wakas: nasaan si dark?

Dumapo rin sa isip ko ang isiping utak lang ang nagpapagana sa atin kaya walang halaga kung mamamatay tayo sa kahit na anong oras.

Bago ako dumating sa kongklusyong ito ay napunta muna ako sa anatomiya ng ating katawan. Pinag-aralan ko ang bawat parte nito hanggang sa napunta ako sa utak. Doon ako natakot. Agad akong lumayo sa litratong 'yun at ginawa ang lahat ng makakaya para idistract ang aking sarili. Kung hindi ko kasi gagawin 'yun ay baka mabaliw na nga ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Kahit ngayong isinusulat ko na siya sa papel ay may takot pa rin sa aking sistema.

Isipin mo kasi 'yun, utak lamang tayo. I mean, why don't people find it weird? Kahit nga 'yung thought lang na nasa utak lamang nakasalalay ang mga bagay na ginagawa natin ay ang weird na. Siguro I just can't accept the fact that the mystery I am solving, starting from the patterns and everything, will just end up with such hideous looking brain. Kasi naman, nasaan ang patterns doon? Nasaan ang memories? Ang mga panaginip? Bakit hindi ko makita? Bakit ang weird? Utak na talaga ang sagot sa lahat? Wala bang ibang sagot?—I refuse to accept it as the period for my question marks.

In the end then, after spending days and nights thinking about that thought, mas lalo akong nawalan ng ganang mabuhay—this time without Dark interrupting. Kaya oo, sariling kaluluwa ko ang pumansin sa isiping ito. I let the gloom consume me. Walang Dark pero mukhang mas naging mabilis pa ang pagsakop nito sa akin. Hinayaan ko. Gusto ko naman kasi. Hanggang sa sumuko na ako totally.

Ang nakakatawa ay sa huli, lumapit pa rin ako sa Kaniya. Sabi ko bahala na siya sa kung bibigyan niya pa ako ng isa pang bukas kasi nawalan na talaga ako ng pakielam. Kung bibigyan edi okay; kung hindi edi okay rin. Kahit ano. Bahala na siya.

Nagising ako kinabukasan na may pagtataka sa kung bakit hindi ko nalang biglaan marinig si Dark.

Nagsusulat ako ngayon para balikan ang aking mga pinagdaanan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na siya marinig at kataka-taka ito ng sobra. May nagsasabi sa utak ko na baka raw gawa Niya ito. I don't mean to make this spiritually pero parang ganon yata ang goal ng mga daliri ko. Ang goal ko lang naman ay mailabas ang mga gumugulo sa isipan ko pero magkaiba ata kami ng hangarin ng kumpas ng kamay ko sa keyboard.

Alam mo bang I stopped believing in my religion? Dahil 'yun dati kay Dark. Hininto ko ang simpleng pagsagot sa tuwing nagrorosaryo kami. Hindi na rin ako umaattend sa online mass kahit na graded ito sa theology class namin. At kung dati na nagdadasal ako kahit na sobrang bihira, dito ay hindi na talaga ako nakipag-usap sa kaniya. I neglected His presence. Hindi ko naman Siya sinisisi pero kinalimutan ko pa rin ang lahat sa kaniya. Doon ay nagsuffer ako kasama si Dark.

Sinumpa ko ang traditions namin. Ang mga kinalakihan ko. Ang mga nakapaligid sa akin. Lahat lahat. Wala akong pinatawad. Tapos hininto ko ang pamumuhay. Buhay man ako, umaakto pa rin akong patay. Kaya nga 'yung mga simpleng yakap niya sa akin, talagang nagpapatakbo sa akin papuntang CR. Doon kasi ako iiyak. Ang corny ko 'no?

Nalampasan ko na 'yun—yata. Siguro naman nalampasan ko na. Tahimik na kasi ako ngayon. Nagkakaaroon na rin ako ng daily routine. Oo, hilo pa rin ako sa kung ano ang dapat unahin: panonood ng anime, pagbabasa, pagsusulat, acads, o sarili—pero iba na ngayon dahil wala na si Dark. O baka naman wala pa. Hindi ko rin masasabi.

Siguro ngayon, ang mahalaga ay nagdesisyon siyang bigyan pa ako ng bukas. Siya man ang nag-alis kay Dark, hindi ko na ito iisipin pa. Ipagpapatuloy ko nalang siguro ang mga inihinto ko noong mga panahong katabi ko pa si Dark.

Sabi nila kung ano raw ang sa tingin Niyang tama, ayun ang ibibigay sa atin. Siguro naman ay tama lang na magpatuloy ako, ano? Kahit na wala nang Dark? Siguro. Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top