Chapter 38

Chapter 38: DNA

Nasa high way na ako nang napansin ko ang sasakyan ni Jace. I’m not sure if it’s his or kamukha lang, a black Audi car. I was about to call him to ask where he is when I decided to follow the car out of curiosity.

Hindi na kasi ako nakapag-review sa bahay dahil gulong-gulo ako kaya naman nagdesisyon muna ako na makipagkita na lang muna kay Jace.

Kumaliwa ang sasakyan, hindi ko alam kung susundan ko ba o hindi? Mukhang hindi naman si Jace ’yon dahil sa kanan ang daan papuntang tower kung saan siya nakatira. Hindi ko na sinundan ang sasakyan sa halip ay lumiko na ako papunta sa condo niya. Ni-park ko ang sasakyan sa basement parking ng gusali bago bumaba at ni-lock ang sasakyan.

I was greeted by the guard when I approached the elevator. I smiled.

Dala-dala ko ang backpack na may laman na libro at ibang gamit ko. Binuksan ko ang pinto ng condo unit niya gamit ang susi. Napabuga ako ng hangin at sumalampak sa sofa.

Geez, what’s taking him so long? Baka naman may klase pa talaga siya at naistorbo ko pa? O baka naman sa kaniya talaga iyong sasakyan kanina?

Pumasok na lang ako sa kuwarto niya at humiga sa malambot na kama. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nakaramdam ako nang gumalaw kaya dahan-dahan akong napadilat. Umayos ako ng upo nang nakita si Jace na nakaupo sa dulo ng kama, nakasuot na siya ng black tee at sweatpants.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako bago hinalikan ang aking noo. “You must be tired.”

“Well, some sort of, but I’m fine now. How ’bout you? Kanina ka pa ba?” tanong ko.

Natigilan siya bago nagsalita. “Uhm, hindi naman. Do you want to eat something? Fries?”

I nodded.

“Okay, then. You can rest here while I cook.”

Akmang tatayo siya nang hinila ko siya at niyakap. “I love you,” sabi ko.

He smiled and kissed my nose. “Love you most.”

Tumayo na rin ako at nilagay ang aking braso sa kaniyang baywang habang ang braso naman niya ay nakaakbay sa akin. “Sama na lang ako,” sabi ko.

Binuksan ko ang TV at nanood na lang ng movie sa Netflix habang nagluluto si Jace. Inilabas ko ang libro at papel para mag-review.

Maya-maya pa ay may umupo sa tabi ko, dala-dala ni Jace ang bowl ng fries at nilapag iyon sa harap ko at sa kabilang kamay naman niya ay dalawang Chuckie.

Natawa ako. “What a cutie.”

Sumimangot naman siya.

“By the way, wala ka bang gagawin ngayon? I mean some PowerPoint or what?” tanong ko.

Lumapit pa siya sa akin at nilagay ang kanang braso sa sandalan ng sofa na nasa likod ko bago kumuha ng fries. “Hmm, mayroon pero puwede ko namang gawin ’yon sa susunod, next week pa naman.”

Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran. “Procrastinator!”

He chuckled and planted a kiss on my temple.

“Ba’t hindi mo na simulan ngayon para maaga matapos? Presentation ba ’yan?”

Tumango siya. “Okay, I’ll do it.”

“Simulan mo na at baka marami iyan. Invidual ba iyan or group?”

“By pair.”

“E, bakit ikaw lang ang gagawa?” nagtataka kong tanong.

“Sinabihan ko na iyong partner ko na sa library na lang namin gagawin iyon during vacant time namin —”

“Hindi niyo agad matatapos kung ganoon, ba’t ’di na lang kayo rito sa condo mo o sa bahay nila —”

“What? No freaking way!”

Nagulat ako. “Bakit naman?”

“She’s a girl, Victoriane. I just can’t let her in here.”

Napa 'O' ang aking bibig, well, oo nga naman.  “E, ano naman ngayon? Wala naman kayong masamang gagawin, ’di ba?” I glared at him.

“I won’t let any girl come here. My mom and you are exception... and besides, I don’t like her, she’s annoying.”

“Why?”

“I didn’t mean to shout at her earlier... she annoyed me, Victoriane, so don’t expect na may matatapos kami.”

“You’re so mean naman. Babae iyon!” sabi ko at sumimsim sa Chuckie habang inaayos ang buhok niya na tinatakpan ang noo.

“Why? Is it wrong?” inosenteng tanong niya.

“Be a gentleman and don’t be a jerk! It’s a major turn off, you know!”

“You’re turned off?” maingat niyang tanong sa akin.

“Well, nakaka-turn off naman talaga ang ganon baka turned off na ’yon sa ’yo.”

“I don’t care what she feels about me, you only matter to me.”

Umirap ako. “Sige na! Magsimula ka na! Mag-re-review na rin ako.”

Tumango siya at umalis muna. Niligpit ko ang kalat sa coffee table at inayos ang gamit ko roon. Bumalik si Jace na dala ang laptop at folder, nilapag niya iyon sa tabi ng mga gamit ko at umupo siya sa sahig habang ako ay nasa sofa at naka-indian seat.

“Will you be okay there?” tanong ko.

“Of course, you?”  Nakapangalumbaba siya sa sofa at nakaharap sa akin.

“Yes! Let’s start.”

Tumango siya, at kinuha ko naman ang libro ko at nagsimula nang magbasa.

“Argh, how the heck they got the answers here?!” inis kong bulong. I really hate Mathematics! Nagtataka ako kung saan hahanapin ang stupid na X!

“Hey, what’s the problem?” Tumayo si Jace at umupo sa tabi ko, bahagya niyang sinilip ang hawak kong libro.

“It’s nothing,” I dismissed.

“I can help you, though.” Nanliit ang mata niya habang binabasa ang nakasulat.

“’Wag na gawin mo na ’yan.”

“Mamaya na, I’ll explain this to you first.”

Tumango na lang ako at hindi na nakipag-away.  Sinimulan niyang ituro sa akin kung ano ang unang steps, tumango-tango lang ako at minsan ay nagte-take down notes. Tumingin ako sa kaniya medyo distracted tuloy ako kapag nagsasalita o nag-titiim labi siya.

“Hey, Victoriane. Focus,” he snapped at me.

Natanga ako. “Sorry.”

He chuckled. “Hindi kita piwede maging estudyante, hindi ka nakikinig at titig ka lang sa ’kin —”

“Hoy, kapal naman! Gets ko na at kaya ko na ’to! Ituloy mo na ’yong ginagawa mo.” Hinablot ko ang libro sa kaniya at bahagya siyang tinulak, tumatawa naman siya.

Sinubukan kong sagutin ang pre-assessment, so far tama naman ang mga sagot ko at naintindihan ko na nga. Napabaling ako kay Jace na nakapatong sa coffee table ang siko at para bang seryosong seryoso kaka-scroll sa laptop.

Bahagya kong sinilip ang ginagawa niya at nagsalubong ang aking kilay nang ini-stalk niya ang Instagram account ko. Tss!

Umusog ako sa gilid ng sofa kung saan malapit ang pwesto niya na nakasandal sa sofa, ibinaba ko ang dalawang paa kaya napapagitnaan siya nito. Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy sa pag-scroll, he even checked the comments on my posts! Isinandal niya ang likod sa sofa at ang isang braso ay pinatong sa aking tuhod.

Lumapit ako para mas makita ang ginagawa niya, sobrang lapit na ng mukha namin at kung may isang lilingon ay mahahalikan.

“What are you doing?!”singhal ko at lumayo nang kaunti.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinatong niya sa magkabilang balikat niya, hawak-hawak pa rin.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa leeg niya.

“I’m boring. I was just checking your account. Who’s this John?” tanong niya.

“Uh, schoolmate?” Hindi ako sigurado. “Why?”

“He said you are pretty and extremely hot... this asshole,” mariing bulong niya.

Natawa ako at lumapit sa kaniya. I kissed him from behind.

“Are you busy tomorrow night, babe?” he asked, craning his neck to see me.

“Not really, why?”

“Can we have a dinner at home?”

“Oh, sure...”

“That’s great, then. I’ll fetch you tomorrow night.”

Nag-isip-isip pa ako bago tumango. Nagtaas ako ng kilay nang mapansin ang manghang ekspresyon niya habang pinagmamasadan ako.

“How’s your driving skills? Your car?”

I giggled. “So amazing!”

Akma siyang magsasalita nang tumunog ang cell phone niya sa lamesa. Nagkatinginan kaming pareho bago ko inginuso iyon. “Tingnan mo,” utos ko.

Tamad niya iyong kinuha at kumunot ang noo sa kung anong nakita.

“What’s wrong?”

He sighed and threw his phone on the sofa. Napaawang ang labi ko. “Hey.” I reached for his hand. “May mali ba?”

He shook his head. “Nothing. Don’t mind me.”

Suot ko ang bigay ni Archie na schiffy dress at puting cone heel. Lumabas na ako ng kuwarto. Naabutan ko si Kuya na kakalabas lang din ng kuwarto. He’s wearing a simple navy blue shirt and maong pants.

“Where are you going?” we asked in unison.

“Kanila Tita Lyn ako, Kuya. Ikaw?”

Kahapon din ay hindi ko siya nakita sa bahay tapos ngayon aalis na naman siya? Well, kahit ako ganoon din naman. Lalo na’t hindi pa nagkakaintindihan ang pamilya.

“At Kent’s.”

“Okay ka lang, Kuya?”

“Yes, why? How ’bout you?” tanong niya.

“Same... nga pala, Kuya.” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya patagilid. “I’ll make everything okay. I promise.”

Naguluhan pa siya sa sinabi ko pero hindi ko na ’yon pinansin at lumapit na lang sa kaniya para yumakap. “Take care, Kuya.”

He equally embraced me. “You too, princess.”

“Ano nga pala ang sasakyan mo? Gusto mo sabay ka sa ’kin?” sabi ko.

He scoffed. “Yabang. I’ll use the soon to be mine BMW.”

“You can use mine pala. Susunduin naman ako, e.”

“Nah, thanks. Are you sure you’ll be okay? Si Jace ba?”

Tumango ako.

“Okay, take care then.” He smiled before walking away.

I sighed.

Hindi na kami madalas na nakakapag-usap simula nang dumating kami rito galing Tipolo. I was too busy, tapos pumupunta pa ako kay Jace baka nga nagtatampo na si Kuya. I must go out with him after exam. I miss him so much.

Kakausapin ko rin si Lolo tungkol sa DNA test, gusto ko nang maging maayos ang pamilya namin. Si Kuya minsan na lang dito sa bahay, sina mama na nag-aaway habang ako naman nandoon lang kay Jace. Nakakalungkot at hindi na kami nakakapag-bonding na pamilya

Maaga pa naman at mamaya pa naman ang dinner sa kanila Jace kaya nandoon lang ako sa sala at nanonood ng cooking lessons. Kinda bored.

Wala akong kasama sa loob ng bahay, may kasambahay pero nandoon sa maid’s quarter, si Kuya Jul naman ay maaaring kasama ni Lolo sa kung saan.

Tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko iyon sa sling bag na nasa tabi ko.

Trisha: Hi, sis! Boring dito nariyan ka ba sa inyo? May kukuwento lang ako saglit. Hahahaha

Ako: Aalis ako mamaya pero sige. Halika na! Lol

Naghintay ako kay Trisha at ilang minuto pa bago tumunog ang door bell. Tumayo ako at pumunta sa pinto binuksan ko iyon at nakita si Trisha na nakanguso.

“Pasok,” sabi ko.

Pinagmasdan ko siya nakasuot siya ng cropped top, denim shorts at puting sapatos, she’s even wearing a white cap.

“Okay ka lang?” tanong ko, naglalakad na patungong sofa. Tumango siya.

“Upo ka muna, kuha lang akong merienda.” Ibinaba ko ang cap niya dahilan para matakpan ang mata niya.

“Ano ba ’yan!” reklamo nito.

Kumuha ako ng mango float sa ref, platito at kutsara sa cupboard. Dala-dala ko iyon at sala nilapag sa lamesa sa harap bago umupo sa tabi niya.

“Spill the tea.”

Sumubo muna siya bago bumuntong hininga. “I really like him talaga, sis.”

“I know,” sagot ko, nag-ngising aso.

“Y-You know? Okay lang sa ’yo?” manghang aniya.

Umirap ako. “Why not? Halatang-halata kayo, e! And hello? Sino namang aayaw?”

Nanliit ang mata niya. “Pero kasi, ’di ba sa iyo siya may gusto...”

Namilog ang mata ko. “No way! Walang gusto si Archie sa akin, baliw!”

She groaned. “Shems ka! Hindi siya! I like this person, but I knew he likes someone else... and it’s you —”

“What are you talking about, Trisha?”

“Si Sam, boba. Gusto ka niya at matagal ko nang alam kahit hindi niya sabihin. Napapansin ko kasi iyon, naalala mo magkatabi tayo sa room kapag titingin ako sa direksyon nila, e, na sa ’yo ang tingin niya. Nag-assume rin ako minsan na ako ’yon pero hindi pala talaga!” Mahina siyang natawa.

Napaawang ang aking labi. “Wait... so you like Sam and not Archie? Naguguluhan ako!”

“Si Archie ay kaibigan ko lang. We’re kinda close, pero hindi ko siya gusto at lalong hindi rin niya ako gusto. It’s Sam that I like.”

“Oh, my gosh...” I murmured.

Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Sam nang nakaraang araw. I don’t like him, but he likes me. Tapos ngayon malalaman kong may gusto si Trisha sa kaniya? Kung alam ko lang, e, ’di sana tinulungan ko na siya para hindi rin naranasan ni Sam ’yon pati niya.

“Sinabi mo sana sa ’kin una pa lang! I could help you!”

“Talaga? Pero parang naghahabol naman yata ako no’n?” Napaisip siya.

“Sorry, Trish.”

“Hoy, ’wag ka mag-sorry akala mo naman may kasalanan ka! Okay lang, sinabi ko lang sa ’yo kasi natitigang na ako at gusto ko nang magka-boyfriend!”

“Siraulo. I’ll help you, then. I just can’t believe na si Sam ang gusto mo at hindi si Archie.”

“Hmm, yes. Iyon lang naman ang pinunta ko rito, aalis ka?”

“Uhm yes, susunduin ako mamaya ni Jace.”

Tumango siya at nag-usap pa kami nang matagal hanggang sa nag-text si Jace na papunta na sa bahay.

“Good evening, lady.”

Nakasandal si Jace sa sasakyan niya. Hinalikan niya ang aking noo bago binuksan ang pinto sa front seat, pumasok ako at umikot naman siya para pumasok din sa driver’s seat.

Nakarating kami sa bahay nila, pinasok niya sa garahe ang sasakyan bago ako iginiya papasok sa bahay nila. As usual maganda at malinis pa rin ang bahay nila, may mga napansin lang din akong bago gaya ng paintings.

Dumiretso kami sa dining room at napansing nakahanda na ang marami at masasarap na pagkain sa mahabang lamesa. Looks like they prepared it well. May mga bisita pa kaya sila?

“Mama cooked everything, she’s excited to see and have a dinner with you,” bulong ni Jace sa gilid ko.

I was shocked. “Really? This is too much, but it’s great!”

“Oh, hija! You’re finally here!”

Lumawak ang aking ngisi at tinanggap ang yakap ni Tita Lyn. Nakasuot siya ng itim na sheath dress, she looks young!

“Good evening po, Tita. How are you?” I politely asked.

“I’m good. You’re so beautiful, hija. Come here. Your Tito and Sam will be here in minute. Jace, son, halika na.”

Hinila ni Jace ang upuan at iginiya ako para maupo, I thanked him. Umupo naman siya sa tabi ko.

“Mas itinuring ka pa niyang anak kaysa sa ’kin, she didn’t even greet me earlier. I’m jealous,” bulong niya sa tabi ko.

“Narinig ko ’yon, Jace. I’m sorry, okay? At saka nagkasama naman tayo kanina, anak, bago mo sinundo si Victoriane —”

“Ma... just call her whatever you want, but not that one, please.”

“Oh, ano naman ang problema? Pangalan niya naman ’yon?”

“Ako lang ang puwedeng tumawag noon. Tss.”

Tumawa ako. Dumating na si Tito Fernan kaya binati niya ako at pinasalamatan.

Nakita ko rin si Sam, ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Buti na lang talaga at maayos na kaming dalawa hindi na awkward, tutulungan ko pa naman si Trisha sa kaniya.

“Good evening, Ella. You’re beautiful as ever.” He winked before he sat next to me.

I rolled my eyes and thanked him.

Nagsimula na kaming kumain, nagulat pa nga ako na ang dami ng pagkain tapos ako lang pala ang bisita nila. Tita is so sweet, though. Sana nga ay magkasabay na ulit kaming pamilya kumain nang maayos at masaya.

“How are your studies, hija?” tanong iyon ni Tito.

I wiped my mouth with table napkin before I answered. “It was fine po, examination’s coming, though.”

“Ah, great. Nagreview ka na ba Samiel, anak?”

“Tss, ako pa ba, Pa?” mayabang niyang sagot. I chuckled.

“How’s your parents, Ariane?” si Tita.

“Uhm, t-they’re good naman po,” I lied.

“I’m sorry, I heard about Chesca —”

“Ma,” sabay na sabi ni Sam at Jace.

Ngumiti ako. “Yes, Tita. It’s okay po. We’re still on it pa po.” Malalaman ko rin kung kapatid ko ba talaga si Chesca o hindi.

“Napatunayan na ba? Uhm, you know...”

“Hindi pa nga po, e. After po kasi no’n wala na po akong narinig baka inaayos pa po nila...”

“Is it okay with you?” si Tito.

“Actually, I’m doubting her pa po, magpapatulong nga po ako kay Lolo to have a test.”

“DNA test, then. Bakit hindi nila ginawa ’yan noon?”

“Ayaw po ni Papa na ma-offend sila siyempre baka pinagdududahan pa rin nila at baka ayaw pa rin tanggapin. Hindi ko nga alam kung tama ba na mangialam ako, but I want a DNA test.”

“Yes, that’s right, hija. Isa pa, there’s nothing wrong puwera na lang kung ayaw nila dahil ayaw malaman ang totoo...”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top