Chapter 21
Chapter 21: Defamation
Kinakabahan ako sa lalabas sa mga exam. Kadalasan pa naman noon sa Delaria High, kung ano ang pinag-aralan mong mabuti ay hindi lumalabas sa exam, at kung ano naman ang hindi mo pinagtuunan ng review ay iyon pa ang lalabas.
“Good morning, Sir! Ang aga mo po yata?” ani Kuya.
Yumuko kami nang bahagya para bumati kay Sir na nakatayo sa pintuan at parang nagbabantay.
“Sadyang late ka lang talaga!”
Nangunot ang aking noo. Late? 7:57 AM pa nga lang. May tatlong minuto pa, e.
“OKAY, tatawagin ko kayo isa-isa and you may proceed to your assigned seats.”
“Joson, dito ka sa unahan.” Tumayo si Sandra at lumipat sa kanang dulo ng front row.
“Carlon, Allen, Gomez.” Nagsitayuan ang mga tinawag at umupo sa mga tinuturong upuan ni Sir.
“Anella Reistre.” Itinuro ni Sir sa akin ang ikalawang hilera. Si Chesca at Trisha ang katabi ko.
“Valderama, Prama, Keiro Reistre...” Nasa hilera ko ang dalawa. Sa likod ni Sam at Archie si Kuya naupo.
“We still have 30 minutes before we start, nag-aral naman kayo nang mabuti hindi ba?” Tinaliman kami ng tingin ni Sir. Nagsitanguan kami.
Sa isang linggo naming pag-aaral ay natapos namin ang buong module, ako naman ay nag-aaral pa rin sa bahay kapag gabi kaya wala akong problema sa pagsagot kung sakaling madali lang ang sasagutan.
“Mr. Prama and Zirdy Reistre come with me, kukuha tayo ng test papers.”
Tumayo silang dalawa at sumunod kay Sir na naglakad na palabas.
“Anella! Kinakabahan ako!” saad ni Archie nang umalis na sina Sir.
Natawa ako. “Bakit naman? Nag-aral naman tayo, ah?”
Tumunog ang aking phone na nasa bulsa kaya napabaling ako roon atsaka kinuha.
Nangunot ang aking noo sa nagmessage.
Unknown number: Hey, can you come here in faculty room? Thanks.
Ako: Who‘s this?
Walang nagreply kaya nagpaalam ako kay Archie na pupunta lang ng faculty. Habang nasa daan ako napag-isipan kung kanino ang number na iyon? At bakit ako pinapapunta sa faculty room?
Sumilip ako sa loob pagkarating ko at nakitang wala namang tao o baka naman hindi ko lang nakita? May napansin akong papel na nakadikit sa pinakagilid kaya nilapitan ko iyon atsaka kinuha.
'Bad luck for you, AVR.'
AVR? Hindi kaya ako ‘to dahil initial ng pangalan ko.
Magsisimula na ang exam maya-maya at ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa ring lumalabas sa faculty room, wala ring text kaya naman naglakad na ako pabalik sa building. Nang nakakita pa ako ng basurahan ay nilukot ko ang papel at itinapon.
Nang nakarating ako doon ay nakagat ko ang aking labi dahil mukhang kumpleto na sila at ako na lang ang wala pa.
Napabuga ako ng hangin, hindi ako napansin ni Sir dahil busy siya sa mga papel na nasa lamesa niya kaya diretso lang akong pumasok.
“Ilapag niyo lahat ng mobile phones ninyo rito sa lamesa ko,” sambit ni Sir nang natapos sa pag-arrange. Kinolekta ni Kuya at Sam ang phones namin para mapadali.
Ang unang test ay Biology at ang kasunod siguro nito ay ang History, iyan lang naman ang subjects ni Sir kaya siguro half-day lang kami ngayong araw.
Wala na kaming klase mamayang hapon kaya isang oras lang din ang break namin mamaya. Natapos na ang time sa Biology exam kaya ikinolekta na ni Sir, sinunod naman ang test papers ng History.
Nagsimula na kaming sumagot sa aming mga papel, tahimik ang lahat at nakatuon lang sa papel na hawak kaya binasa ko nang mabuti ang mga tanong.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasagot nang may isang estudyanteng pumasok sa aming room, napabaling kaming lahat doon.
"Good morning, Sir Payne. Sorry for disturbing your class. I am the President of SSG, may I talk to you a moment?” sabi ng lalaki.
“Sure, sa labas na lang,” tugon ni Sir.
Nakabalik na si Sir sa loob na natatarantang kinalkal ang bag at may kinuhang folder, halos ang laman ng bag niya ay nagkalat sa lamesa.
“Hala, nawala rin ang kopya ng answer key ko. Sigurado ba kayo?” Narinig kong sabi ni Sir.
Nag-angat ako ng tingin at napansing kasama niya na ang SSG president at isang teacher.
“Okay class,listen up!” Umalingawngaw ang boses ni Sir Payne sa klase kaya napatigil halos kami.
“Sino ang tapos na?” mahinahon ngunit mariin niya tanong.
Maraming nagtaas ng kamay kabilang na ako roon.
“Sa mga tapos na pwede na muna kayong mag break.”
Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Unti-unting nagsilabasan ang iba naming kaklase, tumayo ako sa kinauupuan para sana magyaya na magbreak na rin ngunit natigil ako nang tawagin ako ni Sir Payne. “Miss Reistre.”
“Bakit po, Sir?” sagot ko.
“Pumunta ka sa faculty room kanina?” diretso niyang sabi.
Naguguluhan man ay tumango ako. “Opo.”
“I want you to give me an honest answer...”
“Wait, Sir. What‘s happening?” pagsingit ni Chesca sa gilid.
“Huwag sumabat,” pagsita ng isang teacher.
“Reistre, right? We have noticed that you signed on our visitor’s log book in faculty room. May kinuha ka ba sa loob?” boses nagdududa na dagdag ng babaeng teacher.
“Po? Hindi po ako nagsulat dahil nasa labas lang po ako ng faculty —”
Pinutol niya ako at bahagyang tumawa bago dumugtong. “Talaga? At ano namang dahilan mo para pumunta roon?”
“May nagtext po kasi na pumunta raw —”
“No excuses, tingnan mo ‘to.” Inilahad niya sa akin ang log book na nakabukas at itinuro ang aking pangalan sa listahan.
'Anella Victoriane Reistre | 8:19 AM'
“How can you explain it?”
“Anella, hindi ba‘t nagpaalam ka rin ng mga oras na ’yan?” usisa ni Archie sa tabi ni Kuya, tumango ako.
Nakagat ko ang aking labi. “Pero nagsasabi po ako nang totoo, hindi po talaga ako pumasok at lalong nagsulat sa log book.”
“Sir, hindi naman magagawa ni Ariane iyan,” sambit ni Kent.
Si Kuya ay nangunot pa rin ang noo habang pinagmamasdan kami.
“Pakikuha ng bag niya, Miss Carlon,” utos ni Sir kay Trisha na kabado naman nitong sinunod.
“Sir, you can’t just accuse her. Wala naman kayong mga ebidensiya na sumusuporta sa claim niyo,” seryosong sabi ni Kuya pagkatapos ilapag ni Trisha ang bag ko sa lamesa.
“We’ll check it. Hindi naman inaakusahan,” tugon nito.
“But that’s invasion of privacy, Sir,” hindi pa rin nagpatinag si Kuya.
Bahagya ko siyang siniko. “Ayos lang, Kuya.”
“Pero —”
“Ayos nga lang!” iritadong pagputol ko.
Natahimik naman siya.
“Ako ang magbubukas, Sir,” suhestiyon naman ni Chesca na pinagtakahan ko.
Nang binuksan nito ang aking bag ay kumuha siya ng notebook doon, pagkahila niya ay may dalawang papel na nahulog.
“Oops, may nahulog, ano ’to?” Kinuha niya ang papel na iyon at binuklat dahil nakatupi.
Nanlaki ang mata niya at iniharap sa amin ang dalawang papel.
Answer key!
Walang nakapagsalita ni isa sa amin.
Unti-unting dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang maramdaman kong hawakan ni Kuya ang aking braso.
“Answer key,” tango-tangong ani ng teacher, kinuha niya ang dalawang papel. “How would you explain this?”
Umiling ako, hindi makapagsalita.
“Miss Reistre, paano ‘to napunta sa bag mo?” tanong naman ni Sir.
“Baka naman may naglagay, Sir,” rason ni Kent.
“Hindi naman po niya magagawa iyan, Sir,” nagsalita na ulit si Kuya.
“I understand, kahit ako ay hindi naniniwalang magagawa ito niya ito.” Nagpalipat-lipat ng tingin si Sir sa amin ni Kuya.
“Umamin ka na, ipadadala ka namin sa dean’s office sa ginawa mong ito,” ismid ng teacher.
Ayaw kong magkaroon ng bad record, pero ano nga ang aaminin ko, e, wala naman akong ginawa?
Hindi ko maintindihan, nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang gawin iyon.
“Kuya,” pagtawag ko.
“It’s fine, malalaman din natin kung sino ang gumawa. Don’t worry, I am here okay?”
“Sir, puwede bang magbreak muna kami?”btanong niya na tinanguan ni Sir.
Nasa hallway kami naglalakad pababa sa cafeteria. Nasa gilid ko si Kuya na katabi si Kent at Archie sa kabila naman ay si Sam na kanina pa ako pinagmamasdan.
“Ninakaw raw niyan ang answer key rinig ko kanina.”
Bulong ng mga tao sa hallway ang narinig ko. Yumuko ako nang bahagya, what did I do wrong this time? Ang sakit sa pakiramdam na sinasabihan ka ng masasamang salita ng mga tao kahit hindi nila alam ang buong kuwento.
Hindi ko maintindihan siguro nga ganito talaga sa mundong ibabaw, nakapaligid lang ang mga taong mapanghusga, ultimong magkamali ka lang sunod-sunod na ang masasamang salita galing sa kanila.
Can’t they just shut their mouth up kung wala naman silang sasabihing maganda?
Natapos kaming kumain sa cafeteria at dapat ngayong afternoon at uuwi na kami, pero ito ako papuntang Dean’s office. I shouldn’t be nervous because I’m not guilty, pero iyan pa ba ang iisipin ko?
May mga tao talagang gagawin ang lahat masira ka kaya ikaw mismo, na sarili mo, kailangang mag-ingat sa mga kilos para hindi masalisihan. Huminga ako nang malalim.
Kinausap ako ni Dean at tatawagin niya ang magulang bukas na bukas din para mapag-usapan ang problema.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top