Chapter 14

Chapter 14: Kent

“Dito na rin po ba mag-aaral si Kent?”

Kasalukuyan na kaming nasa dining room at kumakain ng hapunan. I‘ve never been this happy during our dinner until today.

“Yes, anak,” sagot ni Papa.

“Oh, my gosh! Does that mean we‘re classmates too?”

“We‘ll see,” Lolo said. 

Natapos na kaming kumain kaya kani-kaniya na rin kami nang akyat sa kuwarto para makapaglinis ng katawan.

Dito raw muna pansamantala sila Tito Von, Kent at Lolo sa amin, though mayroon din naman silang sariling bahay rito sa Valley Golf.

“Apo, halika!”

Sabik akong umupo sa tabi ni Lolo, sa kabila ay katabi ko si Kent at sa harapan naman namin si Kuya.

“‘Tol, classmates tayo! Excited ako!” Sinapak ni Kent sa braso si Kuya na parang gigil na gigil.

“Kaya dapat kang manapak?” Sinamaan naman siya ng tingin ni Kuya.

“Lolo, confirmed na ba na sa Clark High mag-aaral si Kent?”

“Oo naman.”

We talked about some random stuff until Lolo brought up something that would surely make me blush.

“Itong apo ko ay dalagang-dalaga na dahil may manliligaw! Naalala niyo iyong apo ng best friend ko na si Domi? Kaso pumanaw na ang amigo ko na iyon. Nakakalungkot isipin. Hay ang Domi, iniwan ako sa ere.”

“Bakit, Lolo, gusto mo ba sumama sa kaniya?” inosenteng sambit ko.

“Sino pa lang manliligaw, Lolo?” tanong ni Kent na nakapatong na ang paa sa hita ni Kuya kaya tinampal ni Kuya ang paa nito. 

Akmang itataas ni Kent ang gitnang daliri nang inginuso ni Kuya si Lolo.

“Si Jace, apo. Iyong panganay ng mga Prama,” si Lolo. 

Nagtiim-labi ako.

Bakit pati sila alam, e, niloloko lang naman ako no’n?

“What?”

“Huwag ka maniwala, Kent. ‘Di naman totoo.”

Pinanliitan niya ako ng mata. “Sure ka?”

Tumango ako.

Ngumisi siya at kinurot ako sa pisngi. “Then why are you blushing, huh, Ari?”

Inirapan ko siya at hinampas.

Hindi ko masukat kung gaano ako kasaya ngayong araw para bang iyong nangyari kaninang umaga nawala na lang bigla dahil sa nadatnan ko pag-uwi. Parang araw-araw na akong nakangiti nito, ah. I‘ve never been this happy in my entire life. I can’t believe that this would happen.

My phone beeped later when I entered my room.

Mr. Playboy: Good evening, Victoriane, I’m sorry.

Ako: Huh?

Mr. Playboy: I am just sorry. Are we good?

Ako: Crazy ka, nagso-sorry tapos wala lang? And yeah, we’re not in bad terms naman.

Mr. Playboy: You‘re funny, babe.

Inis akong napasinghal. Kahit talaga ano ang gawin kong pagtataray ay ako mismo tumitiklop sa simpleng moves niy. Hindi ko na lang siya ni-replyan dahil umaandar na naman ang pagiging manloloko niya.

Once is enough, twice is too much.

After that, pumanhik na ako papunta sa kwarto nila Mama. Kumatok ako at binuksan naman kaagad iyon ni Papa.

“Do you want to sleep here? Just like the old times,” malambing na boses na aniya.

“Please.” Ngumiti ako at bumaling sa kama, at doon nakaupo si Mama at nakangiti sa akin.

“You like it here na, sweetie? Dati naman hindi ka tumatabi sa akin, I‘m getting jealous na.” Sumimangot siya.

“O, honey. Alam mo namang matagal kaming hindi nagkasama s‘yempre hahanapin niya ako,” depensa ni Papa.

“Yes, Mama and besides, lagi naman tayong tabi dati, ah?”

“Goodnight,” sambit ko nang humiga na ako sa pagitan nilang dalawa.

“We’ll go na po.” Nagmano si Kuya kay Lolo at humalik sa pisngi ni Mama.

“By the way, how about you, Kent?” tanong ko bago lumabas.

“Sasamahan ko siya mamaya, anak,” si mama.

“Thank you, Tita. Bye, Ari, Zian. Ingat kayo!” ani Kent at kumaway sa amin pagkatapos uminom ng tubig sa hapag.

Once we arrived in our classroom, I saw Jace standing in front of me. He’s wearing a maroon tee and jeans.

“You are here. Again,” sambit ni Kuya bago kami nilagpasan ni Jace at dumiretso sa upuan.

“Well, I won’t assume na ako ang pinunta mo rito... when Chesca’s here nga pala.” Umiling ako at pumanhik para makaupo na.

See? He did not even pull me back. He’s so vague!

“Hi, good morning!” Kinawayan ako ni Trisha nang nadaanan ko ang upuan niya. I kissed her cheek in return.

“Hello, morning!” bati ko kay Archie.

Itinuro niya naman ang pisngi niya. Naintindihan ko ang gusto niyang iparating kaya kinurot ko na lang ang pisngi niya.

“Iw, ayaw ko nga!”

Si Kuya naman ay diretso lang ang tingin sa harap at nakasimangot.

Bumaling ako kay Sam na ganoon din. “Morning!” I snapped in front of him.

He just gave me a small smile.

“What’s the problem of my handsome Kuya?”

Sumulyap siya sa akin bago binalik sa harap ang tingin.

Umayos ako ng upo at bumaling na rin sa harapan dahil seryoso itong mga katabi ko.

Pinagmamasdan ko si Jace na komportableng naglalakad patungo sa likuran namin kung saan siya nakaup kahapon.

Ano na naman bang gagawin niya rito? He’s just wasting his time o baka naman hindi kasi nandito naman si Chesca, right?

Napasulyap ako sa pinto nang dumating si Chesca. Dumapo kaagad ang kaniyang paningin sa aking likod bago sa akin atsaka umirap.

Umirap din ako.

Kinalabit ako ng nasa likod ko kaya bumaling ako.

“What?” angil ko. 

Nanlaki ang mata niya sa naging reaksyon ko.

“Back to your seats!” Napatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni Sam, nagpeace sign pa siya sa akin bago naging seryoso ulit. 

“Good morning, students!”

Binati namin siya at nanahimik na agad.

“Miss Reistre, are your comfortable on your seat?”

“Opo, Sir.”

“Is it fine with you to transfer in another seat?” dagdag niya pa.

“Kayo po bahala.”

“Okay, I want you to seat between Carlon and Joson,” aniya saka tiningnan ang dalawang nabanggit. 

Napangiti ako nang nalaman na sila ang makakatabi ko. Hindi naman sa ayaw kong katabi si Kuya at Sam.I just want some girl friends that I can always be with. Kasi syempre babae ako, hindi naman ako nasasamahan nila Kuya kahit saan, e.

Nagtaas ng kamay si Kuya. “Sir, may I ask why she needs to transfer?”

“Oo nga naman, Sir?” dagdag ni Sam.

“We have a transferee and now it’s a boy.”

Si Kent na kaya iyon?

Napalingon kaming lahat sa lalaking pumasok sa pintuan.

Malaki ang ngisi na iginawad ni Kent sa mga kaklase at nang natagpuan niya ang mata ko ay lalo pa itong lumawak.

“Shit!” sabay na napamura si Jace na nasa aking likod at si Sam na nasa tabi ko.

“Zian, si Kent na ba iyan?” bulong ni Archie kay Kuya na narinig ko naman.

“Ang guwapo, shit. Add to cart agad.”

“Yanigin mo buhay ko, baby loves!”

Namula ang mukha ko sa mga narinig na komento galing sa iilang mga kaklase.

“Quiet! Introduce yourself, please.”

“Good morning, I am Keiro Blint Reistre. A transferee from Tipolo, Visayas. I am pleased to meet you.”

“What?” Umalingawngaw ang tanong na iyan galing sa iba naming kaklase, ang iba naman ay nanlaki at laglag ang panga sa lalaking nagpakilala.

“Reistre?!”

“Kung hindi ko man makuha si Zian si Keiro na lang!”

"Reistre?!" Ito na naman ang epal, umalingawngaw ang pagkaarte-arteng sigaw ni Chesca kaya natahimik ang buong klase.

“Magpapakitang gilas na naman,” parinig ni Archie.

“Why?” kunot noong tanong ni Kent kay Chesca na nasa harapan.

“Ilan pa ba kayong darating? Ang sakit niyo sa ulo!”

“Last na ‘ko, ipatatanggal ko iyang ulo mo para wala kang reklamo, gusto mo?” pangbabara ni Kent.

Natawa ako.

“Quiet!” saway ni Sir.

Hindi ko alam kung ano na naman ang mangyayari kapag nagsama-sama na kami araw-araw. 

Natapos na ang oras sa klase ni Sir. Dahil si Kent na ang nakaupo sa upuan ko dati ay narito na ako sa tabi ni Trisha at Sandra.

Nasa likod ni Kent ay si Jace na nag-iisa, tuwing napapasulyap ako ay nahuhuli ko siyang titig sa akin hindi rin naman ako assuming kasi totoo.

Nang breaktime na ay nagkayayaan kami ng mga bago kong seatmates para bang first day ko ulit sa eskwela.

Niyaya na rin namin si Gio, ang nerd na kaklase.

“Ari, hindi ka ba sasabay sa amin?” tanong ni Kent. 

Lumapit ako sa kanila kaya sinundan din ako ng tatlo, tahimik lang ang mga ito sa aking likod kaya nginitian ko sila.

“Ano kasi... may kasabay ako.” Tinuro ko ang tatlong nasa likod ko, ngumiti naman sila. “Sabay-sabay na lang kaya tayo?” dagdag ko pa.

“Game!” pagsang-ayon ni Archie.

Nabigla pa ako nang maglakad siya papunta sa tabi ni Trisha at pinandilatan ito ng mata habang may kung ano namang sinabi si Trisha sa kaniya na hindi ko nakuha.

Hinahanap ng mata ko si Jace, at nakita siyang umabante galing sa likuran nina Kuya.

“Looking for me?” mayabang na tanong niya.

Umiling ako at umirap. “Kapal mo naman.”

Masaya rin ako kasi hindi katulad kahapon ay malamig ang trato nilang tatlo kay Jace pero ngayon nag-uusap usap na rin sila nang maayos.

“Close kayo ni Jace?” pabulong na tanong ko kay Kent nang nakita kong nagtatawanan sila kanina.

Tumango naman siya. “Ka-call ko iyan dati noong iniwan ako ni Zian,” aniya at madramang humawak sa dibdib.

“Ah, doon lang kayo nagkakilala?”

“Pinakilala ni Zian dati noong katawagan ko rin siya, kaya ‘yon BFF na rin kami.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top