Chapter 23

Chapter 23: Accuse

“Nagsasabi ba kayo ng totoo lahat?” si Dean Hisman.

Hindi umimik si Sandra hindi gaya ng apat na nagsitanguan.

“How about you, Miss Joson?” tanong ni Lolo.

“P-Po? Sorry po.” Nag-angat siya ng tingin kay Lolo at agad na yumuko.

“Gusto niyo bang masuspend?”

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Dean Hisman. “H-Hindi po!”sabi ng tatlong babae.

“Mr. Reistre, what punishment will do?” tanong ni Dean, si Lolo naman ay tumingala at nag-iisip.

“Dahil kayong mga estudyante ay nawawalan ng respeto sa kapwa kamag-aral dapat nga ay ipatanggal kayo sa eskwelahang ito. Kung gusto ko ay gagawin ko pero hindi, ni patawag sa mga magulang niyo ay hindi ko ginawa. Manghingi kayo ng paumanhin sa apo ko at pag-uusapan natin ito sa susunod pagkatapos naming mangangalap ng ebidensiya.”

“Excuse me po, about Miss Joson dalawa po ang answer key na nakita ang isa ay galing sa faculty room at ang isa kay Mr. Payne. Is there a possibility na siya rin mismo ang gumawa noon?” si Sam.

Oo nga, sino naman ang kumuha noong sa bag ni Sir Payne? Ang hindi ko lang din maintindihan ay kaya pala itong gawin ni Sandra sa akin.

“Ang laking kahihiyan nito sa ‘yo, Miss Joson, gusto kong ipatawag ang mga magulang —”

“Huwag po, Dean. Parang awa niyo na huwag po...”

Bakit? Natatakot ba siya na malaman ng magulang niya? Sabagay kung ako ang may kasalanan matatakot talaga ako. Naaawa ako sa kaniya, pero naisip ko na hindi dapat kung sana kasi ay hindi niya lang ginawa iyon.

“Pagkatapos mong gawin ang kalokohang ito? Matatakot ka? Sana isinaisip mo muna!” Tumaas ang boses ni Lolo.

Umiling si Sandra at nagsimula nang umiyak. Hindi kaya hindi talaga siya ang gumawa no’n? Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin.

Paano kung napag-utusan lang siya? Tahimik at mahinhin si Sandra at alam kong hindi niya iyon magagawa. Kahit kinakabahan ay tumayo ako at yumuko nang bahagya.

“Excuse me po, can I talk to her for a while?” paalam ko.

Tumango si Dean at si Lolo.

“Thank you po.” Binalingan ko si Sandra at napansin ang pagtigil niya nang ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kaniya. “Let’s talk.”

Nanginginig man ang kamay niya ay inilagay niya iyon sa ibabaw ng aking palad. Bumaling ako kay Dean. “Sa labas lang po kami, sorry po.” Yumuko ako.

Nang nasa labas na kami ni Sandra ay hinarap ko siya. “Sandra, una pa lang ang gaan na ng loob ko sa iyo, nagulat nga ako nang nalaman kong ikaw ang gumawa non.” Ngumiti ako habang nakatitig sa kaniya na nag-iwas naman ng tingin.

“Alam kong hindi mo iyon magagawa, magsabi ka nga nang totoo sa akin. Hindi ba’t ayaw mong mapatawag ang magulang mo?”

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango.

“Inutusan ka lang, hindi ba? Sana totoong inutusan ka na lang hindi ako naniniwalang magagawa mo iyon.”

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

“Sino ang nag-utos sa iyo? Tinakot ka ba niya? Sabihin mo sa akin ang totoo, hindi kita pababayaan. May tiwala ka ba sa akin?” mahinahon kong sabi.

Lumunok siya. "S-Sige sasabihin ko ang totoo sa loob.” Kinagat niya ang labi hanggang sa tumulo ang kaniyang luha.

“Okay ka lang? Sorry...” Hinaplos ko ang kaniyang buhok at hinila siya para sa yakap.

“Sorry, Ariane.” Humagulhol siya sa aking balikat at paulit-ulit na suminghot.

Kumalas ako at kinuha ang panyo sa bulsa atsaka pinunasan ang luha nito. “Shh, okay lang tutulungan kita, okay?” Hinawakan siya sa kamay. “Tara, pasok na tayo.”

Nang buksan ko ang pinto ay may biglang humigit kay Sandra kaya napaigtad ako sa gulat.

Nagsalubong ang aking kilay. “Ano ang ginawa mo?” tanong ko kay Chesca na masama ang tingin sa akin, napasulyap ako kay Sandra na nasa tabi na ngayon ni Chesca.

“What’s happening?”

Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa aking likuran. Jace.

“Bakit mo ginawa iyon, Chesca?” tanong ko, ang ibig sabihin ay ang paghila niya kay Sandra nang hindi pinansin si Jace.

Pinanlakihan niya ako ng mata, pero hindi makatakas ang bakas ng takot nito sa mga mata. “What? Ako pa ang sinisisi mo, e, ikaw ang nangnakaw, hindi ba?!”

Nagtataka ako hindi iyon ang ibig kong sabihin. “What are you talking about? Ang ibig kong sabihin ay ang paghila mo kay Sandra,” naguguluhan kong sabi na nakapagpahinga sa kaniya nang maluwag.

“Anong mayroon dito? Pumasok kayong lahat!”

Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong labas sa pinto, si Papa.

Tumango ako at yumuko, hinawakan naman ni Jace ang aking braso para pumasok.

“Including you,” huling sinabi ni Papa sabay turo kay Chesca.

Umupo ako sa kinauupuan ko kanina habang si Sandra naman ay parang hindi mapakali. Nang nahagip niya ang aking paningin ay huminahon ito.

“Ano ang ginagawa mo rito, Miss Allen?” tanong ni Dean Hisman kay Chesca.

“I saw Miss Reistre scolding Miss Joson, that’s why I immediately came to them,” diretso niyang sagot.

Hindi ko siya pinagalitan kanina, ah? Kuwentong barbero talaga!

“Wala talagang galang, ano na namang sinasabi niya?” bulong ni Mama sa gilid.

“Miss Reistre?” pagnakaw naman ng atensyon ng dean sa akin.

“Hindi po, we’re just talking—”

“Sigurado ka?! Sinasaktan mo nga si Sandra kanina!” Ngayon ay nangangalaiti na siya sa galit.

Sira talaga ang ulo. Ano ba ang problema niya sa akin at bigla-bigla na lang siyang nagiging ganito?

Mahinang natawa si Jace sa tabi kaya napabaling kaming lahat. Nang napansin niya naman iyon ay itinikom niya ang bibig bago nagsalita. “Sorry, but I had the urge to meddle in this. Mukhang nakakalimutan mo yata na nandoon ako sa labas kanina, Chesca? I saw what happened at ikaw ang humila kay Miss Joson.” Pinanliitan niya ng mata si Chesca, inirapan naman siya nito.

“Ano ang totoong nangyari, Miss Joson?” si Mama.

Tumingin ako kay Sandra at ngumiti, napansin kong nanginginig siya kaya bumulong ako kay Kuya. “Kuya, nanginginig siya pwede bang ilayo mo siya kay Chesca?" Nagtatanong ang tingin ni Kuya, pero hindi na siya nang usisa pa.

Nirequest nito na ilipat si Sandra sa bandang gitna kung saan malapit kina Archie at Sam.

Pakiramdam ko kasi ay malakas ang kamandag ni Chesca, at mukhang tumitiklop na ang isa, hindi pa siya makapagsalita.

“A-Ano po,” panimula nito sabay sulyap kay Chesca na masama na ang tingin sa akin.

“S-Sinaktan po ako ni Ariane —”

“I beg your pardon.” Hindi ko napigilan ang pagsalita. Akala ko ba ay nagkaintindihan na kami?

“O, tingnan mo nga naman! Siya na mismo ang nag —” naputol ang pinagsasabi ni Chesca nang pumasok ang hinihingal na si Trisha.

Napabaling kaming lahat sa kaniya nang may pagtataka sa mukha.

“Sorry po, but I think I need to speak up.” Yumuko siya at umupo sa tabi ni Sandra para magpahinga muna saglit.

“Trisha, what are you doing here?” kinakabahang tanong ni Chesca kay Trisha na hindi makatingin sa kanya.

Hinawakan ni Trisha ang kamay ni Sandra at parehas silang bumaling sa akin.

Nangunot ang aking noo.

“Okay, again. Sinaktan ka ba ni Miss Reistre kanina” ulit ni Dean Hisman.

Ang dami na namin dito sa loob at parang ang laki ng problema na nararanasan namin ngayon. Sabagay, cheating is a crime.

Huminga nang malalim si Sandra bago nagsalita. “Sorry po, hindi niya po ako sinaktan.”

“Ang gulo mo, hija! Ano ba talaga ang totoo?” naiiritang tugon ni Papa.

“Pa,” saway ko sa kaniya, hinawakan naman siya ni Mama sa braso.

Nakita iyon ni Chesca kaya sumama ang mukha niya.

“Sorry po talaga, ang totoo niyan —”

“Sandra!” sigaw ni Chesca.

"Tumigil ka nga, Chesca! Magsalita ka na Sandra!” pang-i-encourage naman ni Trisha sa isa.

“I-Inutusan po akong gawin iyon —”

“Si Miss Allen ba ang nag-utos?” si Mama sa mahinahong boses.

“Why are you accusing me?” mariing tanong ni Chesca.

“Hindi ko na nagugustuhan iyang tabil ng bibig mo!” singhal ko, nagsimula nang mairita sa kaniya.

“Opo siya po, inutusan niya ako at kung hindi ko raw po siya susundin... ay sisiraan niya ako p-para matanggal sa eskwelahang ito...”

“W-What?! How dare you, Sandra! H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!” sigaw niya at akmang sasabunutan si Sandra nang hawakan siya sa braso ng babaeng nagbuhos sa akin ng tubig kanina.

“Don't. Sabihin mo nga... ikaw rin ba ang naglagay ng ipis sa locker ko at pinagmukhang si Ariane?” Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ni Chesca na halos mapadaing siya sa sakit.

“Yes,” nagsalita si Trisha.

“What do you mean, Miss Carlon?” si Dean Hisman.

“Sasabihin ko po ang lahat. Inaamin ko po na may kasalanan ako, s-sorry, Ariane.”

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya.

May kinalaman siya?

Kumirot ang aking dibdib sa sakit, akala ko pa naman ay totoo siya sa akin pero parehas din pala sila. Ngayon na nga lang ulit ako nagkaroon ng mga babaeng kaibigan, sila rin pala ang magiging dahilan sa pagiging ganito ko. Karma ba ‘to?

“Ang totoo po ay tinakot din ako ni Chesca na kung hindi ako susunod sa kaniya ay sisiraan niya ako hanggang sa matanggal daw ako sa eskwelahan... kaya naman sumunod ako sa sinabi niya. Kaming dalawa ni Sandra.” Sumulyap siya kay Sandra at sa akin, nag-iwas kaagad ako ng tingin.

“S-Si Chesca ang nagtext sa ’yo kahapon, Ariane. Ang plano niya ay papaalisin ka niya para mailagay ang papel sa bag mo tapos pagpupunta ka ng faculty room, nakalista na sa log book ang pangalan mo bago pa man gaya ng utos ni Chesca kay Sandra, at iniba rin ang oras. Si Chesca rin ang kumuha ng answer key sa bag ni Sir habang wala ito, iyong kumuha si Sir ng mga test paper. Ang sabi niya sa akin ay siya ang maglalagay at kausapin ko naman si Kent at Archie sa labas para hindi mahalata...” Huminto siya saglit at huminga nang malalim.

Nakagat ko ang aking labi, pinipigilang maluha. Ano ba ang ginawa kong masama kay Chesca at bakit kaya niyang gawin lahat para lang masira ako?

Si Kuya naman ay pabuntonghininga na hinila ako para akbayan at tapikin sa braso. “You don’t deserve this, it’ll be fine, okay? I am here,” paalala niya.

Tumango ako.

"Sa locker naman, siya ang may gawa no’n. Hindi ba’t magkaaway kayong dalawa? Ginawa niya iyon para makaganti sa ‘yo at ginamit ang pangalan ni Ariane para mas maraming magalit sa kaniya —”

“How dare you!” sumigaw ang babae at walang pasubaling sinampal si Chesca.

Hindi pa kaagad ako nakakurap sa nangyari kung hindi lang pumagitna si Kent para pigilan ang dalawa. “Hoy, kalma lang kayo, aba,” paninita ni Kent.

“Stop!” Umalingaangaw ang sigaw ni Lolo na siyang nakapagpatigil sa lahat. “Hindi ko alam na may ganito palang estudyante sa Clark High! Ang laki nang pinagbago pati mga ugali ng estudyante! I can’t believe you, Dean Hisman,” seryosong sabi ni Lolo.

Tumayo si Dean at yumuko. “Paumanhin, Mr. Owen.”

Nangunot ang aking noo. Ano ba talagang meron at ganito ang asta nila?

“Ma, what's happening?” bulong ko kay Mama ngunit wala akong nakuhang sagot.

“Bukas papuntahin mo ang magulang mo, Miss Allen,” utos ni Dean.

Umirap lamang si Chesca na parang wala lang ito.

“Hindi ka ba pinalaki nang maayos ng mga magulang mo kaya wala kang galang?!” naiirita at galit na sabi ni Lolo.

“Auren, Roen, umuwi na tayo,” pinal na sabi ni Lolo na tinanguan lamang si Dean Hisman.

“How about us, Kuya?” tanong ko kay Kuya sa gilid.

“We still have time, mauuna lang sila, okay?”

Tumango na lang ako.

“Zirdy, take care of your sister.” Ngumiti si Mama at nauna nang lumabas.

Niyakap naman ko ni Papa. “We’ll talk later, okay? Mainit ang ulo ng Lolo kaya mauuna muna kami, ayos ba iyon?”

Tumango ako hanggang sa lumabas na rin sila.

“Mr. Zirdy Reistre,” tawag ng dean kay Kuya. “Pumaroon na kayo sa room niyo, ako na ang bahala.”

“Opo, Dean. Salamat.” Hinila ako ni Kuya kaya nagpatianod ako. Nakita kong bumaling si Trisha sa akin pagdaan namin, pero nag-iwas lamang ako ng tingin.

Nagpapasalamat ako sa ginawa niyang pag-amin, pero hindi rin matanggal sa isipan ko na nagawa niya iyon.

Naiintindihan ko siya ngunit ang sakit din pala isipin na itinuring ko siyang kaibigan pero may balak pala siya kapag nakatalikod ako.

Nasa labas na kami at hinihintay sila Jace.

“Ari, mauna na muna kami ni Sam dahil kakausapin namin si Sir Payne. Sumabay ka muna kanila Kent, huh?” paalam ni Kuya, ginulo niya ang aking buhok bago halikan ang tuktok ng aking ulo.

Tumango ako. “Salamat, Kuya.”

Ngumiti siya bago tumalikod sa akin kasabay si Sam.

“Ari, ayos ka lang ba?” salubong naman ni Kent sa akin nang nakalabas na siya.

Napabaling ako sa mga taong kalalabas lang din sa loob, huminto sila sa harapan ko. “Sorry pala kanina, sorry talaga hindi ko alam atsaka sorry rin sa panghuhusga.” Yumuko siya ganoon din ang dalawa niyang kasama.

Tinapik ko siya sa balikat na ikinaangat ng tingin niya. “Okay lang.”

“Ako rin, Ariane. Kung hindi ako lumapit sa ‘yo kanina hindi ka sana nahulog sa hagdan. Sorry talaga, sana mapatawad mo kami. Ano ba ang gusto mong gawin ko para naman makabawi ako.” Tumitig siya sa aking mata kaya nilabanan ko rin ang tingin niya. Guwapo siya... pero mas guwapo ‘yong manliligaw ko.

Naalala ko tuloy agad si Jace kaya luminga-linga ako at nakita siya sa gilid na masama ang tingin sa kaharap ko.

Nagkamot ng batok ang lalaki. “Ako pala si John —” Namula ang lalaki ngunit pinutol ito ni Jace.

“Ano ‘to harap-harapang flirt? Umalis ka na bago pa dumapo itong kamao ko sa iyo,” ani Jace atsaka hinapit ang aking baywang habang hinihintay namin silang magsi-alisan.

Nakaramdam ako ng kuryente sa aking buong katawan dahil sa ginawa niyang iyon kaya hindi kaagad ako nakagalaw.

Nilingon ko si Jace na masama naman ngayon ang tingin sa akin. “Ano?” inosente kong tanong.

Inirapan niya ako. “Nah.”

Nagseselos ba siya? Luminga-linga ako at nakitang wala namang tao, wala rin sila Kent at Archie dahil umalis na yata.

“Sino hinahanap mo? Narito naman ako, tss.” Inirapan niya ulit ako at ikinalas ang kamay sa aking baywang para humalukipkip.

Dahan-dahan akong ngumiti sa kaniya. Nakasimangot na siya ngayon kaya tumingkayad ako para abutin ang kaniyang labi at binigyan siya ng mabilis at mababaw na halik. 

He froze by my sudden move. Kulang pa yata dahil mas lalo siyang sumimangot.

Pero dahil takot ako na baka makita kami ay hinila ko na siya nang walang pasabi. Nakarating kami sa bench na walang tao, naupo ako at ganoon din siya kaso nga lang ay nakabusangot ang mukha.

“Nagseselos ka ba o kulang pa?” walang hiyang tanong ko at lumapit sa kaniya.

“Woy, Jace...” tawag ko sa kaniya.

Lumapit pa ako lalo sa kaniya at hinawakan ang baba para mapalingon sa akin, pero wala pa rin. Kaya naman sa inis ko ay lumayo ako nang kaunti at hindi na lang din siya pinansin.

Maya-maya ay naramdaman kong umusog siya palapit sa akin. “Are you okay?” tanong niya, pero hindi ko siya pinansin.

“Hey, babe.” Isinukbit niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. “You’re so beautiful, babe,” he whispered.

“See? This is how the table turns. Kanina ako ang nagtatampo tapos ngayon ikaw naman.”

Sinisisi niya ba ako?

He sighed. “Okay, I give up.”

Doon ako napalingon at nginisihan siya. Dahil sa pagkainis ko sa kaniya ay mabilis ko siyang hinalikan sa magkabilang pisngi bago umayos ng upo dahil baka may makakita.

“How about here?” Itinuro niya ang labi.

“Tapos na kanina, ah! Abusado ka, ‘no?”

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko at yumuko para abutin ang aking labi, namilog ang aking mata.

Bumitaw siya at ngumiti. “Got you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top