Chapter 30

Chapter 30: Past

Zian’s POV

I was so speechless, pumara ako ng taxi at napagdesisyon na pumunta sa bahay nina Kent.

Kaya ba ganoon si Chesca kagalit kay Ari simula nang dumating ito ay dahil sa bagay na iyon? Dahil sa anak daw siya ni Papa?My sister didn’t even do anything wrong, so why holding a grudge against her?

Was she jealous?

Wala siyang idinulot na mabuti kay Ari simula pa lang kaya naman naguguluhan talaga ako at hindi pa siya natatanggal lalo’t si Lolo pala ang may-ari ng eskwelahan, pero hindi tama na pangunahan ko ang desisyon niya.

Hindi rin talaga ako makapaniwala na si Lolo ang may-ari ng Clark High. Nang nasa probinsya pa kasi kami ay wala siyang nababanggit sa amin tungkol sa mga ganoong bagay. 

Napabuntonghininga ako.

Hindi kaya naghiwalay sina Mama noon dahil sa bagay na ito? Ngayon, naisip ko na siguro nga, dahil wala namang ibang bagay ang maging dahilan pa. We lived in Tipolo for years, kasama ko sina Papa sa probinsya. Ni isang taon din akong hindi nag-aral at iyon ang paliwanag kung bakit ka-level ko na ang dalawa— si Ari at Kent.

Did they really have to go that far? I mean, bakit kailangang madamay pa kami?

Nakakagulat isipin ang ganitong bagay. Paano kung... anak talaga ni Papa si Chesca?

Napabuntonghininga na naman ako.

I always admire Papa for being hard-working. He cared for me back then in Tipolo until now. He always taught me good things—on how to deal with the people around you— that you should be humble and nice to them. They taught me that before you judge you shouldn’t be one-sided, hindi dapat kaagad mag-conclude. He never failed me to say how he loves me, Mama, and Ari so much, to the point that I was so disappointed after knowing those. I don’t know what things he’s capable of anymore.

Maybe, it was the big mistake he ever did in his life, that if ever he has given a chance to wish he’d probably wish that nothing like that happened.

But what if Chesca’s really his own?

Nagbayad na ako ng pamasahe sa driver at bumaba na. Nasa tapat ako ng bahay nina Kent na katabi rin ng bahay namin dito sa Egaro. Walang pasubali akong nagdoor bell at kaagad rin naman itong binuksan ni Manong Leo, ang taga-bantay sa bahay nila kapag wala ang mga ito.

“Good afternoon po. Nasa loob ba si Kent?”

Kaagad itong ngumiti nang nakita ako. “Oh, Zian! Pasok ka! Nasa loob siya.”

Tumango ako bago pumasok sa loob. Napabuga ako ng hangin sa gulo ng isip. Nakita ko si Kent na nakaupo sa couch sa living room at nanonood ng kung ano sa Netflix. At nang makita ako ay kaagad na tumayo, akma siyang magsasalita nang lagpasan ko siya at dumiretso sa kusina.

Hindi ko napansing sinusundan niya pala ako ngunit hindi rin siya nagsalita gaya ng gusto ko. Binuksan ko ang ref nila at kumuha ang beer. Kumuha ako ng dalawa at inilapag ko sa counter na nasa harapan ko.

Sumandal si Kent sa countertop at nangunot ang noo. “Tanghaling tapat at iinom ka?" Itinuro niya ang dalawang bote. “Really?”

I frowned. “What’s wrong with you?” Ibinalik ko pa rin sa fridge ang dalawang bote at kumuha na lang ng isang balot na Yakult.

Kaagad niya akong pinigilan at inagaw ang mga ito sa akin. “Alam mo namang hindi ako nabubuhay sa isang araw nang hindi ako nakakainom nitong Yakult, hindi ba?”

I scoffed. “Isaksak mo sa baga mo iyan,” sabi ko na lang.

Napailing nalang ako sa pagiging mahilig niya nito, talagang mahilig na siya sa Yakult noon pa man. Naalala ko pa noon na binigyan niya ako ng isang pack, pero ipinapabigay niya lang pala sa kaibigang babae. Kapag naman gagala kami ay pumupuslit din siya para bumili sa convenience store sa malapit.

Natawa pa ako nang may naalala. Dati kasi nang sumama kami sa field trip at nang nasa byahe kami ay naubos niya kaagad ang sandamakmak ng Yakult, ni laman ng duffel bag niya ay puro Yakult kaya naman nang nasiraan kami ng bus sa gitna ng tahimik at magubat na lugar, hindi siya mapakali at halos lahat nang kasamahan namin ay tinanong niya kung may Yakult sila at babayaran daw niya ng doble kapag nakauwi.

“By any chance, do you like Chesca?” Hindi ko alam, pero iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko lang malaman hindi dahil may gusto ako kay Chesca kung hindi gusto ko lang ipaalam kung ano siya sa amin.

Saglit siyang natigilan bago humarap sa akin, kaagad siyang humagalpak ng tawa na hindi ko inaasahan. “Demonyo ka ba, Zian? Hindi ako nagkakagusto ng iba!”

Napataas ako ng kilay. “Bakit siya pa rin ba?”

Umangat ang gilid ng aking labi nang mawala ang ngisi niya sa mukha.

“Sinong siya? Shut up, will you?”

Napailing ako. “Fine, sorry.”

Nilingon niya ako at bahagyang umirap. “I’ve already moved on, so there’s nothing to say sorry.”

I smirked. “Really? Kahit ipaalala kong... iniwan ka niya nang walang paalam?”

Sinamaan niya ako ng tingin.

Napailing na lang ako. “I’ll just sleep. Don’t disturb me.”

-Ariane’s POV-

Nasa harap na ako ng condo tower para pumasok sa condo ni Jace. I have a spare key with me, binigay niya ito sa ‘kin noong nakaraan if ever I want to go in his condo.

Nasa Egaro St. si mama ngayon at nag-uusap na sila ni Lolo. Pagkatapos ikuwento sa akin ni Mama ang nangyari noon para akong binagsakan ng langit at halos hindi ako makahinga kaya nagpaalam ako sa kanila na aalis muna. They didn’t stop me, though.

I don’t know if Jace’s here. I don’t know his schedule yet. Nasa harap na ako ng pintuan niya at dahan-dahan itong binuksan.

Inilibot ko ang aking paningin at tumigil ito sa sofa sa gilid. Napaawang ang aking labi sa nakita at kaagad may pumukaw sa kung anong parte ng aking puso.

Is he that tired? Nakasalampak kasi ang katawan nito sa sofa, natutulog.

Nakabukas pa ang butones ng kaniyang long-sleeve polo at ang kaniyang bag ay nasa sahig. He looked so peaceful while sleeping. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa noo bago kunin ang gamit nito at ilagay sa maayos na lalagyan.

Pumasok ako sa kuwarto niya at kumuha ng blanket, kinumutan ko siya bago ako pumunta sa kitchen. Naisipan ko na lang na magluto habang hindi pa siya gumigising. Marunong akong magluto pero hindi ganoon kalawak ang alam ko tungkol dito. Though, I want to be a chef someday.

Nagprito na lang ako ng manok at nagsaing. It’s almost four in the afternoon. Hindi ko alam kung bakit kumuha pa siya ng condo, it’s not like ayaw ko, walang mag-aalaga sa kanya if he’s this tired. Kung sa bahay naman nila ay maaasikaso siya ni Tita Lyn, narito rin naman ako pero hindi ko naman iyon magagawa daily.

Nang natapos na ako ay inayos ko ang lamesa bago bumalik sa living area kung nasaan siya.

Naabutan ko siyang bumangon at nagkusot ng mata. Nang lingunin niya ang direksyon  ko ay unti-unting namilog ang mata nito. “Fuck! Babe, tell me it’s you or am I hallucinating?” he blurted out.

Nagtiim labi ako at ngumuso. “Watch your mouth!” sermon ko.

Napatulala pa siya ng ilang segundo bago tumayo. He closed the gap between us and didn’t say anything as he embraced me.

“Victoriane...”

“Hmm?” tugon ko, nakayakap na rin ang dalawang braso ko sa baywang nito.

“Babe,” tawag niya ulit, ang mukha ay nasa batok ko na.

“Ano?”

“Sobrang miss na kita. As in. I missed you so much.”

Natawa na lang ako at mas lalo pang yumakap sa kaniya. “Me too. How are you, Jace?”

He breathed. “Babe.”

“Hmm?”

“Are you mad?”

Umiling ako. “Nope, why?”

“It’s babe not Jace, alright? Repeat it.”

Doon na ako mas natawa pa. “My gosh, arte! How are you, babe?” uto-uto ko namang sabi. 

“You don’t look fine, so do I,” aniya.

Dahan-dahan akong kumalas kaya napakalas din tuloy siya.

“What’s our problem?” tanong nito at maingat na hinawakan ang aking baba para magkatinginan kami.

“Later ko na sasabihin. Are you hungry?” tanong ko.

“Hmm, medyo... but yes. Let’s eat.”

Akma niya akong hihilahin nang hilahin ko naman siya para huminto. Nangunot pa ang noo niya, pero hindi na ako nagsalita habang hila-hila siya papunta sa kitchen.

“I cooked while you were sleeping.”  I smiled cutely. Iminuwestra ko ang lamesa kung saan naroon ang niluto ko.

Napatingin siya doon at sa akin. “Aw, is this a surprise?” He pouted a bit, stifling a smile.

Natawa ako. “Pinagsasabi mo?”

Lumapit siya sa ‘kin at hinalikan ako sa noo. “Thank you, Victoriane.”

Hinawakan niya ang aking baywang para iginiya roon sa isang upuan. Imbes na sa harap ko siya umupo ay inilapit niya ang upuan sa tabi ko. “Can’t go far.”

Napailing na lang ako. Nilagyan niya ang aking pinggan ng kanin at fried chicken.

Nagsimula na kaming kumain, naiilang pa ako dahil habang kumakain siya ay nakatitig sa akin.

“How was it?” Tinutukoy ang pagkain basta may madabi lang.

“Sobrang ganda,” sagot niya habang titig na titig sa akin.

Naitikom ko ang aking labi bago umirap sa kaniya. “Iyong pagkain, hindi ako,” saad ko.

Ngumisi naman siya at iniabot ang aking pisngi para halikan. “Masarap, pero mas masarap ka—”

“Jace, for Pete’s sake nasa hapag—”

“Mas masarap ka magluto iyon,” pagputol niya rin sa akin.

Nagbaba na lang ako ng tingin sa pagkain at hindi na siya pinansin.

Nang natapos kami ay nagpumilit na naman siyang magpresinta na maghugas.

Umirap ako at hindi na nakipag-away. Kaya naman habang naghuhugas siya ay pumanhik ako sa living room at umupo sa sofa. Nang naboring ako dahil wala akong magandang mapanood sa TV, at wala rin cell phone —wait, I wonder kung ibabalik pa ba iyong phone ko? I have my social media accounts logged in there, but I can log it out using another cellphone. Should I buy later or tomorrow?

Pero talaga bang wala nang balak ibalik iyon? Grabe naman, bahala na nga.

Napatalon ako sa gulat nang sumulpot si Jace sa harap ko. “What are you thinking about?” tanong niya.

“I’m planning to buy a new phone, nabuburyo na kasi ako.” Sumimangot ako.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang likod ng aking ulo bago inihilig sa kaniyang dibdib. “Let’s buy a new one or you can borrow my phone if you want to,” aniya.

“No, bibili na lang ako mamaya,” pagtanggi ko sa offer niya. As long as I want to check his phone, I won’t. Wala lang, ayaw ko lang.

“Bakit hindi mo ’ko isasama?” Nagtunog nagtatampo ang boses niya kaya napaangat ako ng tingin.

“You looked busy, e, it’s fine.” Pinindot ko ang kaniyang ilong.

“Sasama ako. Anyway, why are you here? It’s not that I don’t want to, shocked lang ako kanina, babe.”

“Oh, right. I felt suffocated at home,” simpleng sagot ko.

“So you considered my place as an oxygen, hmm?” panunuya niya.

“It’s not the place, it’s you,” I corrected him.

His smile grew wide before he held his chest dramatically. “I’m touched. I love you so much, Victoriane,” sabi niya at ikinulong ang aking mukha sa dalawang palad niya bago niya ako pinatakan ng halik sa labi.

Napanguso ako dahil sa kilig na naramdaman. “Ano ba...”

Natawa siya at inihilig ulit ang ulo ko sa dibdib niya. “You can tell me what’s bothering you.”

Huminga ako nang malalim at hindi na nagpaligoy-ligoy pa nang ipaliwanag sa kaniya ang nangyari noong party at pati na rin noong nasa conference hall.

Mama confessed what happened in the past earlier that’s why I decided to go straight here for the mean time. Hindi ko lang kasi matanggap, masyadong hindi ko in-expect.

“Chelsea and I were best friends way back when we were college. I met Roen, your father, I fell in love with him. He’s so sweet and caring as a boyfriend. Napapadalas ang pagsama naming dalawa, at dahil kaibigan ko si Chelsea ay paminsan-minsan din siyang nakikipaghang-out, that was the time she acted weird. One time, I saw both of them in a hallway during our breaktime, they were talking when I heard her confession. Doon ko nalaman na habang nagkakagusto ako kay Roen ay ganoon rin siya. We fought over him. She told me that she could break our friendship for Roen while me, I could let him go just so our friendship would last forever, but that was not fate had planned.

Natanto kong mas mahal ko talaga si Roen noon. Kinain ko ang sinabi ko na pipiliin ko ang pagkakaibigan namin kaysa sa taong mahal ko. I had chosen Roen over her, why? Dahil kahit piliin ko siya hindi na maibabalik ang dati naming pagkakaibigan, she would still choose to be with Roen kahit na ayaw ng huli.

We both peacefully living until... after 8 years, Chelsea came back with a little girl. You were already six years old that time while your kuya’s seven... same age with the little girl.

Parang nadurog ako noong sabihin ni Chelsea sa akin na anak ni Roen ang batang dala-dala niya. Hindi ko siya pinaniwalaan, pero nang tanungin ko ang papa mo... inamin niya, at sinabing nagkamali siya. Hindi niya alam ang nangyari at sising-sisi siya na nagbunga ito.

Rason pa ng papa mo na noong gabi raw na iyon bago may mangyari sa pagitan nila, he met up with her. She offered a drink, not totally an ordinary drink, but something that could destroy your sanity. Something happened. He was devastated for a month and still he refused to tell me what’s wrong.

Ilang buwan siyang hindi makausap nang maayos, so I did everything pero wala pa rin. Inabot pa ng ilang taon kung hindi pa... kung hindi pa siguro sinabi sa akin ni Chelsea ay hindi ko pa rin malalaman ang ginawa niya sa akin noon... noong panahon na pinagbubuntis ko pa lamang ang kuya mo. Pero alam mo, anak? Salamat pa rin sa kaniya sa hindi pag-amin agad dahil kung sakaling inamin niya agad... siguro wala ka. Hindi kita magiging anak, walang ikaw, si Zian lang.

Kaya nang malaman ko iyon, napagdesisyunan kong umalis kasama ka at ng kuya mo, pero ayaw nito pumayag kaya sinabi ko sa kaniya kung ayaw niya akong paalisin ay siya ang lumayas. I was so desperate to get rid of him kaya naman lumayas talaga siya, but he’s with your kuya. He promised me that he would take care of him. Wala rin akong magawa dahil your kuya’s more fond of him, he wants your father, he’s closer to him.

Ayaw ko mang pumayag, naisip ko rin na... may karapatan pa rin siya kay Zian.

After that happenings, I moved on. I forgot that he cheated on me, what's hurt the most? It was my bestfriend, may nangyari sa kanila. Kinalimutan ko ulit lahat, that he has a child with my bestfriend. I lived peacefully but that time, only with you.

After years again, bumalik na sila ni Zian. I already have forgiven your father, but I didn’t know that it still hurt me until now.

I am so sorry for keeping it for a long time. It was my fault why our family ruined years ago. I finally accepted what life brought, so I won’t keep it to myself again like before. Nadamay pa kayo ng kuya mo dahil lang sa problema namin ng papa mo.

But don’t worry, anak. Aayusin natin ’to, okay? Maayos din.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top