Chapter 29
Chapter 29: Sister
Hindi ako makapaniwalang nagawa kong maging ganoon kay Papa. Should I say sorry or just let it pass?
Napabuntonghininga naman ako nang naisip na nangyari na rin iyon.
Dapat nga talaga hindi ako magpadalos-dalos sa mga sasabihin lalo na't galit ako.
Magkaiba nga talaga kami ni Kuya, ako ay madaling nauuto at easy to get, siya naman ay pinag-iisipan munang mabuti bago magdesisyon. I want to be like him. Kailangan ko na bang magbago?
Tumango ako sa sarili. "Siguro nga," bulong ko.
Madali lang akong magpatawad at madaling makitungo at pakitunguhan. Should I be hard on people around me? It depends.
Inayos ko ang aking sarili para bumaba na, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napahinto ako nang narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Do you know Lesly, your classmate? She told us what she witnessed that night, and Chesca Allen is involved in this again." Boses iyon ni Lolo.
So, piniling magsalita ni Lesly kaysa pagtakpan ang gawain ng kaibigan.
Siguro nga at hindi pa rin ganoon ka-unfair ang mundo sa akin. May mga tao pa ring pinipili ang tama kahit ikapapahamak nila ito.
Narinig ko rin na pinatawag ang magulang ni Chesca, at gusto nina Kuya na matanggal siya sa eskwelahan.
Paano kung magkita sina Papa at Chelsea? What would be their reaction? Hahayaan ba ni Papa na ang anak niya ay matanggal sa eskwelahan ng lolo? O baka naman walang kaalam-alam at ideya sina Papa tungkol kay Chesca?
Hindi niya alam na ang magulang ni Chesca ay si Chelsea?
Naguguluhan ako at uhaw sa katotohanan. Is this about their past?
Bago pa ako makabalik sa kuwarto para hindi mahuli ay nakita na ako ni Kuya na nakaupo sa baitang ng hagdan at nakasandal sa pader.
"Ari, what are you doing?"
Napaangat ako ng tingin dito. At saka tumayo para yumakap sa kaniya. Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg, nahihiya.
"Sorry, Kuya... I didn't mean what I've said earlier."
He kissed the top of my head before he let go of me. "Alright, I'm sorry too. Go and get ready."
"Huh, bakit?"
"We'll do something."
Tumango ako at ngumiti bago tumalikod at tumakbo papuntang kuwarto. Habang nagsasalamin ay napansin ko ang papahilom na mga sugat sa aking leeg at sa mukha. Nagbaba ako ng tingin sa aking braso at napadaing nang maramdaman ang kirot sa bandang may pasa
Napabuntonghininga ako at napailing.
Why were they so cruel to me?
Sinuot ko ang aking denim dress at ang puting flats. Kumuha ako ng puting clip sa lamesa at inilagay iyon sa side ng aking buhok bago ako lumabas.
Hindi pa man ako nakakalabas ay napahinto ako at kinapa ang aking sling bag at bulsa ng damit. Napabuntonghininga ako nang naalalang nawala pala ang aking cell phone, more on ninakaw.
Napabaling silang lahat sa akin nang bumaba ako. Kaagad na lumapit sa 'kin si Mama at hinagkan ako.
Simula nang dumating sina Papa ay minsan na lang kaming nakakapagbonding ni Mama, mapabahay man o hindi. Pero masaya akong madalas siyang nakangiti marahil ay kumpleto na kami. Kahit ako ay masayang masaya hindi ko lang maatim na may iba pa pala akong kapatid na hindi galing sa kaniya. I wonder is she knows? Siguro hindi talaga.
"I'm sorry, anak." Hinaplos ni Mama ang aking pisngi at pinagmasdan ang aking kabuuan. Napahinto ang kaniyang tingin sa aking kaliwang braso kaya kaagad akong gumalaw.
"Goodness gracious. I'll make them pay for this," bulong niya nang mahalata.
Napabaling naman ako sa gilid nang lumapit si Papa sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Sorry, anak. Hindi ko nagawang protektahan ka kahit na narito na ako. It felt like I failed again as a father."
Hindi ko siya matingnan nang matagal at diretso dahil naririnig ko ang boses ni Chelsea noong gabing iyon. Hindi pa rin magsink-in sa akin na may anak si Papa sa iba.
Yumuko ako. "Okay lang po." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.
"Let's go," anila.
Nakarating na kami sa Clark High at papasok na sa drive way patungo sa loob ng eskwelahan nang naalala ko si Kuya Shan. Ang hirap isipin na ang kagaya niya ay may masama palang balak sa 'kin. Sa totoo lang ay itinuring ko na rin siyang parang nakatatandang kapatid ngunit ang tingin niya sa 'kin ay isang kaaway.
"Kuya, si Kuya Shan saan?" tanong ko kay Kuya na nasa tabi.
Nagkasalubong ang kilay nito ngunit napabuntonghininga rin bago sumagot. "Nasa usual spot niya, bakit?"
"Pakisabi sa kaniya na sumunod siya sa conference hall. Doon ba tayo, Lolo?" tanong ko at bumaling kay Lolo.
Nagtataka man ay tumango siya. "Why?"
"You'll know."
Ang akala ko pa naman ay ma-i-enjoy ko ang isang linggong break, pero ito ako at nakaupo sa isang swivel chair. P'wede naman akong umabsent at magsabi kay Lolo pero s'yempre hindi ako ganoong tao, kahit ngayong alam ko na si Lolo ang may-ari nitong eskwelahan ay hindi ko gagamitin ang kapangyarihaN para gawin ang kung anong gusto.
Gusto kong maging normal lang na estudyante gaya noong hindi ko pa nalalaman ang lahat ng ito.
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto at napansing puro puti at itim lamang ang gamit. May mga painting na nakasabit sa gilid at malinis ang lugar. Puti ang mahaba at malawak na lamesa na nasa gitna may swivel chair na nakapalibot at sa harapan ay may projector at isang white board sa gilid.
Sa pinakagitna naman ay isang babasaging lamesa at upuan. Binasa ko ang nakalagay sa gitna ng lamesa. Mr. Owen Clarkson Reistre. Chairman of Clark High.
Napabaling ako kay Lolo na nakaupo doon nang magsalita ito. "Ang kapal naman ng mukha, sila na ang may atraso sila pa ang late! Aba'y walang hiya, hindi ba nila kilala ang pinaghihintay nila?!"
Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay ring napalingon nang bigla na lang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Chesca, Chelsea, Kuya Shan, Dean Hisman, may isa pang lalaki na hindi ko kilala ngunit base sa suot niyang suit at brief case na hawak ay marangal at mataas siyang tao.
Si Chelsea ay confident na humakbang at nakangiti pa. Napalingon din ako kalaunan kay Papa at Mama na pareho nang laglag ang pangang sinundan ng tingin si Chelsea.
Magkatabi si Kuya, Mama, at Papa sa kanang bahagi ng lamesa habang silang tatlo naman ay umupo sa kaliwa at nakaharap samin. Naupo na rin sina Dean Hisman at ang lawyer sa bandang gilid ni Lolo.
"Bakit narito ang guard?" tanong ni Lolo.
"Ari asked for him, Lolo," si Kuya.
Napabaling naman silang lahat sa 'kin.
"He's one of them," walang kabuhay-buhay kong sagot at nahuling nakapukol sa akin ang nanlilisik na mata ni Chesca.
Tinaasan ko siya ng kilay. May gana pa siyang ganyanin ako? Simula ngayon ay hindi na ako magpapatalo sa lahat nang mang-aapak sa 'kin. Tingnan lang natin.
"Chelsea." Narinig ko ang mahinang bulong ni Mama sa aking tabi.
"Do you know her?" bulong ko.
Napansin kong nangingilid ang luha ni Mama, pero hindi rin nakaligtas sa akin ang galit sa kaniyang mata. Hindi niya ako sinagot at hindi na rin ako naghintay dahil nagsalita na si Lolo.
"Alam niyo naman siguro kung bakit kayo narito, hindi ba?"
Bumaling si Chelsea kay Lolo at marahang tumango.
Nakinig lang ako sa mga panimula at pangaral ni Lolo habang patingin-tingin kay Chesca. Naalala ko tuloy ang lalaking tumulong sa akin nang araw na iyon.
"Mga walang hiya kayo! Look what you've done to my daughter!"
Napaawang ang aking labi sa gulat lalo nq nang tumayo si Mama para hampasin ang lamesa at saka itinuro ang mag-ina. Hinawakan siya ni Papa sa balikat na kaagad niya ring hinawi.
"Huwag mo akong mahawak-hawakan, Roen!" Pataas-baba ang paghinga ni Mama dahil sa galit at pagsigaw nito. "Kakasuhan ko kayong lahat, tandaan niyo iyan!"
"What?!" sabay sabi ng mag-ina.
"Kidnapping and physical assault," seryosong ani Lolo.
Kaagad dumagundong sa kaba ang aking dibdib sa narinig. Alam kong malabong makulong si Chesca ngunit si Chelsea at Kuya Shan ay p'wede. Bakit nga ba ako nakaramdaman agad ng awa sa kaisipang sakaling sila'y makulong?
That's the consequences they should pay for what they did, I thought.
"Can you explain to us what really happened?" Dumaan ang minuto nang walang imikan hanggang sa nagkaroon ako ng lakas para basagin ang katahimikan.
Akma kong ibubuka ang bibig para magsalita nang namataan kong poprotesta si Chesca kung hindi lang hinawakan ni Kuya Shan ang braso nito ay baka hindi siya tatahimik.
Ikinuwento ko sa kanila ang bawat detalye ng nangyari sa akin, simula noong may nagtext at noong nakatakas ako maliban sa impormasyon na may tumulong sa aking lalaki. I wanted to keep the information about him para kahit papaano ay hindi na siya masali pa.
"Expulsion," sambit ni Kuya sa aking kabilang gilid.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Kuya. If Chesca get expelled would I be happy? Kahit puro masasama lang ang balak at ginagawa niya sa 'kin ay may parte pa rin sa aking nalulungkot kung sakaling mangyari iyon. Malaking bagay ang pag-aaral, oo at puwede pa siyang mag-aral sa ibang eskwelahan, but how about her records?
Hindi naman ako ganoon kasamang tao. Kung manghihingi siya ng tawad sa 'kin ay patatawarin ko siya. I will give her last chance whether she deserves it ot not, Ijust wanna give it a try.
"Expulsion it is."
I pursed my lips when an idea popped in. "No expulsion will happen."
"Hahayaan mo bang mangyari ito sa anak mo?!"
Sabay kaming napatingin sa isa't isa ni Chelsea nang nagkasabay kaming magsalita.
Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at umusli ang maliit na ngiti sa aking labi. "Again, no expulsion for my dear half-sister," ulit ko.
Katahimikan ang namutawi pagkatapos noon. Nilingon ko si Kuya na nakaawang ang labi, si Mama na nangingilid ang luha, si Papa na nakakuyom ang panga, at si Lolo na nakangiwi.
Hindi makapaniwalang ekspresyon ang ibinigay sa akin ng iilan na para bang nagbigay ako ng milyones sa isang taong hindi ko kilala.
Lumikha ng ingay ang upuan nnag tumayo si Kuya. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa padabog niyang isinarado ang pinto pagkalabas. Napabaling din ako kay Mama na tumutulo na rin ang luha na tumayo rin.
Ambang hahawakan siya ni Papa nang patigilin niya ito. "Piste ka, huwag mo akong hawakan," anito at umalis.
Napaisip tuloy ako. Mali ba iyong ginawa ko? Nakatatakot isipin na baka... ito ang dahilan para masira ang pamilya namin.
Napakagat ako ng labi at tahimik na ipinagdarasal na sana hindi. Dahil sapat na iyong mga taon na wala sila sa tabi namin ni Mama.
Tumingin ako sa lahat ng tao sa loob bago tumayo. Tatayo na sana si Papa nang magsalita si Lolo. "Stay still, Roen. Fix what you've started. You can follow your mother and brother, apo."
Tumango ako sa sinabi ni Lolo at isang pasada ng tingin sa hilera nina Chesca ay umalis ako.
Nasa labas ako nang natanaw ko si Mama sa puting BMW sa hindi kalayuan. Tumakbo patungo sa kaniya saka hinanap si Kuya sa gilid ngunit hindi ko makita.
Napasandal si Mama sa sasakyan habang humahagulgol. Napapikit ako bago suportahan si Mama dahil nanghihina ang kaniyang katawan. I hate seeing my mother in state like this. I never saw her like this until now.
"'Ma, sorry... please stop crying. May utang ka pa sa aking paliwanag tungkol dito, but I will let it pass for the mean time..." Hindi ko alam ang dapat sabihin... hindi ko alam kung ano ba ang dapat.
Maya-maya ay tumigil na siya pag-iyak. Umayos siya ng tayo at kaagad akong kinurot sa tagiliran at sinigawan. "You, young lady! Bakit parang wala lang sa iyo ang lahat ng ito?! You're just relax... while me and your kuya were upset!"
I licked my lower lip. "Sorry po..."
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at iminuwestra sa akin ang shotgun seat. "Sumakay ka," utos niya na kaagad kong sinunod.
"Ma, are you sure you can drive?" tanong ko nang paandarin niya na ang makina ng sasakyan.
I know we'll get through this. I'll do everything to set things straight.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top