Chapter 28
Chapter 28: Lie
"Hey, angelic face! Chill ka lang!" Kaagad akong nilapitan ng lalaki para alalayan nang bigla akong bumangon sa pagkakahiga sa kama.
Hindi ko namalayan na narito na pala ako... hanggang sa naalala kong nagpass out nga pala ako at ang estranghero na ito ang tumulong sa akin.
"S-Salamat..." I don't even have the courage to ask who he is. Nahihiya ako.
Sinusuri niya lang ang bawat galaw ko at nang natunugan ang pagiging mailang ko ay bumitiw na siya sa pagtingin sa akin at may kinuha na lang na paper bag galing sa lamesa.
Inilahad niya iyon na nakatanggap naman ng kunot noo sa akin. "Ano 'yan?"
"Alam mo, angelic face, hindi ka pa kumakain. Oo nga pala, we still don't know each other, do we?" Ngumuso siya nang nakakaloko, which I found cute.
Nagpakurap-kurap ako atsaka tumango. "Uh, oo. I'm Ariane Reistre... maraming salamat sa pagtulong -"
"Huh? Ariane Reistre? What the -"
"Bakit po?"
Pinagkatitigan niya pa ako habang salubong ang kilay kapagkuwan ay bahagyang ngumuso. "Too formal, angelic face. Anyway, I am Shawn Villadazo."
Alinlangan akong nagpatango-tango, feeling awkward. Magtatanong pa sana ulit ako sa mga bagay-bagay at pati sa pagtawag niya sa akin ng angelic face, pero nabusy kaagad siya kaya nanatili na muna akong tahimik.
Kinuha niya ang bed table at inilagay sa aking harap bago isa-isang inihain sa harapan ko. May fried rice, sinigang na baboy, steak, mga prutas, juice at tubig.
Napaawang ang aking labi habang pinagmamasdan ito. I felt something while watching him doing his business. Hindi namin kilala ang isa't isa, yet kung alagaan niya ako ay para bang isang pamilya. Hindi naman siguro siya Sagip Kapamilya, hindi ba?
"Uh... Shawn? Don't you think it's too much? I mean, hindi naman sa nag-iinarte pa ako... pero masyado mo yata akong inaalagaan for a stranger like me, 'no?"
Habang nagsasalita ako ay nakangiti lang siya sa akin kaya medyo nailang na naman ako. Ano ba ang problema niya?
"Don't worry, it's fine. Galing ako sa tita ko nang nakita kita. Pauwi na rin ako, but I'm not that busy so..." He shrugged. "Don't worry, angelic face." Kinindatan niya pa ako bago unti-unting nawala ang ngiting nakausli sa kaniyang labi.
"Uh, bakit?"
"I know that I have no rights to meddle, but can I ask why you were running like someone's chasing you and..." Hinaplos niya ang aking pisngi na may band-aid at ang noo kaya napaatras ako nang kaunti. "Why were you bruised?"
"Well, you're still pretty with a band-aid on," he added then chuckled.
Napabuntonghininga ako.
Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya. Besides, malaki ang utang na loob ko rito. "We did have a party last night in our school. I got locked in the storage room, dinala nila ako sa isang bahay at kanina tinulungan ako ng isang lalaki kaya nakawala ako..." Pahina nang pahina ang aking boses nang ikinukuwento ko sa kaniya iyon.
I still couldn't believe Chesca and Kuya Shan can do that.
Huminga ako nang malalim bago ngumiti.
His lips parted. "Like... they abducted you?"
Nagtiim-labi ako bago dahan-dahang tumango. "Parang ganoon na nga..."
"What the heck... we should inform your parents immediately!"
Bahagya akong natigilan bago naalala ang pamilya ko. Oo nga pala!
"Hala, oo nga pala..." Akma akong aalis sa kama nang pigilan niya ulit ako.
"Joke lang pala iyong kanina... I mean, iyong doctor kasi na umasikaso sa iyo kanina ay kakilala ka at sinabihan na pala ang family mo... nakalimutan ko lang pala, sorry."
"Sinong doctor?"
"Doctor Valderama," sagot niya.
Valderama? It's either si Tita Nadya o Tito Isiah na parehong magulang ni Archie.
I prayed and thanked inwardly.
Inayos niya ang pagkain pagkatapos at akmang susubuan ko nang pigilan ko siya. "Uy, hindi naman ako nainjure sa kamay kaya ko na 'to!"
Sumimangot siya. "I want to take care of someone, so I guess that someone is you, just please let me?" He gave me his puppy eyes that would make you not to refuse.
"Sige na nga."
"Favorite ko 'to. Bakit ito binili mo?Coincidence?" tanong ko habang ngumunguya sa sinubo niyang pagkain.
Umawang ang kaniyang labi at namilog ang mga mata. "Really? I didn't know, binili ko 'to kasi wala lang."
"Anyway, do you know Jace?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at saglit na natigilan. "Yes, why?"
"We're best friends since high school. Don't get me wrong, but I know a lot of things about the both of you..." he trailed off. "Perhaps, you're Victoriane?"
Tumango ako, naguguluhan. "Paano mo nalaman?"
"Jace talks about you everytime we'll be having a catch up."
Napaawang ang aking labi sa narinig. I don't wanna assume but... he seems proud of me.
Saglit kong nakalimutan ang mga problema ko dahil sa kuwento ni Shawn kung hindi lang bumukas ang pinto ay hindi kami matitigil sa kuwentuhan.
Unang iniluwa noong pintuan ay si Kuya at Jace... kung kanina ay nakangiti pa ako, ngayon ay wala ng emosyon sa mukha.
Saglit silang natigil dalawa, si Jace na nakatitig agad sa akin ay ngayon nang bumaling sa aking katabi. Wala naman nang sinayang na oras si Kuya at kaagad itinakbo ang aming distansya para yakapin ako.
"Thank God... you're safe," panimula niya, sobrang higpit ng yakap.
Maliit na ngiti ang umusli sa aking labi nang naramdaman kung paano mag-alala si Kuya. "Kuya, medyo hindi ako makahinga, 'no? Baka naman," pagbibiro ko pa, pinapagaan ang tensyon.
Dahan-dahan naman siyang kumalas, pero nanatiling nakayakap sa akin. "Why were you here? Who did this to you?" pabulong na tanong niya habang sinusuri ang aking mukha.
Doon na ako napayuko at dahan-dahan siyang itulak papalayo sa akin. "Kuya, saan sina Mama?"
Pero parang hindi niya ako narinig at patuloy akong sinusuri. "Tell me, sino ang gumawa nito, Ari?" Ngayon ay may pagbabanta na ang boses nito.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Napansin kong nag-usap sina Jace at Shawn, hanggang sa lumingon ang huli at itinaas ang phone, senyales na lalabas siya kasama si Jace na nahuli kong nakatingin sa akin.
"Ari... kinakausap kita."
Nanginig ang aking labi sa paraan nang pagtawag sa akin ni Kuya. I don't know if I should answer it or not. That guy who helped me, I owe him at ang hiling niya lang naman ay 'wag na ipaalam kahit kanino. Is it enough, kasi tinulungan niya naman ako.
Bahagya akong naguluhan kung saan magsisimula. Nang naalala ang sinabi ni Chelsea at Chesca ay unti-unti na namang bumalik ang galit at pagkalito ko.
Kung totoo man 'yon, hindi kaya iyon din ang dahilan kung bakit nagkawalay kami nang ilang taon?
Dahil may anak si Papa sa iba?
Kung 'yon nga ang dahilan, ay may dahilan ako para magalit at magtampo sa kanila. Pinagkaitan nila ako ng katotohanan. I wonder if Kuya knows about this too?
Chesca had done a lot to me. Ano na naman kaya ang gagawin niya? What should I do to stop her from doing those stupid things that she has keep on?
Natulala na lang ako at hindi alam kung ano ang unang sasabihin. I want to get rid all of this. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Shawn na parang nagmamadali.
Lumapit siya sa 'kin kaya umusog nang konti si Kuya.
"Angelic face, I need to go. You'd be okay, right?" aniya.
Ngumiti ako. "Thank you so much, Shawn..."
Nag-usap pa sila ni Kuya bago umalis. Hindi ko talaga alam kung nasaan ako ngayon kung hindi niya ako tinulungan.
Maya-maya ay napabaling na ako kay Jace, nasa harapan ko na rin siya at nakababa ang tingin sa akin.
Nagkatitigan pa kami bago siya dahan-dahang naupo sa tabi ko. "Babe."
I bit my lower lip and let out a small smile. "Hi?" inosenteng sambit ko.
Hindi alam kung sisimangot ba siya o ngingiti, hindi pa man ako nagsasalita ay lumapit na siya para yakapin ako. "The hell, I still miss you. What the hell just happened?" he said frustratingly.
Napangiti ako at tinapik ang balikat niya. "Sorry."
Kumalas siya at tumitig sa akin. "I am guilty for letting you go alone that night."
Umiling ako. "Don't be. Desisyon ko naman na umalis no'n, sorry kasi hindi ako nag-ingat -"
"Walang magagawa ang sorry, Ari. Tell me who f*cking did this," pagputol ni Kuya, ngayon ay nasa harap na namin at striktong nakahalukipkip.
Sakto namang bumukas ulit ang pintuan at isa-isang nagsipasok ang mga kaibigan namin. Akma silang magsasalita at lalapit nang isensyas ni Jace sa kanila si Kuya na seryoso.
Nagkatanginan sila.
"Kuya..." pagtawag ko naman.
"I already have someone in mind, pero ayaw ko... I don't wanna jump into conclusions so, I am asking your side, Ariane."
Napapikit ako, medyo kumirot pa ang aking ulo. "Ano, Kuya..."
"Mamaya na, Zian. She needs to take a rest, doesn't she?" pakikisali ni Jace.
Lumambot naman ang ekspresyon ni Kuya at kumalas sa pagkakahalukipkip. "I still don't have a concrete evidences to point out this someone, so please take enough rest and we'll talk about this, okay?"
"Kuya, I want to go home," sambit ko.
"Ari, magpahinga ka muna," pagsingit ni Kent na ngayon ay nasa tabi na ni Kuya.
Wala naman akong injury, pasa lang sa mukha at katawan. Hindi na rin naman masakit ang aking katawan at medyo maayos na ang aking pakiramdam.
Busog na ako dahil sa pagkain na ibinigay ni Shawn sa 'kin, siguro nga't gutom lang ako kaya I was not feeling well earlier. "Uwi na lang tayo, please? Ayos na talaga ako, promise."
"Maya-maya na, Ari. Papunta na sila Mama rito, 'wag matigas ang ulo!"
Napahinto ako nang narinig na papunta na sina Mama. Ano kaya ang sasabihin nila kung sakaling magtanong ako?
What if malaman ni Papa na anak niya si Chesca? What would he do? Tatanggapin niya ba sa Chesca kahit na sinaktan nila ako nang ilang beses?
"Tell them na sa bahay na lang dumiretso. I want to go home, Kuya!"
Sabay-sabay silang napahinto nang sumigaw ako. Tumayo na ako, hindi ko alam na nakasuot pa ako ng hospital gown.
May hawak-hawak na paper bag si Kent, hindi ako nagpaalam nang hablutin ko iyon sa kaniya at dumiretso sa bathroom nang hindi sila pinapansin.
Lumabas ako at nakitang pinagmamasdan nila akong lahat. Para bang may krimen akong ginagawa at gagawin.
Hindi na rin sila umimik at sumunod sa 'kin paglabas. May kinausap pa silang doktor habang kami ni Kent, Sam, at Archie ay nakaupo sa waiting area.
"I hope you're fine inside and out..." makahulugang sambit ni Kent sa tabi ko.
Ngumuso ako at umirap. "Wala ako sa mood, please lang?"
Ngumuso rin siya at kinurot ang kabilang pisngi ko. "Sungit."
"Don't you have classes today?" tanong ko kay Jace.
Napabaling naman siya sa 'kin na busangot ang mukha. "You're more important than my class."
"Do we have a problem?" tanong ko.
"So far, wala naman... uh, about what happened -"
Napasandal ako at bumuga ng hangin. "Not now," putol ko. "You know what, you have to attend your class today," dagdag ko pa.
"Para ano? Shawn can take care of you?" bulong niya na sadyang iparinig sa akin.
Tumaas ang aking isang kilay dahil doon. "Are you jealous, huh?"
Hindi siya nakasagot na ikinangiti ko.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na sina Sam at Archie, mag-uusap na lang kami sa susunod na araw. As per Jace, pinauwi ko na rin siya kahit halatang labag sa kalooban niya kung hindi ko lang ipinaalala ang kasalanan niya sa akin ay hindi pa siya susunod.
Nang nasa loob na ako ay kaagad akong sinalubong ng yakap ni Mama. "Oh, my gosh! What happened to you?!"
"Wala lang, Ma," matamlay kong sagot. Niyakap din ako ni Lolo at Papa, nagtatanong ngunit wala akong ganang sumagot kaya nang natapos na ay pumasok na kami sa dining room para mananghalian.
Tahimik lang kaming kumakain habang silang lahat ay pinagmamasdan ang kilos ko na nagpaparamdam ng ilang sa akin.
"Apo, can you tell us where have you been?"
"Bakit ang dami mong pasa at sugat, anak?" si Papa naman. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis sa kaniya nang maalala ko ang sinabi ng ina ni Chesca.
"I just wanna hear your explanation before we make a move about this," si Lolo ulit.
"Ari... p'wede bang sumagot ka?" mahinahon ngunit bakas ang iritasyon na ani Kuya.
Nag-init ang sulok ng aking mga mata. "Sumama lang ako sa kaibigan ko -"
"Sinungaling. Kung magsisinungaling ka lang pala, sana galingan mo naman," pagputol ni Kuya sa akin at ibinaba ang kubyertos para ibigay sa akin ang buong atensyon.
Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng lamesa. Kailangan ba nila akong pilitin? Hindi ba p'wedeng... ipagpabukas? Kasi naguguluhan pa ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Papa ang sinabi sa akin ni Chelsea... na anak niya si Chesca.
"Anak, can you tell us what happened?" si Mama naman.
"I was just with my friend last night. I helped her, that's why I got these bruises and cuts," malamig at simple kong sagot. I wonder... bakit sila sa akin gumaganti? I did no wrong to them. Bakit ako? Bakit hindi kay Papa nila ibuntong ang galit nila?
"Don't lie to us, Ariane."
Napabaling ako kay Papa nang sabihin niya iyon atsaka ako napasinghap. Ako pa ang nagsisinungaling? Fine! I just wanna keep it to myself. Gaya ng hinihingi ng lalaking tumulong sa 'kin, pero kapag may ginawa pa sila sa 'kin; I don't know if I'll keep myself in silence.
"Ikaw, Papa... ikaw ang sinungaling dito kaya ito nangyari sa akin... kasalanan mo naman ito, e," pagsagot ko bago tumayo para umalis.
I've never talked back to my parents until now. I couldn't help but to be rude towards him. Naiinis ako sa sarili ko at sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top