CHAPTER 58

Chapter 58: Finally

Rue


"ANG bagal. Dalian mo naman Rue!" sigaw ni Kuya Eziel sa baba.

Tumingin ulit ako sa salamin para masigurado ang ayos ako. I'm wearing a simple peach dress na above the knee at flat shoes. Nakalugay ang buhok ko at nakakulot iyon sa dulo. Naglagay rin ako ng kaunting foundation at lipstick.

This is not so me! Ugh!

Si mommy kasi! Tinapon niya lahat ng damit ko dahil para raw akong jologs! Palaging naka t-shirt at pants. E, anong problema ba ro'n? Damit din naman 'yon. Ang pagkakaiba lang ay sexy 'yong mga pinalit niya kaysa sa mga damit ko noon. Kesyo raw dahil may boyfriend na ako ay matuto akong mag-ayos, mag make-up at magpaganda. Kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi niya sa 'kin pero hindi ko na matandaan.

Baka raw maghanap ng iba si Z kapag magmukha akong hindi tao sa paningin niya. Grabe naman 'yong hindi magmukhang tao. Asa naman! Hahambalusin ko talaga 'yon kapag naghanap ng iba. Baka masakal ko lang ang bababeng pinalit niya kapag nagkataon.

Kinuha ko ang maliit na sling bag na pinatong ko kanina sa upuan at agad na naglakad. Hindi ako kumportable sa pananamit ko ngayon. Pero, ano pa ba ang magagawa ko? E, wala na 'yong mga damit ko.

"Kanina pa ako rit—" hindi na niya natapos ang sasabihin noong tumayo na siya sa living room namin.

"Oh? Ano ka ngayon? Nganga ka na sa kagandahan ng kakambal mo? Isarado mo 'yang bibig mo baka kamao ko 'yong pumasok d'yan," nakangising sabi ko sa kanya.

Nawala ang pagkamangha sa mukha ni Kuya Eziel at tinaasan ako ng kilay. Inayos niya ang sarili pati na rin ang buhok. Naalala ko tuloy si Cielo dahil ganoon na ganion ang pag-ayos niya palagi ng buhok.

"Pwede ka pa lang maging tao kapag binihisan 'no?" Pang-aasar niya. Nainis ako bigla dahil do'n.

Hindi na lang niya aminin na nagdandahan siya sa kakambal niya! Kainis 'to.

"Anong sabi mo?!" Hinubad ko ang suot na sapatos at akmang ihahagis sa kanya pero nabitin sa ere ang kamay ko.

"Rue! Ano ka ba! Gawain ba 'yan ng isang dalaga ha? Suotin mo 'yan!" Saway ni mommy sa 'kin nang pababa na ito sa living room.

Napairap ako nang palihim dahil sa sinabi ni mom. Here we goes again! That-be-a-fine-lady-thingy.

Ngisi-ngisi lang si Kuya Eziel sa 'kin at bumelat. Aba't! Muntik ko na talagang ihagis ang hawak kong sapatos sa kanya nang hindi lang 'yon kinuha ni mom at pinasuot sa 'kin. Pasalamat talaga 'yang butiki kong kambal na 'yan at nandito sina mom and dad dahil kung hindi, baka mahagis ko na 'tong sofa sa pagmumukha niya.

"Rue act like a lady. Mas lalaki ka pa sa boyfriend mo niyan, e." Saway nito.

Sumimangot ako at mas lalo pang humaba ang nguso ko nang makitang tumatawa si Kuya Eziel nang walang boses na lumalabas. Dahil nakatalikod ai mom sa kanya ay malaks ang loob nitong mangbwisit sa 'kin. Tang na juice! Humanda talaga siya mamaya.

"Hon, hayaan mo na ang anak natin. Let her decide what she wants to be. 'Saka kung mahal siya ni Z, tatanggapin nito kung ano siya. Right Rue?" Sulpot ni dad at niyakap si mom mula sa likod nito. Kumindat si dad sa 'kin.

Ako naman ang napangisi dahil sa sunabi ni dad. Totoo 'yan dad! Ako naman ang bumelat kay Kuya Eziel pero nakita ako ni mom kaya ganoon na lang ang pagtikom ng bibig ko. Nakita 'yon ng butiki kong kambal kaya tumawa na naman siya nang palihim.

"Eziel, stop annoying your twin! I can see you here." Saway ni mom sa kanya.

Napaayos nang tayo si kuya dahil ro'n. 'Yan kasi! Palihim ko siyang nginisihan at siniguradong hindi makikita ni mom.

"Oh s'ya sige na. Bumili na kayo ng mga lulutuin ko," wika ni mommy sa 'min. "Mag-ingat kayong dalawa ha! Eziel hinay-hinay sa pagdrive," paalala niya. Humalik na ako sa pisngi niya at nagpaalam nang aalis.

"Yes mom." Pagkasabing-pagkasabi no'n ni kuya ay umalis na kami at nagtungo sa mall.

It's been weeks after that incident. Wala namang napahamak sa 'min ng mga kaklase ko at okay na rin ang paa ko. Nakulong na amg dapat na makulong.

Si Cazzy hayun dikit nang dikit pa rin kay kuya at labis siyang nagsisi sa ginawa sa 'kin. Mabait pala siya kaso nga lang minsan ang taray talaga kapag may pinaseselosang iba.

Okay na ang star section at worst section dahil sa insidenting 'yon. Ewan, bigla na lang isang araw na nagtatawanan ang iba at nagbabatian kapag nagkakasalubong. Okay na 'yon sa 'kin.

Si Paige? Umalis sa bansa kasama si Hiro. Sinagot lahat ni Hiro para kay Paige. 'Yong lokong 'yon mahal pala si Paige. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig 'no? Bago sila umalis ng bansa ay pumunta sila sa bahay. Lumuhod si Paige sa harap ng mga magulang ko at kay Eziel pati na rin sa 'kin. Umiiyak at nagsisisi sa ginawa niya.

Nakakagaan pala ang  magpatawad sa kapwa. Kahit na gaano pa iyon kabigat, kailangan mong magpatawad. Tao lang naman tayo, nagkakamali at nagsisisi. Hindi namang kasi pwedeng mabuhay ka sa puot at magkulong ng sama ng loob sa puso mo. Minsan, kailangang tumanggap at magpakumbaba para sa ibang taong nagkasala.

Hindi porket nakagawa sa 'yo ng kamalian ang isang tao, e, ibabalik mo rin ang sakit na dinulot nito sa 'yo. Huwag gano'n. Minsan kasi may mga pinaghuhugutan ang mga tao para makagwa sila ng mga mali, kailangan niyo lang intindihin ang pinagmulan no'n.

"Rue ano na? Tara na!" Aya ni kuya sa  kin matapos na mabili lahat ang mga dapat bilhin para mamaya.

May konting salu-salo sa bahay namin at inanyayahan ni mom ang mga kaklase ko dahil natuwa siya sa mga 'yon noong pumunta sila rito. Ang babait daw na mga bata. Bait daw? Hindi ako naniniwala.

Kita niyo na? Napaniwala nilang mababait sila. Naku! Kung alam  mo lang mommy.


ISA-ISA nang nagdadatingan ang mga bubuyog at feel at home ang mga loko. Sari-sarili silang pwesto sa living room namin habang hinahanda ni mommy ang mga pagkain sa dining area.

Siya ang nagluto ng lahat ng pagkain. Sana ganyan din ako kagaling magluto. Tamang hiwa lang lang ng mga sibuyas, e. Kasalanan ko bang hindi ako maalam pagdating sa pagluluto? Napagsabihan na naman tuloy ako, kesyo babae ako dapat marunong ako sa mga gawaing bahay, dapat marunong magluto etc. Pakikipagbasag-ulo lang daw ang alam kong gawin sa buhay.
Bakit ba?

Si Cyril at Owen 'ayun, tinutulungan si mom. Kinginang Cyril 'yon nagpapa-cute pa kay mommy. Kakaltukan ko talaga 'yon kapag nagkataon. Nagkukumpulan ang iba sa tv dahil may nilalaro raw sila, andoon rin si Kuya Eziel nakikilaro. Oo! Nakikilaro! Parang sa kanila 'tong bahay at bisita lang kami.

"Rue gusto mo?" Alok ni Red sa 'kin ng popcorn. Mukhang popcorn talaga ang isang 'to. Natawa ako dahil parang kulang pa yata sa kanya 'yon. Kahiya naman.

"Ito na lang 'yong akin," sabi ko at kumuha ng pizza na nasa mesa. Napahakbang ako palapit sa pinagkukumpulan nina Bryan at Charles. Nakikinood din si Gavin. The hell? Napalukot ang mukha ng makita ang punapanood nilang dalawa. Tang na juice na mga bubuyog na 'to. "Sarap na sarap sa panonood ah? Naks. . .kinis," sarkastiko kong sabi.

"Oo nga, e," kapagkuwa'y sang-ayon ni Bryan. Pero, napatigil siya marapos na sabihin 'yon. Dahan-dahan niyang nilingon ako. "He-he-he, h-hi Rue. . ." namamawis na anito.

"Ang ingay mo Bryan. Tumahinik ka nga! 'Saka huwag kang malikot! Hindi ko nakikita 'e!" Saway sa kanya ni Charles.

Samantala, si Gavin ay tahimik lang pero nakatitig sa cellphone na hawak ni Bryan. Kinalabit ni Bryan si Charles at ininguso ako. Nang malingunan ako ni Charles ay parang nakakita ito ng hindi dapat na makita. Napasinghap silang tatlo at agad na tinago ang cellphone matapos na marinig ang boses ko. Sabay silang tatalo na napatayo at napalayo sa sofang inuupuan.

Ganoon na ba sila ka-focus sa pinapanood na nag-aano kaya hindi ako napansin? Kita niyo 'tong mga kinginang 'to. Basta nag-aanohan! Argh! Kadiri.

"Ganda ba?" Sarkastiko kong sabi sa kanila.

"A-ah R-Rue. . ." utal na ani Gavin. Napalunok siya bigla. Parang nawala 'yong cool na Gavin na kilala ko at masungit na tahimik.

"Hi Rue?" Patanong na kaway ni Charles.

"Ang ganda mo naman ngayon Rue!" Bola sa 'kin ni Bryan.

"Parang gusto kong mag-inat ngayon. Nanakit din itong kamao ko, gusto yatang manuntok," ngising sabi ko.

"Z! 'Yong asawa mo rito! Babartulunahin kami!" Sigaw ni Charles.

"Oo nga Z! Imbis na bahay ang uuwian namin ay baka sa hospital niyo pa kami mapunta!" Sigaw rin ni Bryan.

"Sumbong pa kayo. Na saan siya ha? May nakikita kayong Zinnon dito?" Nakapamewang kong sabi.

Oo nga. Na saan na ba ang lokong 'yon? Mag-aala syiete na ng gabi tapos wala pa rin siya?  Sabi ko ng huwag ma-late, e. May balak pa bang pumunta 'yon? 'Yong mga bubuyog na 'to kanina pa rito mga alas-tres nang hapon tapos siya masyadong VIP.  Kahit na mahal ko siya, suauntukin ko talaga 'yon.

May narinig akong tawa malapit sa pinto kaya napalingon ako ro'n ganoon na rin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin. Pinigilan kong ngumiti. Kunwari galit ako! Ang tagal niya!

Naglakad siya sa 'kin at napansin ko agad ang hawak nitong isang bugkos ng bulaklak. Napakagat ako sa labi. Rue ano ba! 'Wag ka ngang kiligin!

Simple lang ang damit nito pero bakit mas nangingibabaw siya kaysa aa iba? He's wearing a white polo and khaki shorts. 'Yon lang ang suot niya pero iba ang daring. Model ba ang nilalang na 'to? Ang gwapo niya tingnan.

Ngumiti siya ng makalapit sa 'kin. Dumungaw tuloy ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

"Sorry I'm late. . . a bit. You're beautiful, babe, I love you," aniya at humalik sa pisngi ko. Binigay niya sa 'kin ang bulaklak na hawak.

Nanunuot sa ilong ang pabango nito kaya natawa siya nang mahuli akong sinisinghot 'yon.

"I'm all yours, babe. Amoyin mo ako hanggang sa magsawa ka." Tumawa siya kaya hinampas ko. "Ouch! Para saan 'yon?" Simangot niya.

"Paraan ko 'yan para sabihing I love you 'no!" Natawa na rin ako. "I love yo—" hinsi ko 'yon natapos.

"Yiiiiiiieee!" Sabay nilang sabi. Napalingon ako kaya laking gulat ko na na lahat sila ay kinukuhana kami ng picture. Ngisi-ngisi lang silang lahat pati na rin sina mom and dad. Si Kuya Eziel, hayun masama ang tingin sa 'kin.

"Kill joy!"  I mouthed to him.

Napailing na lang siya ganoon din ako at sabay kaming natawa. Pumunta na kami sa dining area at nakahanda na pala ang lahat. Kami na lang pala ang hinihintay. Kanya-kanya kami ng pwesto at syempre magkatabi kami ni Z.

MATAPOS kumain ay nagkwentuhan na sila. Mukhang aliw na aliw sina mom and dad sa kanilang lahat. Narito kami ni Z sa garden. Z, excused us kaya nagkaasaran na naman. Tatawa-tawa na lang kaming napalayo sa kanila. Ang dudumi ng pag-iisip.

Napahawak ako sa braso ko ng umihip ang malamig na hangin. Napatingala ako sa kalaingitan at namangha sa magagandang mga talang nagniningningan. Napatayo ako ng may makitang shooting star.

"Did you see that, Z? May shooting star!" manghang sabi ko.

"Nah. . . because I'm watching a different star from here. A star that keep on glowing. My one and only star," wika niya.

Napalingon ako sa kanya at nasalubong ang tingin nito. He's staring at me as if I'm his life. Napalunok tuloy ako. Napatitig ako sa mga mata nito, mga matang hindi ko pagsasawaang tingnan.

Bigla siyang may nilabas na maliit na box at binigay 'yon sa 'kin.

"What's this?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko at ngumiti. Binuksan ko 'yon at lumantad ang isang kwintas. Napatakip ako sa bibig ko ng mabasa ang nakalagay na pangalan sa kwintas na iyon.

Tears ran down my cheeks nang mailabas ang kwintas sa pinaglalagyan nito. Kuminang iyon nang dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Z. . . ikaw. . . s-si dey-dey. . . p-paano mo—"

"Because I know."

Napangiti siya at lumapit. Kinuha niya ang kwintas na may nakalagay na Roro at pumunta sa likod ko. Kusa kong itinaas ang buhok at patuloy pa rin sa pag-iyak. Tila isang tubig na umagos ang alaala ng kahapon. Ala-ala na puno ng sakit at saya.

-

"S'hhh tahan na. Nandito lang si Dey-dey para sa 'yo, hindi kita iiwan." Anito at mas hinigpitan ang pagkakaakap sa 'kin.
-

"H-hindi k-ko po k-kinupit ang p-pera. 'Yan lang p-po t-talaga ang na-na-nakaw namin," hikbi kong sagot sa kanya pero hindi pa rin niya ako binitawan. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa 'kin at parang ikakadurog na iyon ng mga mumunti kong buto sa balikat anumang oras. "A-aray p-po tama n-na p-po...nasasaktan na po ako..." Mas lalo akong umiyak.

"Wala ka talaga silbi kahit kailan!" Binalibag niya ako kaya tumama ang kaliwang braso ko sa isang bakal na nagdulot ng paglakas ng iyak ko. "Tumahimik kang bata ka! Wala ka na ngang silbi! Ang ingay pa ng bibig mo!" Akma niya akong lalapitan pero napatigil ito ng may isang batang naglakas ng loob na sagutin siya.

"Huwag mong sasaktan si Roro! Unggoy ka!" Pinalo niya ang lalaking dumukot sa amin ng isang kahoy.
-

"H-huwag ka nang u-umiyak Roro..." Anito at nginitian ako. Napaiyak akong lalo ng makitang may dugo ang gilid ng bibig nito.
-

"Hindi kita iiwan Roro. Kumapit ka lang sa kamay ko ah?" Tumango ako. "Masakit pa ba 'yang kaliwamg kamay mo?" Tumango ulit ako. "Magsalita ka naman. Napipi ka na ba sa kagwapuhan ko?" Tumawa siya kaya napatawa na rin ako.
-

"Bitawan mo si Roro! Bitaw!" Sigaw ni Dey-dey at pinagpapalo ang braso ng mama kaya nawala sa atensyon niya ang mga pulis. Kinagat ni Dey-dey ang braso ng mama kaya nabitawan ako nito. Malakas niyang itinulak si Dey-dey kata tumalsik ito at gindi inasagang tatama ang ulo nito sa isang bakal.

"F*ck it! My son! Z!!!"

"Dey-dey!" May kasabayan akong nagsalita pero hindi ko maintidan iyon dahil nasa kay Dey-dey ang mata ko.

Nilapitan ko Dey-dey na nakahiga sa malamig na semento. May nakapa akong mainit na likido sa ulo nito kaya napatungin ako sa kamay ko. D-dugo!

Umiyak ako ng umiyak. "Dey-dey bakit may dugo ang ulo mo? A-ano ang gagawin k-ko? Dey-dey!" Umiyak ako at nagngangawa.

Hanggang sa may narinig ako ng putok ng baril at pagbagsak ng isang katawan sa lupa. Natamaan pala ng bala ang mamang 'yon.

'Yon na rin ang oras na may lumapit na isang magandang babae at napakagwapong lalaki sa amin.

"Oh my god! Dyn our son!" Umiiyak na lumapit sa 'min ang isang babae.

"Z? Mom and Dad are here. Z? Please respond Z. . ."

"M-mom. . .d-dad. . .w-where's Ro. . .ro?" Nagmulat si Dey-dey.

---

Z. Tinawag nila ang kasama ko na Z. Siya nga. He was Dey-Dey all along. Ang palaging nar'yan sa 'kin at pinagtatanggol ako sa mga taong 'yon.

Bakit ngayon ko lang na-realize? Ang slow mo talaga kahit kailan Rue!

"Stop crying babe, ang pangit mo na oh." Tumawa si Z kaya napatigil ako sa pag-iyak.

"Panira ka talaga! Nagmo-momment ang tao, e." Pinalo ko siya ng mahina.

"Ayan na naman sa pagpalo mo. Isa pa talaga hahalikan na kita," banta niya pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at pinalo ulit siya.

Nanlaki ang mata ko nang hinalikan nga ako nito. Napahawak ako sa kwintas na binigay niya.

"Thank you, babe. I love you," sabi ko sa pagitan ng halik naming dalawa.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top