Chapter 26

Chapter 26: Party

Kent’s POV

Kanina nang lumabas kami ni Zian para sana hanapin si Jace, hindi na namin siya nakita sa puwesto nila kanina kaya nang tumawag din si Ari ay alam na namin.

Nang nakarating naman kami doon nagulat ako dahil pagpasok ko ay tumambad sa amin ang nakatalikod na si Jace, nakayuko siya at naihilamos ang palad sa mukha. Bumaling ako kay Ari na papatapos na yata atsaka dumiretso si Zian papunta sa kapatid.

NNapatingn ako sa isang customer at nakangising Chesca ang namataan ko.

Inirapan ko siya dahil sa inis.

Naiinis ako kay Jace, hindi ko alam kung ano ang kasalanan ang ginawa niya. Naaawa naman ako sa pinsan ko. She doesn’t deserve the pain she’s feeling now.

Tumabi ako kay Jace na namumula ang mata, he cursed under his breath. “What have you done?” tanong ko na ang tingin ay nakadirekta sa magkapatid na nagbabayad sa counter.

“I’m not... cheating. I d-don’t know, it’s coincidence. I was about to tell her b-but...” Hindi rin siya makatingin sa ‘kin at nanatiling nakayuko. “I owe her an explanation.”

Umiling ako. “Hindi mo siya makakausap ngayon, Jace,” sabi ko. Galit si Zian sa kaniya at hindi ko alam ang puwedeng mangyari kapag pinilit pa ng isa.

“Let’s go...” Napaangat kaming dalawa ng tingin ni Jace nang magsalita si Zian.

Hinanap ng aking mata si Ari at nakitang nasa labas na siya at naghihintay.

“Zian, can I talk to her?” pagsusumamo ni Jace sa isa.

Nagtiim-labi ito at nag-iwas ng tingin bago nagsalita. “Huwag ngayon, Jace. I told you to f*cking take care of her, pero pinaiyak mo agad. Just not right now,” nagtitimping sagot ni Zian.

Napatayo ako at hinawakan siya sa balikat. “That’s enough, noted na iyan kay Jace.”

Bumuntonghininga siya at tumango, lumingon naman ako kay Jace at napailing. I wanna talk to him, I know he has a valid reason to tell kaya hinigit ko na ang isa na masama ang tingin sa kawalan.

Nang nasa labas na kami ay napansin kong nag-iwas ng tingin si Ari at tumingin sa likuran, napabaling ako at napansing sumunod pala si Jace.

“Victoriane...”

Hinila kaagad ni Zian ang kapatid bago nagsalita. “Don’t start, Jace. Maayos akong kausap kaya huwag mo akong sagarin,” si Zian atsaka umalis kasama si Ari.

Bumaling ako kay Jace na hindi maipinta ang itsura, napailing ulit ako habang pinanonood siya.

“Jace, let’s go!” malambing na sambit ni Chesca na kakalabas lang.

Nagtiim-bagang ako at sinamaan siya ng tingin; tumaas naman ang kilay niya.

Hinarap ito ni Jace at hinigit patungong gilid. Napansin kong nasasaktan si Chesca base na rin sa itsura niya dahil sa higpit ng hawak nito kaya para akong intruder na lumapit. “Dude, let her go babae pa rin ‘yan, nasasaktan,” mahina kong sambit.

May inis ako sa babae pero hindi ako loko para hindi siya respetuhin, hindi naman ako pinalaki para mambastos ng babae.

Nang bitawan nito si Chesca ay nakahinga ako nang maluwag, pero narindi rin nang sigawan niya ito. “What did you f*cking do?!”

Napaatras ako, nagmumukha na kasi akong chismoso.

Umupo ako sa bench na malapit din sa kanila, naghihintay lang na matapos silang mag-usap.

“Shit, Chesca! Tingnan mo ang ginawa mo! Sige nga, anong sasabihin ko sa girlfriend ko? You did this on purpose.”

Napailing ako dahil sa problema nila. Ako, wala naman akong problema sa buhay at alam ko namang magkakaroon din ako ng girlfriend, and I’ll never go out with other girl that may cause a break-up or misunderstanding between us.

Napailing ako. I remembered someone, but I shouldn’t be thinking of her as my girlfriend, she’s not mine and I’m not hers. She doesn’t consider me more than a friend... talagang kaibigan lang talaga dahil sa pinsan ko siya may gusto.

Pero ayos lang, makamove-on man o hindi,  hindi ako magsisisi na nagustuhan ko ang babaeng iyon... hanggang ngayon.

Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil sa pagiging okupado ko. Tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko ito sa bulsa.

Zirdy Ivan: Kent, where the hell are you?

Ako: Sorry, dude. I’ll just talk to someone, una na kayo huwag mo na ako hintayin. Mahal kita, ‘tol! <3

Hindi niya na ako nireplyan at hindi ko na rin pinansin dahil lumapit na si Jace na gano’n pa rin ang itsura... hindi maipinta.

Nagpalinga-linga ako at hinanap si Chesca.

“Pinaalis ko na siya,” sinagot ni Jace ang tanong sa isip ko.

Tumango ako.

Umupo siya sa tabi ko habang ako ay naghihintay lang ng paliwanag niya.

“Someone texted me this morning, and it. turned out it was her. She asked for a favor, ayaw ko, pero kinulit niya ako. She promised me that she wouldn’t meddle between us again if I give her the favor... so I did.”

“Pero sana ipinaalam mo muna kay Ari, kayo naman, ‘di ba? Paanong magkarelasyon kayo, pero may itinatago?” sagot ko.

He nodded. “Yeah, I was about to, but I decided to tell her personally... but I was still at fault, aaminin ko.”

Tinapik ko ang kaniyang balikat at sinabing tutulungan ko siya na makausap si Ari pero hindi pa ngayon dahil baka ako pa ang buntungan ng galit.

“Thanks, bro.”

Ngumisi ako. “Wala iyon, ako lang ito.”

Nasa labas na kami ng mall dahil maghahanda na kami para sa acquaintance party namin mamaya, imbitado si Jace ni Lolo dahil isa si Lolo sa guest kaya siguro ayon. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ni Lolo sa eskwelahan pero siguro mayroon at malaki rin.

-Ariane’s POV-

“Do you want to eat something, Ari?” Bahagyang umuga ang kama ko dahil sa pag-upo ni Kuya.

Umiling lang ako.

Lumapit siya sa akin at hinika ako para bumangon.

“Kuya naman, hindi nga ako nagugutom,” reklamo ko, pero hindi niya ako pinansin at basta na lang na niyakap. “I know it’s inevitable, but... can you forget about it just for today?”

Ngumuso ako at yumakap din pabalik sa kaniya. “Okay... salamat, Kuya ko,” bulong ko at suminghot.

I should be happy and excited right now, I can’t ruin this day just because of what happened earlier. I really need to forget about it even just for today. I wanna enjoy it.

Alas kuwatro na kaya kailangan na naming magbihis para sa party. Kanina pa tumutunog ang phone ko, at dahil sa iritasyon ay ni-off ko na lang.

Buong pamilya yata namin ang a-attend sa acquaintance party. Nahihiya tuloy ako, bakit pa sila pupunta? I mean, sa mga estudyante lang naman iyon. Kung sakaling isa naman sa stockholder si Lolo pwede naman na siya lang. Naguguluhan tuloy ako.

Nilagyan ng silver diamond na hair clip sa gilid ng aking buhok. Smokey red ang nilagay para sa aking eyeshadow, nilagyan ako ng blush-on, mascara, tapos nude lipstick. Di gaanong makapal o manipis ang make-up tama lang para mabagay sa aking damit.

Nang pababa ako ay namilog pa ang mata ko nang nakita kung sino ang taong naghihintay sa akin pababa.

He still had the guts to come here after what happened earlier, really?

Nagtiim-labi ako at nagbaba ng tingin sa bulaklak na hawak niya. Ayaw ko siyang mapahiya kaya tnanggap ko ang bouquet ng rosas at tipid siyang nginitian bago nag-iwas ng tingin.

“We have to go now,” anunsyo ni Lolo.

Sa SUV sumakay si Papa, Mama, at Lolo. Wala ulit si Tito Von. Habang si Kent naman at Kuya ay nasa BMW na pagmamay-ari ni Lolo; nagtatalo pa sila kung saan ako papasakayin.

In the end, kinumbinsi ako ni Sam at Mama na kanila Jace na lang. Nalukot ang mukha ni Kuya, pero nginitian ko siya to assure him na ayos lang.

“Ella, sa shotgun seat ka o sa tabi ko?” si Sam at pinagbuksan ako nang pinto.

“Binuksan mo na, e, dito na ako,” natatawang sabi ko bago pumasok.

Ikinakunot agad ng aking noo nang napansing pumasok si Jace sa driver seat.

Hindi ko na lang ulit siya tiningnan para hindi ako mawala sa mood. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni Sam kung hindi niya lang ako kinalabit galing sa likuran.

Bumaling ako sa kaniya. “Sorry, ano nga ulit?”

“Sabi ko ayos lang ba kayong dalawa?”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at sumulyap kay Jace na nagda-drive bago ibalik sa kaniya ang tingin. “Ah, oo naman!” maligaya kong tugon.

Nakarating kami sa eskwelahan nang walang imikan.

Pinagbuksan pa ako ni Jace ng pinto, pero hindi ko pa rin siya pinansin. Pumasok na kami sa loob nang unti-unting kumalabog sa kaba ang aking dibdib hanggang sa naramdaman kong hawakan ni Jace ang aking likod.

“Sorry,” pasimpleng bulong niya, nakababa sa akin ang tingin.

Tumingala ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “Let’s not ruin the night, kalimutan muna natin...”

Pagkatapos niyang sumang-ayon ay iginiya niya na ako papunta sa isang table kung saan naroroon si Archie, Kuya, at Kent.

Napalingon ako sa lalaking bagong dating na lumapit kaagad kay Jace. “Bro, you good?”

“Raze. How ‘bout you, doing fine?” ani Jace.

Bumaling ‘yong Raze sa ‘kin bago tumingin ulit kay Jace. “Hmm, your date?”

Umiling ako. “We’re friends. I am Ariane, anyway.”

“Good evening, beautiful.”

“Shut up, Raze!” singhal ni Jace sa gilid ko.

Itinaas ni Raze ang dalawang kamay na para bang sumusuko. “I am Raze, anyway.” He once smiled at me before bidding a goodbye.

Nagsalita ang emcee kaya nagsiupo na kami at nakinig. “Hello, everyone! Welcome to Clark High’s Acquaintance Party!”

Naramdamaan kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa purse at napansing may nagmessage.

Unknown number: Ariane, help me, please.

Kumunot ang aking noo. “Sino naman ‘to?”

Napaisip ako kung sino ang nagtext ‘tsaka paano ko siya tutulungan kung hindi ko alam kung sino at saan siya?

“Let’s welcome the greatest among of all. The Clark High’s pride... the owner...”

Tahimik ang lahat at inaabangan ang susunod na sasabihin ng emcee nang tumunog ulit ang aking phone.

Unknown number: Nasa lumang building ako. Please, help me. Don’t tell anyone.

“Mr. Owen Clarkson Reistre!”

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ang text ba o ang sinabi ng emcee.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Lolo na nagsasalita sa stage. Wala akong ibang marinig kung hindi ang sinabi lang ng emcee kanina.

Si Lolo ang may-ari ng eskwelahang ito?

Inilibot ko ang aking paningin at nakita si Kuya, Kent, Archie, at Jace na nakaawang ang mga labi. Nakita ko rin sa gilid si Chesca na nakasuot ng red halter dress, ang ganda niya kaso ayaw ko sa ugali.

Tumingin din ako sa kabilang table kung nasaan si Trisha, Sandra, at Gio. Halos lahat ay parehas ng reaksyon, hindi makapaniwala.

“A pleasant evening, everyone! Thank you, it’s nice to finally showing myself here as the owner.”

Tumunog ulit ang aking phone kaya hindi na ako makapagconcentrate nang maayos.

Unknown number: Please help me, just please.

“Where are you going?” tanong ni Jace nang napansing tumayo ako sa kinauupuan.

“Be right back.”

Nakakunot ang noo ni Kuya sa gilid, tumango lang ako at itinuro ang labasan para ipaalam sa kaniya na roon ako pupunta.

Without further ado, umalis ako at dumaan sa likod.

Sinubukan kong tawagan ang unknown number na ‘yon ngunit walang sumasagot. Kaagad akong kinabahan baka kung ano na ang nangyari sa nagtext sa ‘kin at hindi ko man lang natulungan.

May nadaanan pa akong mga tao at may nakabangga. Madilim ang loob ng gym kaya hindi ko gaano makita kung saan ako naglalakad, iba’t ibang kulay ng ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag.

Nabangga ako sa isang katawan kaya napaangat ako ng tingin sa lalaki.

“Angelic face.” Ang una niyang sambit.

Nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya. “Sorry.” Tumungo ako nang konti bago siya nilagpasan.

Patuloy kong tinatawagan ang number na 'yon habang naglalakad patungo sa lumang building kung saan namin narinig si Jace at Chesca na nag-uusap.

Maliwanag na ang dinadaanan ko dahil sa mga ilaw na galing sa poste ngunit walang katao-tao dahil naroon halos lahat sa gym.

Napahinto ako ng may isang waiter na nakacap na sumalubong sa akin.

Bakit may waiter dito sa garden ng eskwelahan na dapat nandoon sa gymnasium at lalong bakit naka-sumbrero?

“Magandang gabi, Reistre.” Pamilyar ang kaniyang boses!

“Ano po —” Bago ko pa matapos ang sasabihin ay tinakpan niya na ang aking ilong ng panyo na dahilan para pagdilim ang aking paningin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top