CHAPTER 6




Matagal nang alam ni Mio na may gusto ang kapatid kay Cayden kung kaya lagi siyang galit dito, bukod sa binubully siya nito isa rin sa dahilan kung bakit ayaw niya kay Cayden dahil pinaglaruan nito ang feelings ng kapatid niya.

Pumasok si Mio sa loob ng kanyang silid, umupo sa tabi ng bintana at tumanaw sa maliwanag na buwan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa araw na ito.

Hindi alam kung bakit tila pinapatibok ni Reagan ang kanyang puso sa pinaka simpleng bagay, ang mga ngiti nito ay tila tumatak sa kanyang isipan.

Hinawakan niya ang kanyang dibdib kung saan pinakiramdaman ang pagtibok ng kanyang puso, tila naguguluhan sa kanyang nararamdaman. May isang bagay na sumasagi sa kanyang isipan tungkol sa kanyang nararamdaman ngunit pilit niya itong iniiwasan sa pagkat alam niyang hindi tama.

Naglakad si Mio papunta sa silid ng kanyang lola at siya'y natulog na, kinabukasan ay maaga muli siyang gumising at naghanda ng almusal para sa kanyang kapatid at Lola.

Nagmamadali siyang pumasok sa unibersidad at saktong pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina ni Reagan ay sakto namang kakarating lang nito kaya ibig sabihin ay naunahan niya ito.

"Mio, good morning" bati nito sa kanya at inilabas nag susi ng opisina bago ito binuksan at sabay silang pumasok, "Dahil natapos ko na ang papers ko kahapon wala naman tayong masyadong gagawin ngayon Mio kaya pwede kang magpahinga at maagang umuwi, ok" malambing na sambit ni Reagan sa kanya, pero dahil hinihingal pa rin siya tumango nalang siya bilang sagot at nanahimik sa isang tabi.

Habang nagsimula na si Reagan ayusin ang mga gagamiting papers para sa first class niya ngayong umaga, inilabas niya sa kanyang bag ang inihandang tuna sandwich bago maglakad papalapit kay Mio.

He chuckled as he fixed Mio's messy hair and smiled at him, "Here eat and rest here until you're first class come" he said and pinch Mio's cheeks before he grabs his papers and leaves his office.

Naiwan si Mio na nakatulala sa gilid habang hawak ang sandwich na bigay nito.

Napahawak muli siya sa kanyang dibdib bago huminga ng malalim at tinignan ng may ngiti sa labi ang binigay na sandwich ni Reagan, kumain siya ng may ngiti sa labi at nanatili lang sa loob ng opisina ni Reagan hanggang sa dumating na ang oras ng klase niya.

Habang nasa klase nakatanggap siya ng text mula kay Reagan kaya kahit bawal mag cellphone sa klaseng ito, ay sinilip niya pa rin ang kanyang cellphone upang basahin ang text nito.

From Sir.Reagan,

I have urgent meetings outside of the university. I already lock the office, don't bother going there, go home safely ok.

Bagsak balikat nagbuntong hininga si Mio dahil sa text ni Reagan, inaasahan pa man din niya itong makita at makasabay umuwi. Pero mukhang uuwi siya magisa ngayong araw.

Binalik niya ang cellphone sa bag bago nagpatuloy sa klase, parang wala itong naintindihan sa buong klase dahil nawala na ng gana.

Nang matapos ang klase wala sa sariling lumabas si Mio ng kanilang building at naglakad na palabas ng university ng tumigil ang sasakyan ni Clyde sa harapan niya, "HOY SAAN KA PUPUNTA?" tanong nito sabay bukas ng bintana sa likod kung saan nakaupo si Kimy at City.

"Huh?" naguguluhang sambit ni Mio kaya binuksan na ni Kimy ang pinto ng hinila si Mio papasok, "Diba birthday ni Brix ngayon edi g tayo sa bahay nila ano ka ba Mio wag mong sabihing nakalimutan mo" sambit ni Kimy ng makasakay na siya sa loob at pinaandar ni Clyde ang sasakyan.

Dahil sa sobrang occupied ni Mio kay Reagan nalimutan niya na ngayong araw pala ang kaarawan ng kaibigan kaya agad siyang nag isip ng palusot. "Hindi ko nakalimutan, lutang lang talaga ako ngayon hahahah kulang sa tulog" sambit niya.

"Sus, dahil dyan sagot mo ang drinks" sambit ni Clyde, at nagtawanan naman sila City at Kimy. they caught Mio off guard.

Napabuga nalang ng malalim si Mio at kinalimutan muna ang pagiisip kay Reagan, tumuloy sila sa bahay nila Brix kung saan may maliit na party na nagaganap, nandito ang ibang kaibigan ni Brix at mga pinsan niya.

Pagpasok nila sa loob agad silang nilapitan ni Layda at hinila sila sa table kung saan nakaupo si Brix, "Oy akala ko mamaya pa kayo darating eh!!" sambit ni Brix pagkakita sa mga kaibigan, at tinaggap niya ang dalang tatlong bote nang whiskey na dala nila Mio.

"Oyy, sinong taya?" tanong niya nag matanggap ito, tumawa sila Kimy at sinabi, "Si Mio hahaha" dahil doon inakap ni Brix si Mio at sinabi, "Salamat Mio" he said and bring the drinks on the kitchen.

Umupo na sila Mio sa couch at nagsimula nang maginuman, puno ng tawanan at kwentuhan ang table nila ng biglang dumating si Cayden, "Late na ba ako?" tanong niya dito, agad sumimangot ang mukha ni Mio ng makita si Cayden.

"Oyyy ang bigatin kong kaibigan tara dito" lasing na sambit ni Brix at hinila si Cayden paupo sa tabi niya, kung saan kaharap nito si Mio.

Agad tiningnan ni Cayden si Mio pagkaupo nito bago ito nginitian, pero hindi siya pinansin ni Mio at nagpatuloy na lang sa pag inom at pakikipag usap kila Layda.

Ngumisi nalang lalo si Cayden at nagsimula nang uminom, salita ng salita si Brix ng kung ano-ano kay Cayden ngunit ang atensyon ni Cayden ay nakay Mio, tila inaasar niya ito sa walang tigil na pagtitig niya dito.

At naiinis na si Mio sa ginagawa ni Cayden kaya naisipan nitong magpaalam muna saglit, "Restroom lang ako saglit" bulong niya kay Layda, "Sige sige" sambit ni Layda na medyo lasing na rin.

Tiningnan ng masama ni Mio si Cayden ng siya ay tumayo, pero imbis na tumigil, mas lalong ngumisi ng maloko si Cayden sa kanya at pinanood siyang umalis ng table nila.

Pag Alis ni Mio doon, hindi niya maiwasang mainis at suminghal dahil sa pagkairita kay Cayden, nagtungo siya sa banyo upang silipin ang cellphone at tingnan kung may text si Reagan.

From Sir.Reagan,

Did you go home already? Still on the meeting

Nagtext pala ito kanina, hindi ito napansin ni Mio dahil sa ingay ng mga kaibigan, kaya agad niya itong inireplyan.

To Sir.Reagan,

Hindi pa po, birthday po ni Brix kaya nandito ako sa bahay nila.slr po.

Naghinatay lang sila ng ilang saglit ng magreply agad si Reagan,

From Sir.Reagan,

Ok, have fun

Napangiti si Mio dahil sa reply ni Reagan kaya masigla siyang lumabas ng banyo pero dahil may taong naghihintay sa labas nito hindi sinasadyang natamaan niya ito at naging dahilan ito ng pagtapon ng beer na dala nito sa kanya.

Napaatras si Mio dahil basang basa na siya, "Opsss i didn't see you Mio my bad" malokong sambit ni Cayden kaya biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Mio.

Ayaw niya ng gulo kaya sinabi, "Ok lang" sagot niya at nais na lamang umalis doon at lagpasan si Cayden pero hinawakan ni Cayden ang braso niya upang pigilan siyang maglakad palayo.

"I didn't say I'm sorry" nakangising sambit ni Cayden sa kanya, "Kaya nga ok lang diba" sambit ni Mio at sinubukan tanggalin ang kamay ni Cayden sa kanyang braso.

"I wanna ask you this Mio, bakla ka ba? May gusto ka don sa bagong prof hindi ba?" sambit nito at tinignan siya sa kanyang mga mata.

"Wala kang pakialam doon Cayden" sambit ni Mio at tinulak si Cayden papalayo sa kanya at sinubukan umalis pero hinila ni Cayden ang kabila niyang braso kung saan hawak nito ang kanyang cellphone.

At dahil hindi inaasahan ni Mio iyon, nabitawan niya ang kanyang cell phone at ito'y nabasag. Tila nagulat din si Cayden sa nagawa kaya natigilan siya at tiningnan si Mio. "Sor---"

"ANO BANG TRIP MO AH!!! SUMOSOBRA KA NA EH!" biglang sigaw ni Mio dito Cayden na ikinagulat ni Cayden.

"Hindi ko sinasasady---" hindi niya natapos ang sasabihin ng itulak siya ni Mio, "ALAM MO WALA KANANG GINAWA KUNDI GULUHIN AKO AT ANG KAPATID KO, ANG SAMA NG TRIP MO TIGILAN MO NA YAN!!!" sigaw ni Mio at kitang kita na pagod na ito sa kanyang kalokohan kaya hindi nakaimik si Cayden at nanatili lang nakatitig kay Mio.

Pinulot ni Mio ang basag na cellphone at tinalikuran si Cayden, "Papalampasin ko ito ngayon" Bulong ni Mio bago umalis ng tuluyan.

"Teka Mio anong nangyari sayo? Basang basa ka?" nakasalubong pa nito si City, pero hindi na nagsalita si Mio at tuluyang umalis ng bahay ni Brix.

"Anong nangyari Cayden?" tanong ni City dito at dumating ang ibang kaibigan na tila naguguluhan sa nangyayari.


Nanatiling nakatulala si Cayden sa pinaglabasan ni Mio at sinabi,


"I think I go beyond the lines" Bulong ni Cayden at nakaramdam ng guilt sa kanyang ginawa.


He smirks with flooding guilt and whisper,


"Silly nerd"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top