CHAPTER 1



Disclaimer: This story fiction name, characters, business, events, places, incidents are produced by the author's imagination or dreams, any resemblance to the actual persons or events are purely confidential.

This story might contain mature scene, strong language that are not suitable for very young readers, please read this at your own risk.

This story is purely unedited and have lots of error please if you have encounters typo's language error please bear with me, I will try my best to fix it in any moment.


***



"Brummmm.. Brummm..Brummm" Tahimik na naglalaro sa harapan ng pinto ng bahay nila ang pitong taong gulang na si Mio, pabalik-balik pinapadausdos ang laruan na sasakyan sa harap ng bahay.

Tila sumisilay ang magagandang ngiti ng bata habang pinagmamasdan ang laruan ng biglang makarinig ng malakas na kalabog at pagkabasag mula sa loob ng bahay nila.

"ANO BA MATEO!!!" rinig niyang malakas na sigaw ng ina sa loob ng tahanan, pinikit ni Mio ang kanyang mata ng muling makarinig ng malakas na pagkabasag na ingay mula sa loob.

Kanina pa nagaaway ang kanyang magulang sa loob kung kaya't nanatili sa labas ang bata upang hindi masaksihan ang nangyayari sa loob na palagi niya nang napapanood.

"Brumm... brumm---" Natigilan niya ng marining ang sinabi ng ina, "HINDI AKO PAPAYAG NA DALHIN MO SI MILA SA BABAE MO! SI MIO ANG ISAMA MO AT AKIN SI MILA!!!" sigaw ng ina.

Nanatiling hindi gumagalaw ang bata at hinintay ang isasagot ng ama, "SI MILA ANG ISASAMA KO AT HINDI SI MIO! AKIN SI MILA SAYO SI MIO!!" sigaw ng ama at tila ayaw nitong makasama ang panganay na anak kaya hindi maiwasang makaramdam ng kirot sa kanyang dibdib ang bata habang pinakikinggan ang sinasabi ng magulang.

"AKIN SI MILA! MAGHIWALAY TAYO PERO AKIN SI MILA KAHIT ANONG MANGYARI! WALA AKONG PAKIALAM KUNG ISAMA MO SI MIO SA KABIT MO!!!" sigaw ng ina kaya ipinagpatuloy nalang ni Mio ang paglalaro dahil alam niya namang iyon ang sasabihin ng ina.

"Brummm brumm brummmm" medyo napapalakas na ang pagtulak ni Mio sa kanyang laruan ng hindi napapansin, malakas na rin ang ingay na inilalabas ng gulong nito at tila nakakatulong iyon para hindi marinig ni Mio ang boses ng magulang kaya mas lalo niya pa itong nilakasan.

"BRUMMMM BRUMMM"

"NAPAKAWALANG KWENTA MONG ASAWA AT AMA! TAMA LANG NA MAGHIWALAY NA TAYO NG GUMINHAWA NA ANG BUHAY NAMIN NI MILA!!!"

"BRUMMM BRUMMM BRUMM!" patuloy na paglalaro ni Mio, "IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGING GANITO, IKAW ANG SUMIRA SA PAMILYA NATIN IKAW ANG MATAAS ANG TINGIN SA SARILI ANG PUMILI NA MAGING GANITO ANG PAMILYA NATIN!!!" sigaw ng ama.

Hindi na matabunan ng ingay ng laruan ni Mio ang sigawan sa loob ng bahay at unti-unti na rin siyang naapektuhan sa pag-aaway ng magulang. Nagsisimula ng nangingilid ang luha ng munting bata kaya agad niyang tinakpan ang tenga at malakas na tinulak ang laruan.

"HINDI KO DADALHIN SI MIO DAHIL SI MILA ANG GUSTO KO!" sigaw ng ama.

"HINDI AKO PAPAYAG AKIN SI MILA! DALHIN MO SI MIO!" sigaw ng ina.

Napalakas ng sobra ang pagtulak ni Mio sa laruan kaya gumulong ito papalayo, agad tumayo si Mio at hinabol ito habang pinipigilan ang luhang nagbabadya sa kanyang munting mga mata.

Nang ito'y kunin niya, "TABI!!" sigaw ng isang binatilyong nakasakay sa isang Bike, dahil sa gulat hindi na nakagalaw si Mio at ipinikit na lamang ang mata ng bata, mabuti nalang ay mabilis kumilos at napigilan ng binatilyo ang bike at huminto sa harapan ng bata.

"BATA!" sambit ng binatilyo ng makitang may tumulong luha sa mata ng bata, "Natamaan ka ba?" seryosong tanong nito rito, bago bumababa sa bisikleta at tiningnan ang bata.

Humarap si Mio dito at pinunasan ang luha, "Mahirap po ba yang gamitin?" tanong ni Mio sa binatilyo sabay turo sa bisikleta nito. Kumunot ang noo ng binatilyo dahil sa sinabi ng bata.

Ang akala nito ay nasaktan niya ito, "Hindi naman" litong sagot nito kay Mio bago pinunasan ang luha nito. Nagulat siya nang ngumiti ang bata at tiningnan siya na tila nagniningning ang mata nito.

"Turuan mo po ako" Sambit ni Mio bago naunang pumunta sa harap ng bisikleta, wala sa sariling tumayo ang binatilyo at itinayo rin ang bisikleta bago isinakay ang bata dito at pinaandar ito.

Nang lalagpas na sila sa tapat ng bahay nila Mio napalingon ang binatilyo ng bumukas ang pinto nito, "LUMAYAS KANA!!!!" sigaw ng nanay ni Mio bago binato ang gamit ng asawa sa labas ng tahanan nila.

Nagpatuloy sa pagbibisikleta palayo ang binatilyo habang nakasakay sa harapan si Mio na tila natutuwa sa sinasakyan, "TALAGANG LALAYAS AKO SA BAHAY NA ITO AT SAYO NAPAKAMAKASARILI MO!" sigaw ng ama ni Mio, na napansin ng binatilyo na kamukha ito ng batang kasama niya.

Nang maintindihan na ang nangyayari humarap na siya sa harapan at tinignan si Mio na nakangiti pero bakas ang lungkot sa mata ng bata. Nagpatuloy sa sa pagbibisikleta papuntang park ng village nila at doon dinala si Mio.

"Gusto mong matuto nito?" Tanong niya ng ibaba si Mio mula dito, tumango ang bata sa kanya ng may ngiti sa labi bago itinaas ang dalawang kamay na tila nagpapabuhat para isakay siya sa upuan ng bisikleta.

Hindi napigilan ng binatilyo ang pagngiti ng matuwa sa cute na ngiti ni Mio, kaya binuhat niya ito at isinakay sa bisikleta at sinimulan itong turuan,"Anong pangalan mo?" Tanong nito rito.

Tumawa si Mio dahil natutuwa ito sa pagpapaandar ng bisikleta bago tiningnan ang binatilyo at sinagot ito, "Mio po ang pangalan ko" malambing na sagot nito.

Tumango ang binatilyo bago ngumiti at tinanong si Mio, "Gusto mo bang malaman ang pangalan ko?" tanong nito dito bago tumigil sandali.

Agad namang tumango si Mio at tinitigan ito, hinintay ang isasagot nito. Ngumisi ito bago sumagot, "Ako si Reagan, magkapitbahay tayo" sambit nito.

"Ilang taon kana?" tanong ni Regan kay Mio, pinakita nito ang pitong daliri bilang sagot, "Seven?" Tumango si Mio.

"Ikaw?" tanong naman ni Mio sa kanya, ngumiti si Reagan at sumagot, "19 na ako" tumango si Mio sa sagot niya at natuwa lang siya sa reaksyon nito, tila parang matanda kung umakto ang pitong taong si Mio.

"Hindi ba nakatira ka tapat ng bahay na kinatatayuan mo kanina?" tanong nito kay Mio, tumango si Mio bilang sagot at sinabi, "Opo, pwede mo po ba akong turuan nito hanggang ganito" sambit ni Mio at ipinakita dalawang kamay sa harap nito.

Tumawa si Reagan at sinabi, "Nang sampung araw? Haha" sambit niya, ngumiti si Mio at tumango. "Sure" sagot ni Rea at patuloy nang tinuruan si Mio.

Halos buong araw niyang tinuturuan si Mio ng pagbibisikleta, may mga oras na hindi niya naaagapan ang pagkahulog nito at nadadapa ito pero hindi ito umiyak o nagpakita man lang na nasasaktan siya, humahagikgik lang ito habang tumatayo at nagpapagpag.

Pinagmasdan lang siya ni Rea ng unti-unti siyang natututo pero ng malapit nang bumaba si haring araw napagdesisyonan na ni Rea na iuwi ang bata sa kanilang tahanan dahil baka hinahanap na ito.

"Bukas ulit!" masiglang sambit ni Mio ng ibaba ni Rea mula sa bike, ngumiti at ginulo ni Rea ang malambot na buhok ni Mio bago tumango at sinabi, "Sure thing" sagot niya.

Hinintay ni Rea pumasok si Mio sa loob bago umuwi sa kanilang tahanan, pagpasok ni Mio sa loob dala-dala ang laruan niya nakita niya ang ina na sinusuklayan ang buhok ng kapatid. Ngumiti siya bago naglakad sa harapan ng ina at sinabi. "Mommy nag-aaral po ako mag bik----" naputol ang gustong sabihin ni Mio ng tingnan siya ng ina ng walang emosyon.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nakita ang maliit na sugat nito sa tuhod. Nang mapansin ni Mio na tinitingnan ng ina ang tuhod agad siyang nagsalita, "Mommy hindi naman po masakit yan su----" naputol muli siyang magsalita na ang ina at sinabi.

"Maligo ka na sa itaas at linisin mo yang sugat mo" walang ganang sagot ng ina at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok ng kapatid niyang si Mila.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mio bago tumango at tumalikod sa ina, naglakad ito paakyat at ginawa ang inutos ng ina, naligo ito magisa at nagbihis. Umakyat sa upuan upang makuha ang first aid kit sa aparador ng kanyang silid.

Umupo ito sa kama at matyagang nilinis ang sariling sugat. Malungkot si Mio pero hindi niya ito hinayaan at tila iniisip na lamang kung gaano siya kasaya ng nakasakay sa bisikleta, pakiramdam niya ay lumilipad siya habang nakasakay dito kaya sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ni Mio.

Matapos linisin ni Mio ang sugat ibinalik niya ito sa itaas at tumuloy na sa kanyang higaan at kumuha ng itinabing biscuit sa tabing lamesa, kumain siya nito habang ngumingiti at inaalala ang saya ng pagbibisikleta.

Matapos kumain uminom siya ng tubig sa kusina, nakapatay na ang ilaw sa ibaba kaya medyo nakaramdam siya ng takot, matapos uminom ay tumakbo siya paakyat at pagpasok sa kwarto ay agad siyang humiga at natulog.

Kinabukasan paggising niya ay agad siyang ngumiti at hinawi ang kurtina ng kanyang bintana, excited siyang maglaro muli sa labas at magbisikleta kaya agad siyang naghilamos at nagtoothbrush sa kanyang banyo bago bumababa at nakasalubong ang ina sa salas na puno ng maleta at bag sa tabi nito.

Binibihisan nito ang kapatid na si Mila at ng makababa na ng tuluyan sa hagdanan si Mio biglang lumitaw ang kanyang lola na galing sa kusina. "Mio apo ko" nakangiting pagbati nito sa apo.

"Saan po tayo pupunta Mommy?" tanong siya sa ina. Umiwas ng tingin ang ina bago ito sumagot, "Kami lang ni Mila ang aalis, maiiwan ka sa Lola mo siya muna ang magbabantay sa iyo, nagtatrabaho ako sa UK hindi ko naman pwedeng iwan si Mila dito dahil baby pa siya" sagot ng ina at sinimulan ng suotin ang bag at buhatin si Mila.

"Sama na lang po ako Mommy para tulungan kita alagaan si Mil---"

"MAIWAN KA SABI EH!" sigaw ng ina na ikinagulat niya, "Lara!" pagbabawal ng Lola ni Mio sa ina niya, huminga ng malalim ang ina ni Mio bago hinila ang mga gamit papalabas ng bahay kung saan may naghihintay na sasakyan.

Nanatili lang sa kinatatayuan si Mio at pinanood lang ang inang ilagay ang mga gamit sa loob ng sasakyan, "Ma ikaw na ang bahala dito, magpapadala ako dalawang beses sa isang buwan wag kayong mag-alala" sambit ng ina sa lola niya at sumakay na sa sasakyan.

"Hindi ka ba magpapaalam kay Mio?" tanong ng Lola sa ina, tumayo si Mio sa harap ng pinto at tiningnan ang ina, "Aalis na kami" sambit ng ina bago isinara ang pinto at umalis.

"M-mommy" bulong ni Mio at dahan-dahang naglakad hanggang sa maging pagtakbo na ang kanyang ginagawa, sinusubukan habulin ang ina, tumakbo ito sa abot ng makakaya ngunit mas lumalayo na ang sasakyan at nadapa siya.

"MIO APO" rinig niyang sigaw ng lola mula sa bahay nila, pero nanatiling nakatanaw si Mio sa palayong sasakyan kung nasaan ang ina at kapatid bago yumuko at hinayaang nakadapa sa gitna ng kalsada.

Nakarinig siya ng pagtigil ng bisikleta sa harapan niya kaya dahan-dahan siyang tumingala, nangingilid ang luha na tiningnan si Reagan.

Ngumiti si Reagan sa kanya at sinabi, "May dala akong chicken sandwich gusto mo ba?" Tanong nito.

Pinunasan ni Mio ang mukha bago dahan-dahang umupo at tumango kay Reagan, tumawa si Reagang ng imbis malinis ang mukha nito sa pagpunas ng mukha mas lalo lamang itong dumungis.

"Tara" Sambit nito at tinulungan tumayo si Mio bago isinakay sa kanyang bisikleta.

"Pupunta lang po kami sa park" Sambit nito sa Lola ni Mio ng daanan nila ito sa tapat ng bahay nila. Tumango ang Lola ni Mio hinayaan silang umalis.

Pagdating sa park umupo sila sa bench at nagsimulang kainin ang sandwich na dala ni Reagan. Nakikiramdam lang si Reagan kay Mio at hinihintay itong umiyak.

Pero mauubos na nila ang sandwich ay hindi man lang ito umiyak, "Gaano katagal po ako matuto magbike?" tanong ni Mio dito. "Mga ilang araw na lang marunong kana" nakangiting sagot ni Reagan kay Mio na ikinangiti nito.

"Tara na po!" sambit ni Mio at hinila na si Reagan papunta sa bike nito at nagsimula na silang magbisikleta, tinuruan ni Reagan si Mio at mas nagiging pursigido na si Mio matuto hindi kagaya ng kahapon na ineenjoy lamang nito ang pagbibisikleta.

"Dahan-dahan Mio" sambit ni Reagan ng magsimula nang magpatakbo ng mabilis si Mio, hinahabol niya na ito at tila tumatawa na ang bata habang natututo ng mahusay.

Makalipas ang ilang linggo binilhan ng kanyang Lola ng sariling bisikleta si Mio at dahil doon excited siyang ipakita ito kay Reagan, dahil magaling na siya magbisikleta, ngayong meron na siyang sariling bike makakasama niya na ito magikot sa kung saan-saan.

Agad bumababa sa kanyang bisikleta si Mio bago kumatok sa pinto ng bahay nila reagan, mga ilang pagkatok niya lamang ay bumukas na ito at ibang tao ang nakita niya.

"Anong kailangan nila?" tanong ng matandang babae kay Mio, kunot noo ng tiningnan ni Mio kung tama ba ang bahay na pinuntahan niya at tama naman dahil katabi nito ang bahay nito. Dito nakatira si Reagan pero nasaan ito?

"Rea?" bulong ni Mio na narinig naman ng matandang babae at ngumiti, "Nako iho lumipat na ang mga Rios kagabi, biglaan lang din, ako ang caretaker ng bahay na ito" sambit ng matanda, tumango si Mio bago umatras at sumakay sa bike at umuwi sa bahay.

Agad siyang bumababa ng bisikleta at hinayaan itong matumba sa harap ng bahay bago nagmamadaling pumasok at tumakbo sa kanyang silid.

"Oh, Mio apo akala ko ba magbibisikleta kayo ni Reagan?" tanong ng lola pero hindi ito pinansin ni Mio ata agad nagkulong sa kanyang silid, humiga ito sa kanyang kama bago nagtalikbong ng kumot at nagsimulang umiyak.

Tila sumisikip ang dibdib ni Mio at nasasaktan sa biglaang pag alis ni Reagan, hindi man lang ito ng paalam sa kanya.

Kinabukasan naabutan ng Lola na nakaupo lang sa sala si Mio at nanonood ng palabas at hindi nagbibisikleta gaya ng palagi nitong ginagawa.


"Mio hindi ka ba magbibisikleta sa labasan ngayong araw apo?" tanong ng kanyang Lola.


Umiling ito at sinabi,



"Ayaw ko na pong magbike" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top