Chapter 35

Chapter 35: Text

“I can stay like this forever. You smell too good.”

“Ano ba!” reklamo ko sa kaniya.

“Why?”

Ngumuso ako at pilit na inaalis anf ulo niya sa leeg ko. Parang tanga kasi, I know he’s just diverting my attention after he called Sydney a bitch. Siyempre medyo naano ako kasi kahit ganoon iyon, nasasaktan pa rin. Baliw talaga. “Nakikiliti ako!”

He smirked and bobbed his head. “Talaga?” Sabay kiliti niya naman sa tagiliran ko.

Hinampas ko siya. “Tumigil ka nga! Matulog ka na roon!” Patuloy pa rin siya sa pagkiliti sa akin habang ako hampas nang hampas sa kanya. “Ano ba, Jace?!”

“Sabihin mo muna, babe, please, Master.”

“Ano?! Lasing ka na nga! ’Wag nga kasi!”

“Tama na! Nabu-buwisit na ako, Jace. Isa pa!” Hindi na ako makahinga nang maayos dahil ayaw tumigil nito. Kung hindi lang ako na-distract sa dimples niya ay kanina ko pa siya sinapak.

“Just say the magic word and I’ll stop.”

“Ano?!”

“Sabihin mo, please, Master,” panunuya niya. Naghalo yata ang gatas at alak sa utak ng isang ’to. Nakakainis!

“Ayaw ko nga!”

“Then don’t.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at kiniliti ako gamit ang isang kamay.

“I love you!” sabi ko.

Napansin kong napatigil siya at namumungay ang mata nang tumitig sa akin. Umangat ang gilid ng kaniyang labi. “Shit, babe. Hindi naman halatang patay na patay ka sa akin, Victoriane, huh?”

Bumuga muna ako ng hangin dahil para akong sumali ng karera, hinihingal. “Kapal mo naman po.”

He wrinkled his nose. “Ganda mo.”

Umirap ako sa kaniya, namumula ang pisngi. “Tara, ihahatid na nga kita!” tumayo na ako at inilahad sa kaniya ang kamay. Tinanggap niya naman iyon kaya sabay kaming naglakad. Nagpaalam na kami sa kanila na matutulog na.

“Shawn, tulog na kami, ah?” paalam ko kay Shawn nang madaanan namin siya sa bukana.

“Good night, Angelic face,” he said, smirking.

“Tss, corny. Why are calling you her that?” si Jace kay Shawn.

Natawa naman ang huli. “The name says it all, dude. Have a good night.”

Tawa ako nang tawa sa bangayan pa nila bago kami umalis. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong kasama ko nang sa ibang dako kami patungo.

“Sa rooftop tayo, I just wanna see the stars,” aniya at inakbayan ako. Dumaan kami sa gilid at umakyat sa hagdan papunta sa rooftop. Nang makarating sa pintuan doon ay napahinto kami, naghahabol ng hininga. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa amin ang preskong hangin.

May nakita akong sofa sa ’di kalayuan, may coffee table rin sa harap kaya naman iginiya ko si Jace papunta roon saka kami naupo. Niyakap niya ako galing sa likod at ipinatong ang baba sa aking balikat. Tumingala kami sa kalangitan at parang kuminang ang aking mga mata sa dami ng bituin.

“Tingnan mo ’yon! Big Ripper!”

Hinanap ko ang sinabi niya at nang napagtanto na mali ang term na gamit ay humagalpak ako ng tawa.

Kumalas siya at nakasimangot akong tiningnan.

“Gosh! It’s Big Dipper not Big Ripper!”

“Grabe ka, Victoriane. Judgemental ka, I only had a one mistake, but you laughed as if wala akong ginawang tama, ah? Ursa Major iyan, o? May ibubuga ako.”

Napailing ako habang impit pa ring tumatawa. “Hindi naman kita ni-judge, ah? Natawa lang, hindi naman ibig sabihin no’n ni-judge kita, you just made me laugh, ’no!”

Lalo siyang napasimangot. “At ngayon, clown naman ako sa paningin mo?”

“Grabe, may sinabi ba ako? Hindi naman iyan iyong ibig kong sabihin, ah?”

“E, ’di bingi ako ganoon?”

Napangisi ako at hindi na napigilang panggigilan ang magkabilang pisngi. “Look how alcohol affects you! Naku talaga!”

He bit his lower lip and frowned. “You’re an alcohol yourself...”

“Huh?”

“Look how you affect me. Kung alcohol ka lang, Victoriane, I have a low tolerance. Tanungin mo kung bakit.”

Ngumuso ako kahit nalilito sa pinagsasabi niya. “Bakit?”

“Hindi pa nga ako nakakadalawang shots, may tama na ako.”

We fell in silence. I was trying to process what he’s said until I finally puzzled his logic. “Ah!” Nagpatango-tango ako at hinampas siya, I then bursted into laughter. “Ano ba, Jace! Alcohol isn’t good for you!”

Matalim niya akong tinitigan. “He’s a music but she’s deaf.”

Ngumiti ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat para maiharap sa akin nang maayos. “Naiintindihan kita, Jace. Kung may pinagdadaanan ka sa buhay, hindi pa naman ito iyong huli. May nagmamahal sa ’yo, ako narito ako. Kaya kung may problema ka huwag kang magdalawang isip na lapitan ako. Ano pa ang silbi ko, ’di ba?”

“Victoriane! Ngayon na nga lang ako bumabanat kasi masigla iyong brain cells ko, ’di mo pa gets.”

“Gets ko kaya! I just couldn’t find a connection! Basta tandaan mo mahal kita, ng pamilya mo, mga kaibigan mo —”

“Fuck, ba’t parang isa lang iyong naging malinaw sa pandinig ko? Iyong mahal kita?”

I shrugged. “Ewan ko sa ’yo tainga mo naman iyan.”

He chuckled and pulled me inside his arms. “Why are you being like this, huh? Is this how legal age works?”

Natawa ako at niyakap siya pabalik. “Just kidding. Love you, Jace.”

He looked down on me. “Yeah, alam ko, pero mas mahal kita.”

Bumaba na kami galing sa rooftop para magtungo na sa mga kuwarto namin. Nasa pasilyo na kami nang bumukas ang isang pinto at iniluwa noon si Shawn. O, umakyat na rin pala siya?

“Hey, okay ka lang?” tanong ko.

He arched a brow and nodded his head at us. “Yeah, may kinuha lang ako sa loob. I can’t sleep too.”

“Oh? Bababa ka ulit?”

“Ba’t gusto mo siya samahan?” si Jace.

“What a cute jealous puppy you have there, angelic face,” ani Shawn sabay turo kay Jace na nakaakbay sa akin.

“Gusto mo ba gibain ko buhay mo, Villadazo?”

Shawn let out a heartily laugh. “Huwag po, Sir, may pamilya pa ako.”

Jace scoffed. “Siraulo ka, ’di ko talaga alam ba’t kita naging kaibigan.”

“As if naman, dude, ’di ko iyan tinatanong sa sarili ko. Bakit kaya may kaibigan akonf panget na Jace at Raze ang pangalan?”

Natawa ako. “Sa’n pala si Raze? Hindi niyo in-invite?” I felt bad tuloy. Kahit magkakaibigan silang tatlo ay hindi talaga kami close ni Raze, sabagay paano kami magiging close, e, isang beses ko pa nga lang iyon nakita, e.

“Busy, e.”

Nag-usap pa kami saglit bago magpaalam si Shawn na bababa muna para makihalubilo roon kaya naman nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Pumasok na si Jace sa isang kuwarto na kaharap lang din ng akin. Kunot noo ko pa siyang pinagmamasdan dahil basta na lamang siyang pumasok nang hindi ako kinausap kaya naman pumasok na rin ako sa loob at sinundan siya.

Nangunot ang aking noo nang dumiretso siya sa banyo. Naupo na lang ako sa sofa sa gilid habang hinihintay siya.

Narinig ko na parang nagsusuka siya kaya pumasok na lang din ako sa bathroom. At ayon, nakaluhod siya at sumusuka sa bowl. Kaya naman siguro nauna dahil nasusuka pala.

Napailing ako at lumabas ulit. Binuksan ko ang kabinet at kumuha ng tuwalya pati na rin damit bago pumasok sa bathroom.

Nagkatinginan kaming dalawa.

“Magbihis ka o ’di kaya maligo para mahimasmasan ka!” utos ko.

“Okay,” tamad niyang sagot.

Napalunok ako nang nakita ang katawan niya. Ayaw kong mag-isip nang mas malalim kaya iwinaksi ko kaagad sa isipan iyon kahit pa distracted na ako.

Napaiwas ako ng tingin. “Ano ba’ng ginagawa mo?”

“Maliligo?”

Umismid ako at lumabas ng banyo, padabog ko iyong sinarado. Habang nasa banyo siya ay lumabas muna ako para pumunta sa kuwarto ko. Kinuha ko sa drawer ng kabinet ang cell phone, bumalik rin kaagad ako sa kuwarto ni Jace. Nahiga ako sa kama niya nang napag-isipan ko munang buksan ang social media account. Ala una na pala.

Pagbukas ko pa lang ay bumungad sa akin ang Instagram post ni Jace. Ang picture na ’yon ay ’yong gabing sinurpresa nila ako. Nakangiti ako at nakatingin sa cake na may kandila. I think

Binasa ko ang caption. @jacebryan: Go, shawty, it’s your birthday.

Napangisi ako. Nag-scroll ako at post niya ulit ang nakita ko. Lalong lumawak ang ngiti ko nang nakita ang picture, ang bilis niya naman yatang nakuha at na-post ito?

Ito ’yong nag-pi-picture na. Tumatawa ako sa camera suot ang gown ko habang siya naman ay nakahawak sa aking baywang at nakatitig sa akin.

@jacebryan: She’s all I see.

Binaba ko kaagad ang cell phone nang marinig ang pagbukas ng pinto sa bathroom. Tumihaya ako sa kama, nagkukunwaring tulog.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang paglubog ng kama sa gilid ko, umupo na siya at ramdam ko na rin ang paghaplos ng daliri niya sa pisngi ko.

“Babe, are you sleeping?”

Tanga naman ng boyfriend ko. Paano ako sasagot, e, tulog  na nga?

At dahil sa naisip ’di ko na napigilang matawa kaya naman napaigtag siya saglit at umawang ang labi. “O, heaven. You startled me. Are you planning to sleep here?”

Napaisip ako. Nakakapagod nang lumipat kaya tumango ako. “Oh, tatabi ako sa ’yo.”

Agaran siyang napatayo. “What? No way!”

“Bakit naman?”

“Bawal.”

“Whatever, I’ll stay here in five minutes then I’ll go.”

“Babe, let’s go. Please.” Para bang ayaw niya akong narito at kanina pa ako pinipilit.

“Ayaw mo bang narito ako, Jace Bryan?!”

Naitikom niya kaagad ang bibig saka ngumisi nang nakakaloko. “You called me by my full name.”

“Ano naman ngayon, Jace Bryan Lim Prama?” Wow, nakaka-proud ako at alam ko ang buong pangalan niya.

“Wala naman akong problema roon, Anella Victoriane Gil Reistre. Hmm?”

“Heh! Tahimik nga!”

“O, my Victoriane. I love you, but you just can’t stay longer here. Let’s go, hatid na kita sa kabila.”

“Ano ba ’yan! Nakakainis ka naman!” singhal ko sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko para bumaba na sa kama.

He shook his head in amusement and planted a kiss on my glabella.

When I finally inside my room, he gave me a good night kiss on forehead before going back inside his room.

***


Kinaumagahan, ang unang bumungad sa aking mga mata ang sandamakmak na mga regalo sa kabilang kama.

Nag-unat ako ng katawan bago bumaba sa kamang hinihigaan since I have two beds in this room the other one is for gifts. Pumasok ako ng bathroom para maghilamos at mag-toothbrush. Nang natapos na ay lumabas ako at umupo sa dulo ng kama kung saan nakalagay ang mga regalo. It probably took me hours for me to remove the wrappers of the gifts.

The gifts are too much so as me being grateful. I didn’t ask for materials, but I do appreciate every thing they gave. Especially this one on my neck. The necklace from Jace.

Gising na kaya sila? Pagkatapos ayusin ang mga regalo ay nagsuot ako ng roba dahil naka sando at short lang ako. Nang tumingin ako sa hallway ay tahimik at wala miski isang tao. Mukhang tulog pa ng yata sila since alam ko na puyat lahat.

Napatalon ako sa gulat nang may tumikhim sa kabilang banda. Nakahinga lamang nang maluwag nang makita si Mama.

Lumapit ako sa kaniya at yumakap. “Good morning, Ma!”

“Good morning, anak. Why are you up so early?”

“Nagising lang po. Binuksan ko ang mga regalo, e. Ano ba ang gift niyo ni Papa sa akin?”

“Surprise na ’yon, mukhang tulog pa silang lahat, ni-check ko lang kayo, babalik na ako sa kuwarto namin at inaantok pa ’ko.”

“Dapat hindi ka na bumangon, Ma. Pagod ka pa. Sige na, bumalik ka na roon. Silipin ko lang po si Jace —”

“Nagtabi kayo matulog?!” Sa boses na gulat at strikto.

Kaagad akong umiling. “Of course not! Titingnan ko lang siya dyan sa kuwarto na ’yan,” turo ko sa katapat kong kuwarto.

Para naman siyang nabunutan ng tinik. “Baka tulog pa si Jace, ’wag mong istorbohin, Ariane.”

“Titingnan ko lang.”

“Clingy ka, sige ka baka iwanan ka nyan!”

I scoffed. “Panget mo naman ka-bonding, Ma!”

Natawa siya at napailing na lamang. In the end, hinayaan niya ako at bumalik na siya sa kuwarto nila.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa kuwarto ni Jace baka maistorbo ko nga ang isang ’yon. Pero ginawa ko pa rin. Sinubukan kong ikutin ang doorknob at hindi naman iyon naka-lock kaya binuksan ko ito nang maliit saka sumilip.

Nakita kong natutulog siya nang nakatagilid kaya naman dahan-dahan akong pumasok at isinarado ang pinto sa aking likuran.

Hindi pa man ako nakakaupo sa kama ay natigil na agad ako nang narinig ko ang pagtunog ng phone niya sa gilid lang ng hinihigaan niya. Ilang beses pa iyong tumunog at mukhang malalim yata ang tulog ni Jace kaya naman kinuha ko na lang.

Messages from someone.

Ms. Sanchez: good mowning, Bryan!♡♡♡
Ms. Sanchez: ignoring me again, huh?
Ms. Sanchez: Fine, I texted you for our PowerPoint! Sungit mo talaga.
Ms. Sanchez: ah, ignore me for all you want. Humanda ka sa ’kin sa susunod na mga araw. /(ò.ó)┛彡┻━┻

Umawang ang labi ko. Sanchez. Ito iyong ka-blockmate niya, ’di ba? The one he ignored yesterday!

Kagat-kagat ang labi, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hay naku, bakit kasi nakialam pa ako?!

Napaigtad ako nang tumunog ulit ito.

Ms. Sanchez: Gaya ka rin pala ni Raze. You’re both assholes. Best friends nga. ./.

Kunot noo ko iyong binasa. What does she mean by it? Ganunpaman, hindi ko na lang ni-reply-an, itinatak ko sa utak na dapat hindi ako mangigialam ng mga gamit ni Jace lalo na’t walang permission niya.

Dahil nakatalikod siya sa akin ay humarap ako sa likod niya at unti-unti na lang na humiga. Niyakap ko siya galing sa likod at naki-share sa comforter.

Pinikit ko ang mata ko nang bahagya siyang gumalaw. Humarap siya sa puwesto ko, tulog pa rin. Napangiti nang makita kung gaano kahimbing ang tulog niya.

Makapal na kilay at pilikmata, matangos na ilong, at mapulang labi. Hinaplos ko ang kanyang buhok pababa sa kanyang mukha. How could this guy be perfect? Well, no one’s perfect but for me, he is.

Ilang minuto pa yata akong nakatitig sa kanya nang napagdesisyunan kong tusok-tusukin ang magkabila niyang pisngi kung saan ’pag ngumingiti siya ay lumilitaw ang dimples.

Gumalaw siya nang bahagya pero hindi pa rin nagigising. Bakit ko nga ba gigisingin? Nanggugulo lang talaga ako.

Babangon na sana ako nang may humila sa aking braso dahilan nang paghiga ko ulit. Napalingon ako sa kanya at ganoon na lang ang pagnguso niya, naka half-open lang ang mata.

“Come back here.”

Umayos ako ng higa, niyapos niya ako ng yakap at inilagay ang baba sa ibabaw ng aking ulo.

“Good morning.” His husky voice filled my ears.

“Morning...” I greeted back in a small voice.

Now, getting curious about that Ms. Sanchez.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top