Chapter 15

Chapter 15: Group

“Keiro, saan ka ba nakatira noon?” tanong ni Trisha habang umiinom ng juice.

“Kent na lang. Anyway, sa probinsya namin.”

“Ano... kaano-ano mo sila Anella at Zian?” Sa wakas ay nakisali na rin si Sandra sa usapan namin kanina pa talaga siya tahimik, tahimik naman talaga siya.

“We’re cousins. Magkapatid ama namin.”

“Bakit ka nga pala nag-transfer?” Napalingon kami sa nagsalita. 

Dala-dala ang tray ng pagkain ay umupo siya sa bakanteng upuan na sa tabi ko.

“Hi, Chesca.” Sinserong ngiti ko kay Chesca, ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay bago ulit nagsalita.

“Bakit ka nag-transfer?” ulit niya at kumagat sa sandwich na hawak.

“Bawal ba?”

“May sinabi ba ako? I was just asking.”

“Because my family’s here.”

Humalukipkip ako dahil tapos nang kumain kaya nakinig na lang ako sa batuhan nila ng salita.

“Okay? Puwede akong makisabay rito? Hindi ba, Sam?” dagdag nito at bumaling kay Sam.

“Nandiyan ka na, e. Ano pa ang magagawa ko? Ngayon ka lang magtatanong kung kailan malapit ka nang matapos.”  Umirap siya kay Chesca ‘saka uminom ng juice.

Natawa na lang ako sa pagka-suplado ni Sam.

Hindi ko nga rin inaasahang makikisali sa amin si Chesca. Wala namang kaso sa akin iyon, huwag lang talaga siyang magsimula ng gulo.

On the other hand, panay naman ang sulyap ko kay Jace kung tinitinhnan niya ba si Chesca, pero hindi ko maintindihan kasi tuwing susulyap ako ay nagtatama agad ang paningin namin.

Pinilig ko na lang ang ulo sa mga iniisip. I shouldn't think about them. Masaya ako, na sa sobrang saya ko nakalimutan kong may nangyari nga pala kahapon lang. Parang ang bilis naman yata namatay ng pangyayaring iyon. Oo nga naman, wala namang importante roon.

“Are you okay?” bulong ni Trisha sa kabilang gilid ko.

Lumingon ako sa kaniya at tumango.

“Kanina ka pa nakatitig kay Jace.” Bakas sa boses niya ang panunuya.

“Sure ka?” kunot noo kong tanong.

Don’t tell me habang lutang ako rito ay nakatuon pala ang paningin ko sa kaniya?Nakakahiya!

May sumipa sa akin sa ilalim ng upuan kaya sumilip ako roon at ang paa ni Archie ang nadatnan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang may nagtatanong na mukha at halong iritasyon.

Inginuso niya naman si Jace kaya sinulyapan ko ang mokong na titig sa akin. Matutunaw talaga ako titig niyang may pagnanasa, baka hindi ko namalayan pinapatay niya na pala ako sa isip niya.

“Ariane... I have to go, may gagawin pa kasi ako, is it okay?” Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang may bumulong sa aking likod.

Napalingon ako at nakita si Gio, masiyadong malapit ang mukha namin sa isa‘t isa dahil sa paglingon ko.

May mga tumikhim kaya nabalik ako sa ulirat at ngumiti na lang nang hilaw dahil sa kahihiyan.

Tumango ako. “Sige, salamat sa pagsama. Sorry hindi tayo sabay na aakyat.”

Ngumiti naman siya sa akin. “Okay lang, salamat din!” Nagpaalam na rin siya sa mga kasama namin bago pumanhik.

Napalingon ako sa tumikhim. Si Jace na masama ang tingin sa akin.

Napaawang ang aking labi at nagpalipat-lipat ng tingin sa mga kasama.

Tinuro ko ang aking sarili. “Ako? Bakit?”

“May gusto ka ba sa nerd na ‘yon?”

“Selos ang papi, sis,” natatawang bulong ni Trisha.

Humalukipkip ako at taas noo siyang tiningnan. “Kung mayroon, ano naman?” balik na tanong ko.

“Lumipat ka lang ng puwesto, Anella! May iba ka na! Paano ako?” Humawak si Archie sa dibdib niya na parang nasasaktan. 

“Baliw! Issue mo.” Uminom na lang ako ng juice para hindi mahalata ang aking ngisi sa seryosong mukha ng lalaki.

Inakbayan ni Kent si Jace. “Ari, nagseselos ang best friend ko h’wag harap-harapan!”

“Shut up.” Kinalas ni Jace ang braso nito.

“Why would he be?” sabat ni Chesca.

“E, ‘di ba manliligaw ito ng pinsan ko! Hindi mo ba alam? Kala ko pa naman lagi kayong magkakasama!” sagot naman ni Kent na agad siniko ni Kuya.

“Kent, guwapo ka sana kaso ang daldal mo! Manahimik ka!” Binato ni Trisha si Kent ng tissue. 

Lumabas ang kaniyang dimple nang tumawa siya. “At least guwapo pa rin. Is it a turn off of me being like this?”

“Not really,” si Chesca.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng aking palda. Itinukod ko ang aking kamay sa lamesa nang binasa ang text message ni Sam.

Samiel: Let’s go, mauna na tayo.

Napalingon ako kay Sam na nakatingin na sa akin.

Hindi ko alam kung bakit, pero pumayag ako.

Ako: Oki

“Who are you texting?” Sumulyap si Chesca sa akin na nakataas ang kilay.

Nagkasalubong ang kilay ni Jace nang narinig iyon, ngumiti ako.

Nang nakitang tumayo si Sam ay tumayo na rin ako at bahagyang bumulong kay Trisha. “Wait lang, mauna na ako. Dito ka muna, huh?”

“Susundan mo ba ang nerd na iyon?” Bakas sa boses ni Jace ang iritasyon.

“Uhm,” simula ko na kunwaring nag-iisip. “Does it matter to you?” tanong ko pabalik.

Tumunog ulit ang aking cellphone kaya kinuha ko ulit ito.

Samiel: Just go.

“Stay,” seryosong ani Jace.

Umiling ako at bumaling kay Kuya na nanliliit ang mata sa akin. “Wait lang,” I mouthed.

Naghihintay si Sam sa akin sa hagdanan nang nakarating ako roon. Nakasimangot na siya kaya sinapak ko ang braso niya.

“Ano ba ang problema mo, Sam?”

“Wala naman...”

Pinanliitan ko siya ng mata. “Sure ka?”

Tumango siya at nag-iwas ng tingin.

“I don’t believe you,” pagmamatigas ko habang sinusundan siya paakyat.

“Wala nga.”

Sa curiousity ko ay hinaklit ko ang braso niya dahilan para mapaharap siya ngunit muntikan na rin kaming madulas sa hagdan kung hindi siya kaagad na kahawak sa railings, at ang isang kamay ay nasa braso ko. “Ella, what the hell!”

Nanlaki rin ang mata ko sa kaba at gulat kaya hindi kaagad ako nakasagot.

“We almost fell,” pahayag niya.

Nagpakurap-kurap ako at inayos ang tindig. “Sorry...”

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. “I am sorry, too. It‘s just... I don’t want you near him.”

Kumunot ang noo ko. “Jace?”

Alinlangan siyang tumango at nag-iwas ng tingin.

Napaisip ako.

Bakit naman? At saka... ano namang karapatan niya para pagbawalan ako?

Hindi ko na lang pinahaba ang usapan at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad patungo sa class room.

“Reistre ulit? Welcome to 11-A, Mister,” bati ni Miss Florencia kay Kent.

“Jace Prama, you’re here." Nagtaas kilay si Miss kay Jace na nasa likod at nakasalampak sa upuan.

“Walang pinagbago mukhang tamad ka pa rin, hijo.”

Does it mean naging estudyante niya rin si Jace dati?

“We will be having our group study... at paalala, ang subject ni Mr. Payne at subject ko sa inyo ay ipagsasama-sama ko na lamang. According to Mr. Payne, wala siyang enough time para mag-prepare dahil siya ang na-assign sa upcoming event...”

“Ang tatawagin ko ay tatayo, random akong pipili. Sa isang grupo ay may anim o pitong miyembro. Later, I will discuss about it,” dagdag pa nito.

“Abellana, Flavio, Gomez, Joson...”

Patuloy lang sa pagtawag si Miss sa mga pangalan ng mga grupo. Nang nasa ikaapat na grupo na ay nagsimula ulit siyang magtawag.

“So, dahil may pito pang natitira sa listahan ko ay sila ang last na grupo...” anito at binuklat ang attendance.

“Reistre... sorry, tatlo pala kayo,” natatawang ani Miss.

“Chesca Allen, Trisha Carlon, Samiel Prama, Anella Reistre, Keiro Reistre, Zirdy Reistre, Samiel Prama, and Archie Valderama...”

I clicked my tongue and nodded.

“It is settled. What we’re going to do now is discuss about the lessons you’ll be studying.”

“Nagrupo ako sa matatalino, yes!” tili ni Trisha na nasa tabi ko.

Napailing ako na lang ako sa kakalugan niya.

“Sayang naman hindi natin makakasama si Gio atsaka Sandra.” Ngumuso ako.

Ngumiti naman si Sandra. “Okay lang naman, atsaka hindi yata ako bagay sa inyo.”

“Uy, ano ka ba huwag kang ganiyan!” saway ko sa kaniya.

“Ako din naman, mas sanay akong mag-isang nag-aaral,” si Gio.

“Ano ba naman ’tong dalawa!” reklamo ko.

“Miss Reistre, puwedeng mamaya na iyan? Nagpapaliwanag ako rito.”

Nasermonan na naman tuloy ako.

“Bakit ba kasi ang daldal?” sambit ni Chesca sa harap.

“S’yempre may bibig!” sigaw naman ng isang naming kaklase na si Jerome.

“Hahabol pa kayo ng lessons kaya I prefer na mag-group study kayo for upcoming quarterly exam hindi rin kasi ako makakapagturo lagi dahil ayon din sa pinagmeetingan namin baka matuloy na ang event kaya some of us would be busy...”

Tumango-tango kami.

“I will assign a leader. Ibibigay ko sa kanila mamaya ang module na pag-aaralan niyo. Iilan lang ang copies ko, so if you want to study alone pwede kayong magpa-photo copy pero as what I said group study, so group study nga, ‘di ba?”

May topak yata ‘tong si Miss.

“By next days magpapa-group quiz ako about our lessons, so you need to read and analyze every topic. Kayo ang bahala kung may idadagdag kayong research about it. Ang importante ay masagot ninyo lahat ang mga tanong sa exams...”

“For group 1, Flavio...”

Namili pa si Miss ng leader kaya tahimik lang kaming naghihintay.

“For the last group... Prama!” Itinaas ni Miss ang papel para makuha ang atensyon ni Sam.

Napalingon ako at napansing tulala pala siya kung hindi lang siya kinalabit ni Kuya ay lutang pa rin siya.

“We still have a time. Discuss it with your group and puwede kayong outdoor mag review, but just don’t forget to ask your professor’s consent. That’s all. I will give you the remaining time to discuss it with your group. Goodbye.”

Lumabas na si Miss kaya kani-kaniya na ulit ang iba.

“Sis, ang gwapo ng kuya at pinsan mo,” biglaang sabi ni Trisha sa akin.

Sinundan ko ang tingin niya. Iyon pala ay sila Kuya na nag uusap-usap at itong babaeng ito ay panay ang usisa.

“Gaganda ng lahi niyo, sis! Pasabi sa pinsan mo palahi rin ako!” Sabay hampas sa akin, napangiwi na lang ako sa kabulastugan ng kaibigan.

Kinurot ko ang tagiliran niya.

“Ella! Dito kayo, oh!” tawag ni Sam sa akin at tinuturo ang mga bakanteng upuan na nakapabilog ang porma.

Tumayo ako at hinila ang kamay ni Trisha. “Tawag tayo! Mauna ka na, tatawagin ko lang si Chesca.”

Naglakad na siya at umupo roon kaya pinuntahan ko si Chesca sa harapan na nagce-cell phone.

Kinalabit ko siya.

“What?!” reklamo niya sabay angat ng tingin sa akin.

Inginuso ko ang mga kagrupo namin. “Wala ka bang balak?”

Inirapan niya ako. “The hell I care, umalis ka na nga.”

Hindi ko na lang siya sinagot at umalis na.

“Since we have a week to study... kung gusto niyo ay sa amin tayo mag-review...”

“Kayong bahala. Ganito ba sila kahirap at hindi maka-provide ng tig-iisang copies? Hirap nito, share tayo sa aaralin,” tugon ni Kent.

“Ako na lang ang bahala sa photo copy niyan,” suhestiyon ko.

Bumaling sa akin si Sam. “Sure.”

Nang natapos namin pag-usapan ang mga gagawin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniyang upuan at inayos ang gamit para makauwi na.

“Sis, una na ako, bye.” Trisha kissed my cheek.

“Mauna na rin kami, huh? Bye!” Kumaway si Sandra samantalang ngiti lamang ang iginawad ni Gio.

“Sabay pala kayo umuuwi?” tanong ko nang hindi pa sila nakakalabas.

"Magkapit-bahay lang kami nitong si Gio.”

Tumango ako at pinanood na silang umalis.

Inayos ko ang aking bag na nasa balikat bago humarap sa direksyon kung saan sina  Kuya, ngunit nabunggo ako sa balikat ng kung sino.

“Hehe, sorry.” Nag-angat ako ng tingin at awtomatikong itinikom ang bibig nang nakitang si Jace iyon.

“Sabay tayo,” maawtoridad niyang sabi.

“Magsasabay naman talaga tayong lahat,” sagot ko.

“E, ‘di mauna tayo! I already asked your brother’s permission, unless you disagree...”

“What if I do?”

“Then let’s get married.”

Suminghap ako at dinuro siya. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, stupid.”

He raised a brow when he saw my annoyed face.

“Nakakainis ka! I mean, what if I do disagree?” pandidiin ko.

Nang hindi siya sumagot ay bumuntonghininga ako. “Oo na, sabay na tayo. Buwisit kang lalaki ka,” bulong-bulungan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top