EPILOGUE
Epilogue
SINARA ko na ang gate namin at agad na naglakad sa labasan para maghintay ng masasakyang taxi. May mga panaka-nakang tao ang nasasalubong ko habang patungo ro'n.
Napatingala ako sa langit at sinalubong ako ng mga ulap na malayang nakakalat sa kalangitan. Napangiti ako sa mga ibong pinapagaspas ang kanilang mga pakpak. Ganito na yata ang dulot ng maganda kong gising, lahat ng bagay na makikita ko ay napapangiti ako.
Ngiti-ngiting inayos ko ang lagayan ng regalong ibibigay ko kay Zinnon. Nakalagay iyon sa isang blue na kahon.
Sabi ko nga, wala na yatang bagay na hindi siya nakukuha. Lahat naman ay nasa kanya na, pati ang puso ko. Tang na juice ang cheesy ko! Kadiri ko naman kapag na-inlove.
Muntik pa akong matapilok dahil hindi ko nakita ang batong nakausli sa daanan. Kingina! Maninira pa ng araw!
Naka-jeans lang ako ngayon pero hindi na iyon gaya ng dati. High waist din ito, pinarisan ko ng isang white crop top polo at white shoes.
Napahinto na ako ng mayro'ng paparating na taxi pero napaliko 'yon at napahinto dahil may isang mabilis na itim na van ang biglang lumitaw. Papunta 'yon sa direksyon ko kaya parang nag-iba ang pakiramdam ko. Hindi pangkaraniwan ang bilis nito.
Nanlaki ang mata ko nang huminto 'yon sa harap ko. Bago pa man ako maka-react ay may nagsilabasan na ang tatlong lalaki na naka-bonnet. Tanging mga mata lang nila ang nakikita kaya hindi ko sila makilala.
"Anong kailangan niyo?" Hinanda ko ang sarili at hinawakan nang maigi ang regalo ko kay Z. Hindi sila nagsalita at pinalibutan na ako 'saka sinugod.
Nasuntok ko ang isa sa mukha kaya napaaray ito. Napatigil ako dahil parang pamilyar ang boses na 'yon. Saan ko nga ba narinig 'yon? Pero, mali yata ang pagtigil ko dahil nahawakan ako ng isa at tinutukan ng baril sa sentido. Awtomatiko akong napatigil sa paggalaw at napataas ang kamay. Tumibok ng husto ang puso ko. Hawak-hawak ko pa rin ang regalo ko kay Z.
Tumikhim ang isa sa kanila at nagsalita. "Sumama ka sa 'min. Gusto kang makita ni boss!"
Napakunot ang noo ko. Boss? Sino na naman ba ito? May bago na namang kaaway? Nananahimik na ako, e!
Pero. . .bakit parang sinasadya niyang ibahin ang boses niya? Naglakad na kami sa van at tahimik lang akong nagmamasid sa daraanan namin.
Napatingin ako sa nagda-drive at nadako ang mata ko sa kamay niya. Wow! Kakahiya naman sa kamay ko. Mas maputi pa ang kamay niya sa 'kin.
Ilang minuto lang ay parang pamilyar sa 'kin ang pinatutunguhan namin hanggang sa huminto ang van sa lugar na 'yon. Binaba ng lalaking may hawak sa 'kin ang baril nito at lumabas.
"Ito ang boss namin! May atraso ka sa kanya!" Anang pamilyar na boses.
Napalabas agad ako sa van at hinanap ang sinabi nitong boss. Ngunit isang pamilyar na tao ang nakita ko. Likod pa lang niya ay alam na alam ko na kung sino siya.
"Rue ang sakit mong manuntok! Grabe ka naman!" Biglang reklamo ng taong dumukot sa 'kin at kinuha ang nakatakip sa mukha. Pati na rin ang iba ay inalis na rin iyon, doon ko na sila nakilalang lahat. "Ang hirap mong kalabanin Rue! Nakakapangit ang au tok mo!" Dagdag pa ni Cyril at kinapa ang mukha.
"Hi Rue! Ayos ba?" Natatawang ani Noah.
"Kayo?" Sigaw ko. "Halos mamatay ako sa kaba dahil sa ginawa niyo! Kingina niyo!" Inis ko silang sinugod at pinaghahampas pero tumawa lang sila 'saka umiwas. Halos manlaki ang butas ng ilong pero tawa lang sila nang tawa.
"Wala kaming magagawa, utos e."
"Oo nga!"
"Ang sakit ng mukha ko!"
"Kapagod!"
"Ulo wala kang ginawa!"
"Na saan 'yong baril na ginamit niyo?" Tanong ko.
"Ah ito? Laruan lang 'to oh!" Tumawa si Nikko at pinasa kay Gavin ang laruang baril. Napailing na lang at natawa si Gav.
Dinala nila ako sa burol na 'to na kitang-kita ang buong syudad. Napabalik ulit ang paningin ko sa mga bubuyog na malapad na nakangiti. Nilibot ko ang tingin. May mga balloons ang paligid at mga gold na designs. Carperted ulit ang lupa at nagkalat ang mga red roses.
"Happy 2'nd anniversary, babe." Ngumiti siya sa 'kin at binigay ang isang bugkos ng pulang rosas. Inamoy ko 'yon at napangiti.
Mabuti na lang at hawak-hawak ko pa rin ang regalo ko sa kanya. Hindi ko talag binitawan 'to. Pinaghirapan ko 'to 'no. Ang regalo ko sa kanya ay isang explotion box. Todo effort ako sa pagsulat ng mga messages ko sa kanya ano! Nag-research pa ako kung paano gumawa no'n. Ilang gabi kong pinagpuyatan 'yon. Inabot ko sa kanya 'yon.
"Happy 2'nd anniversary rin, babe." Ngiti kong sabi. Sinenyasan ko siyang yumuko dahil hindi ko abot ang tenga niya.
"Aray, babe! Aray! Bakit?" Napahawak siya sa kamay ko.
"Ikaw ang may pakana ng pagdukot na 'yon! Bwisit ka! Muntik na akong mamatay sa kaba dahil sa ginawa mong pakulo, Z!" Piningot ko lalo ang tenga niya kaya mas lalo soyang naparay. Nakarinig na rin ako ng tawanan na nanggaling aa mga bubuyog.
"Ouch! Babe! Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan! Anniversary natin oh," reklamo niya.
"Ah gano'n?" Mas lalo kong nilakasan 'yon. Namumula na ang tenga nito.
"Araayy! Joke lang babe, mahal na mahal kita kahit ganyan ka! I love you!"
"Ito 'yong gusto ko palagi!"
"Go Rue!"
"Taob ka kay Z kay Rue!"
"Isang kurot ka lang!"
Nagtawanan silang lahat. Well, iba nga talaga ako.Hindi man ako kasing sweet ng kalamay pero pinaparamdam ko namna iyon kay Z. Alam kong alam niya iyon. Nagpapasalamat ako dahil sa isang taon namin ay hindi siya nagsawa sa 'kin. Mas lalo niyang pinaramdam ang pagmamahal sa 'kin.
Ang worst section? Mahal na mahal ko rin ang mga bubuyog na 'yan. Mas naging matatatag ako dahil sa kanila. Marami akong natutunan sa bawat pagsubok na pinagdadaanan naming lahat.
Magbago man ang panahon, tumanda man kami ay mananatili silang lahat sa puso ko. They are worth keeping for.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top