CHAPTER 9
"Mama" bulong ni Mio ng makita ang ina sa ibaba, dahan-dahan siyang bumaba upang harapin ito, halos ilang taon niya itong hindi nakita kaya hindi maiwasang matuwa siya ng makita ito.
At nakakaramdam din siya ng kaba dahil sa hindi malamang dahilan, "Ma" he utters and get their Mother's attention, "Oh Mio, laki mo na" walang gana nitong sambit bago hinarap ang Lola na nasa kusina.
"Bakit nandito ka?" Tanong ng kanilang Lola sa kanilang ina, tinignan ng ina si Mil at sinabi, "Nagpapasundo si Mila, kukunin ko na lang siya ulit" natigilan si Mio sa sinabi ng ina at agad tinignan ang kapatid.
Gusto niya itong tanungin kung bakit ngunit hindi siya tinitignan nito, "Mila" bulong niya pero hindi umimik si Mila, naguguluhan si Mio kung bakit biglang nagdesisyon ang kapatid, hindi rin niya alam kung bakit tila ang laki ng galit nito.
"Paano si Mio?" tanong ng Lola nila sa kanilang Ina kaya natingnan ni Mio ang Ina at hintay ang sagot nito, "Bakit? Ok na si Mio dito, at isa pa nandito ang mga kaibigan niya kaya alam kong hindi rin siya sasama hindi ba tama ako Mio" sambit ng ina.
Kahit na nais nitong makasama ang ina, tumango nalang siya at umoo sa sinabi ng ina, "Opo" sambit nito at pilit ngumiti.
"Hindi mo nakasama ng matagal si Mio, bakit ngayong ok na ang buhay mo sa ibang bansa bakit hindi mo siya subukan isama sigurado naman akong maiintindihan ng mga kaibigan niya ang pag-alis niya." pagpupumilit ng kanilang Lola.
"Ma ayaw nga ni Mio hindi ba!" sambit ng ina at hinarap si Mila, "Ayusin mo na ang mag gamit mo Anak, hihintayin kita dito" sambit ng Ina, tumango si Mila at naglakad paakyat, pero bago umakyat nagtama ang tingin nila ni Mio pero hindi niya ito binigyan pansin at nagpatuloy sa taas.
Dahil sa ginawa ng kapatid biglang nakaramdam ng lungkot at sakit sakanyang dibdib si Mio, nais niyang lumuha ngunit ito'y pilit pinipigilan.
"Magusap nga tayo sa labas" Sambit ng Lola bago lumabas kasama ang ina, iniwan sa loob si Mio mag-isa.
"Bakit ayaw mong isama si Mio!" narinig ni Mio ang galit na boses ng kanyang Lola mula sa labas. "Hindi ko kailangan ng lalaking anak Ma, si Mila lang ang kaya kong dalhin doon at isa pa kaya na ni Mio ang sarili niya." sagot ng ina.
Napayuko si Mio habang nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto, "Hindi ka parin ba magtitino ha! Anak mo yan bakit pilit mong pinaparamdam sa kanya na hindi!"
"Kasi tuwing nakikita ko ang batang iyan naalala ko ang mga maling desisyon ko sa buhay ma, pagnakikita ko ang mukha niya pakiramdam ko sinasampal sa akin ng paulit-ulit ang mga kamaliang iyon! Kung bakit naging miserable ang buhay ko! Kung bakit hindi namin naayos ni Greg ang relasyon namin kung bakit hindi ko nakamit ang mga pangarap ko sa buhay!" galit na sambit ng ina na tila nagbigay kaliwanagan kay Mio kung bakit pakiramdam niya hindi siya mahal ng ina.
"Hindi ginusto ni Mio na buhayin siya, kayo ni Greg ang nagdesisyon non bakit ba pilit mong sinisisi sa bata ang pagiging hindi mo kuntento sa buhay! Yon ang totoo hindi ka nakuntento sa kung anong meron sa inyo kaya iniwan ka ni Greg" sambit ng Lola. hindi na kinaya ni Mio pakinggan pa ang mga susunod kaya umakyat na siya at pumunta sa silid ng kapatid.
Naabutan niyang nagiimpake si Mila, huminga siya ng malalim at pinigilan ang luha bago pumasok sa loob at tinanong ang kapatid, "Bakit ka nagpasundo?" tanong niya, tumigil saglit si Mila sa pagtutupi bago nagpatuloy at hindi pinansin si Mio.
"Mila galit ka ba sa akin? Bakit anong nagawa ko?" tanong ni Mio sa kapatid at tila nakakaramdam na ng mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.
"Wala" sambit ni Mila, "Anong wala? Bakit nagkaganito ka Mila? Ano bang nagawa ko? Sabihin mo? Ayaw ko umalis ka ng hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo mo sa akin" malungkot na sambit ni Mio, hinampas ni Mila ang maleta bago tumayo at humarap kay Mio.
"Wala kang ginagawa yon ang problema ko kuya wala!!! Wala ka ngang ginagawa ikaw pa rin ang gusto ng lahat! Ikaw pa rin ang magaling! Ikaw pa rin ang ginugusto ng iba!!! Dahil wala kang ginagawa!!! Samantalang ako halos lahat na ng kaya ko ginawa ko na pero never akong nagustushan o naging magaling!!1 lagi na lang kuya lagi nalang!!!!" sigaw nito.
Hindi nakaimik si Mio sa pagkat hindi niya alam kung anong sasabihin, "Mil---" he was cut when Mila speak.
"IKAW ANG GUSTO NI CAYDEN KUYA!!! IKAW!!! ISIPIN MO YAN IKAW NA LAGING GALIT SA KANYA, IKAW NA LAGING NAGSASALITA NG MASASAKIT NA SALITA SA KANYA PERO IKAW PA RIN ANG NAGUSTUHAN NIYA!! IKAW NA LALAKE!!!" puno ng inggit ang boses ni Mila ng iyon ay sabihin at hindi alam ni Mio kung anong isasagot.
"BAKIT IKAW PA KASI ANG NAGUSTUHAN NIYA!!1 NGAYON KAHIT AYAW KONG MAGALIT SAYO TUWING NAKIKITA KITA HINDI KO MAPIGILANG MAINGGIT AT MAGALIT DAHIL NASAYO NALANG PALAGI ANG LAHAT KUYA!! AALIS AKO AT SASAMA KAY MAMA DAHIL AYAW KO NANG MAS LUMALALA ANG NARARAMDAMAN KO AT AYAW KONG MAGALIT SAYO!!!" sambit ni Mila bago isinara ang maleta at binuhat ito palabas.
Pag Lagpas niya kay Mio, doon natuluyang tumulo ang luha nito at sinabi, "Mas inggit ako sayo" bulong niya na nakapagpatigil kay Mila.
"Ikaw ang gusto ng magulang natin, gusto nga ako ng lahat pero ang sarili kong magulang hindi ako magawang piliin at makasama sa tingin mo hindi ba mas masakit yon, tapos ang isang taong akala ko tatanggapin ako iiwan din pala ako" halos madurog ang puso ni Mio ng ilabas ang nararamdaman, yumuko siya bago naglakad papasok sa kanyang kwarto at nagkulong dito.
Sumilip siya sa bintana kung saan pinanood niya ang pag alis ng ina at kapatid, pagkaalis ng sasakyan nito, hindi na kinaya ni Mio ang pagkinimkim ng nararamdaman, lahat ng lungkot at sakit ay nanaig,
Nagwala ito, binasag lahat ng bagay sa kanyang study table at pinagsusuntok ang pader, hindi niya nakaya, lumabas siya ng kwarto at tumakbo palabas ng bahay nila.
Patuloy tumutulo ang luha niya at ang pagtulo ng dugo sa kanyang kamay, tumigil siya sa playground kung saan walang katao-tao at doon umiyak.
Umupo ito sa sahig at yumuko, lahat ng sakit na pinilit niyang itago ay tila nagsi labasan na to the point na hindi niya na alam kung paano pa ito iexpress sa sobrang sakit.
"Mio" natigilan siya ng marinig ang boses ni Reagan, at dahan-dahan niyang tinaas ng ulo upang tingnan ito kung tama ba ang narinig.
At gaya nung bata siya nakita niya ito sa kanyang harapan na nakasakay sa bike nito at nakatingin sa kanya gaya ng dati.
Tumulo lalo ang luha nito at suminghot, ngumiti si Reagan at sinabi, "Gusto mo bang umangkas?" tanong nito bago iniabot ang kamay.
Gaya ng dati tumango si Mio at inabot ang kamay nito, bago sumakay sa bike nito at umalis sila sa lugar na iyon.
Dinala siya ni Reagan sa bahay nito at binigyan siya tubig bago ginamot ang sugat sa kamay, inabutan din siya ng tubig nito pero tila wala sa sarili si Mio at naghanap ng beer. Tumango nalang si Reagan at binigyan siya ng beer at nag inuman silang dalawa.
Hanggang sa malasing si Mio ng tuluyan, "Mio stop, you're drunk already" sambit ni Reagan at pilit kinukuha ang beer sa kanya, ngumiti siya at hinila ang beer kay Reagan.
"Alam mo ba!!!" malakas niyang sambit na nakapagpatigil kay Reagan, "Ayaw sa aking ng magulang ko kasi nakikita nila kasalanan nila sa akin, ibig sabihin isa akong malaking kasalanan at maling desisyon sa buhay ng magulang ko haha, ang saya diba tapos yung kapatid ko inggit sa akin samantalang na sa kanya na ang lahat" tumatawa si Mio sa sakit ng nararamdaman at naiintindihan ito ni Reagan kaya hinahayaan niya itong maglabas ng sama ng loob.
"I understand but you need to stop drin---" naputol ang sasabihin ni Reagan ng bigla siyang halikan ni Mio sa labi.
He kisses him with all his heart and expresses the only good feeling he feels his whole life.
Tumigil siya at tiningnan ito sa kanyang mga mata, "I love you since you left" last thing he said before he fall asleep.
Huminga ng malalim si Reagan bago binuhat si Mio papunta sa kwarto at doon hinayaang matulog, lumabas siya at doon na natili.
Kinabukasan ay maagang gumising si Mio, masakit ang ulo pero ng imulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang buong paligid agad pumasok sa kanyang isipan ang kanyang ganawa kagabi.
Hinalikan niya ito. Agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto nito. Nakakita siya ng pagkain sa lamesa na nagsasabing kainin niya upang maalis ang hangover niya dahil pumasok na ito ng university.
Pero hindi kayang kumain ni Mio sa ganitong sitwasyon kaya agad siyang umalis doon at umuwi sa kanyang bahay. Nagkulong ito sa kanyang kwarto ng ilang araw.
At hindi pumasok ng dalawang linggo.
Tila nawala sa sarili si Mio, at hindi nito alam paano haharapin si Reagan matapos ang kanyang ginawa dito.
"Mio ano ba lumabas kana dyan!! Isang linggo kanang hindi pumapasok ang dami mo nang namiss" sambit ni Kimy habang nasa labas sila ng pinto ni Mio kasama si Layda at Brix.
"Mio labas kana ilang araw kanang hindi kumakain, pasok na rin tayo" Layda said.
"Mio exam na bukas, wag mo namang hayaan masayang pag aaral mo dahil sa hindi pagpasok, kahit bukas lang pumasok ka" sambit ni Brix.
"Aalis na kami Mio, hihintayin ka namin bukas sa University" malungkot na sambit ni Layda at umalis na silang tatlo, narinig ni Mio ang mga sinabi niya at tama si Brix, hindi niya dapat pabayaan ang kanyang pag-aaral.
Kinabukasan ay gumising maaga si Mio at nagbihis upang makapasok, kumain siya kasama ang lola at pumasok sa university at nagtake ng exam.
Buti na lang ay hindi niya nakita si Reagan sa paligid kaya hindi niya kinailangan magtago, sinamahan siya ng buong tropa pero hindi pa rin mapawi ang lungkot na nararamdaman nito.
Pagkalabas ng classroom ay nagulat si Mio ng hilahin siya ni Cayden papunta sa rooftop, "Mio I need to talk to you" seryosong sambit ni Cayden at tiningnan siya sa kanyang mga mata.
Biglang nakaramdam ng galit si Mio ng makita si Cayden at maalalang isa ito sa rason kung bakit umalis ang kapatid niya at iniwan siya.
"Mio I wanted to say that I l---" hindi na niya pinatapos ito at agad sinabi, "Hinding hindi ko magugustuahan ang kagaya mo kaya wag mo nang ituloy" malamig niyang sambit.
"Let me prove to you my worth please"Cayden beg and look at him so sincere, with a lot of expression showed on his face.
"Ayaw ko! Hindi mob a ang naiintihang ayaw ko sayo! Hinding hindi ko gusting makasama ang kagaya mo! Panget ang ugali mo kaya siguro iniwan ka ng magulang mo dito at lumipad sa ibang bansa dahil sa ugali mo! Lahat na lang tingin mo laro! Gumising ka Cayden hindi kita magugustuhan kahit kalian" puno ng galit si Mio to the point na hindi niya na naiisip ang mga lumalabas sa bibig niya na tila nakakasakit ng sobra sa damdamin ni Cayden.
"I just wanted to express my feelings for you, my love and care for you" Cayden chuckled and look down, "I wasn't expecting to be judge this hard" pain is visible on his words, tila nasaktan ito ng sobra sa sinabi ni Mio pero pilit nitong itinago ang sakit sa likod ng kanyang mga ngiti.
"What do you want me to do?" He asks Mio, tiningnan siya ni Mio at sinabi, "I don't want to see you anymore, because of you my sister left me!" galit na sambit ni Mio bago tinalikuran si Cayden at tuluyang umalis.
Umuwi siya ng bagsak ang balikat at malungkot ng sobra, pagbukas ng pinto tumigil siya ng makita sa loob si Mila.
"K-kuya" bulong ni Mila bago umiyak at tumakbo sa kanya, niyakap siya ng sobrang higpit at sinabi, "Sorry kuya, naging makasarili ako kuya, sorry dahil sinisi kita, sorry dahil mas pinaikot ko ang aking mundo kay Cayden at nagalit sayo dahil ikaw ang gusto niya, sorry dahil wala akong kwentang kapatid" imbis na magalit ay ngumiti si Mio at tila napawi ang lungkot na nararamdaman.
Niyakap niya ng sobrang higpit ang kapatid at agad itong pianatwad, "Naiintindihan ni Kuya" bulong niya, "Basta wag mo na akong iiwan muli" sambit niya muli at doon tumulo ulit ang luha.
Nagkalinawanan silang magkapatid at nagkapatawaran, pumasok muli kinabukasan si Mio upang tapusin ang exam, buti na lang ay binigyan siya ng notes nila Kimy kaya hindi ito nahirapan sa exam.
"Mila tara na" sambit niya ng tawagin ang kapatid na sinusundo sa building nila. Ngumiti si Mila bago nagpaalam sa mga kaibigan at sumakay sa sasakyan.
"Kuya may nakalimutan pala akong sabihin sayo"Mio glance at her while his driving and wait for her to tell him what she forget.
"Gustong sabihin ni Mama na sorry sa lahat ng kanyang ginawa, hindi ka na daw niya maharap ngayon dahil hiyang hiya siya sayo pero gusto niyang sabihin sayo na..." humigpit ang hawak ni Mio sa manibela ng tumigil sandali si Mila at hintay ang sasabihin ng kapatid.
Wala pa man ay handa na siya agad patawarin ang ina at kung ano man ang nais nitong sabihin sa kanya, ok na sa kanya yon.
"She's Proud of you"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top