Chapter 3

Chapter 3: Brother

Gano’n na lang ang pagtataka ko nang nalipat ang bag ko sa upuan ni Zian at sunod kong tiningnan ang nakaupo sa upuan ko kanina.

“Ella, dito ka na umupo sa pagitan namin ni Zian, ayos lang? Ako kasi nauna dito,” gawad ni Sam nang palapit ako.

“Ayos lang.”

Umupo na ako sa bago kong upuan, at napansing pareho silang nakatitig sa ‘kin.

“Weird ba ‘ko tingnan?” naguguluhang tanong ko.

They shook their heads in unison.

Pinagkatitigan ko si Zian at hindi napigilang makaramdam ng pamilyaridad sa puso. “Sino ka ba talaga?” tanong ko sa kaniya. Baka naman hindi talaga siya, pero kasi alam ko... nararamdaman ko. Pero paano kung mali lang ako?

He really looks my older brother. And the fact na siya si Zian Reistre.

Of course, Zian’s my kuya’s name!

“Ano’ng chika?” si Archie at inilapit ang upuan sa amin.

Hindi ko siya pinansin at tumitig lang kay Zian.

“Ganiyan ka ba ka interesado sa ‘kin, at gusto mong malaman kung sino talaga ako?” pilosopong sagot niya.

Umirap ako sa kaniya. “Curious lang.”

Another professor entered our classroom. She asked me first before settling to her seat in front. “Anyway, Miss Reistre, I’ll give you the schedule... so here it is,” aniya ay may inilapag na papel sa lamesa niya.

Tumayo ako at lumapit sa harapan bago kinuha ang papel. “Thank you po.” I turned my heels on to go back in my seat, nadaanan ko pa ang kunot-noo na si Chesca.

Nang naupo na ay balak ko sanang basahin ang nakasulat sa papel ngunit kaagad itong kinuha sa akin ni Zian.

“Gonna borrow this, nawawala iyong schedule ko,” aniya ay ibinulsa iyon nang walang pasabi.

Matalim ko siyang tiningnan. “Ibalik mo kaagad, sinasabi ko sa ‘yo.”

Mabilis natapos ang klase kaya kinuha ko na ang aking bag para umuwi, pero gano’n na lang din ang pag-init ng ulo ko nang hindi matanggal ang aking bag.

May nagtali.

Sinamaan ko agad ng tingin ang tatlong lalaking patay malisya akong pinagmamasdan.

“Sino sa inyo ang may ubo sa utak na nagtali ng bag ko?”

“Ewan,” sagot ni Sam at Zian.

“Secret!”si Archie.

Umirap na lang ako bago sila iniwan doon nang walang paalam. Tinawag pa nila ako pero dumiretso na ako nang lakad hanggang sa nakarating sa parking lot.

“Kumusta ang first day, Ariane?” bungad ni Kuya Jul.

“Okay naman po,” sagot ko. Mayroon lang akong dapat ikumpirma pagka-uwi ko.

Nang nakarating na ako sa loob ng bahay ay hinanap ko kaagad si Mama. Nadatnan ko siya kusina kaya kaagad akong lumapit at yumakap sa kaniya.

“Oh, ba’t parang nagmamadali ka? Wait tatapusin ko muna ‘to." Niligpit muna ni Mama ang mga ginamit niya sa pagluto bago bumaling at ibinigay sa akin ang buong atensyon.

Umupo ako sa high chair, nakatulala sa chandelier sa ibabaw habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi ako pwedeng magkamali. Kamukha niya talaga si Kuya, hindi kaya siya iyon?

“Where’s Kuya right now, Ma?”

Ngumiti lang siya.

I waited.

10...

11...

12...

Almost 15 seconds, but she didn’t respond.

“Tumatawag pa ba sila sa ‘yo?” tanong ko ulit.

“Minsan... do you really wanna see your brother?”

“Sino ba‘ng ayaw?”

Tumitig si Mama sa aking likuran kaya naman napalingon ako roon.

Gano’n na lang ang gulat ko nang nakita ang classmate ko na nakaupo na sa counter. Nakatukod pa ang siko at mariin akong tinitigan nang may maliit na ngiti sa labi.

“Good evening, Ari. I am Zirdy Ivan... Reistre.” He then extended his hand like it was just easy for me to process after years of not seeing him.

“Seryoso ba ‘to?” naibulong ko na lamang.

Natulala ako at pinagmamasdan lang siya habang nasa ere pa rin ang kamay.

Nandito na siya...

Am I dreaming?

Ibinaba niya ang kaniyang kamay dahil hindi ko ito tinanggap. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya, at ganoon na lang ako nakonsensya nang mabasa ang panlulumo roon.

Tuluyan na akong pinangiliran ng luha.

Lumapit ako sa kaniya atsaka siya pinaghahampas sa dibdib.

“What took you... so long?”

He chuckled but in pain.

“Sorry, my princess.” He sniffed and hugged me tighter. “Kuya’s already here... I won’t leave again,” bulong niya.

“Ang tagal kitang hinintay, Kuya!”

“I know... I know, I am really sorry. I promise I’ll make it up to you... okay?”

I bursted into another batch of tears again. I couldn’t help but to wonder if this is really happening?

He’s finally here.

My older brother which had been far away from us ever since. Never ko siyang nakita ulit maliban noong mga bata pa kami. They stayed somewhere in Visayas for a long time with my father, grandfather, uncle and cousin.

And now... he’s here. Naandito na ulit siya, at hindi ko hahayaang maiwan ulit kami ni Mama nang ilang taon.

And there’s this reason I wasn’t aware of. 

“How about Papa? Where is he?”

“Susunod din siya, pinauna lang ako kasi gusto ko na rin umuwi, at para rin makapag-aral agad.”

Tumango-tango ako kay Kuya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang kumakain baka kasi mamaya ay maglaho lang siya. At least by now... maayos na ako kahit papaano. At least, bumalik na siya.

After our dinner, I faced Kuya who was looking at me worriedly.

Humalukipkip ako. “Bakit parang ang dali lang sa ‘yo, Kuya?”

Nalaglag ang balikat niya. “Sorry, alam kong hindi ganoon kadali... pero ayaw mo ba akong makita? Sorry na, oh. Paano tayo magkakasundo niyan?”

“I was mad at you... bakit kasi kailangang nasa probinsya pa kayo?”

“Hindi ko rin alam... it was between our parents. Don’t get mad at me, please?”

I rolled my eyes. “Sige na nga, basta... huwag mo na ulit ako iwanan, ha? Stay wherever I go!”

His smile widened. “Yes, ma’am.”

I smiled and went near him. “Miss na miss kita, Kuya. Bakit nga ba nagdadalawang isip pa ako kung ikaw ba ‘yon o hindi? E, halata namang ikaw pala talaga... baka hindi lang talaga ako makapaniwala.”

He hugged me and kissed the top of my head. “I am sorry, medyo kinakabahan kasi ako baka magulat ka nang sobra. Huwag ka mag-alala simula ngayon, naandito na ako. Kuya will be here for you always, okay?”

Tumango ako.

“I love you, princess. Matulog ka na, okay? Good night.”

Huminga ako nang malalim bago kumawala sa yakap. “Good night. Please don’t vanish, ha?”

He chuckled. “I won’t. Hindi na talaga, promise.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top