Chapter 13

Chapter 13: Visitors

“Let’s go, Ari.” Hindi ko namalayan na nasa likuran na pala namin si Kuya.

Nanlaki ang mata ko nang nakita silang tatlo roon nang ibinalik ko rin ang tingin sa kabila ay nandiyan na rin si Chesca at Jace.

Gulat din sila nang nakita kami, pero hinila na ako ni Kuya kaya wala nang imikan ang nangyari.

Nagsabay-sabay kaming naglakad hanggang sa nakarating kami. Inilapag nila ang mga dala nilang pagkain at drinks sa lamesa.

“Okay ka lang?” tanong ni Trisha. 

“Oo naman. Bakit?”

Nagkibit-balikat siya at ibinalik na ang atensyon sa pagkain.

“Don’t talk to him from now on, Ella,” paalala ni Sam atsaka padabog na inihagis ang lata ng softdrink sa basuraha.

“Mamaya na kayo mag-usap, ubusin niyo muna iyang kinakain niyo,” si Kuya.

“Uwi na ba tayo?” tanong ni Sam nang natapos na kaming kumain.

Tumango si Kuya at inakay ako paalis.

“Matagal na talaga akong curious! Kahit ano ang search ko sa kahit anong website, hindi ko talaga makita kung sino iyong presidente!”

“Hayaan mo na, hindi naman siguro kailangan pang alamin. ‘Tsaka, hello? Baka nga kaya hindi mo mahanap kasi ayaw rin magpahanap. Wala na iyon.”

Napabaling ako sa dalawang babae na nag-uusap sa gilid. “Kuya, magbibihis pala muna ako. Una ka na.”

Tumango na lang siya bago umalis.

Dumiretso ako sa locker para magbihis at nang natapos ay lumabas na ako.

“Victoriane.”

Napahinto ako nang tinawag niya ako. I wasn’t even surprised.

“Yeah?”

“Can we talk?”

Umiling ako. “Wala akong time, pasensya ka na.”

“Anella!”

I glanced at the other direction when I saw the three boys approaching us.

Humugot siya nang malalim na hininga.

“Jace Bryan,” pagtawag ni Kuya.

“Zian,” tugon ni Jace.

“Can I talk to her in a bit?”

Seryoso siyang tinitigan ni Kuya bago sa akin. Para bang hinahayaan niya na lang ako kung papayag ba ako o hindi.

“No,” pag-ayaw ni Sam at Archie.

“Kayo kinakausap?” sabat ni Kuya sa kanila

Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa bago nag-excuse sa kanila para sagutin iyon.

“Hello?”

“Ariane, hindi pa ba tapos ang klase niyo?” salubong ni Mama.

“Sorry, Ma, medyo natagalan. Papauwi na rin naman po kami.”

“Sige, anak. Uwi kaagad, ha? I love you,” malambing na tugon ni mama.

“I love you more,” sabi ko bago binaba ang tawag.

“Let’s go home, Ari,” Kuya seriously said when I went back.

“Okay, Kuya. But can you wait outside for a while? Saglit lang.”

Bumuntonghininga siya bago tumango.

“Ella, don’t talk to him.”

“Why are you seem territorial, Sam? She can decide on her own, so shut the fuck up,” iritado ngunit kalmadong ani Jace.

“I don’t trust you.” Sam glared at him.

“Sorry, Sam but can you give us some minute?” Sinulyapan ko siya at mukhang nabasa naman niya kung ano ang gusto kong mangyari kaya tumango siya bago bumaling kay Jace.

“I’ll wait for you outside, asshole,” singhal niya at pumihit na.

“So what are we going to talk about now?”

“Sorry...”

“For what?”

“For... for what you saw earlier.”

“Ba’t ka magso-sorry, e, normal lang naman iyong nakita ko kanina dahil may mata naman ako.”

He intently looked at me. “For what you’ve heard then.”

“I’m sorry, mag-usap na lang tayo sa susunod or just keep your explanation to yourself.” Nagbaba ako ng tingin bago inayos ang bag sa aking balikat.

“Victoriane.”

Napahinto ako sa paglalakad at hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bilis ng kalabog ng dibdib ko.

Huminga ako nang malalim nang hindi siya nililingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita ko si Kuya at Kuya Jul na nakasandal sa aming sasakyan sa parking ‘di kalayuan sa akin.

“Natagalan ka yata, katropa?”

Nilingon ko si Kuya Shan na nakataas ang kilay.

“May kinausap lang.”

“Nagdate kayo ni Jace, ‘no?”

“You’re kidding, Kuya Shan.”

“E, kunwari ka pa! Sige na, umuwi ka na kanina ka pa hinihintay!” Itinuro niya sila Kuya na nakasandal sa sasakyan.

Tumango ako at nagpaalam.

Nasa biyahe na kami pauwi ng bahay. Tahimik lang kaming nasa loob ng sasakyan para bang nagpapakiramdaman lang kaming tatlo rito.

"Did Mama call you earlier?" pambabasag ng katahimikan ni Kuya.

Nilingon ko siya at marahang tumango.

“Why?” dagdag ko, ang paningin ay nasa labas ng sasakyan.

“Nothing. I think, there’s something. Tinawagan niya rin ako at tinatanong kung bakit hindi pa tayo umuuwi.”

Nakarating na kami sa bahay, sabay kaming pumasok ni Kuya at nakitang walang tao sa living area pati sa sala kaya dumiretso kami sa dining room.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko hindi ko maintindihan ang pakiramdam para bang may mali o ano.

Tuluyan na kaming pumasok sa dining room at nakarinig ako ng tawanan.

May bisita yata kami kasi kung si Mama lang tahimik naman dahil siya lang ang narito sa bahay. Naaawa nga ako kay Mama kapag nasa eskwelahan ako tapos siya lang mag-isa.

Napako ako sa kinatatayuan nang nakita kung sino ang mga nasa hapag.

Nang napansin nilang may tao sa pinto ay nabaling lahat ang kanilang atensyon.

Hindi ko mapangalanan ang damdamin magkahalong saya, lungkot, at pananabik.

Pero ngayong nasa harap ko na bakit parang tumitiklop ako?

“Ari...” pabulong na tawag sa akin ni Kuya.

Ganoon pa rin ako tulala at pinagmamasdan ang mga taong ito sa aking harap. Malaki ang ngiti nila sa amin pero nang nakitang wala akong imik ay isa-isa itong napawi.

Nangingilid ang aking luha pero tumingala ako para hindi iyon tuluyang tumulo.

Huminga ako nang malalim at bumaling kay Kuya; tumitig sa mga mata niya sakaling maintindihan niya ang gusto kong iparating.

Dali-daling lumapit si Mama sa akin at pinaupo ako sa high chair.

“Anak...” si Mama.

Ngumiti ako at tuluyan ng pinangiliran ng luha.

“Mama, is this really happening? Sila na ba ‘yan?” Napatakip ako sa bibig at muling sumulyap sa apat na lalaki na nakatitig pa rin sa akin.

Nang hindi ko na nakayanan ay tumayo ako at lumapit sa puwesto nila.

Unang tumayo ang aking lolo na siyang niyakap ko nang mahigpit.

“Lolo?”

“Kilala mo pa pala ako, apo.”

“Oo naman po...” tugon ko. Wala naman akong ibang lolo maliban sa kaniya kaya paano ko kakalimutan?

Sumunod ay ang pinakahihintay ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang tumulo ang kaniyang luha.

Nilakad ko ang distansya namin at ninakap nang mahigpit, pero hindi ko akalain na mas hihigpit ang kaniyang yakap.

“Papa...” bigkas ko sa gitna ng paghikbi.

“I missed you, anak. I’m sorry.” Hinalikan niya ang aking ulo bago kumalas sa akin para silipin ang aking mukha.

Ngumiti siya at pinunasan ang aking luha. “Narito na ako,” sabi niya.

Niyakap ko ulit siya. “I missed you, Pa. I love you so much.”

“I love you too, anak.”

Kumalas ako at pinagmasdan ang mukha ni Papa.

Lumawak ang kaniyang ngiti nang napansin ang pagtitig ko.

Hindi ko maatim ang kasiyahan na naramdaman ko sa mga oras na ito.

Napabaling ako sa dalawang katabi niya na nakangiti pa rin sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko sila gaanong nakasama pero dahil masaya ako at kumpleto rin sila ay yumakap ako kay Tito Von.

“Kumusta, hija? Ang laki-laki mo ikaw na bata ka,” ani Tito Von at hinaplos ang aking ulo.

“Hello po, Tito,” bati ko.

Ngumiti siya atsaka iminuwestra ang isa pang lalaki.

“Si Kent, pinsan mo.” Tumayo si Kent na walang emosyon sa mukha.

Malaki ang ngiti ko ngunit napawi ito nang napansin nakatitig pa rin siya.

“Hi,” bati ko. Ikinawaang ng aking labi ang pagbago ng kaniyang ekspresyon kung kanina ay wala ngayon ay unti-unting gumuhit ang kaniyang ngiti.

Hindi ako nakagalaw sa pagtataka at gulat kaya siya na mismo ang humakbang papunta sa akin at niyakap ako.

“Ganda na ng Ari namin, ah? Kumusta na ang baby girl na iyan?”

Tumawa ako. “Siraulo.”

“Baka naman ‘di mo na ako kilala?” taas kilay na tanong niya. 

“Ano pangalan mo?”

Sumimangot siya pero sumagot pa rin. “Kent.”

“Okay, kilala na kita, Kent.”

He frowned. “Really, Ari?”

“Kilala nga kita!”

Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. “Ako ang g‘wapo mong pinsan. Take note of that.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top