CHAPTER 10
"Class dismiss" isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Mio ng matapos ang last subject nila, sabay-sabay silang lumabas ng class room.
"Sa wakas tapos na ang klase natin last day na ito kaya dapat magenjoy na tayo mamayang gabi, ano g, Brix sagot mo drinks" masiglang sambit ni Kimy ng umakbay siya kay Mio habang naglalakad sila palabas ng building.
"Ako na naman kakasagot ko lang nung nakaraan ah! Luge! Reklamo ni Brix sa kanila, pero tumawa lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos ang exam nagpatuloy na sa pagpasok si Mio at si Cayden naman ang nagdrop out na dahil hindi na nito kayang pagsabayin ang study at career, sumisikat na rin ito ng sobra kaya hindi na talaga nag-aral at hindi na din siya nakita muli ni Mio.
Sa kaso naman ng pagkahiya ni Mio kay Reagan at nasolusyunan niya ng hindi pagpasok sa klase nito at sakto nong exam ay absent ito kaya hindi pa rin niya ito nakaharap.
Nais na lang iwasan ni Mio si Reagan, kahit na bumubugso pa rin ang nararamdaman niya dito, natatakot siyang harapin ito pero mukhang hindi sang ayon ang tadhana na iwasan na lang niya ito habang buhay.
Dahil, tumigil sa paglalakad si Mio ng, "Mio" Reagan call his name as he was standing in front of him holding some test papers and he smile at him.
"Can we talk" Reagan said, hindi na makaatras si Mio kung kaya tumango siya at nagpaalam sa mga kaibigan.
"Magkita na lang tayo bukas Mio" sambit ng mga kaibigan ng makaalis na ang mga ito at siya naman ay tahimik na sumunod kay Reagan sa loob ng opisina nito.
Tahimik na ibinaba ni Reagan ang dalang papers bago hinarap si Mio at ngumiti, "You lose weight" sambit nito ng siya'y tignan mula ulo hanggang paa.
"And you're not attending my classes" napalunok si Mio dahil sa sinasabi nito, kinakabahan siya at hindi alam kung paano ito kakausapin.
"Sorry Sir" iyon nalamang ang sinabi at nagpatuloy sa pagyuko at pag iwas ng tingin dito. "You're avoiding me, am I right?" tanong ni Reagan kaya napatingin na si Mio sa kanya at buong tapang na tumango.
"Because of that night?" tanong muli nito, tumango ulit si Mio bilang sagot, bago napagdesisyonan na umamin na ang tuluyan kay Reagan.
"Gusto kita matagal na, hindi ko lang naintindihan agad dahil lalaki ako pero ngayon malinaw na malinaw na gusto kita Reagan" buong tapang na sambit ni Mio.
Huminga ng malalim si Reagan bago naglakad papunta sa harapan ni Mio at tinapped ang ulo nito, "I know and..." bulong nito sa kanya.
"I'm sorry, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. I have Liseth and I'm happy with her, I see you as my little brother Mio special ka sa akin at hindi ko gustong malayo pa sayo pero hanggang dito lang ang kaya kong ibigay Mio" puno ng sinceridad nasambit ni Reagan bago inabot ang mga kamay ni Mio at hinawakan ito ng malumanay.
Dahil sa sinabi nito, tila may tumusok na patalim sa puso ni Mio at hindi niya na nagawang magsalita pa at sumagot sa pagkat tumulo na lamang ang luha nito sa sakit at dahan-dahang nagsink in sa kanya lahat ng sinabi ni Reagan.
Sobrang sakit nito para sa kanya dahil alam niyang sa umpisa pa lang ay talo na siya pero pinilit niya parin magpakabulag at umasa sa isang fantasya.
"I don't want to hurt you so bad and if only I can do things to stop that I will do it but I can't, You are a very special person to me, you are my little brother that I'm willing to protect and treat just to see you smile, I love you but my love level wasn't same as you have for me, I'm sorry and thank you for loving me" Reagan said and hugged him, Mio break down and cry on his arms.
His tears keep falling, his heart keeps breaking but he doesn't have a choice but to accept it,"Shhhh" Reagan whispered and brushed his hair as he hugged him back.
Reagan hugged him until he stop and cope up, he move away from him and urge a smile, "Thank you for letting me express my feelings for you, thank you for accepting who I'm, and thank you for loving me as your brother" Mio said while sobbing, he bow his head and say, "Aalis na po ako" sabi ni Mio bago ngumiti muli at nagsimula nang maglakad papunta sa pinto.
Bago siya tuluyang lumabas nagsalita pa si Reagan na lalong ikinalungkot ni Mio, "I'll be teaching abroad and this will be my last day here, will you still talk to me when I'm away?" tanong ni Reagan sa kanya, tumulo na ang luha ni Mio at mahigpit nitong hinawakan ang pantalon.
Hindi niya hinarap si Reagan pero tumango siya at sinabi, "Maasahan nyo po" he said and leave the office, he walk on the hallway crying, whimpering in pain from his chest and breaking into pieces.
Umuwi siya na iyak ng iyak at habang umiiyak ay kumatok ang lola niya bago binuksan ang pinto at ngintian siya habang patuloy siya sa pag iyak.
Umupo ito sa tabi niya bago tinignan siya ng mabuti at kusa na lang lumapit si Mio at yumakap sa bewang ng Lola niya, he cried all out on his grandmother's arms.
"Ang sakit La" bulong niya, ngumiti ang Lola bago hiangod ang kanyang likod at sinabi, "Ang pagmamahal ay ang malalim na ibig sabihin ng pagmamahal, kailangan mong maramdaman ang sakit dahil totoong pag ibig ang iyong handog apo, pero may mga totoong pag ibig na hindi kailanman kayang suklian ang isang tao kaya ang lagay ay naghihilom ito magisa at sasaya magisa" sambit ng lola at inayos ang kanyang magulong buhok.
Nasasaktan si Mio ng sobra pero alam niyang tama ang sinabi ng kanyang Lola at ang daan na tatahakin niya ay ang paghihilom mag isa. Pagpapalaya at pagiging masaya para sa iba.
Umiyak ng umiyak si Mio sa kanyang Lola ng gabing iyon pero alam niyang lilipas din iyon at...
3 years later,
"Wahhhhhh isang kembot na lang graduate student na tayo woahhhhhh!!!!" masayang naglalakad sila Mio dala-dala ang kinuhang toga sa dean's office.
Graduation na nila bukas at tila naging maganda ang buhay ni Mio pagkalipas ng tatlong taon na iyon, natuto itong mahalin ang sarili at nakipagayos sa ina.
Ngayon namumuhay na si Mio ayon sa kanyang gusto, tanggap siya ng kanyang pamilya at kaibigan at malinaw na ang tingin niya sa kanyang future.
"Oh, sige na mauna na ako sa inyo" paalam ni Mio pagkasakay ng sasakyan at umuwi, pagkababa ng sasakyan may nakita siyang sobre sa mailbox ng bahay nila at agad itong kinuha.
Binuksan niya ito at isang inbitasyon ang bumungad sa kanya,
"You are invited to Sebastian Reagan Rios and Liseth Moirre's grand wedding"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top