CHAPTER 54
Chapter 54: Tanga
Rue
KAHIT anong pilit kong bilisan ang paglalakad ay tanaw na tanaw ko pa rin ang abandunadong bahay kung saan kami nagising ni Owen. Hingal na hingal akong napaupo. Bakit parang hindi naman yata ako umuusad? Kainis 'tong bali sa paa ko.
Rue, this is not the right time for resting! Get up!
"Ah! Tang na juice!" Pinilit kong makatayo pero parang mas lalo yatang sumasakit ang paa ko sa pagdaan ng mga oras. Hawak-hawak ko ang paa nang mapalingon ako sa abandunadong bahay na 'yon. Napatigil ako nang marinig ang isang putok ng baril. Unang rumehistro sa isip ko si Owen.
Nagpapalit-palit ako ng tingin sa daang tatahakin ko para makahingi ng tulong o sa lugar kung na saan si Owen. Walang ano-ano'y tumakbo ako patungo sa direksyon ng abundunadong bahay.
Hindi ko ininda ang matinding sakit sa paa ko. Tila namanhid iyon dahil ang tanging iniisip ko ay si Owen. Siya lang ang laman ng isip ko na ultimo sakit ay hindi na inisip at naiwaksi sa nararamdaman ko.
Owen, please be safe!
Nakarinig ulit ako ng putok ng baril kaya napatigil ako. Hindi magkandamayaw ang tibok ng puso ngayon. Mas lalo akong kinabahan sa ikalawang putok na 'yon.
Napatago ako bigla ng may matanaw na paparating na isang lalaki. Sinilip at pinag-aralan ko muna ang kabuan nito. May maliit na kutsilyong nakaipit sa bewang nito, nakaitim din at takip na takip ang mukha katulad ng binagsakan ko kaninang lalaki.
Hinanda ko ang sarili nang malapit na ito sa kinaroroonan ko. Mukhang hindi nakatunog ang isang 'to dahil mga ilang sentemetro nang nakalampas siya sa pinagtataguan ko. Mabilis kong hinampas ng kahoy ang ulo nito at sinuntok. Bagsak agad.
Paika-ika ulit akong nagpatuloy sa paglakad na tangung armas na dala ay isang makapal na kahoy. Ngunit may paparating na naman na dalawang nag-uusap na lalaki. Napatago ako sa mga yero na malapit lang sa kinaroroonan ko at doon sila hinintay.
"Na saan na ba si Boss Arman?"
Arman? Napaisip ako sa pangalang iyon. Ah! Siya 'yong kapatid ni Arllu!
"Maya maya ay nandito na 'yon."
"Nakakairita talaga ang babaeng 'yon. Ano nga ang pangalan niya? Ah Paige! Makaasta parang boss lang natin ah?"
"Hinaan mo 'yong boses mo. Baka nakakalimutan mong binayaran niya tayo ng double. Tayo ang malilintikan kapag narinig niya na pinag-uusapan natin siya!"
No doubt. Kaya pala ang daming tauhan dahil ginamit ang pera. Tsk! Ano na naman ba ang plano ng ahas na 'yon? Ang sarap niyang ilibing ng buhay.
"Takot ka ba sa babaeng 'yon? Pera lang naman ang mayroon sa kanya at hindi lakas!"
"Bahala ka!"
Nilagpasan ulit ako nila kaya mabilis akong napalabas at hinampas ang isa sa kanila. Natumba iyon sapo ang ulo kung saan ko natamaan. Sinuntok ako ng kasama niya pero nakailag ako at tinuhod ang ibon niya sa pagitan ng mga hita. Namilipit siya sa sakit.
Tumayo ang isa at inambahan ako ng suntok pero nasalag ko lang. Umiwas ulit ako sa paparating na suntok. Napadaing ako ng hindi sadyang naapakan niya ang paa kong may bali.
"King*na mong hayop ka! Sa dinami-rami ng maapakan mo d'yan mo pa talaga napilali ah!" Gigil ko siyang sinuntok. Hinawakan ko ang buhok nito at malakas na inihampas ang ulo sa pader.
'Yan ang napapala nang tumatapak ng paa ng iba!
Sunod kong hinarap ang tinuhod ko sa pinakaingat-ingatan nitong ibon.
"Walangyang babae ka!" Sinugod niya ako at pinaulanan ng suntok. Umiwas lang ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Na-corner niya ako!
Nang susuntok na nasa siya ay tinuhod ko ulit. Naawa ako sa mga future anak nito, mukhang hindi makakabuo nang dahil sa kagagawan ko. Well,serves him right. Mali kayo ng kinampihan. Sinuntok ko siya at tulog agad. Weak naman!
Tinapunan ko sila nang tingin bago umalis. Baka makita pa ako rito. Dahan-dahan akong napapahakbang dahil may mga yero sa daanan. Tunog ng mga nayuyupong yero ang tanging naririnig. Walang kahit anong ingay rito sa ilalim. Tama nga siguro ang hinala ko na nandoon sila lahat sa ikalawang palapag ng abadunadong bahay na ito.
Naging alerto ako ng marinig ang nagtatawanang mga kalalakihan. Napapasok ako sa isang kwarto dahil napakarami nila. I can't beat them all. Lalong-lalo na ngayon at hindi ko magagamit ang isa kong paa dulot nang maling pagbagsak ko kanina.
Napatago ako sa likod ng pinto. Gamit ang maliit na siwang ay sinilip ko sila. Kitang-kita mula rito ang pagbaba nila sa second floor. Mga lalaking nakaitim at takip na takip ang mga mukha. Armado ang iilan sa kanila, hindi kagaya nang nakalaban ko kanina na tanging kutsilyo lang ang dala.
"Teka lang may kukunin lang ako rito," natatawang sabi ng kasamahan nila.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong dito ang tinutukoy nito. Napaatras ako at tarantang naghanap ng mapagtataguan. Hindi ako pwdeng mahuli rito. Pero, nakakainis lang! Parang pinaglalaruan yata ako ngayon. May naapakan akong yero kaya gumawa iyon ng ingay. Napapikit ako dahil hindi ko napansin 'yon.
Ang sarap mong bugbugin, Rue! Tang na juice naman! Katangahan e!
Narinig kong napatahimik ang mga 'yon sa labas. Sigurado akong narinig nila 'yon. Hindi naman sila tanga katulad ko no! Rue naman kasi, e!
"Sino ang nand'yan?" seryosong sabi ng isa sa kanila.
Hindi ko sila sinagot at pinagpatuloy ang paghahanap ng matataguan. Alangan namang sagutin ko sila, edi nahuli pa ako.
"Ulol! Sinong magsasalita kung mahuhuli lang naman? Hindi ka nag-iisip!" Sigaw na kanya.
Pinigilan kong matawa. Hindi pala ako nag-iisa. May nakita akong kabinet kaya agad akong pumasok doon. Hindi kalakihan ang isang 'yon pero sakto na para magkasya ako.
Matapos kong makapagtago ay siya namang pagsira nila ng pinto.
"Hanapin niyo!" sigaw ng isa sa kanila.
Mga yabag nilang paroo't parito ang tanging naririnig ko. Sige lang hanapin niyo ko. Tanga niyo!
"Wala, e. Mukhang pusa lang yata."
"Anong pusa? May pusa bang sobrang laki na nayuyupi ang yero? Hunghang! Na saan ang utak mo ha?!"
Tinakpan ko ang bibig. I want to laugh as hard as I could. Bentang-benta sa 'kin ang pusa. Galing! Pero bwisit. Pi igilan ko ngang matawa pero 'yong alikabok na nasa kabinet ay hindi nagpapigil na sumuot sa ilong ko!
"Hatching!" Napatakip agad ako sa bibig. Sinabunutan ko ang sarili. Bakit ba kasi nagawa ang ilong? Grr.
I'm doomed!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top