CHAPTER 3
"Woah chill hindi ako makikipag away hahaha" sambit ni Cayden bahang naka ngisi kaya hindi nito nakumbinsi si Mio,tinalikuran niya nalang ito kaso agad naman siyang hinila ni Cayden sa kanyang braso at mas lalo pang lumawak ang ngiti nito.
"Wag ako Cayden" Madiing sambit ni Mio at tinignan ng masama ang kamay ni Cayden sa kanyang braso, dahil sa sinabi nito mas lalo pang natuwa si Cayden sa kanya ang inilapit nito ang mukha kay Mio bago sinabi. "Wag ako Cayden" panggagaya nito sa kanya.
"Alam mo naman ikaw ang paborito kong kalaro Mio, tapos nilalayuan mo ako nakakalungkot naman" Mapangasar nitong sambit bago kinuha ang baso ng tubig na nasa kamay ni Mio at ininom ito.
"Para kay Layda yan!" Sambit ni Mio at tiningnan ng masama si Cayden, ngumiti ang binata bago binuhos sa ulo ni Mio ang natirang tubig na kanyang iniinom.
"Medyo mainit kasi dito sa loob, palamig ka muna" Sambit nito bago binitawan si Mio na tila natigilan dahil sa pagdaloy ng malamig na tubig sa kanyang katawan, hindi na bago ito kay Mio at alam nitong mangyayari ito kaya hindi na siya nag sayang pa ng oras na magalit ka Cayden. Tinalikuran nal lamang niya ito at kumuha ng panibagong tubig sa counter.
Tumawa lang si Cayden habang pinapanood si Mio na parang basang sisiw na naglalakad pabalik sa table nila.
"Mio san ka galing bakit parang nag dive ka sa counter at basang basa ka ahahaha" Tumatawang sambit ni Clyde habang nakaalalay sa lasing na si Layda, Nagbuntong hininga na lang si Mio at inabot ang tubig dito para kay Layda at tumuloy sa banyo.
Pagdating sa banyo at agad niyang pinunasan ang mukha at dahan-dahang pinatuyo ang buhok habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin.
Hindi maiwasan na mainis ni Mio dahil hindi na napagod si Cayden na i-bully siya. Simula senior high school wala na itong ginawa kung hindi pahirapan siya at ipahiya.
Senior High School Grade 11 flashback
"Mio salo dali!!" nagulat si Mio ng biglang sumigaw si Cayden sa hallway at may inihagis itong kung ano sa kanya, at gaya ng sabi nito sinalo niya ito ng hindi namamalayan isa itong bra ng babae.
Nanlaki ang mata ni Mio ng huli niya na marealize ang kanyang sinalo at bago niya pa ito mabitawan ay isang malakas na sampal ang kanyang tanggap mula sa isang kaklase.
"BASTOS!!!" sigaw nito sa kanyang harapan bago kinuha ang bra'ng hawak niya at tumakbo ng mabilis palayo. Dahil sa gulat at sa namamanhid na pisngi ni Mio napahawak siya dito at dahan-dahang hinarap si Cayden na kasalukuyang tumatawa sa malayo.
***
Tahimik na nangbabasa si Mio sa kanyang upuan ng tawagan siya ng kaibigang si Kimy sa labas ng pinto ng kanilang classroom, "Mio canteen tayo" sambit nito at ngumiti sa kanya, tumango si Mio bago itinabi ang kanyang libro sa bag at bunuhat ito sa kanyang pagtayo.
Nang maglalakad na sana ito papalapit sa pinto ay pinatid siya ni Cayden na naging dahilan ng pagkadapa niya sa sahig, "AHAHAHAHAHA ingat naman Mio" malokong sambit ni Cayden bago nakipagtawanan sa kanyang mga kaibigan.
"Tangina mo Cayden!" sambit ni Kimy bago tinulungan si Mio tumayo at lumabas ng kanilang silid, hindi na lamang umimik si Mio at tumuloy na sa canteen.
***
"Mio bilis bilis" Masiglang sambit ni Layda habang hinihila si Mio sa field ng school nila kung saan may nagaganap na laban sa kabilang school.
At kalahok sa laban na iyon ay si Cayden, magaling si Cayden sa paglalaro ng soccer kaya malaki ang kumpyansa ng school sa kanya at habang nasa laro agad niyang nakita si Mio na parating kaya agad siyang nakaisip ng paraan para inisin ito.
Nang mapasok niya ang bola sa net ng kalaban nagtawag ng timeout ang Coach ng kabilang school kaya agad din silang lumapit sa coach nila, halos lahat ng babae ay nagtitilian ng lumapit si Cayden sa kanila.
At mas lalo pa itong nagwala ng magbuhad ito ng uniform sa harapan nila at ibinato ang uniform nito kay Mio at dahil doon nagsimulang batuhin si Mio ng ibang fans na babae ng walang laman na bottled water.
Hanggang sa dumami na ng dumami ang binabato sa kanila kaya kinailangan nilang umalis at hindi na lang manood ng laban. Ginawa iyon ni Cayden dahil alam niyang malalagot si Mio sa fans niya.
"Loko talagang Cayden iyon dimunyo tuda bones! Pasalamat siya kaibigan siya ni Brix! Kung hindi mapapatay ko siya!" galit na sigaw ni Layda.
"Hayaan mo na kung ng turnilyo sa utak yon eh" Bulong ni Mio at tinapon ang uniform ni Cayden sa basurahan.
End of the flashback
Pinunasan na ni Mio ang kanyang mukha bago lumabas ng banyo at tumuloy sa table ng mga kaibigan, "Mauna na akong umuwi at walang kasama sila Lola at Mila sa bahay, ikaw na ang bahala sa kanila" Mahinahong sambit nito at agad naman tumango si Clyde.
"Mag ingat ka Mio ah, tawagan mo kami" Sambit ni Clyde, at sakto namang dumating si Brix na may dalang panibagong bote ng beer.
"Saan punta Mio?" Tanong ni Brix kay Mio, "Mauna na ako umuwi" sagot nito sa kaibigan, "Hatid na kita gusto mo?" tanong ni Brix kay Mio, "Dala ko ang sasakyan ko, at isa pa mas kailangan ka dito" Sambit sabay turo kay Kimy na halos lumuhod na sa sahig ng dance floor habang sumasayaw.
"Oo nga" Hindi makapaniwalang sambit ni Brix kaya tinapik ni Mio at balikat ito at tumango kay Clyde bago tuluyang umalis ng bar at pagdating sa parking agad niyang nakita si Cayden na nagsisigarilyo sa tabi ng sasakyan niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mio bago naglakad papalapit sa kanyang sasakyan, "Tabi" walang ganang sambit ni Mio kay Cayden, agad namang tumayo si Cayden at tinapon sa kung saan ang kanyang sigarilyo.
"Going home already?" nakangising sambit nito pero hindi siya sinagot ni Mio at dumiretso na lang ito sa pinto ng driver's seats.
Pero hinarang ni Cayden ang kamay sa pinto, "Ano ba Cayden!" mahinahon ngunit madiing sambit ni Mio dito, ngumiti si Mio bago sumandal sa harapan ni Mio at hinila ang bewang nito papalapit sa kanya.
"Wala bang goodbye kiss dyan?" pang aasar nito kaya tinulak siya ni Mio at agad sumakay sa sasakyan nito, "Hindi ako babae na mababaliw sayo Cayden kaya tigilan mo na ako"
"Talaga?" tanong nito at sumandan sa bintana ng sasakyan ni Mio, tiningnan lang siya ng masama ni Mio at sinara ng ang bintana ng kanyang sasakyan.
Nagdrive siya pauwi at pagdating sa bahay ay naabutan niyang kausap ni Mil ang kaibigan sa cellphone, "Si Lola?" tanong ni Mio sa kapatid, "Natutulog na sa taas kuya, uminom na rin siya ng gamot niya, clear na lahat" sambit ni Mila at pumasok na sa kanyang silid.
Tumango si Mio at naglakad papunta sa silid ng kanyang Lola na may dalang baso ng tubig at pagbukas ng pinto nakita niya ang kanyang lola'ng natutulog sa kanyang kama.
Ngumiti siya bago binitawan ang baso sa side table at nagpalit ng damit sa walk in closet ng kanyang lola kung saan nakalagay ang mga pantulog niya, dahil simula noon dito sa tabi ng kanyang lola natutulog.
Pagkatapos magpalit ay humiga na siya sa tabi ng lola at pinanood at pinagmasdan lang niya ang kanyang lola hanggang sa maalala niya ang isang taong matagal niya nang hindi nakikita.
Tila iba ang nararamdaman niya tuwing naiisip iyong taong iyon, at hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay naalala niya pa rin ito ng mabuti at kung ano ang boses at mukha nito.
Tumitibok din ang kanyang puso sa kakaibang paraan tuwing naiisip na makita ito muli ngayong malaki na siya, "Makakapag Bike pa kaya kami?" bulong niya bago tumawa at pumikit.
Hindi niya namalayan na siyang nakatulog na at paggising niya ay wala na ang lola sa kanyang tabi, at isang masarap ng amoy ang kanyang naamoy galing sa ibaba kaya ngumiti siya at tuluyan ng bumababa.
"Wow La ang sarap nito ah" bati nito sa kanyang Lola kaya ngumiti ito sa kanya at pinaghainan na sila ng pagkain ng kanyang kapatid, "Kuya sasabay ako ng uwi mamaya kila Shairah ok alam mo na bestfriend quality time muna" pagpapaalam nito sa kanyang kuya.
"Ok, basta tawagan mo ako or text ok" sagot nito sa kanyang kapatid, kumain na sila at nagbihis para sa pagpasok, "La tawagan mo ako pag may nangyari ok" nagaalalang paalala ni Mio sa Lola.
"Oo apo, wag kanang masyadong mag-alala sa akin" sambit ng Lola at hinalikan siya sa kanyang pisngi, pagkatapos magpaalam ay hinatid na niya ang kanyang kapatid sa building ng senior high bago tumuloy sa building nila.
"Text mo ako Mila ok" Palala nito sa kanyang kapatid bago umalis, "Opo kuya" magalang na sambit ni Mia at tumakbo na sa loob ng building nila.
Tumuloy na si Mio sa parking ng college building nila at pinark ng sasakyan bago tumuloy sa first class niya ngayong araw.
"Saan si Kimy?" tanong ni Mio kay Brix pag upo nito sa tabi nito. "May hang over pa kaya hindi na pumasok"sagot nito.
Tumango nalang si Mio bago dumating ang prof nila, natigilan siya ng panoorin ang familiar na tao na pumasok sa silid nila. Parang tumigil ang lahat ng nasa kanyang paligid at nanatili lang ang mga mata sa taong nasa harapan.
Ang kulay kupas na green nitong mata ang naging dahilan ng pagtitig niya ito, tila hindi ito tumanda at ganon pa rin ang itsura nito pagkalipas ng panahon.
"Good Morning everyone I'm your Film specialization Proffessor for this semester, Rios, Reagan, you can call me Sir. Rea" he said fix his specs in front of the class.
Tila hindi nakaimik si Mio ng makilala ang lalaking ito at tanging mabilis na pagtibok ng kanyang puso lang ang narinig niya sa buong klase.
At hanggang sa matapos na ang klase ay tulala pa rin siya, "Ok Class dissmis" Reagan said and bring his papers out of the room, nang makita ni Mio ang pag-alis nito agad siyang tumayo at tumakbo para habulin ito.
"Mio saan ka punta?" tanong ni Brix pero hindi niya na ito narinig at hinabol si Reagan sa hallway.
"SIR!" tawag niya dito, agad itong lumingon at nang tumigil siya sa harapan nito tila nawalan siya ng sasabihin para dito. "Ahmm" naisip niya agad kung kilala pa kaya siya nito.
Baka pag kinausap niya ito ngayon ay magmukha siyang ewan, "Ahm si---" naputol ang sasabihin niya ng ngumiti si Reagan sa kanya.
"Mio ikaw na ba yan?" mahinanon nitong sambit na ikinalaki ng kanyang mga mata, kilala pa siya nito. "Ang laki mo na ah" masiglang sambit nito at ngumiti sa kanya.
"Opo" sagot niya at ngumiti dito ng medyo hindi sigurado. "May nectc class pa ako ngayon at kailangan ko na umalis magkita na lang tayo mamaya" sambit nito at tinapik ang kanyang balikat bago naglakad palayo.
Mio's lips parted because of disbelief that he still remembered him, "Mios tara na next class!" Sigaw ni Brix kaya wala sa sariling naglakad si Mio papunta sa kanya at tumuloy na sa next class nila.
Halos buong araw ay walang ibang ginawa si Mio kung hindi isipin si Reagan, hindi siya makapaniwala na makikita niya ito muli. "Hoy wala ka sa sarili?" Clyde said while walking in the hallway after their last class.
"Wala naman haha" sagot niya at naisipan nalang umuwi ng maaga, "Sige mauna na ako umuwi bye" sambit niya at humiwalay na sa kanyang mga kaibigan at pagdating sa parking nakita muli niya si Cayden na nakasandal sa kanyang sasakyan.
Huminga siya ng malalim at nilapitan ito, "Trip mo bang magtago sa sasakyan ko?" tila pagod na sambit ni Mio dito, ngumiti si Cayden tiningnan ang sasakyan ni Mio.
Bumukas ang bintana nito na ikinagulat ni Mio at nakita niya ang kanyang kapatid sa loob nito, "Mila?!" Sambit niya.
"Hi kuya pahiram ah" She said and started the engine and drive away, "TEKA PANO MO NABUKSAN YAN?!?!" sigaw ni Mio sa kanyang kapatid, "NAGPADUPLICATE AKO AHAHAHAH SORRY KUYAAAAA BYEEE!"
Wala nang nagawa si Mio ng itakbo ng kapatid ang sasakyan, "Gusto mo bang sumabay sa akin" malokong tanong ni Cayden sa kanya at tinuro ang bigbike nito.
"Hi---" hindi natapos ni Mio ang isasagot ng may bumusina sa gilid nilang ford ranger na white, at paglingon nila ay bumukas ang bintana nito.
"Mio let's take dinner together" sambit ni Reagan at binuksan ang pinto para kay Mio.
Parang batang sumunod agad si Mio at iniway si Cayden doon, Ngumiti si Reagan kay Mio at sinabi,
"Long time no see Mio" he said and messed with his hair.
Just like the old times.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top