Chapter 1

Chapter 1: Reistre

It was then when I felt the genuine happiness in my whole life. But when things went on the other way... it has changed, so as the consequences.

It's about the boys in my life... and someone I just met online.

Ngumiti ako sa aking repleksyon sa salamin. "Here I come, Clark High," bulong ko sa sarili.

A faint smile was plastered on my face on my way downstairs. Hindi maintindihan kung masaya ba o kabado. It can be both.

I've been transferred in Clark High just yesterday. And now is my first day as a Clark High's student.

Hindi alam kung ano ang dahilan at bakit ako inilipat ni Mama. Her line would always be 'pagdating ng panahon ay maiintindihan mo rin'. Ni tungkol sa ama at kuya ay iniignora.

I was still young when they left us with no valid reasons... o baka ako lang ang walang alam?

Ipinilig ko ang ulo at iwinaksi ang nasa isip.

May nakilala akong kaibigan sa Delaria High, well I didn't consider her as best friend. I don't do best friends. I'm scared baka 'pag nasanay na kami sa isa't isa baka maging dependent, in the end may mang-iiwan at iiwanan.

Kagaya ngayon.

I didn't even do a proper goodbye to them, but I don't think they bother. Baka nga kaklase lang talaga ang turing sa 'kin at hindi kaibigan o ano.

And now since I have the chance to meet a new friends. I will do my best to find a true one. Hindi ko na inisip kung ilan kahit nga isa lang basta totoo.

"Aalis na ako, Ma. I love you," pagpaalam ko kay Mama bago humalik sa pisngi niya.

Pinasadahan niya ako ng tingin bago humalukipkip. "Bakit ganiyan ang itsura mo?" usisa niya.

I let out an uneasy smile "Ma, kinakabahan ako. Bakit kaya?" Atsaka ko hinawakan ang kamay niya baka may kapangyarihan ng confidence akong makukuha roon.

She laughed softly. "Sa tingin mo? Basta mag-aral ka lang nang maayos. Bigyan mo ako ng balita mamaya pag-uwi mo, okay?" She gave me a smile that'd surely calm my system.

Tumango ako. "Sige po, bye!"

I smiled the moment I saw our SUV pulled over in front our gate. Sumungaw si Kuya Jul-ang driver namin, at binigyan ako ng ngiti.

"Magandang umaga, Ariane!"

"Good morning din, Kuya," bati ko pabalik at sumakay na sa loob.

I was tapping my shoe against the floor constantly while looking outside. Sumagi sa isip ko ang mga lalaki sa aking buhay.

I wonder what they're doing now? Nakakapag-aral kaya nang maayos si Kuya? E, si Papa, Lolo, Tito, at ang isa ko pang pinsan?

"Ayos ka lang, Ariane?"

Napabaling ako kay Kuya Jul at sunod-sunod na tumango. "Opo, medyo kabado lang," sagot ko.

Pamilya ang turing sa mga nagtatrabaho para sa amin. Walang pinagkaiba dahil lahat naman tayo ay tao at pantay-pantay sa mata ng Diyos. Siguro para sa iba ay may malaking pagitan, mataas na pader, at magkaibang antas ng buhay ang mga tao.

At iyon ay ang mahirap sa mayaman.

Napaisip din ako, e. Bakit lalong yumayaman ang mayayaman, at humirap naman lalo ang mahihirap?

Hindi ba p'wede iyong... magtulungan at magkasundo-sundo?

Kung kaya mo namang tumulong... bakit may ibang mayayaman ang nananapak ng kapwa tao dahil lang sa sila ay mahirap?

Bakit imbes na tulungan ay tinatapakan nila lalo? Kaya siguro hindi rin umunlad-unlad ang bansa dahil sa kagagawan din mismo ng mga tao.

Hindi naman siguro nasa gobyerno, pamahalaan, o kung anong samahan ang dahilan kung bakit ganito ang ekonomiya at estado ng buhay sa bansa.

Kasi nasa tao rin mismo ang problema.

Their purpose is to rule people and to make peace, pero bakit parang mas nanaig ang corruption?

Wala bang tao na may sapat na talino para puksain iyong mga ganoong tao?

I hope someone shows up and take the deserving spot in the palace. Iyong tao na may pananagutan, katapatan, at determinadong makuha ang pag-asa at kapayapaan. Iyon ang tao na karapat-dapat na umupo sa trono upang pamunuan ang bansa.

In that way... maybe we'll soon find the peace within ourselves without thinking of the crimes and issues around.

We'll soon find the hope and peace that our country deserves.

"Bakit nga ba umabot sa pamamahala sa bansa ang isip ko?" bulong-bulong ko sa sarili habang papasok sa malaki at matayog na gate na ngayon ay nasa harap ko na.

Clark High School.

It's just a semi-private school. Dito, pantay-pantay ang mga estudyante. Hindi tumitingin sa estado ng buhay, tinatrato nang maayos ang mga estudyante, mahirap man o mayaman.

And I guess, I will learn a lot from this day on.

"Miss, iyong ID mo nasaan?"

Nagpalinga-linga ako bago humarap ulit sa guard na ngayon ay pinagmamasdan ako.

"Po?"

"Iyong ID mo kako. No ID, no entry ang policy rito."

Natutop ko ang bibig nang naalala na wala pa nga pala akong ID, kakapakuha ko pa lang kahapon ng litrato at hindi pa iyon naibibigay dahil inaasikaso pa.

"Ah, transferee po kasi ako, Kuya guard. Tapos hindi pa po naibibigay sa 'kin baka mamaya pa po..."

Pinanliitan niya ako ng mata bago ako pasadahan ng tingin. Nailang naman ako nang tumigil sa bandang dibdib ko ang tingin niya.

Kaagad akong kinabahan at tinakpan ang harapan gamit ang bag ko. "Kuya guard, ano'ng tinitingin-tingin mo? Bawal po iyan, ah!" pang-aakusa ko.

"Huwag kang assuming, miss. Tinitingnan ko lang ang logo kung saan ka na building at kung transferee ka ba talaga! Sige, pasok na sa Astro Building ka dumiretso dahil 'yan ang nakalagay sa logo mo! Assumera ka!"

Napaawang ang labi ko dahil parang galit na galit siya sa 'kin.

Napakamot ako ng ulo. "Ah, okay! Sorry po!" Tiningnan ko muna ang patch na nasa kanang bahagi ng uniform ko at tama nga dahil may nakaprint din doon na pangalan ng building.

Paulit-ulit kong sinita ang sarili dahil sa kahihiyan kanina. Habang naglalakad-lakad at inililibot ang tingin sa mga gusali na nakatayo, at sa maluwag ding area na nasa palibot.

My gaze landed at the guy sitting on the bench.

Target locked.

Nakangiti akong naglakad papalapit sa kaniya bago tumikhim. "Hi, can I ask something?" tanong ko.

Inilihis niya ang tingin sa binabasang libro at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Ah, yes! What is it?" aniya at tumayo bago pagpagan ang kunwaring alikabok sa slacks na suot.

"Transferee kasi ako, e, hindi ko alam sa'n 'yong Astro building..."

He nodded and smiled at me. "I got you, tara ituturo ko sa 'yo," yaya niya at naunang tumalikod.

Nakagat ko ang labi para pigilan ang pag-ngisi.

Ang g'wapo nito.

"Transferee, saan ang previous school mo?" tanong ng lalaki habang papaakyat kami sa hagdanan ng isang building.

"Delaria High," sagot ko.

Hindi niya na dinugtungan pa ang tanong hanggang sa makarating kami sa harap ng pintuan.

"We're here," he announced.

Ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kaniya. "Salamat, ano nga pala name mo? I'm Anella."

He chuckled and shook with my hand. "Sam."

"Salamat ulit," ani ko nang bumitaw.

"No problem, so... aalis na ako? May gagawin pa kasi."

"Oo naman! See you around!"

Hindi niya na ako sinagot at nagmadali sa pagbabasa sa hagdan. Naistorbo ko pa tuloy, e, halatang busy pala siya.

Nagpakawala ako ng hininga at hinarap ang pinto kung saan may nakaukit sa frame na nakadikit sa gitna.

Mr. Payne - 11-A

Kakatok na sana ako nang may nagbukas no'n. Kaagad nagtama ang paningin namin ng lalaking maganda ang mata.

Awtomatiko akong napangiti. "Hi, papasok na sana ako!"

Tinaasan niya ako ng kilay bago unti-unting ngumisi. "What's your name, miss?"

I clicked my tongue and extended my hand. "Anella."

Nagtiim-labi siya bago sumeryoso. "Nice meeting you," sabi niya bago iminuwestra ang loob.

"Attention, we have a transferee!" anunsyo niya sa mga kaklase.

Kaagad natigil ang lahat sa pinaggagagawa at humarap sa direksyon namin.

Nangunot ang noo ko at medyo nanlamig ang kamay dahil sa pressure.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong noong may pagka-singkit na lalaki nang lumapit siya sa amin.

"Anella," maikling sagot ko.

Tumango siya bago bumaling sa lalaki. "Pinormahan mo agad?" bulong niya roon sa katabing lalaki na nagbukas ng pinto kanina.

Kaagad siyang siniko ng lalaki. "Tanga, bawal."

Napatitig ako nang matagal kaniya nang may naalala para bang pamilyar siya?

"Ako si Archie," sambit no'ng isa, pero wala ang atensyon ko sa kaniya kun' 'di nandoon sa katabi niya.

"Panget kabonding, 'di marunong makipag-shake hands."

Napalunok ako at kaagad inilihis ang tingin. "Ah, sorry! Medyo, ano lang... alam mo kasi parang pamilyar siya?" walang pag-aalinlangang sabi ko sabay turo sa lalaki.

"Baka jowa mo siya sa past life mo," aniya at malakas na tumawa.

Napaismid ako dahil para siyang sira na tumawa, e, wala namang nakakatawa.

"Tabi tayo ng upuan," sabi ng isa atsaka ako marahang hinila sa siko para igiya sa bakanteng upuan.

"Dito na lang ako upo, ah?" pagpaalam ko at inilapag ang bag sa pinakahuling upuan sa isang row.

After I got settled some eyes were still on our direction.

Maya-maya pa ay may babaeng lumapit. "Ano'ng pangalan mo? May pagkakahawig kayo ni Zian," usisa niya at nanliit ang mata sa akin at sa katabing lalaki.

I stiffened. Zian?

"Ikaw si Zian?" tanong ko sa lalaki na katabi ko.

Napasinghap muna siya bago sinamaan ng tingin iyong babaeng lumapit sa 'min. "Ang ingay talaga nito. Bumalik nga kayo sa mga upuan niyo at parating na si Sir!" maawtoridad na utos niya.

I bit the insides of my cheek and faced the guy again after the girl with her tanned skin left. "What's your name again?"

He looked at me and sighed. "Fine, I am Zian... Zian," pandidiin niya.

Hindi ako nakasagot nang ituon na halos lahat ang atensyon sa harap. We all fell in silence when the door creaked open, and someone entered.

"Good morning, everyone!"

They all stood, so did I. "Good morning, Sir!"

There was a short speech before the professor noticed me. "Hello, Miss Reistre! Welcome to 11-A, I am Mr. Payne! Kindly introduce yourself here in front," nakangiting sabi ni Sir Payne.

Tumayo ako at pumunta sa harapan. "Good morning! My name is Anella Victoriane Reistre..." I looked around and let out a breath. "You can all call me Ariane or Anella, whatever makes you sleep at night," I said with humor.

"A Reistre?!"

"Is she related to Zian?"

"Huwag mong sabihing... may asawa na si Zian?"

"Anella Reistre... Zian Reistre?"

May kani-kaniya silang side comments, pero isa lang sa mga iyon ang nagpanting sa tainga ko.

Zian Reistre.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top