CHAPTER 8

Chapter 8: Hiro

Rue



“RUE, ano ba? Bilisan mo nga!” sigaw ni Kuya Eziel sa 'kin sa ibaba.

Makasigaw 'tong mokong na 'to 'kala mo nasa kanto lang kami, ah? Rinig pa sa apat na sulok ng kwarto ko ang boses niya, partida may pader pa sa pagitan namin.

Inayos ko ang sarili at nilagay ang grey na jacket, isang pants at snikers sa backpack ko. Mabuti na ang handa, baka mabasa naman ako o ano naman gawin sa 'kin ng iba. Pero umaasa akong magiging payapa ang araw kong ito. Crossed fingers.

“Eto na! Bababa na!” sigaw ko sa kanya pabalik at humahangos na bumaba sa hagdan patungo sa kanya.

Uupo pa sana ako sa mesa pero umalis na siya.

Kita mo 'to! 'Wag sana magkajowa!

“Hoy! Hindi ka man lang magbreakfast!” sigaw ko ulit.

“Kanina pa ako tapos. Ikaw lang 'tong mabagal. And would you stop yelling? Sasabog na ang tainga ko sa tinis ng boses mo!” salubong ang kilay niya habang inis 'yong sinasabi sa akin.

Kagabi ang bait-bait, ngayon parang demonyitong pinaglihi sa pait at sakit!

“Woi! Hintay!” sigaw ko at madaling kinuha ang tinapay. Sinubo ko ng buo 'yon at mabilis na ininom ang gatas.

Talento 'yan, huwag ng magtaka!

Mabilis kong tinakbo ang labas ng bahay dahil balak 'ata akong iiwan ng kuya kong may sapak sa utak. Ang aga-aga napapa exercise agad! Nasa gate na siya nang maabutan ko at pinagbubuksan na ng mga katulong.

“Ano ba! Dapat mo ba talagang patakbuhin ako mula sa bahay hanggang dito?” singhal ko. Pinalo ko 'yung hood ng sasakyan niya kaya sinamaan ako nito ng tingin.

Kita mo 'to! Mas mahal pa ang kotse kaysa sa sariling kapatid!

Nilingon ko ang tinakbuhan. Tang na juice! One-hundred meters din 'yon. Lakas maka sprint, e, 'no?

“Sasakay ka o maiiwan ka rito?” agad na sigaw nito. Ang init naman ng dugo nito sa 'kin at abot agad ang boiling point sa katawan! Iba rin!

Bakit ba sigaw nang sigaw 'to? Ang init-init ng ulo sa 'kin. Keaga-aga!

“E, bakit naninigaw ka?” Tinasan ko siya ng kilay at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang tagiliran.

“T'ss, bahala ka kung hindi ka sasakay!” singhal niya.

“Isusumbong talaga kita kay dad!” banta ko at inis na binuksan ang pinto ng kotse niya. Padabog akong naupo at padabog ding kinuha ang seatbelt.

“K!” anito.

Napalingon ako sa kaniya. Nagmamaneho lang ito at walang pakialam sa mundo.

Ano raw? K? Sabi ko nga ba! Isa siyang alagad ni Eva e! Hindi pa inamin sa akin, ano nahihiya? Napahagikhik ako sa naisip.

“Sabihin mo nga sa akin, kuya. . . are you a gay?” wala sa sariling tanong ko.

Huli ko nang ma-realize ang sinabi at nanlaki ang mata ko sa biglaang pagpreno nito sa kalagitnaan ng highway.

Mabilis kong natakpan ang bibig at napapikit nang mariin, matapos ay dahan-dahan kong iminulat ang kaliwang mata at mabagal na nilingon siya.

Tang na juice!

“Are you f*cking serious, Rue? What the f*ck?” he growled.

Napalunok ako ng paulit-ulit. Sa kaniya at kina mom and dad lang talaga ako tumitiklop. Wala ng iba!

“May s-sinabi ba ako, kuya? Wala naman ah?” maang-maangan ko at pasipol-sipol kunwari.

“T'sk!” Pinagpatuloy niya ang pamamaneho at hindi ako pinansin. “Baba!” biglang anito kaya taka ko siyang nilingon. Ano na namang trip 'to?

Natulog ba siya kagabi o nagdroga?

“Ha?” sagot ko.

“Nasa school na tayo. Hindi p'wedeng makita nilang nakasakay ka rito,” saad niya na parang nalaman talaga ang laman ng isip ko at sinilip ko naman ang labas.

Sinungaling talaga nito!

Ang layo pa ng Hades Academy. May problema ba siya sa mata? Kulang 'ata siya pagkain ng kalabasa kaya ganiyan.

“Hindi pa kaya! Ang layo pa ng school, oh!” Tinuro ko ang eskwelahan naming dalawa.

Ilang lakad pa kaya! Hindi niya ba 'yon makalkula? Tinaguriang matalino sa math pero ang bobo ngayon. Naku kuya!

“Rue!” he said with his warning tone.

“Oo na!” agad kong sagot sa kaniya at napairap ng tuluyan sak binuksan ang pinto ng kotse. Ngumuso ako habang nakatingin sa kaniya.

“Sundin mo ang sinasabi ko sa 'yo, Rue. Ingat ka. . .” Then he dashed off.

Naiwan lang ako ritong nakatunganga sa gilid ng daan kung saan ako bumaba. Kunot-noo kong sinundan ng tingin ang kotse ng kuya ko papasok sa school hanggang sa hindi ko na makita iyon.

“Ano bang pinagsasabi no'n?”

Baliw talaga. Maglalakad na sana ako pero bigla na lang ako ginulat ng kung sino.

“Bang!” Muntik ko na siyang mahambalos ng bag ko dahil sa gulat.

Aatakihin ako sa puso ng dahil sa lalaking 'to! Jusko!

Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam ang pangalan nito pero alam kong kaklase ko siya.

Siya 'yong gwapong naka-headset at parang nag-e-emo palagi sa gilid ng room namin. Mukhang broken!

“Ah. . . I'm Hiro Takahashi,” pakilala nito at nakipagkamay sa 'kin parang alam na ang tanong na nasa isip ko.

Ay japayuki si kuya!

“Kilala mo naman siguro ako. He-he.” Nakamot ko ang ulo, hindi alam kung paano siya iaapproach ng maayos.

Wow! Ngayon pa ako tinablan ng hiya matapos ko silang bugbugin isa-isa.

“Yeah, the crazy girl of the worst section,” sagot niya at ngumiti.

Ano raw?

Crazy girl talaga? Baliw ba ako?

Sabay kaming naglakad papunta sa room at nang madatnan namin 'yon ay sobrang tahimik ng mga tao sa loob.

May bumagsak 'atang anghel at naging tahimik sila. Himala!

“Pumasok ka na, Rue. . .” ani Hiro at mahinang tinulak ako sa sa pinto.

Taka ko siyang nilingon. Bakit naman ay parang pinagtutulakan na ako nito? Kanina lang ay sobrang approachable niya.

Ansabe ng approachable?

Binaliwala ko 'yon dahil binigyan ako ni Hiro ng isang ngiti. Ngiti ng isang anghel na animo'y walang masamang gagawin. Ang bait naman ng Hirong 'to. Sana ay ganito silang lahat.

Pumasok na ako pero sa room pero parang may masamang aura akong naramdaman.

Ganyan talaga kapag may gagawing masama ang kapwa ko demonyo!

Nakakaramdam ng kasamaan! Tumingala ako sa ibabaw ng pintuan, umaasang merong balde sa ibabaw kaya tama nga ang hinala ko. Ngumisi ako at iniwasang hawakan ang pinto.

“Akala niyo madadaan niyo ako sa old tactics niyo? Neknek niyong lahat!” Humalakhak ako dahil sa palpak nilang plano.

Nakita kong ngumisi sila at napalingon ako kay Hiro sa labas. Sinara niya ang pinto!

Hayop! Akala ko kaibigan na kita! May balak pala. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko!

“Attack!” sigaw no'ng isang medyo maliit.

Biglang may nilabas silang plastic na may puti ang laman. Ano 'yon?

Unang naghagis 'yong si Rin at tumama sa ulo ko. Tang*na hindi ako nakailag.

Harina!

Napaubo ako dahil sa harinang nawasak sa lalagyan at sumama ito sa hangin kaya para akong binalot no'n

Napaatras ako sa likuran ng nakasaradong pinto at kinalampag 'yon.

“Langya ka Hiro! Buksan mo 'to!”

“Sorry, Rue, sumusunod lang ako sa utos.” Tumawa siya.

Utos? Sino naman?

Pinagbabato nila akong lahat ng harinang nasa plastik. Wala na akong maatrasan!

“Fire!

“Hahahaha!

Sige pa!

Konti lang sila pero bakit parang isang libo 'yung humahagis sa 'kin?

“Argh! Tang*ina niyong lahat!” sigaw ko.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top