Chapter 19

Chapter 19: Picture

“You’re blushing,” puna ni Jace at ngumisi.

Nag-iwas naman ako ng tingin dahil masyado na akong obvious. “Hindi ka yata bumisita sa school ngayon?”

Pagkatapos akong pabihisin ng mama nito ay bumaba na ako at naaabutan si Jace na hinihintay ako sa living room.

“Kasi pupunta ka rin naman dito, at saka ayaw pa kitang harapin.”

“Bakit naman?” tanong ko.

“Nothing, babe.”

Hinampas ko siya sa braso dahil napapansin kong napapadalas ang tawag niya noon sa akin. “Don’t call me that!” singhal ko sabay tayo.

“Ano’ng masama? Okay naman, ah. Should I call you wifey, then?” panunuya niya.

Inirapan ko siya at naglakad na papuntang dining room nila. “Magre-review pa kami kaya huwag mo ako landiin,” rason ko nang hindi siya nililingon at kahit hindi siya nagtatanong.

Natapos na kaming magmeryenda kaya naman lumabas kami sa pinto sa gilid ng dining room nila. Napansin kong malawak ang area nila rito sa likod may mga halaman sa gilid-gilid at swimming pool doon sa pinakadulo, dito nama’y may malaki na round wooden table at dalawang mahabang bench sa magkabilaan.

Dinala lang namin ang mga kailangan notebook at ballpen. “Nakalimutan ko mag-photocopy, sorry talaga.”

“Ayos lang, Ella. Ako na lang gagawa, may printer kami sa loob, samahan mo na lang ako.”

Tumango ako. “Nakalimutan ko talaga, sorry.” Nagkamot ako ng ulo habang hawak-hawak ang module.

“It’s fine, Ella, really,” sabi niya at hinila na ako para isama sa loob.

Napahinto rin agad kaming dalawa dahil kay Jace na nasa harap na namin ngayon. Sumulyap siya sa braso kong may kamay ni Sam na nakahawak.

Agad ko namang tinanggal ang kamay nito at lumunok.

“Where are you two going?”

“Will just photocopy this,” sagot niya sabay turo m sa hawak kong module.

Kinuha ni Jace ang module na hawak ko atsaka pinagmasdan. “Kami na ni Victoriane...” aniya at sumulyap sa akin.

Sumulyap ako kay Sam na laglag ang panga. “What did you say?”

Kami na ang bahala sa module o kami na as in us, tayo na?

“Don’t think too much, bro. Kami ang magpo-photocopy nito at kung ang iniisip mo ay kami na as in in relationship ay mas maganda.” Nagkibit-balikat si Jace atsaka ako hinila, nagpatianod naman ako.

Nakarating kami sa dulo ng ikalawang palapag, ang library raw. Malinis at katamtaman ang laki ng library nila. Maraming libro na maayos na nakalagay sa bookshelves. May computer set sa gilid, tabi ng lamesa na may mga folders.

Iminuwesta niya akong maupo sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa kaya naman sumunod ako at naupo habang siya naman ay inaayos ang printer para sa photocopy ng module namin.

Inilibot ko ang aking tingin sa four-corner wall, ngayon ko lang napansin na may mga picture frames din pala na nakasabit sa wall sa gilid ng pintuan.

Nanliit ang mata ko habang pinagmamasdan ang mga pictures doon na hindi ko ganoon makita kaya tumayo ako para matingnan nang maayos.

Dahan-dahan ko iyong pinasadahan ng daliri hanggang sa may natanto ako na naging dahilan para manlaki ang mata sa nakitang litrato ng bata!

Nalaglag ang aking panga nang maalala ang picture na nasa wallet ko!

I wasn’t mistaken, I am sure with this one.

Diretso akong lumabas at hindi na isinatinig ang pagtawag ni Jace. Bbumaba ako at lumapit sa sofa, binuksan ko ang aking bag at kinuha ang wallet atsaka bumalik kaagad sa taas papuntang library.

Kakalabas lang ni Jace galing sa loob nang nakita niya akong hinihingal. “What’s wrong?”

Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niyang nakakunot.

Nanliit ang mata ko.

Bakit hindi ko kaagad napansin ang resemblance?

“W-Wala, tara pasok na tayo sa loob.”

Sumang-ayon naman siya kaya pinapasok niya na ako sa loob habang hawak-hawak ko pa rin ang peach kong wallet.

“Ano ang mayroon sa wallet mo?” kuryoso niyang tanong na nakahilig sa hamba ng pintuan pero umayos siya ng tayo at sinarado ito.

Hindi ko siya sinagot at binuksan na lang ang wallet ko, pinagmasdan ko ang picture ni Zithrace doon, at ibinalik ang tingin sa isang litrato na nakakuha ng atensyon ko.

Halos lumuwa ang mata ko sa paglaki dahil sa gulat na pareho nga sila! Ang picture na nasa wallet ko at picture na nasa harap ko na nakadikit sa dingding ay iisa!

Hindi ko namalayan na nakadungaw rin pala si Jace sa wallet ko, titig lang ako sa kaniya hanggang sa kinuha niya ito at ito naman ang binigyan niya ng atensyon.

Hindi ako makapaniwala! Iisa lang ang picture na iyon at gayang-gaya, ang picture ng baby at si Jace ngayon ay nagkakahawig. Kaya sigurado akong si Jace at si Zithrace ay iisa!

Nakatitig lang ako sa puting pader na para bang ito ang may kasalanan. Hindi ko tuloy maharap si Jace dahil sa kahihiyan.

Hindi ko siya malingon pero alam kong nasa gilid ko siya nakatayo at ramdam ko ang titig niya sa akin.

Alam na kaya niya na ako ’yon? Hindi malabong malaman niya dahil totoo naman ang pangalan ko roon. Hindi kaya kaya niya ako kinuwentuhan noon dahil sinusubukan niya ako kung naaalala ko pa ba? ’Yan kaya ang ibig niyang sabihin na una pa lang ay alam niyang ako na tapos buti nagkita na kami? At sabi niyang he knows me well?

Hindi kaya nililigawan niya lang ako kasi ako iyong Victoriane na nasa online ganoon?

Huminga ako nang malalim at mariing pumikit bago dahan-dahang pumihit para makaharap siya.

“Ikaw si... Zithrace?”

Ngumisi siya sa akin. “We met each other now, huh?”

Napanguso na ako nang tuluyan at hindi napigilang yakapin siya. “Buwisit ka, ikaw pala ’yon,” bulong ko at kunwaring suminghot. “Ba’t ’di halata? Ang landi mo sa personal, nakakainis ka, pero roon ay parang ang seryoso mo.”

Humalakhak siya. “Harsh mo naman,” aniya.

Nagkatitigan kami.

Tumitig siya sa mata ko bago iyon bumaba sa aking labi. Napalunok ako.

“Slap me after this,” he said as he gave me a quick kiss.

I could literally feel my heart beats so fast until he left my lips parted.

Nang naghiwalay ang aming labi ay ngumiti siya dahilan nang paglitaw na naman ang cute niyang dimples, atsaka kinagat ang labi.

Kaya gaya ng sabi niya ay sinampal ko siya, hindi naman malakas tama lang.

“Damn, why did you slap me?” tanong niya, sumimangot.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha masasabi ko talagang may perpekto na ginawa ang Diyos, pero naalala ko playboy nga pala ito. “Sinunod ko lang ang sinabi mo.”

Lalo pa siyang sumimangot.

“Anyway, ano ang masasabi mo? We’re destined?” Tumawa siya at pabirong hinaplos ang baywang ko.

“Victoriane,” tawag niya sa akin saka tuluyan nang ipinulupot ang braso sa baywang ko.

I frowned.

Magsasalita na sana siya ngunit itinikom niya na lang ulit. Umayos na ako ng tayo nakangisi pa rin hanggang sa may bumukas ng pintuan at iniluwa noon si Sam.

Nangunot ang noo ni Sam sa nakitang paghawak sa aking baywang.

Tumikhim naman si Jace at malawak na binuksan ang pinto. “What?” singhal nito.

“What are you guys doing? Saan na iyong pina-photocopy ni Ella?” Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa.

Bumagsak ang balikat ni Jace at binalik sa akin ang wallet bago lumapit sa printer.

“Ano iyan? May I see?” usisa ni Sam at hindi na nakapaghintay at kinuha na ang nakabukas kong wallet.

Nanliit ang mata niya bago nag-angat ng tingin sa akin. “Kuya’s baby picture?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa picture.

Ngumuso siya. “Pinaprint mo ’to?”

Sasagot na sana ako nang naunahan ako ni Jace.

“Istorbo ka!” iritadong aniya.

“I'm just curious!” pag-irap naman ni Sam.

Natawa ako at hinablot ang wallet bago inilagay sa bulsa. “You’re so grumpy, Samiel!”

“Bakit nga kasi may picture niya sa wallet mo?” nakasimangot niyang tanong.

Kung hindi ko lang alam na kapatid siya ni Jace at kaibigan ko siya masasabi ko talagang nagseselos siya.

“Why do you wanna know?” tanong ni Jace na nasa harap namin ngayon at inaayos mga hawak na papel.

“Tss,” si Sam at hinablot ang mga papel kaya nahulog ang iba.

Kaagad naman akong yumuko para damputin ito nang nahawakan nang bahagya ni Sam ang aking kamay, I felt something wrong.

I pursed my lips ang looked away. May humawak sa baywang ko para makatayo, nang lumingon ako ay salubong na ang tingin ni Jace kay Sam na nagdadampot ng mga papel. “Back off, will you?”

“Sino ka ba?” sabat ni Sam, naiinis.

Nangunot ang noo ko nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

“If you’re thinking to make a move, just stop. Akin ’to, hindi na puwede. Understood?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top