CHAPTER 55
Chapter 55: Tanga ka ba?
Rue
LAGOT! Narinig kong lumapit ang ilan sa kanila sa pinagtataguan kong kabinet. Kasalanan ng alikabok na 'to,e! Kainis.
Hinintay kong buksan nila ang pinagtataguan ko pero makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin. Doon na ako magtaka. Umalis na ba sila? Nag-isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto ng kabinet na 'to o hindi. Pero, natagpuan ko na lang ang sarili ko na dahan-dahang ini-open ang kabinet at lumabas.
Kaya pala!
"Hello?" Kumaway pa ako animo'y kakilala ko silang lahat. Nasa gilid sila at inaabangan lang pala ang paglabas ko. Naisahan ako ro'n ah?
"Lumabas ka rin sa wakas!" Sabi ng isa sa kanila na patpatin naman. Lakas makapagsalita ah? Baka biglang mabuwal ang katawan niyan.
"Ay? Balik ba ulit ako ro'n?" pang-aasar ko sa kanila at tinuro ang pinagtaguan kong kabinet. "Taguan tayo?" dagdag ko pa.
"Aba't! Nakuha mo pang mang-alaska ha!" sabat ng isa.
"Hindi ako umiinom ng alaska, 'no!" depensa ko.
"Pilosopa ka ah?" inis na sabi ng patpatin na 'yon
"Hindi masyado?" patanong kong sabi at ngumisi.
Ilan ba sila? Matunog kong binilang silang lahat, hindi pinansin ang matalim nilang paninitig sa 'kin. Lima lang? Akala ko naman isang batalyon kanina. E, buong worst section nga napatumba ko noon. Wow! Nakuha mo pang magyabang Rue ah? Iba!
Sumugod bigla ang isa sa kanila. Sinipa ko 'yon sa mukha at tulog agad. Mabuti na lang at hindi nila kinuha sa pinaglalagyan ang mga baril nila. Mga isa't kalahating tanga rin ang mga 'to. Nalimutan ba nilang may mga armas sila?
One down!
Sumugod ang lalaking may dalang kahoy pero hindi sa 'kin nakadirektang nakatingin kundi sa tabi ko. Napatingin ako sa gilid dahil parang may kalaban yata siya na hindi ko nakikita. Nang mapansing wala namang tao sa tabi ko.at tangin ako lang ay natawa ako dahil parang duling yata 'to?
"Sino 'yong pinapatamaan mo?" Kinulbit ko siya.
"Ikaw malamang!" Sigaw niya. Hinampas niya ang katabi ko. "Kanina pa kira tinatamaan bakit parang hindi ka napupuruhan ha?" Inis niyang sabi.
"Gago! E, hindi naman siya ang pinapatamaan mo! Na saan ba ang salamin mo ha? Bobo!" Galit na sigaw ng patpatin na 'yon sa kaharap ko.
Bago pa makapagsalita 'yon ay sinuntok ko na. Isang suntok pa lang 'yon tapos tulog na? Ano ba 'yan!
Sumugod ng sabay ang dalawa sa 'kin. Nag-squat ako ng hahampasin niya na ako ng kahoy kaya imbis na ako ang dapat na patumvahin ay 'yong kasamahan niya ang natumba. Ang tanga naman ng mga 'to?
Natigilan siya ng makita ang kasamahang tulog na tulog sa sahig. Galit niya aking tiningnan. "Yaaah!" Sigaw niya at tinaas ang kahoy na ihahampas sa 'kin.
Dahil naka-squat ako, ay ginamit kong pantukod ang isa kong kamay at ginawa ang ultimate move ko. Sinipa ko ang ibon sa pagitan niya. Kusa niya nabitawan ang kahoy at namilipit sa sakit.
"Mga bobo! Walang kayong kwenta!" Sigaw ng patpatin na 'yon. Nanlaki ang mata ko nang tinutukan niya ako ng baril. Naestatwa ako bigla. Tang na juice! Baril pa rin 'yang hawak niya! Ayoko pang mamatay no!
Napataas ako ng kamay ng lumapit siya sa 'kin. "Huwag kang gagalaw kung hindi ipuputok ko 'to sa bungo mo!"
Hindi ko alam pero natatawa ako. Paano kung nakalabit niya ang gatilyo? Hindi ba siya tatalsik sa impact no'n?
"Bakit ka natatawa ha? Masaya ka bang mamatay?" Sigaw niya.
"Natatawa ako kasi may pulis sa likod mo oh!" Tinuro ang likod niya kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mfa mata niya at nilingon ang gawing itinuro ko.
Kinuha ko 'yong pagkakataon para mahampas ang baril na hawak niya kay tumalsik 'yon malapit sa pinto. Sinuntok ko siya sa mukha pero ako yata ang nasaktan. Na paaray pa ako! Ang sakit pa lang suntukin ng buto-buto na lang ano?
Hinipan ko ang kamay at hahanda na sanang ambahan siya nang suntok pero nagulat ako dahil wala nang malay ito. Napalakas 'ata ang suntok ko? Baka nakalas 'yong mga internal organs nito.
Umalis na ako ro'n at pumunta na sa taas. Paika-ika ulit akong naglakad. Tsk!
Sinilip ko kung may mga tauhan ba ni Paige ang daanan pero wala akong nakita kahit na isa. Sinundan ko lang kung saan nanggagaling ang boses at dinala ako no'n sa isang bakal na pintuan.
"Ano ba ang kailangan mo?!" Rinig kong sigaw ni Owen. Napatakip ako ng bibig ng bigla aiyang sumigaw. "Argh! Wala akong alam!"
"Na saan siya ha? Na saan?" Galit na galit na sigaw sa kanya ni Paige. "Hindi ka talaga sasagot?"
Biglang sumigaw ulit si Owen. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa kanya dahil nakasara masyado ang pintuang 'to. Tanging mga usapan lang nila ang naririnig ko.
"Wala na siya rito! Nakaalis na 'yon! Kaya. . .gawin niyo na ang gusto niyo sa 'kin!" Sigaw ni Owen.
Magpapalinga-linga sana ako nang may maramdamang malamig na bakal na nakatutok sa sentido ko. Lumitaw ang isang malaking lalaki at ngumisi, sumilip tuloy ang dalawang ginto nitong ngipin.
Nangunot ang noo ko ng magtagpo ang mga mata namin. Si Arman!
"Nagkita tayong muli," ngising sabi niya.
Nainis ako dahil sobrang lapiy ng mukha namin na ultimo paghinga niya ay amoy na amoy ko na. Nakasusulasok! Tang na juice!
Napatingin ako sa kutsilyo na nakaipit sa bulsa niya at binalik sa mukha niya. Mas lalo siyang ngumisi. Parang nababatid ang plano ko.
"Huwag mo nang subukan ang binabalak mo dahil wala kang laban," pagkasabi niya no'n ay naglabasan sa likod niya ang mga taong binugbog ko kanina at ang iba pa.
P*nyeta ang dami nila!
Binuksan ng isa sa kanila ang pinto kaya naglikha 'yon ng nakakangilong tunog dulot ng pagtama nito sa semento. Napalingon si Paige sa gawi namin at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko dahil sa itsura ni Owen.
Ang daming dugo ng mukha niya at nakapikit na ang isang mata. Putok ang mga labi ngunit hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya. Nagtagpo ang mga mata namin at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita ako na nasa harap niya at hawak-hawak ng mga tauhan ni Paige.
"Tanga ka ba talaga Rue?" Bungad niya sa 'kin.
Ouch! Makatanga ang isang 'to. Hindi man lang nagpasalamat dahil binalikan ko. Napasimangot ako sa kanya.
"Ikaw na nga ang tinulungan, tapos ganito pa ang sasabihin mo!" Inis kong sabi.
"Tanga mo talaga! Nagpabugbog na ako't lahat tapos babalik-balik ka rito? Tsk! Patay ako nito kay Zinnon!" Bulong nito pero rinig na rinig ko naman.
"Ano pa ba ang magagawa ko? E, nandito na ako e. Pasalamat ka binalikan kita."
"Tsk. Rue is Rue." Umiling siya.
"Ah!" Napasigaw ako nang tinulak ako kaya hindi ako nakapaghanda. Naitukod ko ang baling paa kaya napasalampak agad ako sa semento.
"T*ngina niyo! Hiwag niyong gagalawin si Rue!" Sigaw ni Owen sa kanila.
Humalhak si Paige at pumunta sa gawi ko. Dahil nakasalampak sa semento ay unan kong nakita ang itim nitong heels. Napatingala ako ngunit mali yata ang ginawa ko. Sinipa niya ang mukha ko.
"Ikaw na malandi ka!" Sinipa niya ulit ako pero sa tyan na ang puntirya nito.
"Rue!" Owen shouted.
"O-okay lang a-ako Wen," utal kong sabi. Pinilit kong tumayo. Dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ko at sinipa ulit ako ni Paige.
Napaubo ako dahil do'n. Dahil sa sipa niya ay napalapit ako kay Owen kung na saan siya. Napatingin ako sa likod niya at napangisi. Hindi pala nila napansing nakalas na ni Owen ang tali nila. Palihim akong napalingon sa kanya. Nagpalitan kami ng makahulugan tingin.
Biglang lumitaw ang humahangos na si Cazzy the pusa kay Paige at nakarinig kami ng mga putukan ng baril sa baba.
"Paige! Ang dami nila!" Sigaw ni Cazzy.
"Sino?" Takang tanong ni Paige sa kanya.
"Ang dami nilaaaa! I don't want to be in jail! Oh my gosh!" Tarantang ani Cazzy at napatingin sa 'kin.
"Sino nga sabi?!" Pagalit na tanong ulit ni Paige pero hindi siya nito pinansin.
Lumapit si Cazzy sa 'kin at inalalayan para makatayo.
"What are doing Cazzandra?" Taas kilay na wika ni Paige.
"You told me na kunin lang siya! Wala sa usapang sasaktan mo ng ganito Paige!" Sigaw ni Cazzy sa kanya.
Natigilan ako at napakunot ng noo. Bakit ako tinutulungan ni Cazzy? Napatulala lang ako sa kanya, tinitimbang kung totoo ba itong pinapakita niyang kilos.
Humalakhak si Paige. "Usapan? Hmm. . . wala akong maalala. Ah! Obligasyon mong kunin siya dahil papatayin ko 'yang babaeng 'yan!" Tumawa na naman siya na parang nasisiraan na ng bait. Itinutok niya ang baril sa amin.
Nakarinig ulit kami ng putukan sa baba. Pinapunta na ni Arman ang ibang tauhan niya sa baba. Pagkaraam ng ilang minuto ay may isang tauhan na duguan ang iniluwa ng pinto.
"B-boss. . . a-ang dami. . . Z-zinnon," utal na sabi nito at bumagsak na.
Zinnon? Nabuhayan ako ng loob at nagkatinginan kami ni Owen. Kinuha namin ang pagkakataong 'yon para sabay na sumugod. Siya ay kina Arman at ako naman ay kay Paige.
Inikot ko amg kamay niya para mabitawan ang baril na hawak at nabitawan naman nito.
"You, bitch!" inis niyang sabi at nanlaban.
"Ahh!" Napasigaw ako ng apakan niya ang paa kong namamaga na. Sh*t! Ininda ko 'yon pero parang hindi ko na yata kaya. Sobrang sakit!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top