Chapter 11
Chapter 11: Catch
Hinawakan ni kuya ang aking noo para makumpirma kung may lagnat pa ba ako. "Magpahinga ka kaya muna? Absent ka na lang."
Umiling ako.
One of the things I don't like is being absent in class. Masyado akong mag-iisip kung ano ba iyong tasks na ginagawa nila, may kailangan bang gawin o may recitation ba.
Ayaw kong may makaligtaan kaya hangga't kaya hindi ako aabsent para makasigurado. Baka kasi kinabukasan hindi na ako kilala ng mga kaklase.
"Okay na ako, Kuya. Hindi ba't may P.E class tayo mamaya?"
Umupo ako sa gilid ng aking kama at sinuklay ang maikling buhok gamit ang daliri.
"Afternoon pa. Are you sure you're okay?"
Ngumiti ako.
"Alright. Get changed, I'll wait downstairs." Tumayo na siya at bahagyang ginulo ang aking buhok.
"Alis na kami, Mama," pagpaalam ni kuya.
Tahimik lang kami habang nagbibyahe nang tumunog ang aking cellphone.
Mr. Playboy: Good morning, cupcake : )
Ako: Morning, but unfortunately I'm not a dessert.
Kumawala ang halakhak ni Kuya sa loob ng sasakyan kaya naman nilingon ko siya at napaawang ang aking labi nang nakitang nakadungaw pala siya sa aking cell phone!
"What's wrong with you?!" asik ko.
"Who's Mr. Playboy? Si Jace ba 'yan? Cringe niya."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Cupcake, huh?"
Sinimangutan ko siya nang napansing nagpipigil pa rin siya ng tawa.
Dumating kami sa eskwelahan at huminto sa harap ni Kuya Shan na pinagmamasdan kaming dalawa ni Kuya habang ang isang kamay ay nasa baba at ang isa ay nakatukod sa lamesa kung saan may logbook.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Good morning, katropa!" Ngumisi siya at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin.
Pinanliitan ko siya ng mata.
He seems a bit off.
Siniko ko si kuya at sumenyas na umuna na. Hindi pa sana siya aalis pero sinamaan ko ng tingin kaya umalis na siya.
"What's wrong?"
Ngumuso siya at tumingin sa aking likuran.
Bumaling ako sa likuran at nakita si Sam na nakapamulsa. Awtomatikong nalaglag ang aking balikat dahil inaasahan kong si Jace iyon pero hindi, kapatid niya.
Bakit ko nga ba inaasahan?
"Morning, Ella."
"Same to you, Sam. "
Tumango muna siya kay Kuya Shan bago hinila ang aking siko. Nagpatianod ako pero nanatiling nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa aking siko.
"Nadisappoint ba kita nang hindi si Jace ang nagpakita?"
Nangunot ang aking noo. "Ano ka ba hindi, 'no!" pagsisinungaling ko.
Hinila ko na lang siya at isinukbit ko ang aking kamay sa braso niya. Bahagya siyang natigilan, pero ngumiti lang ako at hinila siya papunta sa building namin.
Nang nakarating kami sa room ay kinalas ko na ang aking kamay na nasa braso niya.
Nahagip ng aking mata ang pag-irap ni Chesca.
Bumaling na ako sa aming hilera. Nakaupo si Archie na nakangisi sa akin, sa kabila naman ay si Kuya na nakapandekuwatro, at ang nakaupo sa tabi niya...
Kumabog ang aking dibdib.
Umawang ang aking labi nang nakita ang lalaking masama ang tingin sa taong nasa aking tabi.
Nabalik ako sa huwisyo nang humalakhak si Chesca kaya nilingon ko siya sa upuan niya.
Hinawi niya ang kaniyang buhok at umirap. "So flirty."
Ngumiwi na lang ako.
"Manliligaw mo?" pag-usisa noong Trisha.
Hindi agad ako nakasagot.
"Yes." Napabaling ako sa Jace na seryosong nakatingin sa akin.
"You are gaining too much attention, Jace," sumabat si Kuya at tumayo.
Humarap ako kay Kuya na may nagtatakang mukha. "Come here." Hinila ako ni Kuya palabas kaya wala akong nagawa kun' 'di sumunod.
"Bakit?"
"Si Sam hinihintay mo kanina, 'no?"
Nagkasalubong ang aking kilay. "Wala akong hinihintay, Kuya. I didn't even know he was there, si Kuya Shan ang kinausap ko roon."
"May gusto ka sa guard?"
Napaawang ang aking labi sa bintang niya. "Wala, malamang!"
"Pagdating ko kasi rito ay nakaupo na si Jace sa upuan mo..."
Inunahan pa ako na estudyante, e, hindi naman siya nag-aaral dito.
Nagtaas ako ng kilay. "Tapos?"
"Nang nakita niya ako ay nagtanong siya kung saan ka tapos sabi ko nagpa-iwan sa gate. Sumilip kami sa labas at nakita ka naming naglalakad kayo sa hallway ni Sam. Nakapulupot pa ang kamay mo sa braso niya!" paliwanag niya na may halong iritasyon.
I chuckled. "Kinakampihan mo ba si Jace, Kuya? E, 'di ba nga hindi naman iyan seryoso? Atsaka, Sam and I are friends, masyado kayong naghahanap ng malisya!"
Mataman niya pa akong tinitigan, pinanliitan ng mata bago pitikin ang ilong ko. "Sabagay, sige na nga."
Sumulyap siya sa kaliwang hallway at hinila ako papasok sa room.
"Go back to your seats! Paparating na si Sir!" anunsyo niya na nakapagpatahimik sa lahat.
Sunod-sunod na nag-upuan ang mga kaklase habang ko naman ay nakayuko nang hinila ako ni Kuya patungo sa upuan hanggang sa nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko.
"Jace, find your own seat," seryosong ani Kuya at tinapik ang braso nito.
Hindi ko alam, pero masiyadong mabait si Kuya kahit na may atraso nagagawa niya paring itrato na kaibigan. Iyan ang napapansin ko kay Kuya.
Hindi siya agad nagko-conclude, naghihintay muna siya ng paliwanag bago manghusga.
Tumango si Jace at umupo sa bakanteng upuan na nasa likuran ko.
Tahimik kaming lahat nang nagsimulang mag-discuss si Sir Payne.
"Get one-fourth sheet of paper!" anunsyo ni Sir.
Nalaglag pa ang aking ballpen kaya yumuko ako at kumapa-kapa sa ilalim para hanapin ang ballpen.
Kinuha ni kuya ang papel na nasa armrest ko. "Pahinging papel, Ari, nakalimutan ko iyong akin, e."
Tumango lang ako at ibinalik ang atensyon sa ilalim at akmang dadamputin ko na sana nang may unang nakakuha nito.
May kiliting naglakbay sa aking katawan nang bahagyang nahawakan ni Jace ang aking kamay, pero hindi ko iyon pinansin at kinuha na lang iyon sa kamay niya. "Salamat."
"Number one! In meiosis, what type of cells are formed?"
Seryoso ang lahat habang nakatitig sa mga papel ako naman ay nagpalinga-linga.
Sa tabi ko naman ay si Kuya, nangingiti habang nagsusulat sa papel.
"Ms. Reistre, kung saan-saan nililipad iyang isip mo! Focus on your paper!"
Uminit ang aking pisngi sa kahihiyan. "I'm sorry po."
Humalakhak si Chesca na tama lang para marinig ko.
"What is the polymer in the nucleus of a cell called?"
Natapos na ang aming quiz kaya kinolekta ito at ipinasa ulit para mag-check.
"Ms. Reistre got the perfect score!" anunsyo ni sir na ikinabigla ko.
"Valderama also got perfect!"
"Prama got 18 points!"
"Mr. Reistre got 19 points!"
Inayos ko ang aking gamit at tumayo na para bumaba papuntang cafeteria, pero napaawang ang aking labi nang nakita ang apat na lalaki na nakatunganga lang sa akin.
"Wala kayong balak bumaba?"
Natigil ako nang may kumalabit sa aking likod.
"Can I join you sa cafeteria?" anang babae, si Trisha.
Tumango ako sa kaniya at binalingan ulit ang apat na lalaki.
Lumapit ako kay Kuya at hinila ang kuwelyo niya para tumayo siya, pero hindi siya nagpatinag. "Tara na, Kuya."
Bahagya akong tumingala at inilagay ang daliri sa baba para mag-isip.
Sinenyasan ko muna si Trisha na sandali lang at inilibot ang tingin sa apat na lalaking nakaupo.
"Libre ko ngayon."
Ikinabigla ko ang pagtayo ni Archie, si Kuya naman na halos malaglag sa upuan sa pagmamadaling tumayo.
Ganoon pala ang patakaran nila. Kung sino ang highest tuwing may quiz ay siyang manglilibre.
Nakangisi si Archie na tumayo at hinila si Trisha sa aking tabi. "Ako bahala sa 'yo," paniniguro ni Archie kay Trisha bago niya ito hilain para mauna.
Nagtaka naman ako nang papalapit si Chesca sa amin.
"Bakit?"
Inirapan niya ako bago binaling ang atensyon sa tatlong lalaki. Si Kuya na nakatayo na nakangiti kanina ay napawi ang ngiti at napalitan ng pagiging seryoso.
"Let's eat together," yaya niya.
Epal.
Aambang magsasalita si Kuya nang ilagay ni Chesca ang daliri niya sa labi ng huli para haplusin iyon.
Nagkasalubong ang kilay ko at marahas na hinawi ang kaniyang kamay palayo kay Kuya.
"You! Don't you ever touch him like that!" singhal ko.
Si Kuya naman ay bago pa lang natauhan nang marinig ang boses ko, akmang makikisali siya nang humalakhak ang babae.
Uminit ang pisngi ko sa inis niya. Kaunti na lang may ingungudngod na ako first time in history!
"Oh, possessive wanna be. E, kaya ka lang naman ganiyan dahil ayaw mo sa 'kin."
"Buti alam mo."
"Anella, tara na! Naghihintay kami ni Trisha!"
Tumingin ako sa direksyon ni Archie na ngayon ay nakasandal sa pintuan.
"Mauna na ako," sambit ni Sam at tumayo para sumunod kay Archie.
"What do you want, Chesca? Kumain ka na roon dahil nag-aalala ako na baka nakulangan lang ng nutrisyon 'yang utak mo."
Umirap siya at hinawi ang mataas na buhok bago pumanhik palabas.
"Buti naman at umalis na ang nakakainis na iyon," banggit ni Kuya at tumayo.
Sumulyap muna ako kay Jace na kanina pa pala nakatitig sa akin bago ulit binalik ang tingin kay Kuya.
"Let's eat, Ari."
Sumulyap ulit ako sa banda ni Jace na ngayon ay tumayo na.
"Susunod ako, Kuya..."
Umiling si Kuya. "Matatagalan ka na naman, hindi p'wedeng paghintayin ang pagkain, Ari."
Pinagkatitigan ko siya. "Huwag mo na lang muna akong orderan para walang pagkain ang maghihintay sa 'kin."
Sumimangot siya. "Ang tigas talaga ng ulo mo kapag ikaw na naman nagkasakit... bilisan mo, hihintayin kita sa baba, bahala ka. Sabay tayong kakain."
Ngumiti ako na pag-irap ang natanggap galing sa kaniya bago pumihit paalis.
Naglakad ako papalapit sa kaniya hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo namin.
"Cafeteria?" pag-aya ko.
Nang hindi siya sumagot ay ngumisi ako. "Uy, g'wapo, cafeteria tayo."
Nag-iwas siya ng tingin, nilalabanan ang sarili na hindi ngumisi.
Kinalabit ko siya. "Gutom na ako. Akala ko ba liligawan mo 'ko?"
Doon na siya napaharap sa akin ulit. "What..." he trailed off.
Tumango ako. "Liligawan mo ako, right?"
Napalunok siya at sunod-sunod na tumango. "Of course."
Ngumisi ako. "Kaya dapat huwag mong hayaan malipasan ako ng gutom. Unahin mo muna ako bago iyang selos mo sa katawan," walang paligoy-ligoy na sabi ko.
Unti-unti siyang napangisi at itinaas ang isang kilay. "Yeah, sorry for that."
"Bakit ka nakangiti?" tanong ko nang napansing hindi pa rin napapawi ang ngisi niya sa mukha habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.
Nakarinig din ako ng bulong-bulungan galing sa mga estudyanteng nadaraanan namin.
"Sa dami ng narinig ko galing sa kanila... isa lang ang maganda sa pandinig ko."
"Ano?"
Huminto siya kaya ganoon din ako.
Napalunok ako nang dahan-dahan siyang yumuko para bumulong sa aking tainga. "Na bagay tayong dalawa."
Pagkatapos noon ay ngumisi siya at naglakad na pauna habang ako ay napako pa sa kinatatayuan.
Namula ang aking buong mukha. Kahit ano yata ang kumbinsi ko sa sarili ay magpapadala pa rin ako sa mga salita niya.
Humabol ako sa kaniya at sumabay.
"Huwag ka ngang bumanat baka mamaya mahulog ako!"
Lalo pa siyang ngumisi at ipinasok ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. "I'll catch you, no worries."
Nagkibit-balikat na lang ako hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Nang natanaw nila kami ay kaagad akong tinawag ni Kuya at isinenyas ang katabing upuan.
"Kumain ka na," aniya nang makarating kami sa mismong harap niya.
Umupo na ako sa tabi niya at hinayaan si Jace na maupo sa kahit saan sa lamesa namin.
Nagsimula na kaming kumain nang may napansin akong dalawang lalaki malapit sa amin.
Nagtutulakan ang dalawang lalaki nang lumapit sa amin.
"A-Ariane, taga section B ako -"
"Ayusin mo, tuleg," singhal ng kasama niya.
"Oo, ito na!" sagot niya sa kasama at humarap ulit sa direksyon ko. "P'wede bang magpakilala?" Napakamot siya sa batok niya.
Sabay na tumikhim si Jace at Kuya, mataman din nilang tinitigan ang dalawang lalaki sa gilid ko.
Tumayo ako at inilahad ang kamay ko. "Sure. I'm Ariane, kayo?"
Bahagyang namula ang lalaki at dahan-dahang tinatanggap ang aking kamay nang padarag na tumayo si Jace at masama ang tingin sa lalaki.
Namutla naman ang lalaking nasa harap ko dahil sa gulat.
"Para saan ba 'yan?" masungit niyang ani.
"Moves?" sabi noong kasama ng lalaki.
"Back off, may nagmamay-ari na niyan." Inginuso ako ni Jace na siyang nagpaawang ng aking labi.
Nang walang nagsalita ay tumayo si Kuya at hinarap ang dalawang lalaki.
"Huwag kayo maniwala sa kaniya. Makipagkaibigan lang kayo sa kapatid ko, wala namang magagalit," pang-aasar ni Kuya.
Para bang nagkaroon ng lakas ng loob ang lalaki kaya nagpakilala na siya. "Ako si Allan."
Tumango ako at ngumiti.
"Ito naman ang kaibigan ko si Clied," pakilala ni Allan sa kasama niya.
"Sige, mauna na kami. Pasensya pala sa istorbo, sa susunod na lang ulit." Sumaludo si Clied at pareho nilang sinulyapan si Jace na kanina pa pala busangot ang mukha.
"Mas g'wapo naman akong maging kaibigan kaysa sa mga iyon," bulong-bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top