Chapter 27

Chapter 27: Missing

Nakaramdam ako ng lamig galing sa hinihigaan ko, unti-unti akong dumilat at inilibot ang tingin sa lugar kung nasaan ko.

Dahan-dahan akong bumangon habang pinoproseso sa isip ang nangyari, at dagdagan pang wala akong makita dahil madilim ang lugar. Kaagad akong kinabahan nang tuluyang naalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.

Kinapa ko ang sahig na malapit sa ‘kin sakaling makita ko ang aking purse, pero basa ang nakapa ko. Atsako ko lang naisip na binuhusan siguro ako ng tubig dahil basa ang kabuuan ko pati na rin ang puwesto.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako nakagapos, pero ang hindi ko maintindihan bakit ako narito?

And... that waiter! His voice was familiar. I really need to get out of this dark room!

Tumayo ako at hinawakan ang pader para maging suporta sakaling matumba ako, may kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana, pero hindi iyon sapat para makakita ako nang maayos.

Kaagad kumalabog sa kaba ang aking dibdib nang may narinig akong nag-uusap nang dahan-dahan akong lumapit sa bintana. What should I suppose to do?

Huminga ako nang malalim at idinikit ang tainga sa pader para mas marinig pa ang pinag-uusapan ng tao sa labas.

“Sila ang may ari ng eskwelahang ito!” Tinig ng isang babae.

“Oo, sila kaya patay ka!”

Wait...

Kuya Shan?

Naalala ko na... ang boses ng waiter at boses ni Kuya Shan ay pareho lamang. At sigurado akong siya ang nagsalita kanina.

“I have a plan...” Ang huli kong narinig, hindi ko alam bakit natahimik pero halos magpigil ako ng hininga nang narinig ko ang pagkalikot sa door knob.

Nagmadali naman akong bumalik sa puwesto na parang walang nangyari at nang tuluyan nang binuksan ang pinto ay bumukas din ang ilaw.

Unti-unting namilog ang mata ko nang nakita si Kuya Shan at Chesca na nakangiti sa ‘kin.

“Bakit ako narito?!” sigaw ko sa kanila.

Humalakhak si Chesca.

“Alam mo? Ang ganda sana ng damit mo, e. P’wedeng ikaw ang Queen of the Night, kaso wala ka roon kaya siguradong ako ang mananalo!” Ngumisi siya nang nakakaloko.

Nag-init ang gilid ng aking mata. “‘Yan ba ang gusto mo? E, ‘di sana sinabi mo na lang, hindi iyong kikidnapin niyo pa ako!”

May binulong si Kuya Shan kay Chesca bago siya umalis. Hindi ako sinagot ni Chesca, imbes ay lumapit siya sa ‘kin at hindi ko inaasahang sasampalin niya ako.

Napapikit ako dahil sa hapdi ng sampal niya bago siya dahan-dahang binalingan ulit. “Bwisit ka,” I murmured. Kinagat ko muns ang aking pang-ibabang labi bago siya gantihan ng sampal, dobleng lakas kaysa sa sampal niya kanina.

“Ouch!”

Kaagad akong tumayo, pero nahila niya kaagad ang aking buhok pababa. Pero hindi ako nagpatalo at kinalmot ang kaniyang magkabilang braso bago siya tinadyakan sa tiyan.

Ano bang problema niya at kailangan niya pang gawin sa akin ang ganito?

Tuluyan na akong tumayo at tumakbo palabas nang mabangga ako sa isang tao na hindi ko inaasahang nakaharang na pala sa pintuan.

Unti-unti kong inangat ang tingin sa babaeng naka-champagne bodycon dress.

Nangunot ang aking noo nang hqwakan niya ang aking magkabilang braso pabalik. Nagpumiglas pa ako ngunit hinila na ang aking buhok ni Chesca.

“Kuya, tulong!” sigaw ko.

“Shh.” Tinakpan ng babae ang aking bibig bago ako malakas na itulak.

Dahil sa lakas nang pagtulak niya ay natumba ako at hindi inaasahang tumama rin ang aking ulo sa pader dahilan para makaramdam ako ng sakit at pagkahilo. “Ano ba ang kailangan niyo sa ‘kin?” mahinang tanong ko, unti-unting nawawalan ng lakas.

“Marami, pero mas may kailangan ka sa ‘min...” Ngumisi ang babae.

“Who are you?” mahinahon kong tanong dahil sa sakit ng ulo.

“I’m Chelsea, Chesca's mother. Good evening, Auren’s daughter, such a cheap.” Inirapan niya muna ako bago lumapit para pantayan ang aking tingin.

She’s Chesca’s mother? At paano niya nalaman ang pangalan ni Mama?

Iniangat niya ang aking mukha para magpantay ang aming paningin. Kaagad akong dinapuan ng takot nang nakita ang galit at lungkot sa mata niya.

“Alam mo? Ang anak ko sana ang nasa posisyon mo ngayon!” Sinampal niya ako at inihampas ang ulo sa pader.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang tahimik na nagdadasal na sana ay may tumulong sa akin. 

Hindi ako umimik. Sinampal niya ulit ako at doon na kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko na kaya ang hapdi at sakit ng aking ulo.

“Ang lahat ng sa ‘yo ay dapat na sa ‘kin sana!” Si Chesca naman ngayon ang lumapit sa ‘kin para sabunutan ako pataas. medyo napabangon ako dahil sa sakit nang paghila niya sa anit ko.

“Saan ang tapang mo ngayon? Umiiyak ka? Ha! Dapat lang sa ‘yo ‘yan!” sigaw niya sa ‘kin.

“Ano ba ang gusto niyo...”

“Get lost.”

Napaawang ang aking labi nang sabihin iyon ni Chesca. Kunot noo akong bumaling sa seryoso niyang mukha. “Huh?”

“Bingi ka ba? Sabi ko, get lost!” pag-uulit niya.

“Bigyan niyo ako ng magandang rason kung bakit kailangan kong mawala,” sambit ko.

Parehas silang natahimik.

“Dahil anak ni Roen si Chesca,” ani Chelsea.

Para bang huminto iyong nasa paligid ko.

Umawang ang aking labi at hindi makagalaw sa puwesto hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking luha dahil sa sakit ng buong katawan at bigat ng nararamdaman.

“O, ano, natahimik ka?” ulat ni Chelsea sa ‘kin nang tumulo rin ang luha niya sa isang mata.

Seryoso ba siya?

Hindi ako nakapagsalita at umiling na lamang. Itiningala ko si Chesca na tulala at nang bumaling siya sa ‘kin ay may takot at galit sa kaniyang mata.

Napabaling kaming lahat nang may kumalabog sa labas kaya nabalik ako sa ulirat at may pagkakataon na na sumigaw. “Tulong!”

Ambang tatayo na sana ako nang sipain ako ni Chesca sa tiyan habang si Chelsea naman ay tinabunan ang aking ilong ng panyo na dahilan nang dahan-dahang pagdilim ng aking paningin. 

Nagising ulit ako nang nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan, pagmulat ko ay nakita ko ang isang lalaki sa gilid.

Napabangon ako at inilibot ang paningin sa kuwarto na puti ang lahat, at walang kagamit-gamit.

Nasa iba na akong lugar.

Nakaramdam ako ng hilo at sakit ng tiyan. Napabaling ako sa bintanang nakasiwang at pansin ko’y umaga na, sinubukan ko ring gumalaw ngunit nakagapos na pala ang aking kamay at paa.

“Kumain ka na at ayaw raw ni Madam na nagugutom ang hayop!” sabi nito at ibinagsak ang plato ng pagkain dahilan nang pagtapon ng kalahati nito.

Nang narinig ko ang pagbukas ng pinto at napaangat ako ng tingin at kaagad itong dumapo kay Chelsea na kakapasok lamang.

Nagbaba siya ng tingin sa pagkaing natapon atsaka sa lalaki. Maya-maya pa ay ikinagulat ko ang pagsampal niya rito. “Bakit mo ibinagsak, bobo! Nagsasayang ka ng pagkain, ayusin mo ‘yan!”

Ako naman ngayon ang dinapuan niya ng tingin. “Kumain ka na!”

Napakunot ako ng noo dahil sa problema. “Paano ako kakain?” inosenteng tanong ko bago ipinakita ang dalawang kamay na nakagapos.

Pero natigil din nang may naalala.

Naalala ko iyong sinabi niya kagabi.

Anak daw ni Papa si Chesca.

Ibig bang sabihin noon ay... kapatid ko siya?

No, she cannot be.

Pero ang una kong gustong isipin ngayon ay kung paano ako makakaalis dito, masakit ang aking buong katawan at wala akong ideya kung paano makakatakas dito.

Hindi ako sinagot ni Chelsea, kung hindi ay yumuko siya para magpantay ang aming tingin. “Gusto mo bang makaalis dito?”

Napalunok ako kasabay nang pagkuyom ng aking kamao.

Hinawakan niya ang aking baba upang makatingin ako sa kanya nang maayos, kaagad kung hinawi ang kanyang kamay sa pagitan nang pag-iwas.

“‘Yon ay kung papayag ako.” Pagkatapos no’n ay umalis na siya kasama ng lalaki bago ibagsak ang pintuan.

Nag-init na naman ang gilid ng aking mata sa inis at takot. Sobrang sakit ng katawan at ulo ko, gustong-gusto ko nang makawala dito, ang dami nang gumugulo sa utak ko, at isa lang ang solusyon... ang makausap ko ang pamilya ko.

Hindi ko alam kung ilang oras pa akong tulala roon basta lang ay may pumasok na lalaki sa loob, ibang lalaki na naman, napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Marahan siyang lumapit sa ‘kin at nilagay ang hintuturo sa labi, pinapatahimik ako.

Unti-unti akong kinabahan at umatras pa kahit na pader na rin ang nasa likuran ko.

“No, hindi kita sasaktan. Tutulungan kitang makalabas, okay? Just go with my plan...”

Dahan-dahan akong tumango hanggang sa nagsimula siyang magpaliwanag. Unti-unti akong kumalma nang ipaliwanag niya sa ‘kin ang plano para makatakas.

Hindi ko siya kilala at wala rin akong planong magpakilala. At times like this, really?

Nagpapasalamat ako at may taong kagaya niya, nang nakalabas na ako sa gate ng bahay nila at hindi alam kung saan patutungo ay binilinan niya akong hindi magsalita.

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin maipapangako, alam kong malaking tulong ang ginawa niya, pero hindi rin naman ako pwedeng basta-basta lang na manahimik. As long as hindi na ulit ako nila gagambalain ay hindi ako magsasalita.

Pinasuot ako ng lalaki ng itim na jacket, hinuha ko ay nasa 30s ang lalaki, masasabi ko rin na asawa siya ni Chelsea, na ama ni Chesca —kung hindi man si Papa.

Habang naglalakad ako ay wala akong ideya kung saan patungo. Lalo yatang sumakit ang ulo at katawan ko. I’m still wearing my dress last night, with a black jacket on it. Binigyan din ako ng lalaki ng flipflops para sa paa.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon, pero wala akong pake. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat.

Gulong-gulo ang isip ko. Tipong gusto kong mapag-isa para makapag-isip nang maayos.

Hindi ko namalayan na nasa kalsada na pala ako at hindi alam ang lugar, sa gilid ako ng kalsada naglalakad nang may humintong puting van sa aking likuran.

Dahil sa takot ay napatakbo ako, pero lalong dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang sundan din ako ng puting van. Hindi ko namalayan na drum ng basura ang nabangga ko kaya dahil sa pagkataranta ay nadapa ako.

Sinubukan kong bumangon sa kabila ng pagsakit ng tuhod at paa, pero sobra na talaga akong nanghihina at hindi na halos maigalaw ang katawan.

Napaangat ako ng tingin nang huminto ang van at iniluwa ang isang lalaki.

Lumapit siya sa ‘kin nang may pag-alala, wala akong magawa kahit ang pag-atras dahil talagang hindi ko na makayanan.

“Angelic face...” aniya sa mababang boses.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top