CHAPTER 59

Chapter 59: Babe

Zinnon

"BABE, h'wag ka ng magtampo. Hindi ko naman sinasadya 'yon, e— I mean hindi ako tumugon pabalik," I explained and walk towards her. Iniwas niya ang kamay nang aabutin ko na 'yon.

Great Zinnon! Just great! Tsk!

"Hindi raw sadya. Pero humalik pabalik. Ano 'yon? Natapilok ka pero wala namang batong nakaharang gano'n?!" inis niyang sabi at lumayo ng kaunti sa 'kin.

I pinched the bridge of my nose. Kanina pa ako nagpapaliwanag na hindi ko naman hinalikan pabalik noon kay Paige. She initiated the kissed but I didn't kissed her back.

"Babe we were okay a while ago. . .and now?"  I heaved a deep sigh. "Bakit mo naman binalik ang nakalipas?! Babe matagal na 'yon,"

"Matagal pero nakamarka na rito!" Tinuro niya ang sentido niya and glared at me, then she crossed her arms.

Lumapit ulit ako sa kanya pero lumayo lang ulit siya. Napailing ako sa ginagawa niya. Bakit ba ganito ang mga babae? Kanina lang ay ang ganda-ganda ng mood tapos bigla-bigla na lang magiging ganito. Ano ba ang ki akain ng mga babae at ganito na lang kabilis mag-iba ng mood?

"I love you babe."

"'Wag mo 'kong daan-daanin sa aylabyuhan mo Zinnon ah. Hindi na 'yan tatalab sa 'kin ngayon. Naiinis ako sa 'yo! Sarap mong pilipitin kapag naalala ko ang nakita ko na naghalikan kayo ni Paige noon sa second floor. Ihampas ko sa inyo 'yong mga sirang upuan na nandoon sa bodega, e!"

"Hindi nga kami naghalikan babe!" Inis kong sabi.

"Ah ikaw pa ngayon ang galit ha?" Naniningkit na matang aniya. Nilagay niya rin ang mga kamay sa bewang na prang nanay na nanenermon sa anak na nakagawa ng kasalanan.

Napakamot ako sa ulo at malambing na nagsalita. "Babe. . .look, hindi ako galit okay? I'm just explaining that I didn't kissed her back,"

"Hindi raw? Sino niloko mo Zinnon?" Aniya. Napabuntong hininga ulit ako at hindi na lang siya sinagot. "Oh? Tatahi-tahimik ka na naman ngayon? Sagutin mo ko Z!" Galit na sabi niya.

Why do girls act like this? Kung hindi susundin ang sasabihin nila, magagalit. Kung susundin naman, magagalit pa rin.

"Babe, siya 'yong humalik sa 'kin—" she cut me.

"At humalik ka pabalik!" Singhal niya. Mas lalong bumusangot ang mukha ni Rue at mas sinamaan ng tingin. Napabuntong hininga ulit ako. Ilang ulit ko na bang nagagawa ito? Kapag magseselos siya, she will bring back that scene. Tsk.

Bigla-biglang nanumbalik ang alaalang 'yon.

—-

UMALIS ako sa room at pumuntang second floor. Gusto ko munang mapag-isa. Nang marating 'yon ay sumandal ako sa railings habang nakatukod ang mga braso ro'n.

Tahimik ang paligid maliban na lang doon sa mga lokong nag-iingay na kaklase ko. Napalingon ako ng may mga yabag akong narinig papunta sa direksyon ko. Agad akong napabalik sa ginagawang pagtanaw sa langit ng makilala kung sino 'yon.

Palapit nang palapit ang tunog ng takong nito sa direksyon ko, hanggang sa maramdaman ko ang presensya niyang nasa tabi ko na. Tsk!

"Why are you here?" I said coldly. Hindi ko siya nilingon habang sinasabi 'yon at pinapakitang wala akong interes na makausap siya o makita. I heard her giggled a bit.

"Masama na bang nandito ako sa harap mo honey?" She said using her sweet voice. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ang braso ko.

"Get off me!" Inis kong sabi sa kanya pero hindi siya nakinig. Mas lalo niyang idinikit ang katawan at hindi ko inasahang hahalikan ako nito. She caught me off guard.

"Z I love you. I love you honey,"

Kinuha ko ang kamay na nakapulot sa leeg ko at pilit siyang nilayo sa 'kin.Napapikit ako dahil sa inis. Biglang nag-init ang ulo sa tinawag niya sa 'kin. D*mn! Baka kung marinig at makita 'yon ni Rue, e, iba ang isipin.

"Don't call me that again Paige! I'm warning you." Napangisi lang siya sa sinabi ko at hindi ako pinansin. Tinaasan niya ako ng kilay pero biglang nag-iba ang ekspresyon na nasa mukha niya.

Tiningnan niya ako na parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan. She's acting weird. What the hell is happening?

Lumapit siya sa 'kin pero napaatras ako ng konti. Nangunot ang noo ko sa ginagawa niyang 'to. "Kaya nga bumalik ako para sa 'yo Zinnon. I know I've commited mistakes from the past pero itatama ko na 'yon. Nagising na lang ako. . .isang araw. . .na. . .na mahal pa rin kita—"

"Stop this bullsh*t Paige!" I growled.

"Please Zinnon. . ."

"I said stop this! Can't you see? I'm inlove with someone else. I can't accept you anymore."

Mahal ko na si Rue at hinding-hindi na ikaw ang magiging laman ng puso ko. Never.

"B-but. . .y-you kiss me back Zinnon. I know you still love me."

Nainis ako sa sinabi niya. What the f*ck? Kissed her back? She's crazy. Hindi ko nga ginawa 'yon. I didn't move my lips, saan ang pagtugon doon? Saang angulo? Harap-harapan talaga ang paggawa nito ng istorya! I suppress my anger dahil baka ano pang magawa ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili para huwag makagawa ng hindi maganda kay Paige. Babae pa rin siya kung tutuosin.

Nagulat ulit ako ng lumapit ito sa 'kin at mas ipinulupot ang braso sa leeg ko. She's kissing me aggresively.  Mas lalo niyang hinawakan ang batok ko at idiinin 'yon para hindi ako makalayo.Matapos bo'n ay bigla niyang inilayo ang mukha at agad na ngumisi.

"Tumugon ka sa halik ko Zinnon. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa," pagsisinungaling niya at lumapit ulit sa 'kin. Muli niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ko pero ilang segundo lang 'yon dahil marahas kong inalis 'yon.

I glared at her. "Stop this sh*t Paige! Hindi ako humalik pabalik, you know that. Hindi ko alam kung anong pinaplano mo pero hindi ka magtatagumpay."

Humalakhak siya bigla. "Pa'no kung sabihin kong nagtagumpay na ako? Hmm. . .your lips always taste good Z," ngising aniya.

SIMULA nang malaman ko kay Rue na nakita niya pala kami ay naintindihan ko na kung bakit ganoon si Paige sa mga oras na 'yon. She knew that Rue was there and I didn't.

I explained that several times to Rue, walang labis walang kulang. Pero s'ya yata ang hindi maka-move on. Maga babae nga naman.

"Babe, hindi nga ako humalik pabalik. She's lying."

"Hmp!" Natawa ako dahil parang suauko na siya sa pagiging topakin niya ngayong araw. Sabi nga nila, konting push pa.

"Babe, I love you." Niyakap ko siya at hinalikan.

"I love you too, babe," tugon niya.

Napangiti ako dahil do'n. Topakin talaga ang isang 'to.

"Happy 1 year and 5 months babe," sabi ko sa pagitang ng halik naming dalawa.

"Mahal na mahal na mahal kita Z kahit maging bakla ka pa," aniya.

Napatigil ako sa paghalik dahil sa sinabi niya at kinunutan siya ng noo dahil sa sinabi niya.

Kitang-kita ang kagandahan niya sa ilalim ng buwan. Tanging mga alon na humahampas sa dalampasigan at hangin ang tanging naririnig naming dalawa.

It supposed to be a romantic restaurant and we we're eating diffenret kinds of foods but she insisted na huwag na lang at dito na lang sa isang island na pagmamay-ari namin. Ayaw na ayaw niya ang mga sosyaling bagay kaya ano pa ba ang magagawa ko? Baka bigla akong sapukin nito at topakin bigla.

"Kahit maging bakla ako, aanakan pa rin kita ng sampu." Ngumisi ako sa kanya kaya pinalo agad ako nito. "Aray babe! Hindi ka ba naawa sa 'kin?"

"Bastos!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya at napailing. Napatigil ako bigla at pilyong ngumisi. Alam kong na-gets niya ang ibig kong pakahulugan kaya nakatanngap na naman ako ng hampas sa braso.

"Manyak ka Zinnon Dyn Martimez!"

"I love you and always will be my Threze Rue Gonza-Martinez. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng makakapigil do'n. Paglayuin man tayo, babalik at babalik pa rin ako sa 'yo."

Kahit na parang bata ka minsan kapag magseselos, mamahalin pa rin kita. Walang magbabago ro'n. You will always be my baby, my babe and my wife.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top