CHAPTER 7

Chapter 7: Sermon

Rue



“HINDI nga ako nagkamaling uuwi ka ng ganyan, Threze Rue!” Napapikit ako sa sigaw ni dad at napayuko.

Here they goes again. If lolo and lola was here, hindi ako nila gaganituhin.

Nakatayo si dad ngayon sa harap ko at ako itong ginagamot ni mom  dahil sa putok kong labi sa living room. Napanguso ako ng tawagin niya si kuya.

“Troze Eziel Gonza!” May diing tawag nito sa kuya kong umiiinom ng tubig sa kitchen. Muntik niya nang mabuga lahat ng nasa bibig niya nang marinig na tinawag siya ni dad sa buong pangalan.

Kita-kita mula rito ang sama ng tingin nito sa 'kin kaya inirapan ko lang.

Sana nabilaukan ka na lang!

“Dad?” anito at dali-daling lumapit sa amin.

“I've clearly said that you should look for your sister! Ano na naman ba itong kalokohan niyang ginawa at ganiyan iyang mukha niya?” Dad massage his temple, trying to contain his anger. Kaharap niya ngayon si kuya at siniringan ako nito ng tingin.

“Binabantayan ko naman po 'yan, dad,” agad na sagot ni Kuya Eziel. Naningkit ang mata ko sa sagot niyang iyon. Magsasalita pa sana ako ngunit pinalakihan na ako ng mata ni kuya. Napairap na lang ulit ako.

Sinungaling 'tong kapatid kong 'to!

“Then why did this happened?” Napabuntong hininga si dad at tiningnan ako, sinuri mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang ulit ako at napakutkot sa sariling kuko.

“Dad, Rue and I are not together all the time. Iba ang section niya sa section ko. . . and besides malaki na 'yan, kaya niya ang sarili niya dad,” Kuya Eziel explained.

“Kaya? Eziel are you out of your mind?  Babae pa rin 'yang kapatid mo! Tingnan mo ang mukha niyan. That's what you call she can take care of herself?” hindi makapaniwalang sermon ni dad.

Napayuko si Kuya Eziel at pasimpleng sinamaan ako ng tingin. I managed to hide my smile dahil pati siya ngayon ay pinagalitan na rin. 'Buti nga.

“Then, I'll transfer Rue in your section!” Agad na nanlaki ang mata ni Kuya Eziel sa narinig.

Nakaka-shock ba 'yon? O.A niya talaga kahit kailan.

“But. . . dad, Rue seems happy in her section, right, Rue?” baling nito sa 'kin at pinanlakihan ako ng mata.

Happy? Saan niya nakuha ang salitang 'yon? Sa outer space? Hindi rin siya sinungaling, e, marunong din mang-imbento. Kuya ko ba talaga siya?

“Ang sabihin mo aya—” hindi ko natapos ang sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niyang mabantot.

D*mn it! Bakit ambaho nito?

Pinilit kong kinuha 'yon pero ayaw niya at mas hinigpitan pa. Papatayin ba niya ako? Ang baho!

“Rue, are you happy with your new school and. . . section?” tanong ni dad.

How can I answer his question kung tinatakpan ng tukmol na 'to ang bibig ko. Pinanlakihan ako ni Kuya Eziel ng mata at unti-unting binitiwan ang bibig ko. Kakagatin ko pa sana kaso naisip ko na ang baho pala ng palad niya. Yuck!

“Yes dad. . .” gustong-gusto ko.  'Yong ang sarap ng mangbalibag. Ganoon ako kasaya. Sa sobrang saya ko sa first day of school nanapak ako ng kaklase.

Ginawa kong magiliw ang tono ko  dahil kung hindi ay baka mas diinan pa ng bwisit kong Kuya ang pagkakakurot sa tagiliran ko. Isang maling sagot lang talaga ay matutuklap ang balat ko sa likod!

Tang*na naman! Minsan napapaisip ako kung lalaki ba talaga ang Kuya ko o isa sa mga alagad ni Eva. Sobra pa sa 'kin kung umasta.

“Good to hear that, sweetie. Okay hindi na kita ipapalipat sa section ng Kuya mo,” ngiting saad ni dad at hinalikan si mom sa pisngi.

No! Gusto ko dad sa section ni Kuya kahit hindi ko alam kung ano section niya.

Gustong-gusto kong sabihin lahat ng 'yan at maglupasay sa sahig at magmakaawa kay mom at dad pero hindi ko magagawa. Baka bitinin ako nang patiwarik ng kuya kong kasapi sa isang kulto.

“Hon!” sita ni mom kay dad.

Ngayon lang siya nagsalita sa pananahimik nito kanina. Tiyak na wala na itong masabi at ayaw nang madagdagan pa ang sermong naabot ko kay dad.

“I'm just being sweet here, hon,” Kknindatan ni dad si mom.

So sweet!

Sumeryoso ulit si dad at binalingan ako nang tingin. “Be good, do good Rue. Understand?”

“Yes dad. . .” Pilit akong napatango kaniya.

Actually, dad, nagawa ko na iyan pero iba ang kinalabasan. Kung alam mo lang talaga.

Napabuntonghininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako naman ang palaging nakikita nilang nagko-cause ng trouble.

"Rue, huwag matigas ang ulo, okay? Sundin mo si daddy. Please don't cause trouble,” mom said with her sweet voice.

Bigla kong naalala ang pagsamapla nito sa hospital noon. It keep on playing on my mind. Kasalanan ko naman talaga.

“Okay mom, I'll try. . .” I said.

“Do it, sweetheart, don't try 'kay?” Mom kissed my forehead at napakunot ang noo nito.

Ugh! The milktea. I forgot.

“Bakit lasang kape ka anak?” Kumunot lalo ang noo nito at napatingin ako kay dad, nakakunot na rin ang noo niya.

Napakagat ako sa labi at nag-isip ng idadahilan. Tiningnan ko si Kuya Eziel na nanghihingi ng tulong pero ang langya hindi ako pinasin.

"Bahala ka diyan!”  he mouthed.

Ah gano'n ah? Humanda ka.

“Si Kuya Eziel kasi pinaliguan ako ng milktea!” I pouted my lips.

“What the hell? No dad. . . mom, I didn't do that!” he exclaimed. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisihan ko lang.

"Throze Eziel!” tawag sa kaniya ni dad.

“Dad I'm innocent!” Inilagay ni Kuya Eziel ang isang kamay na diddib at ang isa ay parang nanunumpa para lang ipahiwatig na wala siyang ginawa.

Si mom ay  natatawa lang sa isang tabi kaya natawa na rin ako. Nilingon ako nina dad at Kuya Eziel.

“Threze Rue Gonza!” sabay na sabi nila.

Nag-peace sign ako sa kanila at tumakbo papunta sa room ko. Tumawa na rin silang dalawa, nahawa sa tawa ni mom. Her voice was like an angel from above, mahahawa ka talaga sa sayang dala niya.

I love them. Really.

Kahit na minsan, sumosobra na. Pamilya ko pa rin sila kahit baliktarin pa ang mundo.

I took a shower dahil hindi talaga ako naligo sa school. Natuyo lang talaga 'yong milktea na sinaboy ng pusang Cazzy na 'yon sa katawan at uniform ko. Mukha akong taong grasa kanina but I don't care.

Kasalukuyan kong sinusuklay ang buhok gamit ang kaliwang kamay ng dumaing ako sa sakit.

“D*mn it!” Napahawak ako doon pero agad ding napabitaw nang bumukas ang pinto.

Si Kuya Eziel.

Hindi ko pinahalata ang sakit sa kaliwang kamay at pinagpatuloy ang pagsusuklay.

“Rue,” tawag niya sa 'kin at umupo sa kama ko.

“Hmm?” Pinagpatuloy ko pa rin amg pasusuklay sa basa kong buhok.

“I know everything,” napatigil ako sa ginagawa ng sabihin niya 'yon.

Everything? Pati yung sa kamay ko?

“What everything?” kabado man ay hindi ko pinahalata.

“What you did in the worst section and cafeteria,” parang nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

So, hindi lahat.

“Hmmm? What about it?” Nilagay ko ang hair brush sa vanity table at nag-dive sa kama.

“Huwag kang sasali sa gulo nila Rue please,”Pakiusap nito.

“Bakit ako sasali? Wala naman akong pakialam sa kanila,” inis kong sagot at binato siya ng unan.

“Just. . . just don't go near me in school. Pretend that you never know me, Rue. Promise me that,” seryoso niya sabi sa 'kin.

Napatulala ako ng ilang segundo sa sinabi niya at bigla ko na lang narinig na sinarado niya na ang pinto ng kwarto ko.

Okay? What was that?








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top