Chapter 25
Chapter 25: Salon
“Good morning!” masiglang bati ko para makuha ang atensyon nila pagkarating ko sa baba.
“What’s with the energy?" Kuya asked suspiciously, narrowing his eyes.
“You know, it’s party!”
Humalik ako sa pisngi nila bago umupo para makapag-almusal.
“You feel so excited, huh?” si Lolo.
“Naman, first time ko kaya!” sagot ko.
“Ari?” Bumulong si Kuya sa tabi ko kaya napalingo ako sa kaniya.
“Hmm?”
“Kayo na ba?” tanong niya.
Natigilan pa ako bago nasamid ako nang wala sa oras kahit naman na wala rin akong iniinom o kinakain.
Napailing si Kuya sa naging reaksyon ko.
“Ari,” si Kent bago tumabi sa akin.
“Oh?”
“Kayo na, ‘no?” pang-aasar din niya.
Napanguso ako. “Will you all please stop? Look, we’re eating,” iritado kong sagot kahit na pinamumulahan na ng pisngi.
Hindi nagsalita si Lolo at Papa at patuloy lang na kumakain na parang wala lang.
“I am going to mall,” sambit ko maya-maya nang natapos akong kumain.
“Ano namang gagawin mo roon?” tanong ni Kuya.
Umirap ako. “Maglalaba, gusto mo ‘yon?”
Binalot ng katahimikan bago sila nagsihagalpakan dahil sa tuwa.
“Date?”
“Papa naman, hindi po!”
Totoo naman talagang pupunta ako ng mall bago mag-party mamaya, wala akong balak makipagdate ngayon.
Napatigil ako dahil sa naisip.
Oh, my... gosh. Jace... is my boyfriend! I can’t believe it!
Okay, hinga nang malalim.
“Ano nga ang gagawin mo roon kung ganoon?” pagpupumilit ni Lolo.
“Salon?” nag-aalinlangan kong sagot.
“Sasama ako,” pagsingit ni Kuya.
Sinimamgutan ko siya bago bumaling sa isa pang katabi. “Ikaw sama ka?” tanong ko kay Kent.
Tumango siya, nakangisi na kaya lumitaq ang biloy sa magkabilang pisngi.
“Oh, great!” sarkastiko kong sagot.
I was wearing a beige spaghetti front knot top, high-waist shorts, and a checkered slip-on shoes.
Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng sidetable nang may tumawag. “Hello?” pormal kong sagot.
“Hello, babe. I miss you,” he huskily answered.
I can’t help but to chuckle. “Funny, kakakita nga lang natin kahapon, ah.”
“So what? Don’t you miss me?”
Napairap ako sa ere. “Oh, gosh! Of course I do!”
“It sounded like you do not miss me.”
“Oh, my gosh!” Humalakhak na ako bago inilagay sa balikat ang cell phone, at inipit ito sa tainga.
Hindi siya sumagot habang ako naman ay naglalagay ng liptint sa labi at nakaupo kaharap sa salamin.
“Babe, I miss you ‘kay? I love —”
“Shit! Okay, it’s okay. I’m fine.”
Aha! Everytime na magtatampo siya, I’ll call him babe, and tada! We’re fine!
“Uh-huh,” pang-aasar ko. Nang nakarinig akong katok sa pinto ay nagpaalam na ako. “I have to go, bye!” Bago pa siya makasagot ay binaba ko na ang tawag.
“Come in!” ambit ko habang inaayos ang buhok ko na pa-fishtail braid at inilagay sa side ng aking balikat.
“Akala ko ba pupunta tayo sa mall? Ang tagal mo, magsusuot ka pa ba ng gown?” pagrarant ni Kuya habang pinanonood ang aking repleksyon sa salamin.
-Zian’s POV-
Nakarating na kami sa VG mall at nag-iikot, busy ang dalawa sa pagtitingin sa isang tindahan nang may namataan ako sa isang waiting room seat sa gilid lang.
Jace.
May plano ba silang magkita ni Ari ngayon? Probably not. Kasi hindi naman ganito si Jace, susunduin niya si Ari at magpapaalam na lalabas sila.
I was about to tell Ari that Jace’s here when someone approached him.
“What an actual f*ck?” I muttered as I familiarized Chesca.
I clicked my tongue. Nagsimula nang balutin ng iritasyon ang aking buong sistema. Lumapit ako kay Kent para kausapin siya habang si Ari ay nakikipag-usap sa isang saleslady.
“Kent, I saw Jace with Chesca right there,” bulong ko sa kaniya, sabay kaming lumingon sa kinaroroonan ng dalawa.
Nakaupo pa rin si Jace at nakatingala kay Chesca na nakatayo. What are they freaking doing?
“Shit ka, ‘tol! Magsilbi kang CCTV habang ako ang magbabantay kay Ari, malay mo mali ang iniisip mo...” aniya.
Not fully convinced, but I nodded. Umalis na siya at inaliw si Ari habang ako ay pasimpleng nagtititingin sa direksyon nila.
Once I see Ari cry because of him.
I don’t know what I can and might do.
Wala akong balak sabihin kay Ari ang nakita ko gano’n din si Kent lalo na’t wala naman akong nakikitang mali.
I clenched my jaw while glaring at their direction.
Napalunok pa ako nang namataan ako ni Chesca. Naisipi ko, bakit naman ako kakabahan, e, siya ‘tong may binabalak.
Kahit medyo malayo ay nakita ko ang pagngisi niya sa aking gawi bago umupo sa tabi ni Jace at humilig sa balikat nito.
Bago pa ako makagawa ng kung ano ay umalis na ako sa puwesto at dumiretso sa direksyon nila Ari.
Binigyan ako ni Kent ng makahulugan na tingin. “Ano balita?”
Hindi ko siya sinagot at bumaling sa kapatid. “Sa’n si Jace?” tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang tanggapin ang binili galing sa cashier.
Nangunot ang noo niya. “Ewan, nasa bahay nila? Why?”
Bumuntonghininga ako at umiling, dismayado. “Nah, let’s go.”
Habang naglalakad kami ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon at nagtipa ng mensahe para kay Jace.
Ako: Huwag mo nang lapitan ang kapatid ko.
-Ariane’s POV-
Hindi ako mahilig sa mahabang buhok kaya halos sa isang taon ay dalawang beses ako nagpapaputol, at ngayon ay napagdesisyunan kong magpaikli ng buhok.
They say short hair suits me, that’s quiet true kaya naman pumunta kami sa isang salon sa mall at sinabi sa isang fairy, yes sabi ni Kuyang girl na tawagin ko raw siyang fairy. Naiiling na lang talaga ako, pero ang sarap kaya kabonding ng mga gay.
“Fairy, what do you think?” tanong ko sa kaniya kung ano ba ang bagay na hairstyle sa ‘kin.
“You know what, pretty. Bagay sa ‘yo ang maikling buhok, above the shoulder ganoon tapos I’ll straighten your hair...” Nakatingin siya sa salamin habang nagsasalit.
Si Kuya at Kent ay lumabas muna dahil naboboring daw sila at wala silang balak magpahaircut o ano kaya hinayaan ko na sila. Nagsimula na si fairy’ng maggupit ng aking buhok, habang ako naman ay nagbabasa lang ng magazine nang tumunog ang aking cellphone.
Kuya Zian: Are you okay there?
Ako: of course, why?
Inilagay ko na ang cellphone sa sling bag ko sa isang table dahil sisimulan na akong linisan ng kuko sa kamay. May bagong customer na pumasok kaya napabaling ako sa kaniya ng tingin gamit ang repleksyon sa malaking salamin na nasa harap ko.
Unti-unting namilog ang mata ko nang nakilala kung sino iyon.
Chesca.
Kaagad din namang dumapo ang kaniyang tingin sa akin, napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
I don’t know, but I’m feeling nervous right now.
“Pretty, yuko ka konti,” utos nito.
Yumuko ako at napapikit nang mariin nang napansin sa gilid ng aking mata ang pag-upo ni Chesca, inassist naman kaagad siya ng isa pa.
Malapit nang matapos ang paggupit sa aking buhok kaya inayos ko ang aking tikas.
Kagat-kagat ang labi nang dumapo ulit ang tingin ko sa salamin, at may napamilyaran na naman hanggang sa naramdaman ko ang paglubog sa kung anong parte ng puso ko. What the hell is he here?
Nanginig ako sa kinauupuan dahil sa naisip. Wala kaming usapan na magkita at lalong hindi niya alam kung saan ako ngayon dahil hindi na kami nag-text simula kaninang pag-alis ko.
Posible kayang si Chesca ang pinunta niya? Pero bakit? Girlfriend niya ako, ‘di ba?
“Miss, okay ka lang?” tanong ng isang babae na nagmamanicure sa ‘kin napabaling ako sa ibaba kung saan siya.
Tumango ako. “Opo, sorry.”
Sa nakikita ko sa salamin ay hindi pa ako napapansin ni Jace dahil may nag-aayos pa na nasa likuran ko, pero once na lumapit siya kay Chesca ay siguradong makikita niya ako.
Lumingon ako kay Chesca na may malaking ngiti. Nagpapa-salon siya ng kaniyang buhok nang bigla siyang nagsalita. “Jace.” Lumingon siya sa kaniyang likod habang ako titig pa rin ako sa kaniya.
“Ayan, pretty, tapos na! Wait lang tayo ng mga 20 minutes — Oh, hello, mister handsome, girlfriend mo?” Malaki ang ngiti ni fairy nang bumaling siya sa salamin atsaka humarap kay Jace.
May parte sa akin na nasakatan nang ituro ni fairy si Chesca at tinanong si Jace kung girlfriend niya. Hindi ko pa naririnig ang sagot ni Jace ay sumagot na si Chesca. “Yes, bakla!” Ngumisi siya, pero na sa ‘kin ang tingin.
I bit my lower lip and lowered my gaze.
“Shut up,” Jace hissed.
Tumikhim ako at inayos ang tikas at pilit na pinapatatag ng loob. Ayaw kong magbreak down sa public lalo na at wala sina Kuya sa tabi ko, that’s embarassing.
Dumapo ang tingin ni Jace sa akin at para bang gumuho ang mundo niya nang nakilala ako. “B-Babe,” he stuttered.
Diretso lang ang tingin ko sa kaniya sa salamin para siyang nakakita ng multo dahil hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.
Nasasaktan ako nang sobra sobra, pero ayaw kong ipakita sa kanya ‘yon, ayaw kong ipakita sa kanya na naapektuhan ako at lalong ayaw kong makita niya akong lumuha. Bakit nga ba kasi ang tanga kong tao?
Kami naman, ah. Bakit ganito siya? Naisip niya ba na boring ako? Tipong sinubukan niya lang ako tapos nang bumigay ako sa kanya gano’n na lang?
Hindi ko maintindihan, hindi ko na matagalang tumitig sa kaniya dahil kung tititigan ko siya ngayon hindi saya, at sabik ang nakikita ko kung hindi lungkot, pagsisisi, at sakit.
Pagsisisi na, bakit ko pa siya sinagot? Sana hindi na lang.
Everytime I feel happy there’s always sadness afterwards.
Ganoon ba talaga iyon?
Kinuha ko kaagad ang aking phone para i-text si Kuya. Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang nakita ang message ni Jace sa screen ng aking cellphone.
Jace: Can I come there later? I love you.
Jace: Babe, something came up, later na lang, can I?
Jace: I love you, why are you not replying?
Pinunasan ko kaagad ang luha sa ‘king pisngi at tinawagan si Kuya.
“Hello, Ari?”
“K-Kuya, where are you? Puntahan mo na ‘ko, p-please...” Hindi ko na nabigkas nang maayos ang mga salita dahil sa mahinang paghikbi.
“F*ck it, I am sorry. We’re coming, give us a minute!” Natataranta ang boses ni Kuya bago niya ibinaba ang tawag.
Tumingin ako sa replesyon niya at nakitang naroon pa rin si Jace na nakatayo at nakatitig sa ‘kin. “Babe.”
Hindi ko siya pinansin at nagbaba na lang ng tingin.
I guess, I made a wrong decision.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top