Chapter 2

Chapter 2: Friends

“Where do you think you’re going?”

I stopped in my track when a girl spoke up.  “Bakit?”

“I still have questions in mind, balik doon,” mataray na aniya sabay turo sa harapan kung saan ako pumuwesto para magpakilala.

Nagtataka man ay sumunod na lang ako habang ang mga tao sa loob ay pinagmamasdan lang ako.

They’re weird.

“So, mind to tell your talent? O kung mayro’n ba?” Bakas pa rin sa boses niya ang pagtataray habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.

“Kanta... kanta na lang,” I unsurely answered.

Wala naman talaga akong talent. Marunong ako kumanta, pero hindi ko naman sinabi na magaling din. Is it really required to have one in this school? I don’t think so.

“Oh, really? You look like not.”

Alam ko, huwag mo na ipamukha.

May mga bulong-bulungan ulit hanggang sa nahagip ng paningin ko si Zian na nakatingin lang din sa harapan ko.

Halos malagutan ako ng hininga sa naisip.

Siya kaya?

Pero baka kamukha lang.

“That’s enough, students! Miss Reistre, please take your seat.” Tinanguan ko si Sir Payne at bumalik na sa upuan, sinalubong naman agad ako ng ngiti ni Zian.

“You did great, Ari,” he said so I gave him a look.

Ari.

Hindi lang naman ang sariling pamilya ko ang p’wedeng tumawag no’n. It could be everybody.

“Ba’t bakante ‘yang nasa tabi mo, Zian?” tanong ko maya-maya sabay turo sa pagitan nila noong Archie.

“Uh, may katabi pa tayo rito nasa Student Council lang, excuse siya may ginagawa kasi sila.”

“Okay...”

“You are a Reistre, Miss?” pagsingit noong Archie yata ang pangalan.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Sinabi ko na kanina, boomerang lang?”

Mahina siyang natawa at paulit-ulit na nagwacky. “Ganito ba ang boomerang?” Sabay wacky ulit, pabalik-balik.

I couldn’t help but to chuckle towards his personality. I like this guy to be my friend.

“So, magkaano-ano kayo? At parang wala akong alam... ‘tol, may tinatago ka na ba sa ‘kin?” madramang aniya sabay lapat ng palad sa dibdib ni Zian na kaagad namang hinawi ng huli.

“Shut up, umayos ka nga at baka masita ka pa ni Sir.” Bumaling siya sa ‘kin at ngumisi. “Don’t mind him.”

Tumango na lang ako at itinuon ang atensyon sa harapan.

After the discussion, Zian invited me to come in the cafeteria. “Tara, sabay tayo kumain sa cafeteria.” Tumayo siya at naglahad ng kamay sa ‘kin na inignora ko lang.

“No, thanks,” I said, addressing to his extended hand before I stood. “Let’s go na?”

Tahimik lang kaming naglalakad sa gitna ng hallway pababa papuntang cafeteria.

Reistre rin kaya siya gaya no’ng narinig ko kanina? Pero baka mali lang ang pandinig ko. E, nahihiya rin akong magtanong at baka mapahiya lang... kasi kung siya nga... e, ba’t hindi niya ako kilala? Atsaka nasa probinsya sina Papa, imposible yata.

“Wala ka bang ibang kasabay?” tanong ko na lang.

“Ikaw.”

“I mean your friends? Ba’t ‘di mo kasabay?”

“Nauna na sila sa cafeteria sinabi ko kasi na yayayain kita, don’t worry mababait sila,” kumbinsi niya.

Nang nakarating na kami ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng cafeteria.

“Anella, Zian! Naandito kami!” Pagtaas ng kamay ng kaklase namin. Pumunta kami sa table niya at naupo kami ni Zian sa bakanteng upuan.

“Ito si Archie ‘yong kanina, at teka wala pa ba ang isa? Nasa’n si—" Naputol ang pagpapakilala ni Zian sa kaibigan nang may nagsalita sa harapan namin.

“Hey! Sorry, hindi ako nakapasok kanina—” si Sam? We’re classmates?

“Ikaw?” dagdag niya.

“Ikaw rin?” ani ko.

“Magkakilala kayo?” tanong noong si Archie.

“Uhm, actually siya ‘yong nagturo sa ‘kin kung saan ang room ng 11-A,” sagot ko.

“Yeah, nakalimutan kong sabihin kanina. Nawala rin kasi sa isip ko,” si Sam sabay kamot sa likod ng ulo.

“Ayos lang.”

“Nice, dahil may bagong recruit! Libre ko, samahan mo ‘ko, Zian!” si Archie sabay hatak kay Zian.

“Oh, great! So we’ll just wait here then,” ani Sam.

Umalis na si Archie at Zian kaya si Sam at ako na lang ang naiwan.

“So mind to introduce yourself properly?”

“Oo naman, Anella Victoriane Reistre is my name. P’wede mo ‘ko tawagin ng kahit ano...” I let out a small smile before extending my hand.

“Baby, then?” When he saw my eyes widened, he laughed. “Joke lang, Ella na lang ang tawag ko sa ‘yo. Anyway, I’m Samiel Prama.”

Nawala ang atensyon ni Sam sa akin nang may tatlong estudyante ang lumapit sa table namin.

“Sam, ‘di ba member ka ng Student Council? May tatanong lang sana kami.”

“Oh, sure. Ano ba ‘yon?”

Sinenyasan muna ako ni Sam na sasagutin muna niya sila, tumango naman ako.

“Did the history book of Clark High still exist?” tanong ng isa.

Nangunot naman ang noo ni Sam. “History book? What do you mean?”

“Yes, mayroon daw. Nakalagay roon lahat ang mga information tungkol sa pinagmulan ng Clark High at ang mga nasa likod nito.”

Napaisip si Sam. “I’m not sure, bakit pala?”

Nagkatinginan sila. “Gusto lang namin malaman kung sino iyong presidente na umalis sa puwesto, may naikuwento kasi sa ‘min tungkol doon kaya ayon.”

Natawa si Sam. “Google niyo na lang. Wala akong alam.”

“Wala kaming internet sa bahay.”

“Sa computer lab,” suhestiyon niya.

“Ah, sige. Salamat!” anila at umalis.

Nagkatinginan kami ni Sam.

“Maraming naging presidente kaso hindi ko kilala lahat,” aniya.

“Ako rin,” pagsang-ayon ko, natatawa.

“Anyway, I don't get it,” naguguluhang aniya.

“Ang?”

“Reistre ka, ‘di ba... e, kaano-ano mo si—”

Kaagad may umakbay sa kaniya dahilan nang pagtigil at paglingon niya naman doon.

“Tama na daldal, kain na!” si Archie sabay salpak ng sandwich sa nakaawang na labi ni Sam.

Natawa ako.

“Kain ka na rin,” yaya naman ni Zian sabay lapag ng tray sa lamesa.

“Thanks,” saad ko.

He just smiled.

After we ate, nagpaalam muna ako na pupunta ng comfort room. While I was retouching someone entered the room.

“Hi, short-haired girl,” bati ni Chesca.

Napasimangot ako at humarap sa salamin. True enough, my hair was just shoulder-length and a bit wavy.

“Bakit?” tanong ko nang napansin ang panliliit niya ng mata sa ‘kin.

“What’s your relationship with Zian?”

“Hmm, bakit?” tanong ko ulit at tuluyan na siyang hinarap.

“Bukod ba sa bakit wala ka nang isasagot?”

“Why?” I answered instead.

Para bang nainis siya sa ‘kin at inirapan ako nang todo. “Well, if you’re related to him... well, I know you are... just wait for an explosion, honey,” she said, smirking before rolling her eyes at me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top