Chapter 36
Chapter 36: Beach
“Why are you here? Did you sleep beside me last night?” bulong niya.
“Yes,” I lied. Natawa ako nang bahagya.
Tumingala ako sa kaniya para makita ang reaksyon, nangunot ang noo niya at pinisil ang aking ilong.
“You little liar, I maybe sleepy but I know you didn’t.”
“Alam mo naman pala, nagtanong ka pa.”
He chuckled. Niyakap niya ako nang mahigpit at pinatakan ng halik ang aking ulo. Hindi ko na lang tinanong ang tungkol sa Ms. Sanchez na iyon, it’s his business after all.
After we finished our breakfast, we all decided first to explore around the mansion. Kaya ito ako ngayon, nasa loob ng malaki’t makalumang library ng mansion. I love the scent books are giving me. Dagdag pa na napaka-relaxing ng lugar.
Literal na mabubuhay ako nang hindi lumalabas ng mansion. I could stay here in library all day long! While scanning through the tall bookshelves a book caught my attention.
Senatorial was written on the cover.
I was skimming through the pages when a piece of paper fell from it. Dinampot ko iyon sa sahig at dahil nakatupi ang makaluma na ring papel ay ibinuklat ko iyon.
Dear Owen Clarkson,
Focus on your path. Your children and I will always support you. Especially in serving the people. We may had frequently received threats from them, but don't let it stop your will. Your will to serve and be part of the country's change.
You're a good leader in everything. And I am rooting for you.
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dahil sa pagkataranta ay mabilis kong isinuksok ang munting papel sa libro at ibinalik iyon sa lagayan.
Pakiramdam ko tuloy ay nahuli ako sa isang krimen. Nang bumaling sa pumasok ay roon lang ako nakahinga nang maluwag dahil si Jace naman iyon.
“Victoriane, what happened?”
I shook my head and ran towards him to hug. “Wala naman. Nagbabasa-basa lang ako...” Pero iyong utak ko ay nandoon sa letter. Hindi ko pa iyon tapos basahin, e!
He kissed the top of my head. “You done? Aalis na raw tayo.”
Bumuntonghininga ako at tumango. “Tara.”
I'm wearing a Kimono V-neck floral dress, pupunta na kami ngayon sa Tipolo beach at doon na mag-i-stay. May reservation na sina Papa doon, buong floor ang pina-reserve para sa aming lahat even the infinity pool, I really should say half of the hotel.
They are not the richest in this province, but they are responsible. Mayaman sa lupain ang mga Reistre dito sa Tipolo, pero hindi lahat ng lupain ay may mga pananim. Pili lang ang mga ito at kung hindi man sila ang nag-aasikaso ay nag-ha-hire sila ng mga tauhan para doon, kagaya nang umuwi sila ng Manila.
Pumasok na kami sa Tipolo hotel. Tanghali na at nagpahanda sila ng aming makakain. Dumiretso kami sa loob, kagaya ng mga kasama namin ay hindi ko rin mapigilan ang pag puri sa hotel. Malaki ito at maganda ang loob. Pati ang mga empleyado nila ay naaayon sa kung gaano kaganda ang pamamalakad nito.
“Let’s go.”
Magkaiba ang table nila Mama sa table namin pero iisang private room lang. Inihanda na ang marami at masasarap na pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain.
“Ang sasarap!” si Archie sabay palakpak. “Pero siyempre mas masarap ako!”
Nagtawanan ang nasa hapag. Binato ni Sam si Archie ng tissue. “Ang asim mo, ’tol.”
Nagpatuloy pa sila sa asaran kaya kumuha na lang din ako ng pagkain. I ate spicy tuna sashimi while listening to their chitchats. Ni-serve sa amin ang dessert pagtapos. Hindi payapa ang tanghalian namin dahil sa mga side comment tungkol sa pagkain, ani pa ni Trisha gusto niya sana ng hipon kaso allergic siya room.
Natawa pa ako doon dahil pakiramdam ko ay double meaning iyon. Loko talaga.
“Excuse me,” paalam ko.
“Where are you going?” tanong ni Jace.
“Bathroom.”
“Samahan na kita —”
“’Grabe, napansin niyo ba, guys! May walking magnet tayo rito! Hindi ko sinabing Jace ang pangalan pero parang ganoon na nga!” pagputol ni Archie.
Jace frowned and glared at him.
Tumawa ako at tuluyan nang lumisan. Dumiretso ako sa bathroom at pagtapos ay nag-hugas sa sink. Aalis na sana ako nang pumasok si Chesca sa loob.
Tinapunan niya lang ako ng tingin bago pumasok sa isa mga cubicles. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin nang napabaling ako sa pinto dahil lumikha iyon ng tunog. Pumasok si Sydney na nakaputing summer dress.
“Oh! Hi, girl. Ba’t ka narito?” bati niya sa akin at kinuha ang lipstick niya sa bag.
“Bathroom break,” I answered in a dismissive tone. Ewan ko, basta hindi na ako panatag sa kaniya.
“Anyway, ano’ng full name ng boyfriend mo?” tanong niya, nanatili ang tingin sa salamin.
Nakakunot na noo ko naman siyang binalingan. “Why?”
“Interested lang.”
Woah! Relax, Ariane. Natawa ako nang bahagya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o iniinis niya ako. Really? Ako na girlfriend at kaibigan naman nito, tatanungin niyan? Nag-iisip ba siya o nananadya?
“Bakit ka naman interesado?” tanong ko pa rin kahit naiinis na.
“I find him hot —”
“What?!”
“Yes, you heard it right. It feels like we would fit together in a modeling... or mas bagay talaga kami. What do you think?”
Modeling. Pinagsasabi niya?
“You know, naghahanap ng mga aspirant iyong agency na nag-offer sa akin —”
I scoffed. “Jace’s not into modeling. Saka please lang... just save your thoughts in silence.”
“Relax, girl. Hindi ko naman aagawin sa ’yo. Namamangha lang talaga ako na nagka-boyfriend ka na gaya niya. Sorry for being a bitch, but I will be straightforward... hindi siya bagay sa katulad mo.”
My lips parted. What did she just say?
“So, what are you trying to imply? Na hindi kapani-paniwala na boyfriend ko ’yon? At hindi kami bagay?”
Walang hiya. She has the guts, huh? Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihibang yata siya.
“Parang ganoon.”
“E, ’di sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Tss, lugi si Jace sa ’yo.”
“Excuse me?” mataray na aniya. Wow, seryoso talaga? She’s being a bitch at talagang hindi ko nga siya kaibigan.
“Oo, kung hindi kami bagay, mas hindi kayo bagay.”
She was about to say something when someone went out of cubicle. Oh, geez! I forgot! Chesca was there so she definitely heard it.
“Chesca,” tawag ko.
Hindi niya ako pinansin. She crossed her arms and stepped towards Sydney.
“Sino ka namang pangit ka?” supladang aniya.
“Pangit? Ako?” Napalunok man ay nakasagot pa rin ito.
Chesca laughed. “Bakit? May iba pa bang pangit dito, e, ikaw lang naman?”
Nakagat ko ang labi. Hindi ko alam kung aawatin ko ba o manonood na lang muna dahil mukhang nakakaaliw ang mangyayari.
Hindi nakasagot si Sydney habang hinagod naman ng tingin ni Chesca ang kabuuan niya. “Mas okay pa siguro kung maging single na lang si Jace kaysa mabagay sa pangit na katulad mo. Ang perfect mo naman, pangit na nga ugali pangit pa mukha. Perfect pangit.”
I cleared my throat.
“Wala naman akong sinabi...”
“E, kung supalpalin kita tapos sabihin ko wala akong ginawa? Chaka mo, ginawa mo pa akong bobo.”
“Chesca...”
“Kung ako sa ’yo, Ariane, pinektusan ko na ’to sa noo.”
Sa takot ay mabilis na kinuha ni Sydney ang bag niya at walang paalam na nilisan ang banyo.
Chesca smirked. “Mamaya ka sa ’kin,” aniya at sa pintong nilabasan ni Sydney ang tingin.
Tumikhim ako. “Huwag mo na awayin...”
Inirapan niya naman ako. “Wala kang pake. Huwag ka ngang mabait diyan, ikaw lang kawawa. Bahala ka,” aniya at nauna nang lumabas.
I stayed a bit inside the bathroom before I decided to go out. Nasa hallway pa lang ako nang makasalubong ko sina Tita Lyn at Tito Fernan, Jace’s parents.
“Hello, hija. Finally, got to meet you this near, huh?”
I pursed my lips. “Sorry po, ah.”
Tumawa si Tita Lyn. “Gusto niya kasing makita ka, Ariane. You know why?”
“Uhm, bakit po?”
Si Tito ay ngumiti. “Umayos na ang anak ko nang dahil sa ’yo kaya pakiramdam ko ikaw talaga ang para sa kaniya. I’m actually confused too, pakiramdam ko may gusto rin ang isa ko pang anak —” Bago pa makatapos sa kakadaldal si Tito ay tinakpan ni Tita ang kaniyang bibig.
Pero bahagya rin akong natigilan. He was about to say na may gusto rin ang isa niyang anak. Si Sam? May gusto? Kanino? Sa ’kin? Oh, erase! Hindi niya ako gusto.
“Pasensya na at maingay ang tito mo, hija.”
“Ah! Oo nga madaldal nga ako, hmm...” Sinamaan siya ng tingin ni Tita Lyn kaya hilaw siyang ngumiti sa akin. “Sana ay makadalaw ka sa bahay namin, hija. Hindi kita nakita noong pumunta ka dahil may trabaho ako, I’ll ask Jace to take you. Is it okay?”
“Of course, Tito! Sure.”
“Victoriane.”
Napalingon ako sa tumawag, si Jace na papalapit sa direksyon namin.
“We’ll go, Ariane. Take care of her, Jace,” paalam nito sa anak.
Tinapik naman ni Tito Fernan ang balikat ng anak. “You already got a pretty and nice girl. Itali mo na, anak,” pangsusulsol nito sa anak. Nakatamo tuloy siya ng hampas galing sa asawa.
Jace scowled at his father before glancing at me. “What took you so long?”
“Why? Did you miss me?”
“Yes, I always miss you even if we’re this close. Don’t change the topic.”
“Fine, I was just in the bathroom.”
“Ano namang ginawa mo sa banyo?”
Inirapan ko siya. “Pati ba iyon kailangan mo pang malaman?”
Ngumuso siya. “E, ’di sorry. Ito naman galit agad.”
Nang natapos kaming nag-lunch ay kani-kaniya na silang punta sa mga hotel rooms nila para magbihis at maligo sa dagat. Kahit ako ay excited din, pero hindi naman mawawala ang dagat kaya nagliliwaliw muna ako. Mag-iisip-isip ganoon.
Could it possibly be Lola’s letter for Lolo? Medyo naguluhan pa ako, e. Ano ang ibig sabihin ng letter na iyon?
“Sa susunod mo na ’yan isipin, Ariane,” bulong ko sa sarili. Tiningnan ko si Jace, naglalakad kaming pareho palabas ng hotel para mag-ikot. He’s wearing a polo shirt, a khaki shorts, and a pair of sandals. He held my hand while we’re walking.
Hindi ganoong karami ang tao sa dagat, medyo mainit dahil sa tirik na araw pero mahangin pa rin naman.
“Let’s take a picture!” suhestiyon ko kay Jace. He excitedly nodded and ready the camera before we posed.
“You’re so adorable!” sabi niya nang tiningnan ang picture naming dalawa, nakangiti siya roon at nakalitaw ang dimples, ako naman ay nakakindat at nakanguso sa pisngi niya.
“I-share it mo sa ’kin ’yan, ah!”
He chuckled. “Iyong tao sa picture ba? Hindi ko na kailangang i-share, Victoriane. Sa ’yong sayo na kaya ako.”
Sumimangot ako. “Corny mo!”
Bumalik kaming dalawa ni Jace sa hotel dahil gusto ko nang magbihis para makaligo. He nodded in agreement. Nagbihis ako ng puting underwired lace skirt bikini at cover up.
I was about to go outside when someone knocked. I opened the door and saw Trisha. “Sis, tarantado talaga ’tong si Archie!”
“Huh, ba’t naman?”
“Sabi ko lagyan ako ng sunblock sa katawan! At alam mo kung ano ang ginawa niya?!”
Umiling ako. “Hindi ko pa alam kaya sabihin mo na.”
“Pampam iyon! Nilagyan pa naman ako ng efficascent sa katawan! Iyong pinakamaanghang pa sa lahat! Walang hiya, hindi naman ako magpapamasahe, e!”
I bursted into laughter after hearing her litany. What the heck, Archie!
“Tara na nga, sugurin natin!”
Lumabas na kami at nakarating sa dalampasigan. Habang pinapasadahan ng tingin ang lugar ay namataan namin ni Trisha si Chesca at Archie na naghahabulan.
“Chesca alien!”
“Archie mukhang baldi!”
“Nag-asaran, buwisit talaga ’tong si Archie walang pinipili ang pinagtitripan,” komento ni Trisha sa aking gilid.
“Kapag talaga nahabol kita, mamaalam ka na talaga!” banta ni Chesca at patuloy pa rin sa paghuhuli.
“Ba-bye!”
Sa inis siguro ni Chesca ay huminto siya at nagpupuyos na sa galit. “Wala ka na talagang ginawang tama sa buhay, asungot ka!”
“Chesca, may tanong ako. Kung ako pang-seven sa pila tapos nasa likod kita. Pang-ilan ka?” tanong ni Archie.
Nangunot naman ang noo ng isa. “Pang-8 ako?”
“Oo, tama iyan. Panget ka nga.”
Our friends who heard it laughed. At doon nga nagpatuloy sa paghahabulan ang dalawa. Buti nga’t hindi ilag si Chesca.
Hanggang sa may naisip kaming kalokohan para kay Archie.
“Hulihin natin mamaya si Archie!” si Kent na sinabayan nina Sam.
Bumaling ako sa entrance ng hotel at naaninag ang bulto ni Kuya at Jace na patungo na rin sa aming direksyon.
Nagpaalam muna ako kay Trisha kaya sumama muna siya kanila Sam para pag-usapan ang magiging trip nila mamaya kay Archie habang ako ay lumapit sa kanila.
“Ari! Mag-i-speed boat kami mamaya. Mainggit ka, please,” panunuya ni Kuya sa akin.
Inismiran ko siya at hinatak si Jace sa braso para asarin din si Kuya. “Kuya! May jowa ako. Maiinggit ka, please.”
Tumalim ang tingin niya sa aming dalawa ni Jace. “Papangit niyo naman.”
“’Pag-inggit, pikit,” pakikisabay ni Jace, mas dumilat tuloy si Kuya.
“Ba’t ka dilat na dilat?” tanong ko.
“Para iparating sa inyo na hindi ako naiinggit. Baka si Kent naiinggit kanina pa iyan nakapikit, o.” Sabay nguso niya sa gilid ko. At tama nga. Nakapikit na Kent ang tumambad sa akin.
“Sobrang inggit ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa inggit,” aniya, nakapikit pa rin.
Natawa ako at hinampas siya. “Tutal nakapikit ka naman, magdasal ka na lang.”
“Sige po, sister.”
“Baliw!”
“What are you wearing?” si Jace nang magsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan.
Nagbaba ako ng tingin sa suot. Naka-cover up ako pero halata pa rin ang bikini sa loob. “Bikini.”
“Yeah, I know.” Jace sighed and looked around. “Babe naman. Hindi naman ako totally stupid. What I mean, ’yan talaga susuotin mo?”
“What would you expect me to wear, then? Nasa beach tayo kaya siyempre naka-swim suit dapat. Ano gusto mo naka-uniform ako sa beach?” naiirita kong sabi.
“Victoriane, iyong suot mo kasi sa ilalim ng cover up na iyan, e.”
“O, e, ano nga? Ano naman?”
Ngumuso siya para itago ang ngiting nagbabadyang sumilay. “Busog na ako.”
“Tapos?” naguguluhang ani ko.
“Masyado na akong busog sa tanawin,” he added and scanned my body. He smirked.
I immediately frowned. “Parang ano naman ’to!” Hinila ko na lang siya patungo roon sa nakahilerang sun lounger.
“Tss, bakit siya tumitingin sa pagmamay-ari ko?”
Napalingon ako kay Jace nang ibulong niya iyon sa hangin. Nakatingin siya sa malayo kaya sinundan ko rin iyon at kaagad na dumapo ang tingin ko kay Shawn.
“What do you mean?” tanong ko.
Nakita kong nakatingin sa akin si Shawn kaya kinawayan ko siya. Ngumiti siya sa akin at kumaway pabalik.
Nagulat ako nang ibinaba ni Jace ang kamay kong nakakaway kay Shawn. “Huwag mo nga paasahin.”
“Kumaway lang naman ako, ah?”
“Oh, nevermind.”
“At saka kaibigan mo naman siya para namang ano ’to... wait!” Tumaas ang gilid ng aking labi. “Nagseselos ka ba?” Nanliit ang mata ko habang tinitingnan siyang seryoso lang nakatingin sa akin.
“Hindi, ah. Ba’t naman ako magseselos, e, akin ka?” mayabang niyang sambit.
Tinusok ko ang kaniyang tagiliran. “Sure ka?”Tinusok ko ulit ang kanyang tagiliran, umiwas naman siya.
“Victoriane...” he warned.
Inosente akong nag-angat ng tingin. “What?”
Hindi niya na ako nasagot nang makarating na kami sa puwesto. Hinubad niya kaagad ang pang-itaas na damit galing sa batok at pinatunog ang leeg.
“Jace! You should join them,” sabi ko nang naupo siya sa tabi ko.
“I want here.”
“But how will you suppose to enjoy this kung lagi kang nakadikit sa akin?”
He smirked and cupped my face. “This face is more worth it to watch for. I’m enjoying this.”
“Jace...”
“Ayaw —”
“Sige na! Need pa ng isang player nina Kent, o! Alis na, love kita!”
He hugged me and lifted my chin. “Fine, I love you.” He leaned closer to whisper. “Talo talaga ako sa ganda mo,”sambit niya bago binaba ang sunglasses ko na nasa ulo papuntang mata.
“What the—” Hindi pa ako natatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi at tumakbo na papalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top