Chapter 12
Chapter 12: Internet
“P.E class, ‘di ba?” tanong ko kay Sam.
“Nandiyan si Miss?” si Archie.
Tumango si Sam sa aming dalawa.
“Sige, bihis muna ako. Mauna na lang kayo!”
Pumihit ako papunta sa locker room para na rin magbihis. Nang natapos akong magbihis ay napatili na lang ako sa gulat sa nakita.
Bakit ba siya narito?
Nakasandal ito sa pader malapit sa labas. Pinagmamasdan niya ako habang nakalagay ang daliri sa labi. “Ganda mo pa rin kahit ano’ng suotin, siguro kapag wala ring suot.”
“Bastos!”
Hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil dire-diretso na akong lumabas papunta sa aming room.
Pinaliwanag ni Miss ang gagawin namin ngayong araw kaya nasa gym kami ngayon at naghahanda.
Ipinangkat na kami sa lima kaya ang kasama ko ay si Kuya, Archie, Sam, ako, at si Sandra ‘yong kaklase naming mahinhin at tahimik.
Ewan ko ba pero pambata ang activity namin ngayon, pero sigurado naman akong ma-i-enjoy ko ‘to dahil madalang ko lang magawa ito noong kasagsagan ng childhood days ko!
Una naming nilaro ay ang sack race. May limang grupo na may lima ring miyembro sa klase namin.
Ang unang nakapila ay si Kuya na sinundan ni Sam, Archie, Sandra at ako.
“Loosen up, laro lang ‘to huwag ka kabahan,” pangchi-cheer ko kay Sandra na kanina pa balisa.
“Salamat.”
Nagsimula na ang laro may limang upuan sa malayo at iikot kami pabalik sa aming linya para ipasa.
Nagtawanan ang iba sa aming kaklase dahil may ibang natutumba at natataranta. Nang nakabalik na si Archie ay dali-dali niyang tinanggal ang sako, muntikan pa nga siyang matumba sa pagmamadali bago ipasa ang sako kay Sandra na nanginginig.
Pinagmasdan ko na lang nang mabuti si Sandra na parang lantang gulay na naglalakad.
Medyo natagalan siya sa pagdating pero, ibinigay niya agad sa akin ang sako. “Sorry, matatalo pa yata tayo.”
“Hala, okay lang, ano ka ba!”
Nang ako na ang makikipag-unahan ay lumundag-lundag ako. Itinuon ko na lang din ang aking atensyon sa upuan na iikutan ko.
Nang malapit na akong umikot ay natumba ako dahil may tumulak sa akin!
“Aray,” pagdaing ko habang hawak-hawak ang tagiliran.
Umalo kaagad si Kuya sa akin at tinulungan akong tumayo.
“Ba’t ba kasi nanunulak?!” singhal ko habang inaayos ang sarili at bumaling sa tumulak sa akin.
Nakangising Chesca ang nakita ko pag-angat ko ng tingin.
“Nananadya ka ba?”
Ang iba naming kaklase ay nakiusyuso na habang ang iba naman ay nagpahinga muna sa benches.
“Obvious naman na lampa ka kaya ka natumba!”
“Obvious din namang bobita ka kaya ako natumba kasi nanulak ka!”
Natahimik din kaagad ko nang napansing gumagawa na kami ng eksena. Napansin ko rin na wala sa paligid si Miss Florencia.
Nasa gilid ko si Kuya at nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkuha niya ng panyo sa bulsa ng pants niya at pinunasan ang aking pawis sa noo. “Tama na iyan, tara na.”
Tumango ako at aalis na sana kami nang nagsalita ulit si Chesca.
“I really hate you! You ruined my life!” sigaw niya sa akin.
Hindi naman kaagad ako nakagalaw nang narinig ang sinabi niya.
I ruined her life? When and how? Ni hindi ko nga siya kilala, ni hinawakan!
“Hoy, tama na iyan!” pag-awat ni Archie, pero sinamaan lang siya ng tingin ni Chesca.
Napansin ko na ring lumapit sa puwesto namin si Jace.
“Hindi ka apple, para maging center of attention,” pang-iinis pa ni Archie kay Chesca.
Sa sobrang pagkainis ni Chesca ay sinugod niya si Archie at sinabunutan ito. “You’re so stupid! Bago ka makipag-away sa ‘kin ayusin mo iyang vocabulary mo! Apple of the eye iyon, bobo mo!”
“‘Tol, tulong, ‘tol!” sigaw ni Archie habang sinusubukang alisin ang kamay ng babae sa pagkakasabunot sa kaniya.
Lumapit naman si Sam para awatin sila.
“Mamamatay ka rin, pakialamerong bobo!” sigaw ni Chesca nang pinakawalan niya na si Archie atsaka siya tumakbo papalabas ng gym.
Nang napansin ko kung saan sila nakatingin ay sinundan ko iyon ng tingin at nakitang naglalakad na si Jace papalayo sa amin.
Napagtanto kong susundan niya si Chesca.
Nalaglag ang balikat ko at binalingan na lang si Kuya na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Ngumiti kaagad ako.
Nanliit ang mata niya sa akin bago ako higitin para yakapin. “Huwag ka magseselos, marami pang mas g‘wapo at mabait diyan hahanapin ka ni Kuya,” pampalubag loob na aniya.
Ngumuso ako at hinampas siya. “Kuya, para kang engot!”
Mahina siyang tumawa. “Basta, hayaan mo na iyon. Mag-aral ka na lang, masakit lang sa ulo ang boyfriend.”
Inismiran ko siya. “Ano naman’ng alam mo?”
Nagkibit-balikat siya.
Nagsi-balikan na ang ibang mga kaklase dahil wala rin naman si Miss Florencia. Si Sam na lang daw ang bahala magpalusot.
Papaalis na rin sana kami nang natanaw namin si Trisha na tumatakbo papalapit sa amin.
Nangunot ang noo ko.
Huminga muna siya galing sa pagkakahingal bago tumayo nang maayos. “Nakita ko sila!”
“Ano namn kung nakita mo sila? Hinahanap ba namin?”
“Feel ko lang naman, sungit nito!” si Trisha kay Sam.
“Sige na nga, puntahan natin!”
Nakarating kami sa madalas na tambayan ng mga estudyante rito sa likod na bahagi ng eskwelahan.
Maraming nagtatayugang mga puno. Bawat bench ay nasa lilim para siguro kapag may uupo at mainit ang panahon ay may masisilungan. Sa gitnang bahagi ng lugar na ito ay nakapalibot ang magagandang bulaklak.
Walang masyadong tao pa ngayon dahil mag-a-alas tres pa lang naman at baka nasa klase pa ang mga estudyante.
“Saan ba sila? Huwag na nating hanapin, just let them be,” si Kuya na nakapamaywang.
Tumango kami ni Trisha at nagkatinginan.
“Bili na lang kayo pagkain, kain tayo rito!” palusot ni Trisha at ngumisi sa akin.
Itinagilid ko ang ulo, binabasa siya.
Nang nakaalis na silang tatlo ay inilibot muna namin ni Trisha ang lugar na. “Huwag ka maingay, hanapin natin sila.”
Umiling ako. “Huwag na raw sabi ni Kuya.”
“Ay, ano ba iyan, hayaan mo na! Saglit lang, promise!”
“Sige na nga.”
Nakarating kami sa isang building na kung hindi ako nagkakamali ay ginagawa lamang itong bodega.
Tumingin sa akin si Trisha na para bang nababasa niya na naman ang nasa isip ko.
Maganda si Trisha, morena, matangos ang ilong, at may itim na mata, katamtaman ang haba ng buhok.
Dahan-dahan kaming umakyat sa palapag ng gusali, at papaliko na sana kami sa hallway nang nakarinig kami ng boses.
Nataranta si Trisha kaya nagtago kami sa gilid.
“Just admit it. We’re just fighting over a petty thing.”
“Fine, hindi ako iyon! Nagkunwari lang ako, masaya ka na?!”
“Yeah.”
Nagkasalubong ang kilay ko nang hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila.
“At ngayong alam mo na, ano‘ng balak mo?!”
“Nothing. I’ll court her personally. Internet was just a bonus for us.”
“I can’t believe you!”
“I was so pissed, Chesca, but we’re not a fucking children anymore.”
“Yeah, it was just online. At para kang batang na-in love sa internet friend, seriously? Masyado kang pa-millenial.”
“Ano bang pakialam mo sa buhay ko? I already made it clear that we’re just friends, so stop acting something. You’re no fun.”
“But I’m having fun getting on Ariane’s way, so if you like her... that’s your choice.”
Ba’t nasali na naman ako sa usapan? Minsan talaga nagtataka na lang ako, ni wala akong kamalay-malay na pinag-aawayan na pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top