CHAPTER 56

Chapter 56: Pull the trigger

Rue



KANINA ay hawak-hawak ko na si Paige ngunit sa isang iglap lang ay bumaliktad ang sitwasyon. Siya na ngayon ang may hawak sa 'kin at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg.  Napatumba na ni Owen ang mga tauhan ni Arman at naging si Arman na lang ang kalaban nito.

Tsk! Kainis!

"Mamahalin ka pa kaya ni Zinnon kapag ginilitan kita ng leeg?" Humalkhak siya.

"Ikaw? Mamahalin ka pa ba ng ibang tao kung nalaman niyang nakapatay ka?" Ako naman ang ngumisi nang mag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Natigilan siya sandali na animo'y may iniisip.

"Shut up!" singhal nito. Napikon ko yata ang ahas. Baka bigla akong lingkisan nito, well, nakalingkis na nga pala ang kamay nito sa leeg ko.

I smirked. "Mamahalin ka pa kaya ng taong magmamahal sa 'yo kung makakapatay ka ngayon?"

"I said shut up! You bitch!" Sinabunutan niya ako at mas idiin pa ang ng gusto ang kutsilyo sa leeg ko. Naramdaman ko ang lamig ng bakal na 'yon na ngayon ay humihiwa na ng konti sa balat ko.

"Rue!" Sigaw ni Owen. Napatigin ako sa gawi niya. Sinasalag ang patalim na hawak ni Arman.

"Huwag ako ang  inaalala mo! Kaya ko ang sarili ko!" Singhal ko. Imbis na mag-focus siya sa kaaway niya ay sa akin pa nakatingin. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ang maramdamang nagiging pabigat ako.

Tumawa si Owen ng konti. "Ah. . . kaya pala hindi ka na makagalaw d'yan," anito.

Naningkit ang mga mata ko. Inaasar ba ako nito? Pwes, nakakainis siya! Nakuha niya pang mang-asar sa sitwasyon namin 'to? Ano pa nga ba ang aasahan kay Owen?

"Pareho lang tayo! H'wag kang ano!" Sigaw ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at tumango. Sabay naming tinadyakan ang kalaban at inikot ang mga kamay nila para mabitawan ang patalim na nakatutok sa 'min.

Matapos na makawala sa kamay ni Paige ay umatras ako hanggang sa magkabanggan kami ng likod ni Owen.

"Nice. Hindi ka pala bakla," pang-aasar ko.

"Sa gwapo kong 'to hindi kakayahin ang Arman na 'yan? Asa!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Nahawa ka na talaga kay Cyril!"

"Parang gano'n na nga!"

Sabay kaming natawa pero natigil agad 'yon. Nabalot ulit ng tensyon ang paligid namin. Hinanda ko ang sarili sa anumang gagawin ni Paige sa 'kin. Tumayo na siya hawak-hawak ang kanang braso na pinilipit ko. Nanlisik ang mata nito dahil sa ginawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang pangit niya pa lang magalit.

"I will kill you bitch! Akin lang si Zinnon!" Sigaw niya at nilabas ang baril. Nanlaki ang mata ko nang itinutok nito sa 'kin. "Naiinis talaga ako sa pagmumukha mong 'yan!"

I wonder kung ano ang nararamdaman nito nang sa bahay namin siya nanunuluyan. Baka piniprito na nito ako ng buhay sa isip niya.

Hindi ako makapagsalita dahil baka kapag may lumabas na hindi kaaya-aya sa bibig ko, e, baka kalabitin nito ang gatilyo at mapahamak pati si Owen.

Dahil na rin sa sitwasyon ay napagmasdan ko ang kabuunan nito. Hindi talagang maipagkakaila ang ganda niya. She even cut her hair pero nababagay pa rin iyon sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang kunis at kaputian nito noong una ko siyang nakita. Ang pagkakaiba nga lang ay parang ibang Paige na ngayon ang kaharap ko. Kinain na ng puot at inggit ang sistema nito.

Hindi ko talaga alam ang totoong pinanggagalingan ng inggit na iyon pero nararamdam ko ito ngayon sa kanya. Inggit dahil nasa akin si Z? Na ako ang minahal nito? 'Yon ba? Napalunok ako at nagsalita.

"Wala akong ginagawa sa 'yo Paige. Alam mo 'yan," kalmada kong sabi.

"Wala? Wala ha? Kinuha mo ang atensyon nila sa 'kin! Ni Zinnon! Ni Eziel! Ni Hiro! Dahil sa 'yo hindi na ako kayang tanggapin ni Z! Hindi niya na ako mahal!"

"Ikaw ang nang-iwan at nanloko sa tatlo noon kaya nagkasiraan sila, baka nakakalimutan mo!" Owen shouted with anger.

Napatigil ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit. Owen was like a clown in our section. He's always laughing and cracking some jokes just to make us smile or laugh. I never imagined that Owen will be like this. Oo, naiinis siya minsan sa mga kaklase ko o sa amin pero sisimangot lang 'yon at babalik na ulit sa dati nitong pag-uugali.

"Niloko mo sila! Iniwan! Kaya ano ang aasahan mo sa kanila? Na lapitan ka at aluhin? Sinaktan mo silang lahat, kulang pa ba ang ginawa mong 'yon?" Seryosong sabi ni Owen.

Napatingin ako sa kalaban niya—kay Arman. Bigla itong tumakbo sa labas kaya naiwan na lang kami rito. Napabalik ulit ang tingin ko kay Paige. Nanginginig ang kamay nito habang hinahawakan ang baril na nakatutok sa amin. Bigla akong itinago  ni Owen sa likod niya.

"Wala akong naririnig! Shut up! Shut up!" Napatakip siya sa tenga niya at iniling ang ulo. Napaatras kami ni Owen ng ibinalik niya ang tingin sa 'min na may nanlilisik na mata at walang alinlangang tinutok ang baril sa 'min. "Si Eziel! Pinatuloy niya ako sa bahay nila! Importante ako sa kanya!"

"Tsk. Pinatuloy ka dahil gusto niyang malaman ang plano mo. 'Yon lang," sabi ni Owen.

Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala mas pinapaboran niya ang babaeng 'yon para maniwala siya na nakuha na nito ang loob ng kuya ko. Lahat ng inis ko noon kay Kuya Eziel ay kasama sa plano niya. Para mas maniwala si Paige na nasa side niya ang kuya ko.

Para pala akong tanga! Kainis! Bakit hindi ko naiisip 'yon noon? Nagpadala ako sa inis at selos! Tang na juice! Parang nawalan ng saysay ang mga tampo ko noon.

"I hate all of you! Users! Manloloko!" sigaw niya sa 'min.

Napataas ako ng kilay. Siya pa ang may ganang magsabi niyan sa amin ngayon? Kami pa ang manloloko? Wow! Kakabilib talaga ang babaeng 'to. Ayaw pang aminin ang mali, e. Pilit niya pa rin talagang pinagpipilitan ang mga pinapaniwalaan.

Naging alerto kami nang kakalabitin na nito ang gatilyo. Tumibok ng husto ang puso ko at halos hindi na ako makapag-isip ng maayos. Mas lalo itong tumalon sa kaba dahil sa sumunod nitong ginawa. Parang naging mabagal ang oras ng ilang sandali bago kami makarinig ng putok ng baril.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top