian na dahil wala na rin namang ibang gagawin.
Hindi nagparamdam si Jace kaya bahagya akong nakaramdam ng tampo, pero iwinaksi ko muna iyon dahil may mas importanteng bagay pa akong dapat gawin.
Nasa girl’s comfort room ako at napagdesisyonan na tawagan si Arthur Allen.
“Hello?” said by the baritone voice.
“H-hello? This is Reistre po.”
“Oh, yes! Interesado ka na bang magpakita, hija? I’ll text you the location,” sabi niya at kaagad na binaba ang tawag hindi man lang ako hinayaang magsalita. Hmp.
That voice was familiar! Wait... hindi ko matandaan kung saan ko na narinig, but I’m sure narinig ko na iyon!
Tumunog ang aking cell phone.
Unknown number: Starbucks VG. 1 pm.
“Kuya, may pupuntahan pa kasi ako, mauna ka na lang.”
Nasa cafeteria kami ngayon at patapos na. “Saan ka?”
“Basta!”
“Umayos ka, Ari...” May banta sa kaniyang boses.
“Promise, Kuya.”
Hindi na siya nakipag-away at pumayag na. Pumunta na akong parking lot at pinatunog ang car alarm bago pumasok sa driver’s seat, medyo makulimlim ang langit at hula ko ay uulan pa yata maya-maya.
I started the engine and drove away. Nakarating ako sa harap ng Starbucks pinarada ko naman ang sasakyan sa hindi kalayuan, at pumasok na sa loob.
Hindi pa naman nag-aala una kaya wala pa iyong Arthur Allen. Um-order na lang ako ng iced macchiato habang naghihintay.
“Good afternoon.”
Napatigil ako sa pagsimsim nang may baritonong boses ang nagsalita sa aking harap.
Napaawang ang aking labi at nanlaki ang mata.
Oh, my! Siya nga!
Siya ’yong tumulong sa akin para tumakas ako kanila Chesca! Don’t tell me... siya ang nagbigay ng DNA test?
“Y-You...”
Umupo siya sa upuan na nasa harap ko.
“Yes, it’s me. I hope you’re doing fine, hija...”
“Po?”
He’s too kind!
“By the way, sigurado akong naguguluhan ka pa kaya siguro simulan ko nang magpaliwanag ngayon, tama?” anito.
Tumango na lang ako.
“Ang ipinadala kong DNA test ay totoo. Ako si Arthur Allen ang ama ni Chesca Allen, at asawa naman ni Chelsea Allen...” Tumikhim siya. “Ikaw ang napili kong sabihan nito dahil ikaw rin naman ang inatraso ng mag-ina ko... hindi ako maayos na nakahingi ng tawad sa nagawa nilang dalawa kaya ngayon nanghihingi ako ng paumanhin sa lahat...” Ngumiti siya nang mapait.
Right, he was the one who helped me escape.
How a man like him could be this kind? Let’s say even the world is against him, he remains kind... I barely knew him, but I salute a man like him.
Ano kaya ang nararamdam niya sa pinaggagawa ng mag-ina niya? Siya ang ama at asawa, pero kung kinikilala ni Chesca si Papa na ama niya, paano naman siya?
“Una, magkakilala kami ni Chelsea alam kong magkaibigan sila ni Lauren, yes, I know your parents. We’re schoolmates way back in college. Alam kong may gusto si Chelsea kay Roen, pero hindi ganoon ang nararamdaman ni Roen. Hindi ko alam kung maiintindihan mo ito, hija, maliban na lang kung nagkarelasyon ka na...”
Tumawa siya nang bahagya habang ako naman ay seryoso lang na nakikinig.
“Ako ang laging nariyan para kay Chelsea kahit alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hanggang sa isang gabi may nangyari sa amin, pagkatapos noon ay hindi niya na ulit ako kinausap at pagkakamali lamang iyon. Masakit para sa akin dahil sa lahat nang nangyari sa amin ay si Roen pa rin ang hinahabol niya sa huli. I even hated your father back then because he kept on hurting Chelsea, pero wala akong ginawa dahil hindi naman iyon mababago. Hanggang sa nakalipas ang buwan nagmamasid lang ako kay Chelsea at pakiramdam ko lagi siyang galit sa akin at ayaw akong makita, kakaiba nga lang iyon dahil sobra talaga, roon ako kinutuban na baka nagdadalang tao na siya, may bahay na ako at masaya siyempre dahil magkaka-anak na kami at magsasama na kami, pero nang naisip ko na si Roen pa rin ang iniisip niya ay nanlumo ako. Tinawagan ko si Roen noon at makikipagkita ako para sabihin sa kaniyang siya na lang ang lumayo, pero ang hindi ko alam noon ay alam ni Chelsea na magkikita kami.
“Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko o may naramdaman pa ba ako nang oras na iyon, basta nadatnan ko na lang silang dalawa sa kama sa bahay ko. Sobrang sakit at halos makapatay ako ng tao, pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko... iniisip kong hindi ito magagawa ni Roen kay Lauren, paniguradong may ginawa si Chelsea para magka-ganito kaya naman naghanap ako ng ebidensiya at nakita ko sa lamesa ang droga na siguro ay inihalo niya sa alak na pinainom niya kay Roen kaya nawala siya sa kaniya huwisyo. Galit na galit pa rin ako kay Roen noon kahit na sabihin kong wala siyang kasalanan kaya naman sinabi ko iyon kay Lauren.” Nanginig ang kaniyang boses.
“Nang napatunayan naming buntis nga siya, hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Hindi ko naman puwedeng pilitin si Chelsea sa akin kung hindi niya talaga ako mahal, pero ayaw kong lumaki ang anak namin na walang ama. Ang mas dumurog pa ng puso ko ay paulit-ulit niyang binabanggit na si Roen ang nakabuntis sa kaniya at ang ama ng kaniyang dinadala. Kaunti na lang talaga at susuko na ako, mukhang wala na nga talaga akong magagawa. Pero gumawa pa rin ako ng paraan para mahalin niya lang ako, sinabi kong magpakasal tayo at tutulungan kitang makalimot, sa awa ng Diyos ay pumayag siya sa akin, masaya ako, pero may parte sa aking umaasa na sana totoo niya talaga akong mahal, at hindi lang kami nagpakasal dahil sa may anak kami at para makalimot siya, pero ininda ko iyon lahat maging maayos lang siya.”
Naramdaman kong nangilid ang aking luha.
“Nang nag-isang taon ang anak ko ay lagi niyang sinasabihan na hindi ako ang ama niya at lagi niyang kinukuwentuhan si Chesca tungkol kay Roen. Masakit para sa akin bilang ama at asawa niya, lagi ko nga silang nakakasama sa isang bahay, pero pakiramdam ko napakalayo ko sa kanilang dalawa para bang hindi ko sila maabot dahil may nakahawak sa kanilang iba.
Pero kahit ganoon ay lagi ko ring kinukumbinsi si Chesca na ako ang ama niya, buti na lang at natutunan niya naman akong kilalanin bilang ama. Masaya rin ako dahil sa mga nakaraang taon ay nagkaayos na kami ni Chelsea, pero hindi ko alam na nag-kahiwalay ang magulang mo dahil inakalang may anak siya sa iba hanggang sa isang gabi na idinala ka nila sa bahay, doon ko napagtanto na may balak sila noon pa man na hindi ko alam, alam ko rin na anak ka ni Roen at Lauren kaya tinulungan kita, wala kang kasalanan, pero hindi ko rin alam kung bakit ito ginagawa ng mag-ina ko.
“Kumuha ako ng DNA test noong nakaraan at kinausap ko si Chesca tungkol doon, ipinaliwanag ko sa kaniya lahat na hindi niya ama si Roen. Masaya ako at nagkaayos na kami ng anak ko.” Ngumiti siya at pinunasan ang kaniyang mata na may luha na pala.
Mapait akong ngumiti.
Kaya ba ganoon ang asta ni Chesca? Dahil alam niyang hindi niya talaga ama si Papa at hindi niya na rin kami ginugulo?
Masaya ako.
“Sorry po sa lahat, at salamat din sa kabutihan mo.” Yumuko ako.
“Ako dapat ang humingi ng tawad, nasira namin ang pamilya ninyo. Sana ay mapatawad mo ako at ng pamilya ninyo. Susubukan ko na kausapin ang magulang mo sa susunod. Sana ay nasagot ang mga tanong na gumugulo sa 'yo, hija. I guess, I have to go ito lamang ang pinunta ko. I’ll bond with my daughter."
Tumayo siya at ganoon din ako, tinapik niya muna ang aking balikat bago umalis.
“Salamat po!” pahabol ko.
Napaupo ulit ako sa upuan at sumandal, pakiramdam ko ay nawala ang nakadagan na bigat sa aking dibdib. Hindi pa rin halos mag-sink in ang mga rason na narinig ko.
Walang nangyari sa pagitan ni Papa at ni Chelsea... at kung mayroon man sigurado rin na hindi siya ang ama ni Chesca dahil natunugan nang buntis ito bago pa man niya pinlano ang panloloko kay Papa.
So all along... Papa and Mr. Allen were just a victim. Si Chelsea ang puno’t dulo ng lahat... dahil hindi niya makuha si Papa kay Mama.
I breathed. Sana lang talaga ay matutuhan niya nang mahalin si Mr. Allen... mabait ang tao, at nasisiguro kong hindi iyon mahirap mahalin. Unless kung bitter pa rin siya at hindi pa rin makaalis sa nakaraan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top