CHAPTER 57

Chapter 57: Here they come

Rue



NANLAKI ang mata ko nang agawin si Cazzy ang hawak na baril ni Paige. Nag-aagawan na sila ngayon.

"Argh! Pakialamera ka talagang babae ka! Bitch!" sigaw ni Paige habang pilit na binabawi ang baril.

"Ang usapan natin ay mapapasa 'kin si Eziel kapag nakuha ko siya, wala sa usapan na papatayin mo pala ang kapatid niya! Boba!" Sigaw pabalik ni Cazzy.

"You bitch! Manahimik ka!" Sinampal niya si Cazzy. Patuloy pa rin sila sa pag-aagawan ng baril.

"How dare you! Malandi ka ha!" Bumawi ng sampal si Cazzy kay Paige. Nabitawan rin nila sa wakas ang baril at tumalsik sa gawi namin ni Owen.

Natumba silang dalawa ay nagsabunutan. Dati naiinis ako kay Cazzy, ngayon hindi na. Parang gusto kong i-cheer pa na mas sabunutan niya ang ahas na 'yon para makalbo. Bagay 'yan sa mga malalanding katulad ni Paige.

"Tara na Rue," sabi ni Owen at hinila ako.

"Pero—"

"Kailangan kitang malabas dito," diterminadong anito.

Wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya habang paika-ika. Tang na juice naman! Ang sakit na talaga ng paa ko. Dahil hindi ako makasabay sa paglalakad niya ay napatigil ito. Sinalubong ako nito nang pangungunot ng noo. Napatingin siya sa paa ko na namamaga na ng husto.

"T*ngina! Bakit hindi mo sinabi?" inis niyang sabi.

"Hindi ka naman nagtanong!" singhal ko at napairap. Napasunod ang mata ko nang maupo ito. "Oh? Na pa'no ka?"

"Rue naman, e! Basta."

"Ano? Hoy!"

Hinila niya ako kaya napasampa ako sa likod niya. Tumayo na siya at inayos ang posisyon ko sa likod niya. Naka-piggy back ride na ako ngayon kay Owen. Inumpisahan niya nang maglakad pero may nasalubong kaming mga kalaban.

Agad nila kaming inatake pero tanging pag-ilag lang ang ginagawa ni Owen dahil sa 'kin. Bigla siyang napaatras ng matamaan nang suntok ang tyan niya. Napaubo siya dahil doon.

Alam kong nahihirapan siya pero hindi lang niya iyon pinapakita. Bakit ba kasi namali ang pagbagsak ko kanina? Naging pabigat tulog ako sa kanya.

"Owen ibaba mo 'ko," utos ko.

"Hindi pwede!"

"Okay lang ako! Owen ano ba?! Ibaba mo na ako kung hindi ako talaga ang susuntok sa 'yo!" Banta ko.

"Tsk! Basta sa likod ka lang!" Napipilitan aniya habang binababa ako.

Napapakagat labi na lang ako nang tumapak sa sahig ang mga paa ko. Rue you need to endure that pain! Napahawak na lang ako sa pader para kahit paano ay masuportahan nito ang pagtayo ko.

Patuloy lang sa pagpoprotekta sa 'kin si Owen hanggang sa mapatumba niya ang mga kalaban. Nilingon ako nito at ngumiti.

"Sabi ko sa 'yo ako ang bahala, e." Ngumisi siya. Nailing ko na lang ang ulo. Kinuha nito ang isa kong kamat at nilagay 'yon sa balilat niya 'saka ako inalalayang maglakad.

Pababa na kami at laking gulat na lang namin na ang daming tauhan ni Arman ang  napatumba na. Hinanap ng mata ko si Z, nag-aalala kung may sugat ba ito o ano. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang gwapong-gwapo pa rin ito at walang kahit na anong bangas sa mukha. May sinusuntok siyang malaking tao na halos ayaw na niyang tigilan ito.

"Dude, tama na." Pigil sa kanya ni Hiro. Doon natigil si Z kakasuntok sa taong 'yon.

"F*ck you Arman! Mabulok ka sa kulungan!" Aniya sa walang malay na kalaban.

Napasinghap ako. Siya na si Arman? Basag ang mukha ng gagong 'yon dahil kay Z. Mukhang pinanggigilan talaga nito.

Napansin ko ring hindi lang ang worst section ang narito kung hindi pati na rin ang star section pati si Kuya Eziel. Nanlaki ang mata ko ng magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"K-kuya. . ." Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Tsk," aniya.

Pumunta kami sa gawi nila at iniwasan ang mga tauhang wala ng malay. Ang iba ay may nilalabanan pang mga kalaban pero pagkaraan ng ilang minuto ay bagsak na ang lahat. Hindi ako makapaniwalang ganito karami ang tauhan ni Arman. Mas madami pa sa tauhan ng kapatid niyang si Arllu pero napatumba sila lahat ng ganoon na lang ng buong worst at star section.

"Ayos ka lang Rue?" Tanong ni Gavin sa 'kin. Una kong napansin ang sugo sa pisngi niya.

"Ako dapat ang magtatanong niyan. Tabi. Ako ang boyfriend," diing sabi niya sa huling salita. Hinawi siya ni Z kaya napalayo si Gavin sa 'kin.

Natawa ako sa inasta niya. Hanggang ngayon ba nagseselos pa rin siya kay Gav?

"Are you okay babe?" Aniya at kinuha ako kay Owen. Inalalalayan niya ako at napansin ang paa kong namamaga. Gusto ko pa sanang itago pero nakita niya na, e. Ano pa ang magiging silbi no'n? "D*mn, bakit naging ganito 'to?" Patungkol nito sa paa ko at masamang tiningnan si Owen. "Pinabayaan mo siya?"

Naalarma ako at agad na nagsalita. "Hindi niya kasalanan 'to, Z. Niligtas pa nga ako ni Owen. Don't blame him, will you?"

"Tsk." Aniya.

Ayan na naman, nagsusungit. Kaya para mawala 'yon ay ginalikan ko siya sa pisngi. Mukhang hindi niya 'yon inasahan at napatulalang napahawak sa pisngi.

"Ahemmmm!"

"Wooooh!"

"Sakit naman ng lalamunan ko! Ehem!"

"Walang foreverrrr!"

"Sana all!"

Natawa ako nang makitang namula si Z.

"Rue!" Napapikit ako nang dumagundong ang boses ni Kuya Eziel sa abandunadong bahay na 'to.

Lagot! Nakalimutang kong nandito pala siya. Huling-huli talaga ako sa akto. Tang na juice! Hindi ka talaga nag-iisip Rue.

"Hindi pa ito ang tamang oras para magsaya!" Biglang sigaw ng kung sino.

Napatigil kami kasabay nang paglingon sa deriksyon sa kung saan kami nangngaling ni Owen kanina. Nakatayo si Paige hawak-hawak ang baril. Sabog ang buhok nito, aiguro ay dulot nang pagsasabunutan nila ni Cazzy. Sh*t! Si Cazzandra!  Kahit naiinis ako sa babaeng 'yon ay may paki naman ako 'no.

Pumunta sa unahan ko si Z at tinago ako sa likod nito. Naalarma ang lahat ng tinutok nito ang baril sa gawi namin ni Z.

"Paige!" Sigaw ni Hiro sa kanya.

Tila natigilan si Paige nang marinig ang boses ni Hiro pero ilang segundo lang iyon. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon pero nahuli ko miamo sa mata nito ang kislap nang makita si Hiro at kalungkutan.

Tinutok nito ang baril kay Hiro kaya mas lalo akong kinabahan.

"Z! Si Hiro!" Napahawak ako sa braso niya. Napahigpit ang pagkakahawak sa braso niya.

"Stop this. Tama na Paige." Pakiusap sa kanya ni Hiro.

"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong masaktan!" Garalgal na sigaw ni Paige. Nanginginig na ang kamay nitong nakahawak sa baril na nakatutok kay Hiro.

Mula rito at kitang-kita ko ang pag-aalinlangan nito. Nanlaki ang mata ko nang humakbang papalapit si Hiro kay Paige.

"H-huwag kang lalapit! I'm w-warning you!" Babala sa kanya ni Paige pero hindi natinag si Hiro. Patuloy pa rin ito paghakbang papalapit kay Paige. Mas lalo tuloy akong nakahigpit ng hawak kay Z.

"Tama na Paige. Enough with your revenge. I understand you. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Stop this nonsense, please. I'm begging you."

"Huwag ka sabing lalapit!" Sigaw niya at pinaputok ang baril.

Napatakip ako sa bibig nang may dumaloy na dugo sa braso ni Hiro. Mukhang nagulat si Paige sa nagawa noya kaya nanginginig niyang nabitawan ang baril at napaupo sa sahig sapo ang bibig.

"I-Im s-s-o s-sorry, Hiro," utal na aniya at napahagulgol.

Hindi ko makita ang ekspresyon ni Hiro mula rito dahil nakatalikod ito sa gawi namin. Hawak-hawak nito ang brasong natamaan 'saka naglakad patungon sa humahagulgol na Paige. Lumuhod siya at may ibinulong sa kanya na mas ikinahagulgol ni Paige.Hindi ko na narinig ang sinabi niya kay Paige pagkatapos no'n.

Napaupo na lang ako sa lapag dulot ng kabang naramdaman kani-kanina lang.

"Babe, okay ka lang ba talaga?" tanong niya.

"Oo! Kita mo nga oh nakakkatayo pa ako 'no!" Tumayo na ako pero hindi ko namang inasahang masasagi ng isang kahoy ang paang may bali kaya napasigaw ako sa sakit. Matutumba na sana ako pero nasalo naman ako ni Z.

"Ito pala ang okay sa 'yo? Tsk." Umiling siya at walang pag-aalinlangan akong binuhat in a bridal's way.

"Hoy!" Sigaw ko. "Nakakahiya. . ." bulong ko.

Hindi niya ako pinansin at ngumisi. Nahagip pa ng mata ko ang masamang tingin sa 'kin ni Kuya Eziel kaya napatago na lang ako sa braso ni Z. Tumawa lang siya habang naglakad papalabas ng abandunadong building na 'yon.

I guess, it ended up in an unexpected way.









A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top