SPECIAL CHAPTER

Special Chapter

Rue


“WHERE are you, babe? Ikaw na lang ang hinihintay rito. Everyone was already here.”

Mabilis kong sinuot ang isang fitted blue jeans at white puffed crop-top long sleeves. Pinarisan ko iyon ng white 4 inches heels and viola. All is done.

“Oo na! Oo na! Parating na ako. Psh. Bakit ba kasi nauna ka d'yan? Z naman, e!” Kumuha ako ng maliit na pouch at nagmamadaling umalis.

Nasa labas na ako ng bahay but I frustatedly stomped my feet ng makalimutang ang car keys sa kwarto ko. Tang na juice naman!

Babalik na naman ulit ako sa loob? Ugh! Bugnot akong naglakad papasok at kinuha ang susi ng sasakyan sa kwarto ko.

Dad gave me this as an advance gift for our upcoming birthday. Mas gusto ko 'yong regalo niya kay Kuya Eziel but I don't mind. I also love this, a lamborghini aventador SVJ roadster, it's my second baby. Of course my first baby is no other than. . . Zinnon.

I started the engine matapos na makalabas ng bahay. Papunta ako ngayon sa bahay ni Cielo to celebrate his birthday. Finally, natanggap na rin ng pamilya niya na magdo-doctor ito. Wala naman silang magagawa dahil iyon na rin ang gusto ng anak nila.

Sobrang saya ni Cielo no'ng ibinalita niya iyon sa amin. Of course we were happy that time, we celebrate it.

May kanya-kanya kaming tinahak matapos na maka-graduate sa high school. Nakakalungkot man pero ganyan talaga ang buhay. Hindi naman namin nakakalimutan ang isa't isa. We find time para maka-bonding kaming magkaklase.

Lahat kami ay nasa third year college na ngayon. Parang ang bilis lang ng panahon. Noon para kaming mga walang muwang sa mundo, halos sa isip naming lahat noon ay kalokohan.

I smiled when I remember my first day in Hades Academy. I punched them all na parang walang bukas, wala akong inuurungan noon. Napailing na lang ako sa mga kabulastugan kong nagawa.

Palaging sumasakit ang ulo nina mom and dad sa akin noong umuuwi ako ng may mga gasgas sa mukha. I miss my old self, nakakatuwang balikan ang mga araw na iyon.

My phone rang again, I was supposed to pick it up when suddenly a truck was running towards my direction. Nagpapagewang-gewang ito, tila nawalan ng preno. Oh my goodness!

My heart race rapidly. It is over? Will I die here now? I can't imagine I'm not with Z when he graduates. I can't imagine that I can't see the worst section when they got old with their grandchildren.

No! It's not yet over.

Nakakabinging busina ang nangibabaw sa buong paligid ngunit dinaig pa no'n ang ingay ng puso ko. Ang tangi ko lang iniisip ay ang mga taong mahal ko. Not yet, please. Oh god, please help me.

Nanginginig kong kinabig ang manibela para maiwasan ang paparating na truck ngunit hindi iyon naging sapat para maiwasan ng tuluyan iyon.

Isang nakakabinging pagkalabog ang bumuhay sa kuryosidad ng mga taong malapit dito. Isa-isang nagsilabasan silang lahat at nakiusyoso sa nangyari.

“Tumawag kayo ng ambulansya!”

“Ayos lang kaya sila?”

Habol ang hiningang napatulala ako sa mga taong papalapit sa sa sakyan ko, ganoon din sa truck na iyon. May kumatok sa bintana ko kaya agad ko iyong binuksan.

“Okay lang po ba kayo, miss?”

Napatango ako ng ilang ulit at napalabas sa sasakyan. Napasapo ako sa bibig ng makita ang sitwasyon ng truck na iyon. May mga karga itong mga gulay at nagkalat na ang mga iyon sa daan. Wasak amg unahang bahagi ng truck kaya mas lalo akong napasinghap.

“O-okay po ba 'yong driver  niyan, manong?” tanong ko sa taong malapit sa truck.

“Oo, iha. Mabuti na lang at tumalon siya bago bumangga ang minamaneho niya. Ayon siya.” Tinuro nito ang mamang may iilang gasgas na nakaupo at pinapaypayan ng mga tao.

Napahinga ako ng maluwag dahil walang masamang nangyari sa kanya. Nakarinig ako ng sirena ng ambulansyang papalapit.

Tinanong pa ako kung okay lang ba talaga ako. Napatango na lang ako at 'saka bumalik na sa sasakyan. Wala namang natamong kahit ano ang sasakyan pero 'yong gasgas lang sa gilid. Ano't ganito lang ang nangyari? Inaasahan ko talagang mababangga na ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa saksakyan ay  pinaandar ko na ito. May mga pulis din sa paligid at nakapagbigay na rin ako ng statement.

Asksidente ang nangyari kaya wala tayong masisisi. Nawalan talaga ng preno iyong truck sabi ng driver. Nanlulumo siya dahil sa mga gulay na nagkalat at hindi na mapapanginabangan. Nag-abot ako ng kaunting tulong para naman mabawi nito kahit papano ang puhunan.

Narating ko ang mansyon ng mga Santos ng payapa ngunit nangunot ang noo ko nang madatnan ang nagtatalong sina Gavin at Owen sa labas ng gate.

Dali-dali akong lumabas ng kotse ngunit mga nag-aalalang mga mata ang sumalubong sa 'kin isa-isa. Kinunutan ko silang lahat ng noo at binigyan ng nangunguwestiyong tingin.

“Why are you here, guys? Sa loob ang party diba? What's happening here?” I asked, confused.

“Anong nangyari sa 'yo, Rue?” Noah asked.

“Okay ka lang ba?” Lumapit si Gavin sa 'kin pero bigla itong tinabig ni Zinnon.

Tsk. Seloso talaga. Hindi pa rin maka-move-on ang isang 'to. Pinag-iinitan pa rin si Gav. Napailing na lang ako sa ginawa niyang iyon.

“I heard something on the phone. Ano 'yong malakas na pagsabog? Nagsasalita ako pero hindi ko naman ako sinasagot sa kabilang linya. What really happened?” Nag-aalalang sinuri ako nito. Sasagot na sana ako pero natigil iyon.

“Bakit may gasgas itong sasakyan mo, Rue?” tanong ni Rin.

Nagsinggapan sila at dali-dali pumaroon sa kotse ko. Napasapo ako sa noo dahil sunod-sunod na 'yong mga tanong nila.

“May taong gustong saktan ka?”

“Reresbakan namin!”

“Sino siya, Rue?”

“Sabihin mo lang at makakatikim sila ng isang daang kamay!”

“Ang ganda talaga ng kotse mo, Rue!”

Napakamot ako sa ulo at napatingin kay Z.

“Guys, calm down, okay? She will explain it,” kalmadong aniya.

Napangiti ako dahil kabisado na nito ang mga maliliit na detalyeng ginagawa ko. Zinnon became matured, s'yempre kamung lahat na rin. Siguto ganito talaga kapag nag-college ka na 'no?

Bigla-bigla ka na lang magbabago at may mga priorities ka na sa buhay, kaya iyon dapat amg unahin.

Nagsimula akong magkuwento sa kanila kung anong nangyari sa kotse ko. Ay mas lalong naging o.a ang mga reaksyon nilang lahat. Natatawa na lang ako dahil todo asikaso silang lahat sa 'kin.

“Hindi naman ako baldabo, babe. Bakit ganito sila?” wika ko kay Z. Nakaupo na kami sa loob ng bahay nina Cielo.

Natawa lang si Z at ipinagkibit-balikat ang mga pinaggagawa nilang lahat. Bigla kong nalala sina Hiro at Paige. Matagal na rin kasing hindi ko sila nakikita at hindi nakakabisita rito sa Pilipinas.

“Kamusta na pala si Hiro?” Napatingin siya sa 'kin na may nagmngungunot na noo. Matawa ako dahil alam ko na ang susunod na sasabihin nito.

“Kinakamusta mo siya pero ako hindi? I'm jealous, babe.” Ngumuso ito kaya mas lalo akong matawa. See?

“Halika may ibubulong ako,” sabi ko at sumenyas para lumapit siya. Sinunod niya naman ang gusto ko at nilapit ang tenga sa bibig ko.

“Aray! Babe naman!” Lumayo agad siya sa 'kin at hinumas amg tengang kinagat ko. Tumawa lang ako sa naging reaksyon ni Z. He's so cute, lalong-lalo na ’pag naaasar at ginagawa ko ’yan.

“Para ka kasing timang d’yan! Nagseselos ka pa rin do’n? Mas gwapo ka kaya sa kanya,” wika ko.

Ngumisi siya sa narinig at hinawi ang buhok nito.  “I know, I have a good genes.”

“Oo na! Kaya nga magkakaanak tayo ng marami dahil maganda ang lahi mo," ngising usal ko.

Napatigil siya bigla sa sinabi ko at seryosong nagsalita. “Uwi na tayo, babe.”

“Ano? Bakit? May nangyari ba?” gulat kong turan.

“Gagawa na tayo ng anak,” ngising asong aniya.

“Tang na juice, Z!”

“Oh? Ikaw ang nanguna d’yan!” Tawa pa niya. Napatawa na lang ako sa sinabi niyang iyon. Baliw talaga.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan iyon.

“I love you, my Rue.”

“Mas mahal na mahal kita, Z."

“Oy tama na ka-sweet-an niyo! Nakakadiri kayo!” sigaw ni Owen.

“Palibhasa kasi walang jowa!” asar ni Red.

“Mas lalo naman ikaw!” sabi ni Nikko.

Dinumog nila kami at umupo na sa kanikanilang mga upuan. Bigla naglabas ng cellphone si Cielo at pumunta sa harap naming lahat.

“Picture naman tayo!” Aya niya.

Agad kaming nag-compress at kan’ya-kan’yang pose. Nanlaki pa ang mata ko ng nag-kiss si Z sa pisngi ko at saktong-sakto na  nakuha sa litrato.

“Maghiwalay nga kayong dalawa. Allergic ako sa mga mag-jowa!” reklamo ni Owen.

Tumawa kaming lahat. Napailing na lang ako sa inasta niya.

Parang kahapon lang nagbabangayan kaming lahat. Ngayon, sama-sama kaming tumatanda at inaabot amg pangarap.

Wala pa rin talagang tatalo sa solid na magkakaibigan. Sila at sila pa rin sa huli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top