Chapter 16
Chapter 16: Fall
“Victoriane.” Umangat ang gilid ng kaniyang labi nang napansing tulala ako sa kaniya kahit na naglalakad.
“What? Tumigil ka nga!”
“So, did you have a friend before in Delaria High?” tanong niya sa akin.
Gigil ako sa mukha niya, I mean... ang guwapo kasi talaga niya kaya ‘di ko napigilang kurutin siya sa pisngi.
“Aw,” daing niya at hinaplos ang pisngi.
“Ano nga ulit tanong mo kanina?”
Huminto kami saglit bago niya ako sagutin. “May kaibigan ka ba sa Delaria High before?”
Ba’t niya alam na roon ako nag-aaral?
“Friend? Siguro... bakit?”
“Hmm, online friend?”
Napaisip ako.
S’yempre mayroon.
Miss ko na nga iyon, e... sobra.
Halos nga araw-araw talaga kaming nag-uusap no’n. Ang naging dahilan lang nang hindi na namin pagchachat ay nasesermonan ako ni Mama. Paano ba naman kasi lagi akong napupuyat kahihintay sa kaniya, minsan din gabi na siya nag-oopen dahil may inaasikaso raw siya. Bukod doon ay lagi akong tutok sa gadgets kaya nagagalit si Mama.
Nabalik ako sa ulirat nang may kamay na kumakaway sa harap mismo ng mukha ko.
“You‘re spacing out, baby.”
“Tigilan mo nga ako. Anyway, mayroon akong internet friend sa second account ko. I wonder... kumusta na kaya siya? Hindi ko na rin kasi naopen ang account ko na iyon. Nakapagpaalam naman ako sa kaniya kaso nakakamiss talaga siya,” pagkukuwento ko.
Titig lang siya sa akin na naging dahilan para mailang ako. “Bakit?” tanong ko habang inaayos ang buhok niyang bahagyang nakagulo.
His lips parted with my gestures kaya kaagad kong ibinaba ang kamay.
“Hmm, alam mo... iyong friend ko na iyon? Grabe, the best siya. Totoo pala talaga, ‘no?”
“Ang alin?”
“Iyong makakahanap ka ng comfort sa isang tao kahit naman hindi mo nakilala personally. Sa internet lang to be exact. I could say that... sometimes, internet friend is better than real life friend... na hindi naman talaga kaibigan ang turing sa ’yo.”
“Victoriane...”
Ngumiti ako. “Alam mo kasi, Jace... wala talaga akong close friend, may kaibigan akong nakakasama ko kung pupunta ng comfort room o cafeteria, pero iba kasi iyong genuine friend na mananatili sa tabi mo... through your worse... wala ako no’n, pero alam mo may friend ako sa Internet, siya iyong kakuwentuhan ko, sa kaniya ko binubuhos iyong mga thoughts na naiisip ko. He’s my comfort zone when I was at my lowest... daming memories namin.” I was smiling while reminiscing those days.
“Can I explain?” mayamaya ay tanong niya, may halong pag-iingat.
Itinagilid ko ang ulo. “Ano?” Hindi niya ako sinagot at hinila na lamang para maupo sa bench.
“About Chesca,” panimula niya.
Tumango lang ako, gesturing him to continue.
“We’re not a thing if you’re suspecting us...”
Nagtaas ako ng kilay.
“I got to know her when I visited Sam in this school... she befriended me, and me being a friendly—”
“Flirty kamo,” walang prenong putol ko na ikinangisi lang nito.
“We talked about random stuff, so we became friends. She actually knew about this hobby of mine, I am fond of social medias especially before, so you know... medyo alam niya iyong mga hilig ko sa bagay-bagay.”
“Like?”
“Chatting random strangers. She knew my account, and that account was just for fun. And me being a stupid shit, pinaniwalaan ko siya sa sinabi niyang siya iyong lagi kong kachat, even it wasn’t true.”
Does it mean... ni-joke time lang siya?
Natawa ako.
He sighed. “Nevermind, that was just so low of me. Iyong sa ’yo naman... nalaman ko na may kapatid si Zian dahil naikuwento niya dati, pero hindi ko kilala ang mukha, just your name.”
Kaya pala parang wala lang sa kaniya noong una naming pagkikita.
“I actually had an internet friend too,” he confessed.
“Talaga?”
Tumango siya. “Yeah, I always feel this foreign feeling before whenever we talk. A feeling... that makes me fall for her every single day...” Sumulyap siya sa akin nang may sinserong ngiti.
“‘Di mo na nakakausap ngayon?”
“Yep, she actually left a message. Though, it was fine, since you’re now here.”
“Bakit ako?”
“I really don’t know... you just made my heart beat so fast the day we first met.”
Ngumiwi ako.
Naalala ko tuloy iyong Internet friend ko na nagsend ng baby picture niya sa akin, remembrance rin daw. Pinadevelop ko talaga iyon at inilagay sa wallet ko, nagsend din ako sa kaniya ng sa akin para fair kami. Sayang nga at sa tagal naming nag-uusap hindi man lang namin nakita ang present pictures, pero iyon naman talaga dapat. Bawal ipaalam ang identity.
Hinampas ko siya at sinamaan ng tingin. “Corny mo, huwag ka nga!”
Seryoso siyang nagpapaliwanag tapos magsisinungaling, minsan talaga hindi ko siya maintindihan.
Mas malabo pa kaysa sa TV na walang antenna!
“I am genuinely and sincerely liking you, Victoriane.”
Tumitig ako sa mga mata niya para malaman kung totoo nga ba siya sa sinasabi niya. Nakitaan ko naman ng pagkaseryoso ang mata niya, at ako lang din kaagad ang umiwas dahil kinakabahan ako tuwing magtatagal ang titigan namin sa isa‘t isa.
“I really thought we wouldn’t meet each other, but look... it happened.”
Nagkatinginan kami.
I couldn’t understand what he meant by that, but I already believed him... I fell in his trap.
“Can I...” he trailed off as his gaze went down... on my lips.
Napalunok ako at napatingin din tuloy sa labi niya. “Can I what?” tanong ko.
“Slap me after this...” he replied and slowly leaned until our faces were just inch away... he tilted his head and reached for my lips.
He planted a soft kiss on my lips.
Napako ako sa kinauupuan, hindi makagalaw sa gulat at bilis nang pagtibok ng aking puso.
Did he just... kiss me?
Dilat pa rin ang mata ko hanggang sa bumitaw siya at tumitig sa ’kin.
“I‘m falling...” aniya.
NASA hapag kami ngayon at kumakain ng hapunan. Hindi pa rin matanggal sa isipan ang halik na iyon.
Bakit kapag sa akin parang sasabog ako habang sa kaniya ay parang normal lang naman?
Ganito ba kapag nagkakagusto na? O... in love?
“Apo, are you listening?” Umalingawngaw sa aking pandinig ang tanong na iyon ni Lolo.
Nataranta ako kaya umayos agad ako sa pagkakaupo. “Y-Yes, Lolo?” nauutal kong sambit.
“How was your day?”
“It was fine, Lolo,” sagot ko habang ngumunguya.
Sumipol si Kent at binigyan ako ng makahulugang tingin.
Kaagad naman akong kinabahan.
“Apo, we‘re eating, stop doing that,” mahinahong sermon ni lolo.
“Hindi ka naman diet, ‘di ba? Besides, patpatin ka kaya huwag ka na magbalak magdiet,” bulong ni Kuya sa tabi ko bago nilagyan ng sinigang na baboy ang aking plato.
“Kuya, nakakainis ka. Buti na lang favorite ko ‘to.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Ubusin mo iyang pagkain mo.”
Tumango ako.
Nang natapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Naglinis na ako ng katawan bago humilata sa kama.
Napabalikwas ako ng bangon nang may kumatok, "Pasok!" sigaw ko.
Iniluwa ng pinto si Kuya na naka-tee at sweatpants.
“What‘s wrong, Kuya?”
“So, okay na kayo ni Jace?” Umupo siya sa gilid ng aking kama at humalukipkip.
“Ayaw mo ba kaming maging okay, Kuya?”
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “May sinabi ba ako?”
Inosente naman akong nagpailing-iling.
“Something happened earlier, totoo ba iyon?”
Kinabahan ako. Don‘t tell me they saw it?!
“Bakit gusto mong malaman?” pabalik kong tanong.
Sinamaan niya ako ng tingin. “You shouldn’t two kiss, wala nga kayong label tapos ganoon?”
Nanlaki ang mata ko. “Kuya!”
“Oh, bakit? Kita namin ni Kent, kung tumagal pa iyon baka sumabog nguso noong si Jace.”
“‘Di mo ba alam ang salitang privacy, Kuya?” inis na tanong ko sa kaniya.
He smirked. “Right, hindi mo ba alam ang salitang privacy, Ari?” balik niyang tanong at tinaas ang isang kilay.
Ngumuso ako.
“Sa private ginagawa iyon, pero bakit nasa public place kayo? Alangan naman kami ang mag-adjust, ‘di ba?”
“Pero sana hindi mo tiningnan!” depensa ko ulit.
“It was unintentional, Ari, since you two did it in public place. Don’t make excuses, tapos na rin naman, e.”
Tumango ako at nakinig na lang sa mga sermon niya.
“I am worried, Ari. I care for you because I love you... what if he hurts you, huh?” ani Kuya habang nakatitig sa kisame.
Tumingala rin ako para tingnan kung ano ang mayroon sa kisame, atsaka ibinalik ang tingin sa kaniya. “E, ‘di, hindi na iyon mauulit, Kuya. Atsaka, sincere naman yata siya...”
“You aren’t even sure. Ari, ayaw ko nang makitang umiyak ka ulit dahil nasasaktan, nagsisi nga ako noon dati kaya ayaw ko na ulit mangyari iyon. I won’t let them hurt you, but I can’t promise you‘ll be good always either. Just remember, Kuya‘s always here when you need me.”
Inilahad niya sa akin ang dalawang kamay niya kaya lumapit ako sa kaniya para yumakap. Ang suwerte ko at may pamilya akong gaya nila kahit ba nawala sila nang matagal ay sulit naman nang bumalik na.
“Thank you, Kuya...” bulong ko.
“I love you, my princess...” Sabay halik ni Kuya sa tuktok ng aking ulo.
Kumalas na siya sa akin at bahagyang ginulo ang aking buhok. “You can always lean on me. I trust Jace, but I trust you more. Hindi naman kita puwedeng pagbawalan sa mga bagay-bagay. If it makes you happy, so be it, but I won’t sit still if it’s now hurting you.”
Napangiti ako.
“Rest, princess. Good night,” paalam ni Kuya.
Hays, the best kuya.
WEEK passed and it went good.
Nakatunganga ako kinagabihan at naisip na siguro panahon na para i-check ko na ang ibang social media accounts ko.
S’yempre, I got curious kung kumusta na ba iyong kaibigan ko. I wonder if ginagamit pa ba niya ang account niya?
Kinuha ko ang high chair at ipinatong ang laptop doon, naka-indian seat ako sa gilid ng kama para hindi mahirapan.
Habang naghihintay na bumukas ang laptop ay tumunog ang aking cellphone.
Mr. Playboy: What are you doing?
Ako: gonna check my social media, u?
Mr. Playboy: Currently starting at my baby’s picture.
Kumunot ang aking noo sa text niya hanggang sa umusbong na naman ang pagkairita ko.
Pinaglololoko niya ba ako? Nakakainis!Bahala siya, hindi ko talaga siya papansinin.
Malandi talaga ang lalaking iyon!
I opened my another account on Facebook.
It’s been months since I deactived my Facebook.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang nabuksan iyon. Dumiretso kaagad ako sa message at nanlaki ang mata kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso.
Zithrace sent a message.
Nalaglag ang aking panga sa nabasa.
He still left me a message!
Zithrace: The worst thing I‘ve experienced so far is to miss someone when they are not close, and know that they won’t be, but still, my heart waits for you. Even when it knows that you‘ll not come back.
Napatakip ako sa bibig nang nabasa iyon. Higit ilang buwan na ang last niyang message, siguro nagmessage siya sa akin bago ko pa talaga madeactivate.
If I‘ll send him a message. Would he read it again? Like he used to? But impossible, parang hindi niya na ginagamit ang account na ito kahit hindi naman naka-deactivate.
I stalked his account, nothing changed ganoon pa rin gaya noong last check ko.
Pero may isang post na bago lang sa mata ko.
Zithrace: I miss you.
I didn't notice na natunganga na pala ako. Alam kong ako ang ibig sabihin niya nito.
He's so open to me except to his real identity, pero alam ko totoo iyong mga sinasabi niya sa akin even if we’re strangers. It doesn’t matter to me.
Ni-click ko ang comments at binasa.
Chesca: I missed you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top