Chapter 18
Chapter 18: Juice
“Kailan tayo pupunta kanila Sam?” tanong ni Kent bago kumagat sa bacon na hawak.
“Oo nga pala?” Nilingon ko naman si Kuya na umiinom ng juice.
Nagpunas siya gamit ang table napkin bago sumagot. “Mamaya siguro."
“Ano ba‘ng gagawin niyo, mga apo?” tanong ni lolo na nasa gitnang dulo ng lamesa.
“Group study,” I answered boredly.
“Mag-aral kayo nang mabuti,” paalala ni Mama nang nag-ayos na kami pagkatapos kumain.
Nakarating na kami sa Clark High kaya bumaba na kami at nagpaalam kay Kuya Jul.
Nasa gate naman kami nang binati rin si Kuya Shan. “Magandang umaga!” bungad niya nang nakarating kami sa harap niya.
Ngumiti lang ako sa kaniya.
Nagsimula na ang pang-umaga naming klase. Wala akong gana the whole hours, paano? E, wala ang mokong, busy yata! Sana ni-text niya man lang ako.
“Sis, ano problema?” bulong ni Trisha sa kalagitnaan ng pagdi-discuss ni Sir.
Umiling ako.
“What are the three types of bonding, Miss Carlon? Seemed like you‘re not listening.” Bakas sa boses ni Sir ang sarkasmo nang tinawag niya si Trisha.
Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang tawa dahil pasimple niya akong kinakalabit na para bang nagpapatulong sa pagsagot.
“Carlon!” sigaw pa nito nang hindi pa nakasagot si Trisha.
“Yes Sir!”
Bahagya akong lumapit at nagtago sa likod niya para makabulong ng sagot. “Ionic...”
She cleared her throat. “S-Sir! Ionic...”
“Covalent—”
“Sir... si Ariane... t-tinuturuan si Miss Carlon!" sambit ng katabi kong si Sandra.
Dahil sa gulat ko ay nataranta ako at umayos kaagad ng upo bago nag-angat ng tingin kay Sir.
Bakit siya nanglalaglag?
“At bakit, Miss Reistre?”
Hindi ako nakasagot kaya tumungo ako.
“Kapag hindi mo nasagutan nang maayos, Carlon. Palalabasin ko kayong dalawa —”
“Sir, can I answer instead?” naputol sa pagbanta si Sir nang may sumabat.
Napalingon kaming lahat sa bandang likod nang nagtaas ng kamay si Sam.
“Okay?”
Aambang mauupo na sana si Trisha nang itinaas ni Sir ang kaniyang kamay. “Did I tell you to sit?”
Umiling ito.
“Answer it, Mister.”
“The three types of bonding are ionic, covalent, and metallic,” simpleng sagot ni Sam sa tanong.
NATAPOS na ang pang umaga naming klase kaya naman inayos ko ang gamit ko para makapagbreak na kami sa cafeteria.
“Naiinis ako sa kaniya!” gigil na bulong ni Trisha sa akin habang nililigpit ang notes niya.
I chuckled.
Tama rin naman ang ginawa ni Sandra, siyempre mali iyong ginawa ko kaya magsusumbong talaga siya! Pero napaisip din ako, dapat hindi niya iyon ginawa.
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
“Ah, Sandra,Gio? Break tayo? Sama kayo?” Hilaw akong ngumiti sa kanila habang l tinuturo ang pintuan.
Tumango si Gio at kinukumbinsi si Sandra na nagdadalawang isip pa.
“Can we talk?"” mahinahon kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin sa akin bago alinlangang tumango.
“Ari! Saan ka?” sita ni Kent sa akin nang umalis ako sa upuan.
“Wait lang! Mauna na kayong lahat doon, susunod ako!” sagot ko ‘saka lumabas habang nasa likod ko si Sandra na sumusunod.
Dumaan ako sa pasilyo kung saan wala masyadong tao, nilingon ko ito na tahimik lamang akong pinagmamasdan at sinusundan.
“Ano —” Magsisimula pa lang ako ay pinutol kaagad nito.
“Sorry.”
Nataranta ako kaya hinawakan ko siya sa braso na ikinagulat niya. “Ba‘t ka nagso-sorry? Ako nga dapat iyon, e, kasi nakita mo pa akong tinuruan si Trisha. Alam ko namang mali iyon... pero ayos ka lang ba?”
I felt something weird about her. I mean, she's fine the past few days, but today, she acts weird.
“No, I‘m sorry,” aniya at nag-iwas ng tingin.
Bumuga ako ng hangin. “Okay ka lang ba? If you want, you can talk about it with me.”
Ngumiti lang siya sa akin at umiling.
PAGKAHAPON ay sabay-sabay kaming sumakay ng sasakyan patungo sa bahay nina Sam para sa aming group study.
“May iba kasing pampan diyan...” Kanina pa nagpaparinig si Trisha rito sa loob ng sasakyan.
“Tumigil ka na,” paniniko ko dahil nasa kabilang gilid ko lamang si Sandra.
Bumaling si Chesca sa likod at inirapan kaming dalawa. “Manahimik nga kayong dalawa!”
Humalakhak si Trisha na parang nang-aasar bago nagsalita. “Ang nagdriver nga walang reklamo ikaw pa kayang konduktor?” sarkastikong tugon ni Trisha.
“Grabe, ang guwapong driver nito,” pakikisali ni Sam, ang nagda-drive.
Natahimik naman si Trisha at umirap na lang. Tahimik lang kaming nasa biyahe hanggang sa nakarating na kami sa malaking bahay.
“Madame, lumabas ka na sa lungga mo. Huwag kang maghintay na pagbuksan ka ng prinsipe mo at wala ka rito noon!” sarkastikong ani Trisha pagkatapos buksan ang pinto sa front seat dahil nakababa na lahat-lahat ay nandoon pa rin si Chesca.
Inayos ko na lang ang aking bag sa balikat habang naghihintay sa kanila. Sumulyap ako sa dalawa na ngayon ay nagbabatuhan na ng masasamang tingin sa isa‘t isa.
Sabay kaming sinamahan ni Sam papasok sa loob. Inilibot ko ang tingin sa labas nila, malinis at halos green lang ang makikita mo sa labas nila dahil sa mga halaman na maayos na nakapalibot, malawak din ang loob ng bahay nila na makikita mo galing sa labas dahil sa malaking window pane.
“Tara, sa dining room baka nandoon sina Mama.” Hinila ni Sam ang braso ko na siyang ikinaawang ng labi ko.
Wala na akong nagawa kung hindi magpatianod kaya kumapit na lang din si Trisha sa akin habang sumusunod lang si Chesca na nakabusangot.
Pagkarating namin sa malaking dining room nila ay may isang babae na blonde ang buhok, naka-itim na dress, maputi at katamtaman ang tangkad na nakatayo patalikod sa amin at kinakausap sila Archie na nakahilig sa countertop.
“Ma,” tawag ni Sam kaya napabaling ang babae.
Nagulat ako dahil ang ganda niya akala ko ay kapatid niya o ano dahil mukhang dalaga pa, hindi ko alam na mama niya pala ito!
Until a realization dawned on me.
Jace might be here!
“Hello po.” Yumuko ako nang bahagya para batiin ang mama nina Sam at Jace na nakangiti akong pinagmamasdan.
“I am Angelyn Prama. Call me Tita, okay?” Pinisil nito ang aking kamay bago ulit nagpatuloy. “You‘re such a pretty lady, no wonder why my son likes you...”
Nanlaki ang mata ko. “P-Po? Si Sam?”
She softly chuckled. “No, of course not. Si Jace ang ibig kong sabihin, ang panganay ko.”
My heart started to beat erratically.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya naman itinaas niya ang kamay para tumuro. Sinundan ko ang direksyon nito hanggang sa dumapo iyon sa mga taong nasa lamesa.
Si Sam, Archie, Kent, Kuya at... Jace.
“Oh, look at that, my son is already staring at you kanina pa,” saad niya nang hindi ako tinitingnan.
Nag-iwas ako ng tingin kay Jace dahil totoong na sa akin ang atensyon niya.
“Hindi naman po,” I denied.
“Hindi mo sure, hija. Mamaya na tayo mag-usap dahil magrereview pa kayo, hindi ba? Sana madalas ang pagbisita mo rito. Wala akong anak na babae kaya paminsan-minsa‘y nabuburyo ako,” malambing niya sabi atsaka ako iginiya sa dining table.
Pinaupo niya ako sa tabi ni Chesca na ang katapat naman ay si Jace.
“Ihahanda ko lamang ang meryenda atsaka kayo magsimula sa pag-aaral niya,” anito at umalis.
Napalunok ako at hinahanap na lang si Trisha ngunit napagigitnaan pala namin si Chesca dahil nasa kabila ang una, busy siya sa pakikipag-usap kay Sam, Kent at Archie.
Napatingin ako sa kamay ni Chesca nang napansin na nakakuyom ito sa hita niya atsaka ako nag-angat ng tingin. Napalunok ako dahil sa kaba nang sa akin niya ipukol ang tingin niyang masama.
Para bang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo, iyong tingin na kinamumuhian na para bang ikaw ang pumatay sa buong angkan.
Wala akong pinapatay, ni lamok nga hindi ko mahuli.
Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya, but careful enough not to gaze on his direction. Kahit hindi ko kita ay ramdam ko na may nakatingin sa akin, at siya iyon panigurado.
Dumating si Tita Lyn na may dala-dalang tray, akma sanang tatayo si Jace para tulungan ang ina, pero lumikha ng ingay ang pagkaka-usog ni Chesca sa upuan dahil sa pagtayo niya. “I‘ll help you, Tita.”
“So sweet of you, but it‘s okay,” pagtanggi nito, pero hindi nagpatinag si Chesca at nilapitan siya para agawin ang isang tray na hawak nito.
Pinanonood ko lang ang kilos niya hanggang sa naglakad na ito pabalik dala-dala ang juice.
Inilapag niya ito sa gitna at isa-isa naman niyang ipinamahagi sa amin.
“Thanks,” ani Kuya habang pinagmamasdan pa rin siya.
Nang may natira na lang na tatlong baso ay umikot siya para mailapag iyon sa harap ni Trisha, inilapag niya muna ang tray at kinuha ang huling dalawang baso. Inilapag ang isa sa harap niya at ang huli ay inilapag sa harap ko.
Babalik na sana siya sa pag-upo ngunit hindi yata siya magkasya sa espasyo kaya tumayo ako para iurong ang upuan. Umupo na ulit ako at hinintay siyang umupo, kita ko kung paano niyang pasimpleng tabigin ang basong nasa harap ko dahilan para matapon iyon sa akin.
“Ay!” Napahawak si Chesca sa bibig niya.
Tumayo ako kaagad ako para hindi pa lalong mabasa. Akmang lalapit si Kuya sa akin nang unahan siya ni Jace.
Kumuha si Sam ng towel sa cabinet nila at inilahad sa akin. “Ano ba iyan, can you be careful, Chesca?” anito sa babae.
Akmang pupunasan niya ang damit ko nang agawin ni Jace sa kamay niya ang towel. “Alis, ako na.”
Napaawang ang labi ko dahil bakas sa boses niya ang pagkainis sa kapatid. Wala namang nagawa si Sam kung hindi umalis.
Nang akma niya ring dadampian ng towel ang damit ko ay nagsalita ako. “Ako na,” sabi ko at kukunin na sana ang towel sa kamay niya, pero inilag niya iyon.
“Just wanna do this simple thing, just let me.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top