Chapter 32

Chapter 32: Apologize

Last week of school at sem-break na. Another break, less stress. As usual, nasa bahay lang ako. Minsan ay pumupunta kami ng mall nila Mama or kami ni Jace.

Hindi kami gaanong nagkita ni Jace this week, because we’re both busy. Tuloy-tuloy rin ang discuss ni Sir Payne at Miss Florencia, that’s why we’re all drained.

Noong isang araw lang ay umuwi na ulit kami sa Warder, dahil pabalik-balik si Papa sa Egaro at nililigawan kami para umuwi na sa kaniya.

Dalawa kasi kami ni Kuya na may tampo sa kaniya... kahit nga si Mama, e! The fact na naglihim siya at may anak sa iba hindi maayos iyon, and we do really need a time to think about it. Hindi naman iyon maliit na bagay na maaaring balewalain lang.

Even Mama told us that we’ll accept it eventually. Still, Kuya's stubborn, medyo ayos na sa akin, pero may parte pa rin na ayaw ko muna siyang kausapin.

As of now, gusto ko lang na maging okay si Kuya. Hindi niya kasi talaga kinakausap si Papa the whole week. I know na nababastusan na rin si Lolo dahil sa pag-inignora namin sa ama, pero masisisi niya ba kami?

On the other hand, as per Lolo ay humingi ng tawad si Chelsea at Kuya Shan noong nasa conference hall pa sila. They also made a promise na hindi na nila uulitin or else. I know my family is love giving chances whether you are deserving or not kaya hindi nakakapagtaka.

So that’s why they dropped the supposed case. As per Kuya Shan, he’ no longer the school guard. I felt sad for him, but I won’t blame myself for that. I really think he deserves it, after all he turned out to be Chesca’s uncle— her mom’s younger brother. Hindi ko alam kung bakit guard siya, e, mayaman naman sila, but his reason was he’s working for himself at hindi siya umaasa sa iba. Well, that's nice to hear.  As Chelsea’s punishment, dahil ayaw niya namang makulong ay binigyan siya ng task ni Lolo. He commanded her to do community service around the school for one month, whole day with her daughter, Chesca. I somehow felt bad for them, pero tuwing naaalala ko iyong ginawa nila ay umuusbong ang galit ko.

“Ariane, p’wede tayo mag-usap?”

Kasalukuyan akong nasa library at nagrereview para sa quiz ni Miss Florencia, hindi ko alam kung bakit narito ako, pero dahil sa kadahilanang wala kami sa good terms ni Sandra at Trisha ay wala akong kasama na babae.

Pero ngayong narito si Sandra sa harapan ko ay tumango na ako sa pabor at iminuwestra sa kaniya ang upuan sa harap ko.

Kabado siyang umupo roon. Ilang beses na huminga bago nagsalita nang diretso at walang palya. Parang nag-practice. “Sorry talaga, sana mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko. I will do everything, patawarin mo lang ako. Ikaw ang una na naging kaibigan kong babae kaya sobra akong nagsisisi sa nangyari. Sobrang bait mo sa ’kin para makatanggap ng ganoon sa akin in return, pasensya na talaga dahil takot at duwag ako kaya napili kong... saktan ka. Ayaw kong matanggal sa eskwelahan kaya sinunod ko si Chesca kahit labag sa kalooban ko. Pangako, hindi na ulit iyon mauulit kahit ano pa ang mangyari at maging kapalit...”

I pursed my lips while watching her talking with her teary eyes, hindi ko napigilang pangiliran din ng luha at mapangiti. “Isang sorry lang, ayos na ako, pero dahil dinamihan mo, e ’di thank you. Bati na tayo,” sabi ko at pinisil ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa.

Lumipas ang isang araw at si Trisha naman ang lumapit sa akin. Nasa bahay ako nang sabihin ni Mama na may bisita ako. Saktong nag-uusap kami noon nina Lolo nang dumating si Trisha.

“G-Good afternoon po, Chairman...” bati niya iyon kay Lolo at hindi man sabihin ay halata ang pangangatog ng mga tuhod nito marahil ay nininerbiyos.

“Mga bata kayo! Lolo ang itawag mo sa akin, hija. Isipin mong lolo mo ako, iyon lamang,” sabi ni Lolo na nagpapula sa buong mukha niya.

Ang gusto talaga kasi ni Lolo ay Mr. Owen o Lolo lang ang itatawag sa kaniya. Gusto niyang mamuhay ng normal— iyan ang paulit-ulit na sinasabi niya at tuwing babanggitin naman ang mga iyon ay nagbabago ang timpla ng mukha sa hindi malaman na dahilan. 

Tumikhim na ako dahil talagang hindi na yata makayanan ni Trisha ang kahihiyan na natamo. “Lo, usap lang po kami...”

Tumango naman si Lolo at iniwan kaming dalawa sa sala. Silence filled the atmosphere.

“Ariane...” pagbasag niya sa katahimikan.

“Upo ka muna,” medyo naiilang na sabi ko.

Simula talaga nang mangyari ang mga bagay na iyon sa school ay parang hirap na ulit akong makitungo. Pakiramdam ko kasi ay wala naman talagang gustong makipagkaibigan sa akin.

“I’m disappointed of myself, hindi ko alam kung bakit may lakas pa ako ng loob na humarap sa iyo. Gusto kong sabihin na... you guys treated me well even when I do not deserve it. Kahit na nakagawa ako ng kasalanan ay na-i-welcome pa ako ng lolo mo rito, siya pa mismo nagsabi na tawagin ko siya ng ganoon. Nakakamangha. Sobrang bait ng pamilya mo lalo na ikaw. Kahit minsan feeling close ako ay wala kang masakit na salita na sinasabi kahit ako tinutulungan mo pa. I heard about what happened that night. Sorry, kung wala akong nagawa na tulong sa ’yo. Nag-alala ako, at may kutob rin na kagagawan pa rin iyon ni Chesca. Sorry talaga, sis.

At noong inakusahan ka naman ng cheating ay nagkaroon ako ng lakas ng loob ng oras na ’yon dahil sabi ko sa sarili ko na wala ka namang ginawang masama sa akin, you even helped me many times. Kaya sabi ko sa sarili ko na whatever consequences will be, I will gladly accept it. Tinakot ako ni Chesca, oo, sa totoo lang hindi naman talaga ako natatakot sa kaniya kung hindi lang niya ako binantaan na idadamay niya ang kapatid ko na nasa junior high ay talagang hindi ako susunod... pero kasi kapatid ko iyon, e.

Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Chesca dahil demonyo ang isang ’yon kaya wala na akong nagawa. Ginawa ko ang gusto niya, pero noon ring oras na ’yon ay mabilis na nagbago ang isip ko, napaisip ako na... alam kong pag sinabi ko ang totoo ay hindi mapapahamak ang kapatid ko dahil may tiwala ako sa inyo na hindi niyo hahayaang mangyari iyon at ipagtatanggol niyo kung sino man ang biktima.

Kaya sana mapatawad mo ako sa ginawa ko, talagang pinangunahan lang ako ng takot. I am very sorry, Ariane. I hope you forgive me.”

Hinayaan ko lang siyang magsalita hanggang sa natapos siya sa mga bagay na gusto niyang sabihin. At ngayon... gumaan na ang loob ko. “Salamat kasi naisip mo na... sabihin ang totoo ng mga oras n iyon kahit papaano ay naramdaman ko rin na itinuturing mo pa rin akong kaibigan... naiintindihan kita at sorry rin dahil naiipit pa kayo sa dapat ay problema lang namin ni Chesca.” Ngumiti ako. “Friends na tayo ulit? No more secrets na, ha?”

Ngumiti siya at kaagad akong dinamba para sa yakap. “Never! Love you, sis! Sorry!”

KINABUKASAN ay huling araw na ng klase. Nakaupo na kaming magkakaibigan sa lamesa at kasalukuyang kumakain nang mag-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa.

Kinuha ko ito at nakatanggap ng message galing kay Jace.

Babe: Baby! How are you? Have you eaten?

Ako: Hello, kakain pa lang kami. How ’bout you?

Nag-reply kaagad siya.

Babe: I’m done, papasok na ako sa next class ko. Kumain ka nang marami. Take care, I love you. ♥

Ako: Oh, okay. I love you, take care.

Ibinulsa ko na ulit ang cell phone at itinuon sa mga kasamahan. Nagtaas ako ng kilay nang mahuling nakatingin sa akin si Sam. Umiling siya at nagbaba ng tingin sa pagkain. 

Habang kumakain ako ay namataan ko si Chesca na may dala-dalang tray at naglalakad malapit sa amin. Nang natagpuan niya ang aking mata ay natigil siya at kalaunan din ay dahan-dahang nagtungo sa direksyon namin.

Nangunot ang aking noon.

“Can we talk, Ariane?” sambit nito.

Napako pa ako sa kinauupuan, nagulat. Ngayon ko lang narinig na tawagin niya ako sa pangalan ko, at ang katotohanan na nilapitan niya ako!

Actually, while looking at her I couldn’t help but to feel pity for her, for not having an enough friends. She has a friend, but Lesly started avoiding her ever since she become something she didn’t like.

Tumango ako at dinala na lang ang pagkain ko, maghahanap na lang siguro ako ng table namin. Alam kong hindi siya komportable.

“Ari...” Bakas sa boses ni Kuya ang pagprotesta sa pagtayo ko.

“Kuya, saglit lang ’to. Don’t worry,” I assured him.

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. “Call me when something is wrong.”

Tumango ako at binalingan si Chesca. “Let’s go?” Nang tumango siya ay pumanhik na kami para maghanap ng table para sa aming dalawa.

“Miss Reistre, rito na kayo sa table namin dahil aalis na rin naman kami.” Pagkasabi noon ay nagmadali nilang ligpitin ang mga pagkaing alam kong hindi pa nila tapos kainin.

Kaagad ko silang pinigilan. “No, huwag po kayo ganiyan! Maghahanap kami, salamat!” I smiled.

What’s wrong with these people? Simula nang nalaman nila na apo kami ni Lolo na may-ari ng eskwelahan ay ganito nila kami pakitunguhan.

Sa totoo lang, naiilang ako at hindi ako natutuwa na mataas ang tingin nila sa amin. Gusto ko mag-aral nang maayos, iyong normal lang gaya nila kaya ayaw kong binibigyan nila kami ng special treatment dahil lang sa lolo namin ang may-ari ng eskwelahan.

“There!” Itinuro ni Chesca ang bakanteng table na two-seat. Tumango ako at sinundan siya roon.

Nang nakaupo na kami ay uminom muna siya sa juice niya, ako naman ay kumain na agad habang naghihintay na magsalita siya.

“Right, sorry...”

I froze upon hearing it from her, hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at nakita ang walang kaemo-emosyon nitong mukha. I don’t know if she’s really sorry given the fact that she’s emotionless.

Also, I didn’t know that she has the word 'sorry' on her vocabulary. No offense, I’m just shocked hearing it from her talaga.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain, iwinaksi na ang pagigiging gulat dahil sa totoo lang, normal lang naman ang mag-sorry, well, siguro sa taong gaya niya na matayog ang pride at ayaw masaktan ang ego ay isang achievement iyon.

“I was so mad at you, you took everything that was supposed to be mine,” pagpatuloy niya.

My jaw clenched. I thought she’s sorry, but what’s with the sudden change of mood?

Tumango lang ako at sa pagkain pa rin nakatuon ang tingin.

“As you can see, we’re half sister. You know what? I don’t want you to be my sister —”

“As if naman gusto ko ring maging kapatid ka. Ganda mo naman,” pangbabara ko at tuluyan nang ibinigay sa kaniya ang buong atensyon. “Look, Chesca, if you have nothing nice to say ay mali nga talaga ako ng desisyon na sumama sayo rito.” Inirapan ko siya.

S’yempre being maldita as she is ay mas todo ang pag-irap niya sa akin. “Okay, fine. I won’t do anything stupid to you, to everyone, from now on. I accept that I lost. Since, we’re half sister can we be civil to each other?”

“Pag-iisipan ko.”

Tumalim ang tingin niya sa akin. “Are you kidding?”

“Sa tingin mo?” I fired. “Hindi ganoon kadali iyon, Chesca, alam mo naisip ko ngang pahirapan ka, pero huwag na lang dahil kung gagawin ko iyon sa iyo ay parang wala na rin akong pinagkaiba sa iyo.”

It’s true. Making her suffer was actually my original plan as to why I didn’t agree of the thought of her expulsion. Kaso naisip ko rin kaagad na... ano ang mapapala ko? Makakaganti nga ako, pero alam kong walang magbabago.

“Whatever you say, ano, we’re good or hindi?” pairap niyang tanong.

Napabuntonghininga ako. “Epal ka talaga. Oo na.”

“By the way, ingatan mo iyang boyfriend mo. Maraming ahas sa tabi-tabi—”

“Including you?” pagputol ko sa sabi niya.

Hindi niya ako sinagot at tumayo lang bago ako irapan. “Sa ’yo na iyang boyfriend mo. That’s all, bye.”

That’s all?! Hindi ako nakuntento akala ko pa naman ay mag-i-speech pa siya. Kung sino pa ang malaki ang kasalanan sa ’kin ay ang tipid pa, pero hindi na ako aangal, buti nga’t nag-sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top