Chapter 34

Chapter 34: Leech

It feels like a dream that I don’t want to wake up. I want to stay like this forever. After they sang happy birthday, nagsimula na ring i-serve ang appetizers habang may palaro ang host sa stage. The whole place filled with our laughters.

“Let’s give them a round of applause!” anunsyo ng host kaya naman nagsipalakpakan at tilian ang iba. 

Hindi ko alam kung anong mayroon, pero base sa nakikita ko ay may gagawin sila. Sina Kuya, Jace, Kent, Sam at Archie ay sunod-sunod na pumanhik sa stage.

Nag-form sila ng linya roon, alternate. Si Sam na naka-forward, si Archie naka-backward, ganoon din si Kuya at Kent sa kabila at sa gitna si Jace. Lahat sila ay nakatalikod sa amin.

Tutok na tutok ako sa gagawin nila at namangha nang biglang tumugtog ang kantang Dynamite ng BTS iyon din ang hudyat para kumilos na si Jace.

“Ah, shit! Ang hottie mo, Jace!” sigaw ni Trisha na nasa gilid ko lang.

Natawa ako pagkatapos ay namula nang magsimula siyang sumayaw. Gosh, this is my first time seeing him dance this great!

I was watching in awe while they’re dancing effortless yet utterly amazing. Wala na iyong coat na suot nila kaya naman silang lahat ay naka-white sleeves na, at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi sila nakaka-attract panoorin. And while intently giving my full attention to Jace, I was falling harder! Sabay-sabay sila at dahil sa ganda ng tugtog ay mas lalong nakakamanghang panoorin.

“Takte, hirap no’ng sayaw buti na lang nadala sa hitsura,” komento agad ni Archie nang makababa sila sa stage.

Napailing ako ngunit malawak na napangiti. Shit lang, they can pass as a dance troupe!

After the compliments they’ve received after that intermission, we’re down to another one. I was sitting while staring at the stage. Mama made another speech that was when they flashed something in the huge monitor in front.

My smile grew wider as I felt my cheeks become red, embarassed. There, my photos when I was young.

“I still can’t believe she’s no longer a kid anymore...” emosyonal na sabi ni Mama, nakatingin pa rin sa monitor habang i-ni-slide show.

My lips parted, nangunot rin ang aking noo. Picture ko na nakapink na dress along with a cute boy wearing a cute tuxedo. But who could this be? Wait he looks familiar...

“It’s Jace.” Para bang nasagot ang aking iniisip nang nagsalita si Papa sa tabi ko.

“But how, Papa?” tanong ko.

“When you were a kid, you guys used to play in the playground as per your mom. He’s your childhood friend I must say, he’s years ahead of you, your mother told me he used to be your knight in shining armor sometimes. That photo taken when you joined at the children’s party held by the pre-school, he was a guest... that’s why you had a picture with him, I like Jace because he took care of you the days I wasn’t here beside you.”

Kinuha ni Papa ang aking kamay at marahang pinisil iyon. Ngumiti siya bago nagpatuloy. Sabi niya pa, si Jace ay naroon lang dahil kay Sam, kapatid niya iyon at iisa lang ang school na pinupuntahan namin kaya nagkakilala kami.

Does it mean... bata pa lang kami ay magkakilala na pala talaga kami?

“She grew kind and humble woman and I couldn’t thank God enough for that. She’s my angel,” pagpatuloy ni Mama.

We clapped our hands after, Papa stood up to speak in front. “Happy birthday to my dearest daughter...” Napangiti ako kay Papa nang napansing sa akin nakadirekta ang kaniyang tingin.

Napatingin din ako kay Chesca hindi kalayuan, prente lang siyang nakaupo at walang emosyon ang mukha.

“I’ve been such no good father to her. I wasn’t there when she was growing up, and it’s all my fault, I regretted all of it. If I could just turned back the time, I will make things right the way it should be done. But no more blaming, it’s already happened in the past and all I could say is... we must focus in the present where we can make things right with no regrets.”

“This is the most special day for you and for me, as your father. I all want the best for you, anak. Our gift was left on Manila, so we’ll give it to you once we get back.”

I wonder what is the gift. I’m so excited!

“She’s my only grand daughter that’s why I’m giving her my half of inheritance...”

Napanganga ako, hindi sigurado kung tama ba ang sinabi ni Lolo. Was he bluffing?

“Lo, ako rin! Ampon lang si Zian! Ako lang din nag-iisang apo mong lalaki!” hirit ni Kent sa kabilang table, dinuro naman siya ni Lolo, pinapatahimik.

“Not because she’s just the only, but she also deserves it. I’m glad that I have a sweet and kind granddaughter. She’s ideal that every person wishes to have. Happy birthday and may God bless you. I’ll support you whatever path you take, apo.”

Gabi na kaya naman pagkatapos noon ay nag-proceed na sa dinner. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang daming pagmamay-ari ni Lolo! Baka mamaya magulat na lang ako na iyong inaapakan kong lupa ay siya rin ang may-ari!

Umupo na ako at tumunganga. Habang ginagawa iyon ay pinagmamasdan ko lang ang mga taong nagsasaya. May iba pang hindi ko kilala, pero balita ko ay kaibigan ni Kent at Kuya sa probinsya noong nag-aaral pa sila rito.

Hinanap ng mata ko si Jace at nakita ko siyang nakatingin sa akin, papalapit. I smiled while waiting for him hanggang sa nakarating na siya sa harap at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Umangat ang sulok ng kaniyang labi. “Finally, got a time to sit beside you.” Itinukod niya ang kaliwang siko sa lamesa at sa ganoong gawi ako tinitigan. He smirked once more when he examined my whole body. “This is my girl.”

Napanguso ako, pinamumulahan na ng pisngi.  Hindi ko siya kinausap nang may lumapit na waiter sa banda namin at naglapag ng wine. Kinuha ko ang isa at diretso iyong ininom.

“You looked so thirsty.”

Nanliit ang mata ko bago umiling. “A bit.”

“Water, please.” Sinenyasan niya ang waiter kaya naman naglapag ito ng bottled water.

He opened the cap and gave it to me. “Drink.”

Tumango ako at kinuha iyon bago tinungga. Nang matapos ay ilalapag ko na sana sa lamesa nang hablutin niya iyon. Nagkasalubong ang kilay nang makita kong ininuman niya rin ’yon!

“Ba’t mo ininuman? May laway ko na ’yan, e!” reklamo ko na nagpabaling sa kaniya.

“Why? It’s not like we haven’t kissed before —”

“Fine!” agap ko kaagad.

He smirked, getting up and placing his forearm on my waist. “So you were that silly little girl, huh? Actually, my first crush was my childhood silly friend that also turned out as my first real love.”

Ngumuso ako. “Ba’t hindi ko alam? At saka nagkagusto ka sa mas bata sa ’yo?”

“Maybe because I wasn’t important to you then that’s why you forgot about me? And age doesn’t matter, you were so cute kahit hindi ako mahilig maglaro sa playground ay pumupunta ako just to see you.”

I smiled and caressed his face. “I love you, Jace. Don’t turn your back on me, okay?”

Nawala ang ngiti niya, pero kalaunan ay tumango. “I won’t.”

After the picture taking happened we proceed to another until it went on and on. Mag-aalas dose na at nakapagbihis na rin ako ng maroon maxi pencil dress. Tapos na ang engrandeng party, pero ito kami at napag-usapan ang continuation kuno.

Pero dahil hindi naman lahat ay gaya ng iba na energetic pa rin, hinatid ko na ang ibang kaibigan na halatang hindi na kayang labanan ang antok.

Umakyat na kami papunta sa second floor. Dumiretso sa hallway kung saan ang mga guest rooms. Pagpasok ko sa isa sa mga kuwarto puti ang pader nito at wooden furniture ang mga makikita. Binuksan ko ang wooden cabinet na may tuwalya, bathrobe, at mga spare clothes para ipakita sa kanila kung may kailangan silang ibang gamit. Pumasok ako sa loob pa mismo ay sinubukang paandarin ang shower kung may tubig pa. Napatili ako nang medyo nabasa ako. Ang tanga ko nga naman, bakit ko binuksan, e, talagang mababasa ako.

“Salamat, Ariane, naabala pa tuloy kita. Sorry, ha? Inaantok na talaga ako, hindi ko na kayo masasabayan,” si Sandra.

Umiling ako. “Uy, ayos lang! Matulog ka na, huwag mo na pilitin.”

Ngumiti siya. “Salamat, happy birthday.”

Nagpaalam na ako at lumabas na ng kuwarto. Pagpihit ko pa lang sa kabilang direksyon ay natanaw ko na si Kuya na mukhang may hinahanap at nang matagpuan niya ako ay napabuga siya ng hangin.

“Where have you been?”

Kunot noo akong lumapit sa kaniya. “Bakit?”

“Anong bakit? You should enjoy tonight! Hinahanap ka ni Jace, e, konti na lang din tayo doon dahil inaantok na ang iba.”

“Sila Dorothy?” tanong ko. Baka OP na iyong dalawang iyon, e!

“Iyong Sydney lang ang naroon, e, inaahas ang boyfriend mo. The rest don’t worry, pinaasikaso na sila ni Papa.”

“Pardon?” Nagpanting ang aking tainga sa unang sinabi niya.

“Medyo may pag ka-friendly pala iyong Sydney, ano? Dapat pala ’di na sinama!” sarkastikong singal nito.

“Kuya, seryoso? Anong ginawa niya?”

Umiling siya. “It’s for you to find out. Anyway, alam mo ba bet yata ni Shawn iyong kaibigan namin ni Kent dito,” pagkukuwento niya habang naglalakad na kami pababa.

“Talaga?”

“Oo, ewan ko sa kanila pakiramdam ko nga ay magkakilala si Shawn at Ash, e. Weird nila.”

Nalilito man ay tumango na lang din ako.

Nakarating na kami sa baba, ang iba ay nagliligpit na. Doon kami dumiretso sa gilid papuntang garden kung saan sila.

“Saan sila Mama, Kuya?”

“Nandoon sila sa entertainment room.”

Nakarating kami at nadatnan silang nagtatawanan. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng garden. May pa-disco light, nagmukha tuloy itong outdoor club. Malakas rin ang music pero naririnig ko pa rin naman ang tawanan nila. Medyo madilim din pero nakita ko kung sino ang disc jockey sa harapan. Ba’t si Zach?!

“Ba’t si Zach ang ginawa niyong DJ?!” I exclaimed.

“Gusto niya, e. Passion niya raw kaya hinayaan ko na,” sagot ni Kuya.

Nilapitan ko si Zach sa harap nakaupo siya sa high chair at kinakalikot ang isang laptop sa lamesa sa harap niya. Naka-headset pa!

“Hey! Okay ka lang ba talaga dito, Zach? You should join with us!”

“Hey! Na-e-enjoy ko naman dito, sige na okay lang talaga!” Nag-he-head bang pa nga.

Tumango ako, siya bahala.

Hinanap ng mata ko si Jace sa palibot. Nang dumapo ang tingin ko sa kaniya ay nakangisi na ito habang pinapanood akong lumapit sa kaniya.

Umupo na ako at pinagtaasan ng kilay ang babaeng nasa tabing gilid niya na malagkit ang tingin sa boyfriend ko.

“Sydney,” I called.

“Oh, Ariane! Happy birthday, girl!” She grinned, looked away as I saw her eyes rolling.

Plastic! Hindi ko na lang siya pinansin at sumandal na lang sa kinauupuan ko.

“Babe, are you really friend with that girl?” Lumapit sa akin si Jace nang konti para ibulong iyon.

Inirapan ko siya. “Ewan.”

He pouted a bit, eyes were sleepy. He rested his chin on my shoulder and smiled. “Wanna hear something?”

Nagtaas naman ako ng kilay. “Ano?”

Ngumisi muna siya bago nagtaas ng kilay. “This girl beside me is a fucking leech in her past life, and because of reincarnation she’s now here as a snake,” he said it with an irritated face.

I sighed, getting annoyed too. “Move.”

Inosente siyang tumingin sa akin. “Huh? Why?”

“Lumipat  ka. D’yan ako rito ka sa kinauupuan ko.”

“Uh, of course!”

“Don’t drink too much,” aniya maya-maya.

“Kakainom lang, too much agad? Ikaw nga, kanina ka pa umiinom ng beer!” reklamo ko.

“Sinabi ko lang na don’t drink too much, I didn’t say you drink too much,” rason niya saka itinuro sa akin ang ilalim ng lamesa.

May cooler akong nakita roon kaya binuksan ko. Napangiwi ako nang may nakita akong Vitamilk na chocolate flavor doon tapos may mga Yakult pa! “Kanino ’to? Ba’t may ganito?” tanong ko.

“Sa ’min ’yan nina Zian.”

Kukuha na sana ako dahil mukhang mas masarap ito kaysa sa alak nang pigilan niya ako.

“Oh, ba’t ka kukuha? Sa amin iyan, walang sa ’yo, Victoriane.”

Inirapan ko siya. Ang damot nitong walang hiya!

Binuksan ko ang bote gamit ang opener. Sinalinan ko ang red cup at iyon ang ininom ko. “Gusto mo?” Ipinakita ko kay Jace ang bote ng Vitamilk at ngumisi.

Tumango siya.

“E, ’di magbukas ka! Uutusan mo pa ’ko!” I mocked.

Ngumuso siya at kinuha na lang ang kamay ko para maupo ulit sa tabi niya. Naramdaman kong inilagay ni Jace ang braso niya sa aking baywang at umusog siya papalapit sa akin. Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg. “You’re too adorable, hmm.”

I craned my neck to see him. “Inaantok ka na?”

“No.”

Tumayo ang balahibo sa aking leeg nang maramdaman ang init ng hininga niya rito.

Maya-maya ay napatingin siya sa wrist watch niya. “11:59, August 18’s last minute...” He looked at me and smiled. “Happy birthday, love.”

I kissed his forehead. “Thank you. You should sleep now we’re going to beach tomorrow.”

Tumalim ang namumungay na mata nito sa akin. “Me? How about you?”

“’Di pa naman ako inaantok, e. Dito muna ’ko.”

“I’ll stay here, then,” he said, isiniksik niya muli ang mukha sa aking leeg at dalawang braso niya na ang nakayakap sa aking tiyan.

“Hatid mo na ’yan, Ari. Weak pala ang isang ’to!” si Kent at kumuha ng Yakult sa cooler.

“Para kayong timang!”

“Pangit kasi ng lasa ng alak kaya ito na lang!”

“Uminom pa kayo kung ayaw niyo pala sa lasa, bopols!” Hindi ko alam kung saan ang mga utak ng mga ’to. Nagpakuha pa ng mga alak, e, Yakult din naman pala ang tira sa huli.

Umalis na si Kent dala-dala ang tatlong Yakult nang makita iyon ni Kuya ay nag-agawan pa sila. “Ako kumuha nito, kuha ka ng iyo! Ano ka chics?”

Natawa ako bago binalingan si Jace na ngayon ay humihinga sa bandang leeg ko.

“Jace? Hey.” Tinapik ko ang balikat niya pero walang imik. Mukhang tulog na yata.

“Tinulugan ka na yata ng boyfriend mo, girl. Tulungan na kita dalhin sa kwarto niya. Tara?” Sa isang malanding boses iyon nanggaling.

Nang makitang si Sydney iyon ay hindi naging maganda ang timpla ko. “No, thanks.”

Nagkibit balikat siya kaya hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at ibinaling na iyon kay Jace na gising na pala ulit at masama na ang tingin sa kung saan.

“That bitch,” he muttered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top